SHARE THIS STORY

| More

My Only You – Chapter 2

(Kaven)



MAKALIPAS ang ilang araw mula noong may nakaaway siya ay tuluyan na siyang hindi pinansin ni Dean. Nalaman nalang niya kay Sam kung bakit inaway siya no’ng babae dahil ex-girlfriend ito ng kuya niya. Galit ba si Dean sa kanya? Ay ewan! Pinagtanggol lang naman niya ang kanyang sarili sa bruhang ex nito.

Hindi na niya ito inisip sapagka’t naging abala siya sa paparating na pre-midterm exam at abala rin siyang nagtatry-out ng volleyball sa engineering team. Natanggap agad siya sa team dahil sa matangkad nga siya at magaling siya pagdating sa larong ito. Hilig na niyang maglaro ng volleyball simula noong bata pa siya. Naging varsity player pa nga siya noong highschool pero hindi na siya nag-apply bilang varsity player ngayon sa college.

Isang hapon ay nasa library sila ni Sam upang magreview ng kanilang mga exams.

“Hay naku Dan ha!” wika sa kanya ni Sam. “Magtatampo nako sayo dahil parati kang busy. Wala ka nang time sa ‘kin. ‘Di mo na nga ‘ko sinasamahan sa mga meetings natin eh. Nagtatampo na rin ang mga kuya natin dahil hindi kana sumasaglit sa tambayan natin” mahaba-habang litanya sa kanya ni Sam na parang nagtatampo nitong sabi.

‘Kuya’ ang tawag nila sa mga kabarkadang lalaki dahil mas matatanda ang mga itong nang apat na taon. Ang tinutukoy nitong barkada ay ‘yong mga barkada nang kuya nito. Naging close niya ang mga ito dahil na rin ni Sam.

“Sorry na Sam” sabi niya na may lambing. “Sige, babawi ako sa inyo, promise. Busy lang talaga ako ngayon kasi pre-midterm na natin at palagi lang kaming nagpapraktis para sa intrams.” Nakangiti na siya.

“Naku! sabi mo ‘yan ha” paniniyak nito. “By the way, this coming Saturday ay birthday na ni kuya Jonas” pag-iiba nito. Tukoy nito sa isa sa mga barkada nila. “Magtatampo na talaga ‘yon kapag hindi ka dadalo” dagdag pa nito.

“Shoot! Wala na naman akong praktis ngayong Saturday at wala na tayong exam” sabi niya. “Kaso wala akong kotse ngayon eh. Hiniram ni kuya kasi sira ‘yung sa kanya, sa Linggo pa makukuha” paliwanag niya.

“Susunduin nalang kita sa bahay niyo Sam” sabad naman ni Sherwin sa kanila na hindi nila namalayan ang pagdating nito.

“Naku, ba’t ba palagi ka nalang sumasabad at nanggugulat?” Natatawang biro niya.

“O hayan! Wala ka ng problema Dan” tudyo ni Sam sa kanya. “Mabuti nalang at dumating ka” nakangiti nitong sabi. Bumaling naman ito okay Sherwin.

“Oo nga, tamang-tama ang timing mo” segunda naman niya. “At may driver na ko.”

“Eh kung sinagot mo kasi ako ay araw-araw may magsusundo sa’yo” biro naman ni Sherwin.

“Eh hindi ka nga niya gusto. Napakaplayboy mo kasi, lahat nalang yata ay pinapatulan mo.” sabad naman ni Sam. Tumawa sila dahil nakita nila ang reaksyon ni Sherwin na parang nasasaktan.

“Ouch! Grabe ka naman Sam, baka maniwala sa ‘yo si Dan. ‘Wag mo nga siyang i-brainwash. Siguro Nagseselos ka ‘noh?” ganti naman nito.

“Teka pakurot nga sa mukha mo” sabi nito at kinurot nga nito ang pisngi ni Sherwin. “Ang kapal talaga!” inis na sabi ni Sam.

Ssssshh! sita sa kanila ng librarian dahil napalakas ang kanilang tawanan.

SABADO NANG UMAGA.

Good mood siya ng magising dahil natapos din ang exams nila. Dali dali siyang naligo at pagkatapos ay tumawag siya kay Sam dahil magpapasama siya para mamili ng ipanreregalo niya kay Jonas. Sumang-ayon naman ito dahil bibili rin daw ito ng ipanreregalo. Susunduin nalang siya nito dahil nga wala pa siyang kotse.

Nagpunta sila sa Power Plant sa Makati dahil malapit lang ito sa kanilang condo unit ng kuya niya. Nang makarating sila sa mall ay naglilibot muna sila bago bumili ng ireregalo nila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang boutique ng mga damit at pumasok sila.

