ARAW ng kasal.
Walang imik si Veronica sa loob ng kotse. Nanlalamig ang palad niya’t abot-abot ang kaba sa dibdib. Now she knew what wedding jitters mean. Hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman niya. Every feeling seems to be at the extremes.
“You are the loveliest bride, hija.” nangingislap ang matang sabi ng Auntie Rebecca niya, ang nag-iisang kapatid ng yumao niyang ina. “I wish your Mom’s here. She would be so happy seeing you get married.”
Ngumiti siya. She missed her mom so much. “I wish she’s here, too. I want to hug her tight before I get married.”
Ginagap ng Auntie niya ang nanlalamig niyang palad. “But she’s watching over us, hija. At alam kong masaya siya ngayon.”
“Yeah,” aniyang tumango-tango. “I just… I just can’t help feeling incomplete. Can I hug you, Auntie?”
Tila nanubig ang mga mata nito saka tumango. “Of course, hija.”
Niyakap niya ito ng mahigpit. Pakiramdam niya’y nawala lahat ng nerbiyos na nararamdaman niya. Pakiramdam niya’y yakap-yakap niya ang Mommy niya.
“I’m so glad you you’re here, Auntie.”
“And so am I, Veronica.” anitong pasimpleng nagpahid ng tissue sa mata. “I never felt so happy.”
Her aunt’s crying again. She has always been like that. Kagaya nang first recitation niya, first communion, her graduation, her eighteenth birthday. At alam niya kung bakit. She looks just like her mom. She’s her living replica. At alam niya kung gaano nito kamahal ang kapatid. Besides that, siya lang ang nag-iisa nitong pamangkin.
“Enough of this, we should be celebrating today!” anitong tumawa sa kabila ng pagbalong ng luha.
She fought back her own tears. Ngiti ang itinugon niya kay Auntie Rebecca. She’s right. It’s her wedding day. There should be no tears today. After all, she’s going to marry the man she loves. And she owes that to her mom.
TUMUNOG na ang wedding song. Tila lumulutang si Veronica habang naglalakad patungo sa altar. Sumikdo ang dibdib nang masulyapan si Earl. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi man ito nakangiti, hindi naman ito galit. Napalis lahat ng alalahanin sa dibdib niya.
This wedding won’t be a disaster after all.
Pumailanlang ang malamyos na tinig ng wedding singer. Nahigit ni Veronica ang hininga habang nasa kalagitnaan ng altar.
You’re my everything
The sun that shines above you
Makes the bluebirds sing
The stars that twinkle way up in the sky
Tell me I’m in love
When I kiss your lips
I feel the rolling thunder to my finger tips
And all the while my head is in a spin
Deep within, I’m in love
Ngumiti siya. Yes, she is. Desperately.
Napansin niya ang bahagyang diin ng pagkakahawak ng Daddy niya at ang pagtaas-baba ng dibdib nito nang sa wakas ay marating nila ang kinaroroonan ng mapapangasawa niya. Nakita niya ang panginginig ng labi nito nang ibinigay nito kay Earl ang kamay niya’t tuluyan siya nitong bitiwan. Pakiramdam niya’y nahati ang puso. Nangilid bigla ang luha pero pinigilan niya ang sariling maiyak. Napahigpit ang hawak niya kay Earl, tila doon kumukuha ng lakas. Gusto niyang matawa sa sarili. It’s so absurd. Kumukuha siya ng lakas sa taong kinasusuklaman siya ng husto.
Saglit na nagtama ang mga mata nila saka sabay na humakbang patungo sa altar.
Our first step in our journey towards forever, nangangarap na bulong ng puso niya na sobrang lakas ang tibok.
You mean, first step towards hell, sarkastikong sigaw ng isip.
You’re my everything
And nothing really matters but the love you bring
You’re my everything
To see you in the morning with those big brown eyes
You’re my everything
Forever and a day I need you close to me
You’re my everything
You never have to worry, never fear, for I am near
Nagsimula ang seremonyas ng kasal. Veronica savored every moment of it. Kinalimutan niyang parte lamang iyon ng kanilang pagkukunwari.
“Do you, Earl Simon San Diego take Veronica Marie Sandoval to be your lawfully wedded wife to love and hold, from this day forward for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, til death do you part?”
Napatingin siya kay Earl at pinanood ang pagbuka ng labi nito.
“I do.” Tila musika iyon sa pandinig niya. Pansamantalang tumigil sa pagpintig ang puso para lamang marinig niya ang mga katagang iyon. At ewan kung guni-guni lang niya pero tinitigan siya ni Earl habang binibigkas ang mga katagang iyon. Dahilan para pansamantalang mawala siya sa sarili.
“Veronica?” untag ng pari.
Tila natauhan siya. Nagkaroon ng bulungan sa paligid. Did she just missed her turn?
“I repeat, do you–”
“Of course, Father, I do! I do!” biglang sabi niya nang makabawi sa pagkataranta. Dinig niya ang hiyawan sa paligid. Nang tingnan niya si Earl ay nakaangat ang isang sulok ng labi nito. Was he smiling?
“Don’t you want me to repeat the question?”
