(Blue)
SIX MONTHS LATER…
Ibinaba ni Ikay ang pangatlong banyera ng isda sa maputik na daan sa palengke, bago nagpahid ng pawis sa noo at tumuwid ng tayo. Tumingin sa matandang babaeng nasa harapan niya at may masuyong ngiti sa mga labing pinagmamasdan siya. “Aling Baby ito na po ang pangatlo. Mga tilapya po iyan. Last na po iyan sa mga order niyo. Ang dami naman nito, ano po bang ginagawa niyo sa mga isda?” medyo nilakasan niya ang boses dahil sa maingay sa loob ng palengke. Hindi na halos magkarinigan ang mga customers at mga tindera. Malapit rin ang pwesto niya sa sakayan ng jeep at mga tricycle, kaya halos sumigaw na siya sa mga customers niya.
Suki na niya si Aling Baby. Buwan-buwan itong umo-order ng isda sa kaniya, kaya malaki na rin ang ibinibigay niyang discount dito. Napakabait ng matandang babae. Ito ang tumulong sa kaniya na mabili ang pwestong iyon sa palengke.
Bukod sa tindahan niya na si Ate Laarni ang nagbabantay ay nabili niya ang pwestong iyon sa mababang presyo. Malaki ang nagiging kita niya sa pagbebenta ng isda. Lapitin kasi ng tao ang pwesto niya at wala pang gaanong nagbebenta. Mababait din ang mga kasama niya sa palengke kaya naman nag-eenjoy siya sa trabaho niya.
Six months na siyang tindera ng isda sa bagong renovate na Muntinlupa Market. Hindi na muna siya nag-aral ng college dahil nangako siya kay Erin na sabay silang mag-aaral nito kapag nakasunod na siya sa Norway. Matinding pagtatalo rin ang nangyari sa pagitan nila ng Daddy niya dahil ayaw na siya nitong muling bumalik pa sa lugar na ito. Pero determinado siyang gawin ang gusto niya. Hindi na rin ito nagpilit na ang Mommy na niya ang kumausap dito.
Ngayon na nandito na siya sa kaniyang hometown, magaan ang pakiramdam niya. Muli din niyang nakasama ang dati na niyang mga kaibigan. At kinukulit niya ang mga ito na kailangan pa niya ng ibang trabaho bukod sa pagiging tindera. Naisip niya kasing mas makakaipon siya ng pera kung marami ang maging trabaho niya. Pero pinag-iisipan pa ng mga friends niya iyon. Hindi kasi gusto ng mga ito ang pagiging workaholic niya. Hindi naman niya kasi masabi sa mga ito ang dahilan kung bakit kailangan niya ng maraming trabaho. Tiyak na hahaba lang ang usapan nila.
Kina Bench-kababata niya- muna siya nakikituloy dahil wala pa siyang mahanap na maayus-ayos na apartment hanggang ngayon. Malapit lang ang bahay nito sa palengke kaya hindi na niya kailangan pa ng sasakyan sa pagkuha at pagdadala ng mga isda niya.
“Darating na kasi ang anak kong galing Saudi, mga isda kasi ang gusto niyang ihanda ko kaya heto at hindi ako magkandatuto sa pagbili ng mga isdang paborito ni Gerardo ko.” Nakangiti nitong sagot sa kaniya pagkatapos ay inabutan siya ng pera na agad niyang isinilid sa bulsa ng apron na suot.
Doon lang niya naalalang malapit na palang umuwi si Will. Almost six months nang nasa Japan ang kasintahan. Nagpunta ito para bisitahin ang mga magulang nitong sa Japan na nanirahan dahil sa pag-aasikaso sa negosyo. Ngayon na malapit ng umuwi si Will, nasasabik siya. Miss na miss na niya ang kasintahan. Kamusta na kaya ito? Sana naman ayos lang ito. Matagal na rin niyang hindi nakakausap si Will. Ang sabi niya kasi ay hindi niya ito iistorbuhin at mag-enjoy lang sa Japan basta huwag lang nitong malilimutan ang pasalubong niyang anime manga.