“Dan, isukat mo nga ‘to.” Inilahad ni Sam sa kanya ang isang seksing damit para sukatin daw niya.

“Huh?” nagulat siya pero kinuha na rin niya ito. “Bakit naman? ‘Kaw nalang kaya. Di ‘to bagay sa ‘kin eh at saka parang makikita pa yata ang cleavage ko nito.”

“H’wag ka nang magreklamo d’yan kasi kung babagay sa’yo iyan ay tiyak na babagay din sa ‘kin. Kaw ha napakaconservative mo, batukan kita d’yan eh” nangingiti nitong sabi. Wala na siyang nagawa dahil tinulak na siya nito sa fitting room. “Lumabas ka pagkatapos para makita ko.”

Matapos itong suutin ay lumabas na siya ng fitting room. Gaya ng inaasahan niya ay nagulat rin ito pagkakita sa kanya.

“Oh my, mas maganda ka pala ‘pag nabihisan Dan.” Natatawa siya sa sinabi ng kaibigan. “Aba! Babae pala ‘tong kaibigan ko. Parang natotomboy na ‘ko sa ‘yo ah” biro nito pero bakas ang paghanga sa kanya. Hinampas niya ito sabay tawa.

“Hoy bestfriend, tumigil ka nga, mapagkamalan pa tayo. Praning ka talaga. Babae naman talaga ako, kaso hindi lang ako nagsusuot na mga ito” natatawa niyang sabi. “Teka muna at magpapalit na ‘ko.”

“Ay sus nahiya pa. Manang talaga. Sige na, bilisan mo d’yan at pupunta pa tayo sa salon” wika nito.

“Anong gagawin natin doon? ” tanong niya.

“Alangan namang matutulog tayo ro’n, di ba? Eh di siyempre magpapaganda ng bonggang-bongga. ” natatawang sagot naman nito.

Binili ni Sam ang damit na sinukat niya at pagkatapos ay pumunta na sila sa isang sikat na salon. Napilit siya ni Sam na magpaayos ng buhok kasi raw parati siyang nakaponytail. May sinabi ito sa stylist kung ano ang babagay sa kanya. At ‘yon nga dalawa silang nagpaayos ng buhok. Mas naunang natapos si Sam dahil pinahot oil lang ito. Ang sa kanya naman ay casual long hairstyle.

Pagkatapos niyang makita ang resulta sa ginawa sa kanyang buhok ay napamaang siya. Parang hindi siya ang nasa salamin. Parang isang dyosa. Ang kanyang buhok ay parang kay Taylor Swift kaso hindi ito blonde.

Nasa parking lot na sila pagkatapos nila sa salon.

“Naku best, ang ganda natin” nakangiting sabi nito. “Excited na ‘ko mamaya. Tiyak maglalaway ang mokong na ‘yon.”

“Hay naku, si kuya Jacob na naman n’yan” hula niya.

“Yah! Makikita nang mokong na ‘yon at magsisisi siya kung bakit hindi man lang niya pinapansin ang beauty ko” sabi nito na may halong inis.

Naiintidihan niya ang kaibigan kasi pareho sila na hindi pinapansin ng mga crush nila. Pero hindi niya ‘yon sinabi sa kaibigan kasi nahihiya siya na malaman na gusto niya ang kuya nito.

“Don’t worry best, parang may pag-asa ka” sabi niya sabay tawa nang binaybay na nila ang daan pauwi.

“Ayan ka na naman best, you always gave me a reason to hope” malungkot nitong sabi. “Eh, wala ngang nangyayari”. Malapit na sila sa condo niya.

“I’m not giving you hope best, I’m just telling you the truth” paniniguro niya sa kaibigan. “Well, dito nalang ako best and thank you for the ride” sabi niya agad nang makarating sa building ng condo niya. “See you later” dagdag pa niya.

“Best” tawag sa kanya ni Sam nang papasok na siya sa building. Ibinigay nito ang paperbag na may lamang damit na isinukat niya kanina. “Wear that later or else magtatampo ako sayo.” Hindi na siya makapalag nang bilisan nito ang paglakad papunta sa kotse nito. Wala siyang magawa kundi susuutin niya ito mamaya.

Nang makarating na siya sa unit ay naidlip muna sandali. Mabuti nalang ay nag-out of town ito kasama ang mga officemates. Tiyak niyang pagtatawanan siya nito kasi nakasuot siya ng dress.

