SHARE THIS STORY

| More

Bakasyon ( A Halloween Special)

BAKASYON ( A Halloween Special)
(Yesha)

Semestral break – ang sa tuwina ay hinihintay ng bawat mag – aaral sa kolehiyo. Maraming plano si Esmeralda para sa sembreak ng taong iyon. Ibig niyang umuwi sa kanilang probinsiya upang madalaw ang puntod ng kaniyang Lola Simang pero hindi iyon naganap dahil sa isang misyon. Sa huli ay ibang puntod ang napuntahan niya. Ang nakapagtataka ay ang pangalang nakaukit sa harap ng puntod na iyon -

ESMERALDA ROSARIO

March 12, 1990 – October 31, 2009

R.I.P.
read more...

A Night to Remember - Teaser

(pangarap_ko)



Sa umpisa ay isa lamang paghanga ang nararamdaman ni Ayessandra kay Tyler Fuentabelia ang pinakasikat at hinahangaan ng halos lahat ng kababaihan sa university nila. Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman niya dito, bakit Hindi Ito Na ata ang pinakaguwapong nilalang Na nakita niya bukod pa sa matalino at nanggaling sa mayamang pamilya.

Kaya isang gabing di inaasahang makita nila ng mga kaibigan niya si Tyler sa bar kasama ang mga Kabarkada nito, she take that chance to get him notice her even just for that night. And she succeed she didn’t only make him notice her she also gave herself to him, But did she really win to get his attention or just a mistake that will lead her with long road full of heartache?
read more...

Cruel to the Heart (Teaser)

By rmpstodomingo




Pitong taon ng magkasintahan sina Eli at Cleo. Ngunit a week after their long-awaited engagement, kinailangang magpunta ni Eli sa Singapore na naging dahilan ng tampuhan nilang dalawa. Ngunit bago pa sila magka-ayos muli, misteryosong nawala si Eli.

Heartbroken and drunk, Cleo was attended by Eli’s father, Miles Conteza. At habang inaalagaan siya nito, di sinasadyang may nangyari sa kanilang dalawa na nagpabago ng takbo ng buhay ni Cleo. At lingid sa kanyang kaalaman, may itinatagong sekreto si Miles na maaring sumira ng buhay nilang dalawa at ng pag-ibig na nag-umpisa ng umusbong sa kanyang puso.

Sino ang pipiliin ng isang pusong labis ng nasaktan?

**A story of love, betrayal, and family and the complications that arise when the heart leads us to a road not taken–towards a destiny we’ve never thought about. I hope you’ll learn from it. Thank you and Godbless!**
read more...

Aien’s Romance - Teaser

(Nadinekyut)



TEASER
Hindi naging maganda ang unang opisyal na pagkakakilala ni Aien at Adley. Hindi sila magkasundo. Ngunit sa kalaunan ay natutunan naman nila magpakumbaba. Natuto sila na maging patas pagdating sa pagdedesisyon. And evenually, they learned to love each other.
Pero may isa silang malaking problema. Isang malaking ‘reality’ ang nasa harapan nila na hindi nila kayang ignorahin. Isang tao ang ipinanganak sa mundong ibabaw upang sirain ang masaya nilang relasyon.

EXCERPTS
Pakiramdam niya sa relasyon nila, ilang oras lang siya masaya kumpara sa napakahabang oras na nasasaktan siya at naghihirap. —>Aien
Mula nang mahalin siya nito ay patong-patong na problema na ang hatid niya dito. Alam niya ang laki ng sakripisyo nito para sa kanya. —>Adley
Nakasisiguro siya saan man siya magpunta ay babaunin niya ang pag-ibig na pinagsaluhan nila. Kahit magkahiwalay na sila, patuloy pa rin sila magmamahalan.

AUTHOR’S NOTE
Naloka ako ng bonggang bongga sa pagpapalit ng personality ng characters ko… mabuti na lang, nalusutan ko pa rin
read more...

I Love You Long Before – Teaser

(Louise)



Mula pa pagkabata ay may gusto na si Louise kay Inigo. To the point na nagpadala na sya ng sulat at litrato para iparating lang na crush nya ito. Pero nadismaya sya at nasaktan ng malaman nyang ang pinadala nyang sulat dito ay ipinagkalat nito at ipinabasa hindi lang sa buong klase kundi sa buong campus!

Dahil sa kahihiyang idinulot sa kaniya ni Inigo ay isinumpa nyang gagantihan niya ito. Isinumpa niya na darating ang panahon na iibig ito sa kanya at maghahabol, at pag dumating ang pagkakataong iyon ay pa-aasahin nya lang ito at iiwan.

Pero bakit nang dumating ang pinakahihintay nyang pagkakataon ay sya ang nasasaktan sa halip na si Inigo? Hanggang kailan ba sya patuloy na masasaktan? Hanggang kailan nya sasabihin sa sarili nyang hindi nya mahal si Inigo, gayung pati ang sarili nyang katawan ay ipinagkakanulo sya sa kanyang nararamdaman?
read more...

I Meant It When I Said 'I do' - Teaser

(Calla)



Teaser

Earl and Veronica shared a love story. A love story that failed to have a happy ever after.
Both of them thought it will end that way…
Until they learned they have been engaged a long, long time ago.

Lihim na nagdiwang ang puso ng dalaga. Wala siyang ibang minahal kundi si Earl. At alam niyang wala na siyang ibang mamahalin pa. Ngunit papaano niya maibabalik ang pag-ibig na matagal na nitong kinalimutan? Papaano niya mahahalinan ng pagmamahal ang poot na nasa puso nito?

May pag-asa bang mabuo ulit ang pag-ibig nila sa isa’t isa?

May ‘happy ever after’ nga ba para sa love story nila?
read more...