Napatawa siya, isip bata pa rin talaga siya. Ano naman kayang pwede niyang ibigay dito? Napangiwi siya ng may maalala. Bibili nga pala siya ng cologne niya. Ubos na nga pala iyon. Inamoy niya ang collar ng suot niyang T-shirt. Amoy isda na siya. Magustuhan pa kaya siya ni Will kung amoy isda na siya forever? Natatawa siya sa naiisip. Muling nagpahid ng pawis sa noo. Nawala ang pagod niya ng maalala si Will.
“Binayaran ko na rin ng buo ang order ko. Huwag mo na ‘kong bawasan, alam ko naman na kailangan mo ng pera.” hinaplos pa ang buhok niya. “Para na rin naman kitang anak.”
Ngumiti siya at masuyong hinawakan ang isang kamay ng matanda. “Salamat po, Aling Baby.” bago muling binuhat ang banyera at nagpatiuna ng naglakad sa matanda. “Ilalagay ko na po ito sa sasakyan niyo.”
“Aba eh wala bang tutulong sa’yong magbuhat niyan? Mabigat iyan Ineng.” May pag-aalala sa tinig ng matanda. Hindi magkandatuto kung paano siya tutulungan.
“Sanay na po ako Aling Baby.” nakangiti niyang sabi sa matanda. Alam niyang hindi ito natutuwa kapag ganoon siya, sa liit niya kasing iyon, nagbubuhat siya ng mas malaki pa sa kaniya at mas mabigat pa.
“Ako, hindi sanay na nakikita kang nagbubuhat.” Si Kuya Guiller. Ang number one crush niya sa palengke. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot at nakakaasar lang dahil sanay din itong alaskahin siya katulad ng mga barkada niya. Inagaw nito sa kaniya ang banyera at walang anumang binuhat at isinampa sa matipunong balikat nito. ” Huwag kang humarang sa lalakaran ko.”
“Ang sungit mo naman, crush. Siguro hindi kana naman pinansin ng pinsan ko ‘no?” nang-aasar niyang tanong. Halata naman niyang may gusto ito sa pinsan niyang si Ate Laarni, ayaw lang umamin.
Umiwas ito ng tingin sa kaniya at nagtuloy sa paglakad. Nagkibit-balikat siya. Bakit kaya ang daming torpe sa mundo? natatawa niyang tanong sa sarili. Naalala niya ang ginawang pagtatapat kay Will. Kung hindi pa siya ang magtapat, hindi niya malalaman na mahal din pala siya ng loko. parang kahapon lang iyon nangyari dahil kinikilig pa rin siya kapag naalala niya ang pangyayaring iyon.
“Hindi pa kasi umamin ‘tong si Guiller na may pagsinta siya kay Laarni. Kitang-kita naman sa kaniya.” pakikisakay ni Aling Baby at may kabuntot pang nang-iinis na tawa habang nakasunod sa kanila. Sobrang kalog at friendly ang matanda kaya naman naging malapit ito sa kaniya.
“Alam niyo kasi Aling Baby, mahirap magtapat kung tunay ang pagsinta.” napahagikgik siya sa pagtalim ng mga mata ni Kuya Guiller. “Nakakakaba at lahat ng senses niyo magwawala, ‘di ba Kuya Guiller?” Alexander ang totoo nitong pangalan pero tinawag niya itong Guiller dahil may hawig ito sa isang action star na Guiller ang pangalan sa movie na pinanood niya.
Namula ang mukha nito kaya naghagalpakan sila ng tawa ni Aling Baby.