Nagising siya one hour before the party. Pagkagising niya ay dali-dali siyang nagbihis dahil susunduin pa siya ni Sherwin. Tamang tama ay tapos na siya nang may nagdoorbell.

PUMUNTA agad siya sa condo ni Dan nang tawagan siya ni Sherwin. Humingi ito ng favor at hindi na siya nakatanggi pa.

“Pare, pwede mo bang sunduin si Dan mamaya?” tanong nito. Nagulat siya dahil si Dan pala ang tinutukoy nitong susunduin sana nito.

“What? Si Dan? Alam mo namang hindi kami nagkakasundo nu’n.”

“I know pare but nakapangako na kasi ako sa kanya na susunduin ko siya kaso lang ay hindi pwede e. Matatagalan pa ko kasi ihahatid ko pa ang Papa sa airport” paliwanag nito.

“O sige pare ako na ang bahala” sang-ayon niya.

Hindi siya mapakali dahil ngayon lang niya makakasama nang sarilinan ang babaeng lagi sa isip niya. Natotorpe siya kaya naman dinala nalang niya sa pang-asar ang pakitungo niya rito.

Nakarating na siya sa condo ni Dan. Excited siya na makita ito at makasama. Agad siyang sumakay nang elevator papunta sa floor ng unit nito. At nang makarating sa pintuan ay nagdoorbell siya. Hindi naman siya nabagot sa kahihintay nang pagbuksan agad siya nito.

Isang magandang babae ang bumungad sa kanyang harapan. Hindi niya agad nakilala ang dalaga at bigla siyang napatanga sa pagkakita sa dalaga. Lalo itong gumanda sa paningin niya. Bumagay dito ang bagong kulot na buhok at “My God, bagay na bagay ang suot niyang damit” nasa isip niya pero hindi niya ‘yon nagustuhan kasi alam niyang marami ang magpapalipad-hangin dito. At bigla siyang napasimangot. Bumalik siya sa kanyang katinuan nang makita ang reaksyon nito.

“Kuya Dean?” gulat na tanong nito. “What are you doing here? Where’s Sherwin?” usisa nito habang na nakakunot-noo. Nagulat siguro ito dahil hindi si Sherwin ang nakita kundi siya. Bigla siyang nagselos sa tinuran nito.

“He’s not coming to fetch you baka kasi malate siya sa pagsundo sa’yo. Ihahatid pa niya ang Papa niya sa airport” paliwanag niya na may halong galit.

“Galit ka?” galit din nitong tanong. Naaaliw talaga siya pag-inaasar niya ito.

“Bakit ganyan ang suot mo?” tanong niya rito na walang ka-ekspre-ekspresyon ang mukha.

“Eh anong paki mo, boyfriend ba kita? Bakit nangingialam ka?” istriktang sagot nito.

“Do you think I care?” inis niya tanong. Hindi na ito umimik at alam niyang naiinis na naman ito sa kanya.

“Shall we?” yaya niya rito sabay lahad ng kamay para igiya niya ito palabas. Pero hindi nito tinanggap ang kamay niya, at dali-dali itong lumabas ng condo nito at nagdadabog pa. Nangiti na lamang siya.

HINDI siya mapakali. Hindi siya mawari sa kanyang kinauupuan. Hindi siya makapaniwalang nasa kotse siya nito.

Nang buksan niya ang pinto ay akala niya si Sherwin iyon. Gulat na gulat siya nang mabungaran niya ang ultimate crush niya. Hindi niya pinahalata ang kilig na nadarama sapagkat inis siya rito kasi inaasar siya parati. At hayon nga at inasar na naman siya dahil sa kanyang damit. Hindi naman masama ang damit niya ah. Bago pa nga niya binuksan ang pinto ay muli niyang sinilip ang sarili sa salamin. Sa tingin naman niya hindi masyadong liberated ang dating niya. Nainis siya dahil nagpaganda pa naman siya para lang kay Dean pero wa epek.

“Hmmp! Bahala siya. Hindi lang naman siya ang lalaki rito sa mundo. Kakainis talaga, bulag ba ito at hindi man lang nakita ang kagandahan ko?” inis na sabi niya sa sarili.

Tahimik silang dalawa habang nasa kotse. Si Dean ay tahimik na nagmamaneho habang ang tingin ay nasa daan lang. Siya naman ay nagdesisyong makinig nalang sa kanyang ipod. Eksaktong paborito niyang kanta ni Taylor Swift ang nakaplay kaya naman hindi niya mapigilang kumanta.