Namula siya. “My answer will be the same, Father.”
“Well.” anang pari na nakangiti. “I now pronounce you, man and wife!” Tumingin ito kay Earl. “You may kiss the bride.”
Saglit silang nagkatitigan. Pakiramdam ni Veronica’y nanlalambot ang tuhod niya. Why is she overreacting with just a kiss? They had done it twice already.
Yeah.. And twice, she melted.
Nang bumaba ang labi nito sa labi niya’y awtomatikong napapikit ang mga mata’t tila may sariling buhay ang mga kamay at napakapit sa bisig ng asawa.
The crowd cheered, the cameras flashed. Nakita niya ang masayang mukha ng Tito Eli at Daddy niya at ang maluha-luha ngunit nakangiting mukha ng Auntie Rebecca niya at ni Elaiza na siyang maid of honor niya. Naghiyawan naman at tila kinikilig ang mga kaibigang dati-rati’y hindi sang-ayon sa arranged marriage na ‘yon.
Sinong babae ba ang hindi naiinggit sa kanya ngayon? She just married the most dashing bachelor in this side of the planet. She just wished it’s for real…
The wedding reception followed at Sandoval’s residence. The wines are flowing, the food are exquisite, and the music? Superb. And they are filled with cheerful guests. Malaki ang pasasalamat ni Veronica kay Ivory na siyang wedding coordinator niya. All went perfectly. Most especially sa part ni Earl. Kahit na hindi ito madalas tumatawa, nakangiti naman ito. And he always looked at her like she’s the most beautiful bride he has ever seen.
HALOS hindi nila namalayan ang oras. Hanggang sa lulan na sila ng kotse patungo sa hotel na tutuluyan nila sa Tagaytay. Itinaboy sila ni Elaiza. Dapat na daw nilang simulang gumawa ng baby.
Bumalot agad ang katahimikan sa pagitan nila.
Sumandal siya sa dibdib ni Earl nang panay ang lingon ng driver sa kanila.
“Tired, hon?” aniyang pinandilatan ito at iminuwestra ng nguso ang driver. Naramdaman niya agad ang kamay nito sa likod niya.
“No.” anitong hinihimas ang likod niya. Pakiramdam niya’y tumatagos sa trahe de bodang suot ang init ng kamay nito. “I can stay up all night actually. We can make babies all night.”
Ngumiti siya ng hilaw hinimas ang mukha nito. “That’s why I love you so.” biglang lumabas iyon sa labi niya. Napatitig ito sa kanya. Iniwas niya agad ang tingin.
“Me, too.” anito saka ginawaran siya ng halik sa noo. Biglang bumilis na naman ang tahip ng dibdib. Maya-maya’y hinalikan nito ang magkabilang pisngi. Pagkatapos ang tungki ng ilong.
“Why do you have to be so lovely, my wife?” anitong halos bulong lang.
Pakiramdam ni Veronica’y nagkabali-baligtad ang sikmura niya sa papuring alam niyang hindi totoo.
Nalalanghap niya ang mainit nitong hininga. At nakatitig sila sa mga labi ng isa’t isa.
“Andito na tayo, Sir, Ma’am.” anang driver nang maihinto ang sasakyan.
Agad siyang binitiwan ni Earl. Pakiramdam niya’y natuyo ang nakaawang na labi niya.
“Thank you, Manong Jun.”
NANG sa wakas ay maisara nila ang pintuan ng honeymoon suite ay bumalik sila sa reyalidad. Walang imik na pumasok si Earl sa banyo. Ilang minuto pa’y narinig ni Veronica ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Ipinilig niya agad ang ulo nang pumasok sa balintataw ang itsura ng asawa nang mga sandaling iyon. Dapat niyang kontrolin ang mga pantasya niya.
Tinungo niya ang dresser at sinimulang tanggalin ang belo. Isa-isa niyang tinanggal ang mga hair pins. Napakunot ang noo niya nang nakasampung hairpins na siya.
“Earl?” aniya nang bumukas ang pintuan ng banyo. Tumayo siya mula sa dresser para lapitan ito.
“Would you mind helping m-me?” Help me! Naumid siya bigla nang malingunan itong walang ibang saplot kundi ang maliit na tuwalyang nakapalibot sa bewang nito. Pakiramdam niya’y nanginginig ang kalamnan niya. Nabitin sa ere ang paang ihahakbang sana niya. Bigla siyang napaatras. How can a man be so sexy?
“Help you with what?” iritadong tanong nito.
Sinikap niyang huwag mapatingin sa hubad na dibdib nito. Pero di niya mapigilang mapasulyap. Oh My God… Nanlalambot ang tuhod niya.
“W-With…” Napatikhim siya ng malakas nang tila may bumara sa lalamunan. Nanlaki ang mga mata niya nang lumapit ito sa kinaroroonan niya. “Uhm– ano… Hindi ko–” Hindi ko magawang huminga!
“What?”anitong animo’y nawawalan ng pasensiya.
“Hindi ko matanggal ang belo ko.” mabilis na sabi niya. Napayuko siya nang halos isang dangkal lang ang pagitan nila. Napapikit siya nang mariin nang makita ang mahabang binti nito.