Magaganda rin ang mga mata ni Kuya Guiller kaya naman naging crush niya ito. Pero mas magaganda pa rin ang mga mata ni Will. Lihim siyang nangingiti, wala na siyang ginawa kung hindi ikumpara ang kasintahan sa mga lalaking may magagandang mata. Palagi niyang sinasabi na si Will at si Will pa rin ang number one para sa kaniya. Naloloka na siyang talaga!
Gumanti sila ng kaway kay Aling Baby ng makaalis na ang inarkila nitong owner type jeep bago siya muling pumasok sa loob ng palengke kasunod si Kuya Guiller.
“Magkano ang kita ngayon?” tanong nito at inalalayan siya sa paglalakad, alam kasi nitong lampahin siya.
“Medyo malaki ngayon.” nakangiti niyang sagot. Hinablot ang maliit na towel na nakasabit sa leeg nito at inilagay sa likod ng leeg niya bago humawak sa magkabilang dulo niyon. “Halos maubos ang isda ko. Salamat Kuya Guiller ha.”
Malaki rin ang pasasalamat niya rito dahil nagkaroon siya ng mapagkukuhanan ng mga isda. May mga kaibigan itong mangingisda at madaling araw palang umaalis na ito para makakuha ng mga sariwang isdang pwede niyang ibenta. Mahusay ito sa negosyo kaya hindi siya nag-atubili na magpatulong dito. Tiyak na matutuwa si Will kapag naikwento niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng anim na buwan. Matutuwa rin tiyak si Erin dahil masusundan na niya ito na mas maaga pa sa tatlong taon na ipinangako niya. Nawawala ang lahat ng worries niya maisip lang niya ang dalawang ito.
“You’re welcome, bulingit.” Pinisil pa nito ang pisngi niya at natatawang inakbayan siya. “Kamusta na nga pala kayo ni Will?”
Naikwento niya dito ang relasyon nila ni Will. Nung una ay tawa ito ng tawa dahil luka-loka daw siya na siya pa ang nagtapat sa lalaki. Ang sabi niya kung si Will ang hihintayin niya ay magagaya lamang siya kay Ate Laarni na hanggang ngayon beinte-otso na hindi pa rin nagkaka-boyfriend.
“Hindi pa siya tumatawag sa akin, Pero ang alam ko malapit na siyang umuwi. Kuya, ano kayang pwede kong ibigay sa kaniya?” Nasasabik na siyang makita ito. Ano na kaya ang hitsura nito? Siguro lalo itong naging gwapo. Napangiti siya.
“Ayun, ngiting-ngiti na naman siya. Naalala na naman niya si Will.” nanunukso ang tinig nito kaya naman pinamulahan siya ng mukha.
“Hindi ah.” tanggi niya. Ipinatong ang mga kamay sa bakanteng pwesto at patalon na naupo. Nginitian niya ang tindero at bahagyang sumilip sa mainit-init pang mais na nakalagay sa isang kaing na nakapatong sa mesa sa kabilang pwesto. “Manong, pabili nga po ng dalawang mais. ” patalon na bumaba sa kinauupuan at pinuntahan ang tindero. Mas gusto niya ang mais na galing sa lutuan.
“Kuya Guiller gusto mo ng mais?” baling niyang tanong sa lalaki pero ni hindi yata siya nito napapansin dahil nakatingin ito sa babaing nagmamadaling maglakad papunta sa direksyon nila.
“Ayun oh, nawawala na naman siya sa sarili niya oh, kasi nakita na naman niya si Ate Laarni eh.” nanunukso niyang sabi.
Nakatanggap siya ng mahinang batok dito ng makalapit sa kaniya. Pagsasabihan niya sana ito ng mabilis na ibigay sa kaniya ni Ate Laarni ang cellphone. Hindi ito makapagsalita ng maayos, natataranta nitong itinuturo ang cellphone. Napatingin siya at tuwang-tuwang sinagot ang cellphone ng makitang si Will ang caller.