HINDI niya napigilang tumingin kay Dan nang kumanta ito. Naaaliw siyang tiningnan ito kasi parang bata itong kumilos. Well, bata nga ito sa edad na seventeen. Pahampas-hampas pa ito sa legs nito na parang nagda-drums at walang pakialam na nandiyan siya. Iiling-iling nalang niyang ibinalik ang mga mata sa daan.

“He is sensible and so incredible

And all my single friends are jealous

He says everything I need to hear

And it’s like

I couldn’t ask for anything better

He opens up my door and I get

Into his car

And he says you look beautiful tonight

And I feel perfectly fine…”

Nagulat pa siya nang sumigaw ito.

“But I miss screaming and fighting

and kissing in the rain

And it’s 2am and I’m cursing

Your name

I’m so in love that I acted insane

And that’s the way I loved

you oohh…..”

Hindi na nito natapos ang kanta nang kinuha niya ang isa sa mga earphone nito.

“Ano ba?” galit nitong tanong.

“We’re here” sabi niya.

“Okay! Sana man lang ay hindi mo biglang hinablot ang earphone ko” galit nitong sabi habang nagtatangkang buksan na ang pinto.

Bago pa nito binksan ang pinto ay inunahan na niya ito at pinagbuksan. Ngumiti naman ito ng bahagya kaya naman ay bumilis ang pintig ng kanyang puso.

NILAKASAN talaga niya ang pagkanta kasi gusto niyang ilabas ang nararamdaman niya. Nasasaktan na siya sa turing nito sa kanya. Hindi man lang siya pinuri nito. “Ay ewan” sabi nalang niya sa sarili. Nagulat nalang siya nang biglang hablutin ni Dean ang isang earphone niya. Medyo nagalit siya kasi nasira ang moment niya.

“We’re here” sabi pa nito. Hindi niya inaasahan na pagbubuksan siya nito ng pinto at inilahad nito ang kamay. Namalayan na lamang niyang iniabot niya ang kamay nito. Napamaang siya dahil ang gwapo talaga nang mokong na ‘to. Mas gumwapo pa ito sa suot na tuxedo. At ang bango pa. Hay!

“Thank you” maikli niyang sabi.

Papasok pa sila sa garden ng kuya Jonas niya ay nakita na niya si Sam na kumaway sa kanila. Ngumiti ito na parang kinikilig pero ininda niya ito.

Habang papasok sila ay hindi lingid sa kanya ang mga matang nakatutok sa kanila. Para silang magcouple sa sitwasyon nila. Ang ibang babae ay napaismid nang makita siya na kasama si Dean. Ang mga lalaki naman ay napamaang nang makita siya lalong lalo na ang mga kabarkada niya. Mabuti nalang ay nakarating na sila sa mesa nila kundi ay baka malusaw pa siya nang bonggang-bongga.

“Oh, my! Best, ang ganda-ganda mo” exagge nitong sabi. “Para kayong magkasintahan ni kuya kanina ah” kinikilig nitong sabi.

“Ang OA mo ha” hiyang sagot niya rito. “Loka! Baka marinig ka ng kuya mo.”

“Totoo naman ah. Hindi mo lang pansin itong kuya ko” natatawa nitong sabi.

“Sira”. Kung alam mo lang best. Kaso hindi ko maishare sa ‘yo.

Bago pa magsimula ang party ay sabay nilang binigay ang gift kay Jonas.

“Oh my God, Danielle, Sam! Kayo ba talaga ‘yan? You’re both beautiful tonight.” Isang humahangang sabi ni Jonas. “Dan! Aba, babae pala tong bunso namin ah” natatawang wika nito habang nakatitig sa kanya.

“Maganda naman talaga kami ah kahit kelan” kwelang sabi ni Sam.

“Over ka kuya Jonas ah! Lalaki talaga ang tingin niyo sa ‘kin ha” kunwaring tampo niya. “Pero salamat nalang sa papuri mo, mabuti ka pa!” dagdag pa niya.

“Hep hep” sabad naman ni Jacob sa usapan. “Ako rin naman ah, palagi kitang pinupuri” sabi nito sabay akbay. Totoo naman ang sinabi nito. Si kuya Jacob kasi ang pinakaclose niya rito. Pareho kasi sila ng kurso at palagi siyang nagpapaturo rito. Kalog din ito katulad niya. Ito rin ang sasaklolo sa kanya kapag inaasar siya ni Dean. Jacob has been a good friend to her. Hindi siya naiilang dito kasi alam niyang wala itong gusto sa kanya at alam niya kung sino ang gusto nito.

“Excuse me Dan, do’n muna ako sa table natin kasi may nakita akong hindi kanais-nais dito” agad na sabi ni Sam. Hindi nalang niya pinigil ang kaibigan dahil nand’yan si Jacob.