“Ayy! Dahan-dahan naman, Earl!” angil niya. Napasinghap siya nang maamoy ito. Oh, no… This is torture. Napapikit siya ulit bago pa man siya mahipnotismo sa karisma nito. At huminga siya sa pamamagitan ng bibig para hindi siya matangay sa amoy nito. Ngunit nangangati ang kamay niyang haplusin ang matipunong dibdib pababa sa tiyan nito. Nanuyo ang lalamunan niya sa iniisip. Shut up, Veronica!
“One.” anito at ibinigay sa kanya ang hair pin. “Will you stop moving?” Reklamo nito. Saka lang niya namalayang panay ang iling niya.
Napabuntong-hininga ito. “There.” anito sabay hugot sa huling hairpin. Kasabay noon ay ang paglaglag ng buhok. Saglit itong natigilan pagkuwa’y ibinigay sa kaya ang belo.
“Thank you.”
Hindi ito sumagot. Dumiretso ito sa closet.
“One more favor?” bigla’y naitanong niya. Hindi niya abot ang zipper ng suot na wedding gown.
Hindi nito itinuloy ang pagbukas ng closet at nilingon siya. Madilim ang mukha.
Sungit!
“Can you unzip my gown?” aniyang lumapit dito.
Matagal itong nakatitig sa kanya
“Are you trying to seduce me?”
Nalukot ang mukha niya sa narinig.
“Excuse me, why—”
“Yeah, why are you seducing me?” sapaw nito sa tanong niya. Nakapameywang.
“Oh c’mon, Earl.” aniyang nabahiran ng pagka-irita ang tinig. You are seducing me! And you’re doing it so effortlessly! Imbes na tuluyang mairita’y ngumiti siya.
“Seduction is every woman’s art, Earl. If I did seduce you, you wouldn’t be standing like that.” kalmadong sabi niya. “You will be on your knees, begging.” aniyang diniinan ang huling salita.
“Confident.” pauyam na sabi nito. “Thanks for warning me, wifey. But I already know that. I don’t trust you, remember?”
Tinalikuran niya ito. “I only wanted to get rid of this gown!” Lalabas na sana siya ng pinto nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Kasunod noo’y ang pagbaba ng zipper ng gown niya.
“There you go, wifey.”
“Thank you!” padabog na sabi niyang dumiretso sa banyo. Gusto niyang suntukin ang asawa. Ngunit wala siyang lakas para gawin iyon. He can turn her into jelly, napatunayan na niya iyon ng ilang beses. Napabuga siya ng hangin saka hinanda ang bath tub. A moment later, she enjoyed herself in the bubbles. At unti-unting nawala ang tensiyon na nararamdaman niya.
Napabuntong-hininga si Earl nang tuluyang pumasok ang asawa sa banyo. That witch!
Napapikit siya. Hindi niya alam kung hanggang saan ang pagpipigil niya. Why does the woman he hates have to be beautiful? Paano niya magawang kamuhian ng husto ang kagandahang gusto niyang angkinin? Kailan ba mawawala ang pananabik niyang paulit-ulit na halikan ang mga labi nito?
Kaagad siyang nagsuot ng boxers.
Narinig niyang kumakanta ito sa loob ng banyo. Agad niyang itinaboy ang iniisip. Ngunit biglang sumikip ang boxers na suot. Damn!
How is he supposed to survive this night?
NAABUTAN ni Veronica ang asawa na nakahiga sa sofa. Tulog na ito. Halos dalawang oras din pala siyang nagbabad sa bath tub. Wala sa loob na napatitig siya sa asawa. It’s their honeymoon. And yet… Oh, stop it Veronica! anang isip niya.
“You’re dripping.”
Muntik na siyang mapatalon sa gulat.
“Go ahead and change. You’re dripping.” ulit nitong nakapikit pa rin.
“I’m not!” depensa niya’t mabilis na tinungo ang closet. Ngunit natigilan siya nang makita ang laman niyon. Three see-through negligees and a set of lace panties. Walang kahit na anong t-shirt, shorts or skirt. Walang kahit anong disenteng damit! Isa-isa niyang binuksan ang mga drawers. Ngunit walang laman ang mga iyon. Binuksan niya ang closet ng asawa ngunit walang laman din iyon kundi boxers.
Oh, no!
“Where the hell are our clothes?”
“Probably hidden somewhere. Keep looking,” sarkastikong sagot nito.
“How are we supposed to go out? I can’t face people wearing this!” Inis na tinapunan niya ng tingin ang negligee.
“They’re not expecting us to go out, wifey.”
Saka niya naalala ang sinabi ni Elaiza bago nila iniwan ang party.
“You’ll love my surprise for you!!!” tapos biglang napa-isip. “Maybe Kuya will love it more though. But whichever, you have to enjoy your honeymoon! Three days won’t be enough, I’m sure.” Kinindatan siya nito saka tumawa. “Excited na ako maging Tita! Awww!”
“They’re expecting us to make love for three days.” dagdag nito.
Pakiramdam niya’y nagkabuhul-buhol ang bituka niya. Make love for three days?
0 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 4"
Post a Comment