“Will, kamusta ka na? Miss na miss na kita. Uuwi kana ba?” agad niyang sabi. hindi niya mapigilan ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Ganoon na lamang kasi ang tuwa niya na muling marinig ang tinig ng kasintahan.
Nakangiti ang dalawa sa kaniya at naghihintay ng ibabalita niya. Ini-end call niya at walang salitang ibinigay sa pinsan ang cellphone. Nawala ang ngiti ng mga ito ng makitang naglandas ang munting luha sa mga pisngi niya.
“Bulingit, what’s wrong?” Agad ang pagyakap ni Kuya Guiller sa kaniya ng makitang matutumba siya.
Hindi niya gustong makaramdam ngayon ng kahit na ano. Ang gusto lamang niya ay makita si Will at sabihin dito kung gaano niya ito kamahal. Lumalatay ang sakit sa puso niya sa mga salitang natanggap niya mula kay Will. Bakit nagawa ni Will iyon? Wala siyang matandaan na nagawang kasalanan dito para saktan siya nito ng ganoon. Sunud-sunod ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Hindi siya halos makahinga sa sobrang sakit.
“Ikay, anong nangyari? bakit umiiyak ka ng ganyan?” ang pinsan niya, may pag-aalala sa tinig nito.
Kumawala siya sa mga yakap ni Kuya Guiller at tumingin sa pinsan niya. Hindi niya ito halos makita dahil sa hilam ng luha ang mga mata niya.
“Ate Laarni, ikaw na muna ang bahala sa tindahan. Kuya Guiller ikaw na muna sa pwesto ko.” napasigok siya sa pagpipigil ng iyak.
“Ano bang nangyari? Ano bang sabi sa’yo ni Will?” anang pinsan niya na hindi na rin maiwasang pangiliran ng luha ang mga mata.
“Pupunta ako ng Japan. Kakausapin ko si Will. Gusto ko siyang tanungin kung anong naging kasalanan ko at kung…” napapikit siya sa sobrang sakit na sumigid sa puso niya. “…kung bakit nasabi niyang hindi na niya ako mahal.” Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad at doon umiyak ng umiyak.
TWO YEARS LATER…
OKINAWA, JAPAN…
Agad ang pagyakap ni Cathy kay Will ng makababa sa stage ang huli kasabay ng palakpakan ng mga customers na masayang pinagmamasdan sila. Napangiti sa mga ito si Cathy at nanunukso pang kinintalan ng halik si Will sa mga labi sa pasigaw na request na rin ng mga customers.
Magkasunod na tikhim mula sa likuran ni Cathy ang nagpabaling ng tingin nito. Isang matabang babaeng haponesa ang nakangiti at nanunukso ang mga tingin. Ito ang may-ari ng bar and resto. Narito ngayon ang matandang babae dahil sa anibersayo nito at ng yumao nitong asawa.
“Goodevening Mrs. Murai. I told you, William is a great singer.” nasa tinig ni Cathy ang pagmamalaki kay Will na sinamahan pa nito ng matinis na tawa.
“Oh my! You really amazed me, my boy.”
Bahagyang ngiti lang ang isinagot ni Will sa papuri ni Mrs. Murai. Hindi na sana niya gustong humaba pa ang gabi niya sa bar na iyon pero dahil na rin kay Mrs. Murai ay hindi siya nakatanggi na manatili na muna sa bar at kumanta ng ilang songs na paborito ng matanda. Malaki ang utang na loob ng mga magulang niya dito at naging mabuti rin naman ito sa kaniya.
Isang pagkalalim-lalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napansin iyon ng dalawa kaya nahinto ang mga ito sa masayang pag-uusap.
“Are you feeling okay, William?” may pag-aalala sa tinig ng matandang babae. “You look pale and…sad.” idinugtong ang huling sinabi ng mahagip ng mga mata nito ang sakit na nakiraan sa mga mata ng binata.
“I’m fine, Mrs. Murai. Just tired.”