“Anong nangyari do’n?” takang tanong ni Jacob. Kibitbalikat nalang ang kanyang isinagot dito para hidi na humaba pa ang usapan.

“Aba kuya Jacob, ang gwapo natin ngayon ah. Tiyak kong merong hindi makakatulog ngayon sa kaiisip sa’yo” pilya niyang wika habang nakatingin sa kaibigan na nakabalik na sa table nila. Tiningnan siya nito nang masama at hindi niya mapigilang tumawa.

“Good evening everyone. Thank you for coming here in my son’s birthday. Please enjoy the night” bungad sa kanila nang daddy ni Jonas. At hudyat na ‘yon para kumain.

“Ok! Let’s eat then” sabi niya at pumunta na rin sila sa table nila.

Marami na rin ang nagdadatingang mga bisita. Halos mga kabatchmates nito at iba pang bisita ng papa nito. Bongga ang party na ‘yon kasi may banda pang kinuha ang mga ito.

Napasimangot siya dahil invited din pala ang bruhang si Dennise. Hindi niya makalimutan ang ginawang pang-iinsulto nito sa kanya. Of course, matalim ang tingin nito sa kanya kasi nga magkasabay sila ni Dean na dumating sa party. Hindi nalang niya ito pinansin dahil ayaw niyang masira pa lalo ang gabi niya.

“Hey guys! Tamang-tama pala ang dating ko, kainan na pala” bungad sa kanila ni Sherwin at agad itong umupo sa tabi niya. “Wow, tama ba ang nakita ko? Sina Sam at Dan itong nakikita ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Sherwin sa kanila.

“Naku ha! Ang isa pang OA! Ngayon ka lang ba nakakakita nang maganda?” biro ni Sam.

“Kumain ka nalang kaya. Gutom lang ‘yan” sigunda naman niya.

“Yeah, kumakalam na ang sikmura ko” sabi nalang nito. “Pero ang ganda niyo talaga ngayon” dagdag pa nito habang kumukuha na ng pagkain.

Masaya silang kumain. May sense of humor kasi silang lahat. Parang sila lang yata ang maingay doon. Masaya nilang binibiro si Jonas.

“Dan, sino ba ang hinahanap mo?” tanong ni Jacob sa kanya na nahalata siguro siya na palingon-lingon.

“Ah eh si Kuya Dean. Hindi ko na kasi siya nakita mula nang dumating kami dito” paliwanag niya.

“Ay sus, namiss mo agad?” tudyo ni Sam.

“Himala! At hinanap mo pa. Bakit kaya?” nangingiting wika ni Jacob sa kanya.

“Hoy, ‘wag n’yo nga akong pagtulungan. Hinahanap lang eh, anong masama ro’n? ” pangangatwiran niya.

“Oi, defensive” si Jacob.

“Ouch! Buti pa si Dean, hinahanap.” Si Sherwin iyon na kunwa’y nagseselos.

“Please! Tumigil nga kayo” namumula na siya. “Hindi kami talo” dagdag pa niya.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

2 comments: on "My Only You – Chapter 2"

Anonymous said...

Through these plans you can effortlessly help can save on the due refund date by profitable the loan back in cash.
Under fast discharged loans you can get monetary resource that fall in the
scope how to pay them. You can also try to mouth with your family, in your bank report in a abbreviated span of time.
In a abbreviated span of time, you will be able to get
flying obviate of necessity all time. To be bailable for this flying fiscal aid dodge you need to have the status of UK, an age of
18 eld fill and faxing of written material in this activity of medium of exchange
disposition. There is no need of prolonged ceremony in lowest - You have to hold a sound fighting informing in a bank
- You have to have a borderline thrifty of 500 in your report These loans permit you to achieve fit financial help for an easy and
appropriate defrayment fundamental quantity. It
is additional virtue aid to meet your of necessity in shortened span of time.
Only certain types of unlocked debt fast and time protective.
You will get most hard-hitting ways of conformation a lead of your accounts.
pay day loans

Anonymous said...

Due to state offered for a short time only, lenders
will perchance commercial enterprise obligation, it is judicious to inclination all of these loans so
that you can buy fast superior with out any prosody. pay day loans onlineSome of the benefits of flying cash advances are Same day cash online and loan is not elision.

They take bantam efforts from the transaction with unanticipated fiscal requirements and desires at any time.
You should have term business enterprise help. The advances have get very popular with and save lots of necessarily with the help of this
amount of money. No confirmative is entailed so the rate of interestingness is
and conditions that see The borrowers must be a authentic subject of US.

Post a Comment