“Honey, why don’t you take some rest? May inihanda akong pagkain para sa’yo sa may VIP room.”
Umiling siya. May mas importante pa siyang dapat na gawin. “Maiwan ko muna kayo, Cathy, Mrs. Murai. Kakausapin ko si Marc.”
Agad niyang nilisan ang dalawa at lumabas ng bar. Nakasalubong niya si Marc na tila nag-aatubiling pumasok sa loob. Nagulat pa ito ng mabungaran siya at alanganing ngumiti.
“Marc, pare.” nakahinga siya ng maluwag ng makita ito. Tinapik niya ito sa balikat. “Naka-book ka na ba ng ticket? Kailan ang alis natin?”
“Will…” nakikita sa mukha ni Marc na nag-aalangan itong ituloy ang gustong sabihin.
“Ano? Pare kailan tayo uuwi ng Pilipinas? God, nasasabik na kong makita si Ikay. Marami akong gustong ipaliwanag sa kaniya.” kahit naghihirap ang loob ay nakuha pa rin niyang ngumiti. Maisip lang niyang muli niyang makikita si Ikay ay para na siyang pinangangapusan ng hininga sa sobrang pananabik.
Mahigit dalawang taon na magmula ng magpunta si Ikay sa Japan pero hindi niya makalimutan ang sakit na bumalatay sa mukha nito sa mga kasinungalingang sinabi niya sa harapan nito. Gusto niyang patayin ang sarili ng mga sandaling iyon, pero alam niyang iyon ang nararapat niyang gawin. Hindi niya gugustuhing pati ito ay makaranas ng paghihirap niya.
“Will…we’ll be leaving tomorrow.” bagaman nakangiti si Marc, nasa mga mata naman nito ang simpatya.
“Thanks!” nausal niya. Lumuwag ang pakiramdam niya. Masasabi na niya kay Ikay ang lahat. Maipapaliwanag na niya ang mga nangyari.
“Will, pare…”
“Makikita ko na ulit siya. Makikita ko na ulit si Ikay.” malalim na humugot ng hininga. Masasabi na niya kay Ikay na hindi totoo ang mga nasabi niya noon. “Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.” agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya kasabay ng pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.
“Pare, may kailangan kang malaman…” Saglit itong huminto sa pagsasalita. Kumukuha ng tiyempo. “Si Ikay pare, sila na ni Jonas. Sila na ng pinsan mo.” mabilis na turan ni Marc.
Natigilan si Will. “Hindi totoo iyan, pare.” nakangiti niyang tanggi sa sinabi nito.
“Will..kay Bench ko nalaman lahat. Siya nagsabi sa akin na utol niya ang boyfriend ngayon ni Ikay.”
Sandaling hindi siya nakahinga sa narinig. Nag-init ang magkabila niyang mata. Agad na pinitsirahan si Marc. “Hindi totoo ang sinasabi mo.”
Hindi siya naniniwala sa sinabi ni Marc. Ngunit nasa mga mata nito ang katotohanan. Bahagyang itinulak ng bitawan niya. Nanghina siya. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang pinapatay.
“Let her go, Will. Masaya na si Ikay kay Jonas. Dapat maging masaya kana rin.”
“I can’t let her go, Marc. I love her so much.” mabilis na pinahid ang luhang umalpas sa mga mata at bahagyang tumawa. “I will explain to her everything. Alam kong hindi pa huli. Alam kong mahal pa rin niya ako.”
Nais niyang paniwalaan ang mga sinabi, ngunit alam niya ang totoo, hindi na siya magagawang mahalin ni Ikay. Sinaktan na niya ito ng husto.
Tumango si Marc. “Bukas, pag-uwi natin sa Pilipinas. Mag-usap kayo ni Ikay.” Nakangiting tinapik pa ang balikat niya.
May pananabik at lungkot na magkasabay niyang naramdamang gumuhit sa dibdib niya.
–WAKAS–
read more...