SHARE THIS STORY

| More

My Only You – Chapter 11 (The Final Struck)

(Kaven)



HE’S SO gorgeous to look at. He’s wearing a 501 levi’s and pair it with a plain black t-shirt. Bagay na bagay ang suot nito dahil bakas ang mga muscles sa katawan. Then she remembered how he hugged her and she felt safe because of that muscles. Hindi niya namalayan na nakatitig na siya ng husto sa binata at nang siniko siya ni Sam ay do’n na siya nakabawi. Sam smiled at her like teasing her. Mabuti nalang ay madilim do’n at hindi mahahalata ang pamumula niya.

“Pare, long time no see ah!” masayang bati ni Sherwin nang makalapit na sila Dean sa mesa nila. Kinamayan nito si Dean.

“Oo nga pare, it’s been two or three years ata?” nakangiting tugon naman nito. At iniisa-isang kinamayan ang mga kabarkada nito at binati naman ang mga babae. Siya naman ay nakamasid lang. “Hi Dan, kumusta ka na? Your look more sexy and…”

I know but what will I do with this beauty kung ang taong mahal ko ay ikakasal na and I’m not ok. sabi ng puso at utak niya pero hindi niya naisatinig.

“I-I’m ok” maikli niyang sagot. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil ayaw niyang magpahalata pero heto ang bibig niya ay hindi sumusunod. Mabuti nalang ay sumabad si Sherwin.

“Ipakilala mo naman kami sa magandang kasama mo pare” nangingiting usisa nito.

“Ah, oh I’m sorry. Guys, this is Grace Montenegro” pakilala nito. “Grace, these are my college friends and of course you knew my sister” dugtong nito sabay ngiti. Ngumiti rin si Grace. Aminado siya na maganda talaga ang babae. Tantya niya, pareho lang sila ng height. Magaling din itong magdamit, bagay na bagay ang suot nitong pink dress na above the knee at tinernuhan ng 4 inch high heels. At ramdam niyang mabait ito kaya hindi impossibling magustuhan nga ito ni Dean. And it hurts her more.

“Hello” bati nito. Nakipagkamay din ito sa mga kasama niya. At nang sa kanya na ito nakatingin ay ngumiti ito ng husto. Hindi niya alam kung bakit pero parang may ibang kahulugan ang ngiti nito sa kanya. “Danielle right?” tanong nito sabay lahad sa kamay.

Hindi naman siya bastos kaya iniabot kamay nito. “Yeah, nice meeting you Grace.” Hindi nga siya nagkamali sa hinala, ito nga ang pakakasalan ni Dean dahil sa singsing na suot nito, an engagement ring.

“Me too Dan. I’ve heard a lot about you and I really want to know you” sincere nitong sabi. “Ikaw Dean ha, hindi mo sinabi na mas maganda pala si Dan kesa sa ‘kin” panunudyo nito kay Dean.

Siyempre, mas maganda ka sa paningin niya, sa isip niya.

Nagdaan ang ilang oras ay masaya silang nagkwentuhan. Kahit ano ay napag-usapan, the old times. Nakikitawa rin siya para hindi mahalata ang sakit na nadarama niya ngayon. Mabuti nalang ay hindi naungkat ang naging relasyon nila ni Dean. Nahihiya siya kay Grace ‘pag nagkaganoon at masasaktan siya ng husto. Marami na rin siyang nainom kaya parang nahihilo na siya.

“Ano ‘tong nababalitaan namin na ikakasal ka na pare?” tanong ni Jonas kay Dean. Nagulat siya sa tanong ni Jonas. Ito ang tanong na iniiwasan niyang marinig dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa magiging sagot ni Dean. Nakita niyang parang nagulat din si Dean sa tanong ni Johan. Tumingin ito sa kanya at tumingin agad kay Sam.

“Oops! Sorry kuya, hindi ko kasi mapigilan ang bibig ko. Peace!” sabi nito at nagpeace sign.

“Well, siguro naman alam niyo nang invited kayo di ba?” sabi nito at ngumiti ito sa kanya. Ang mokong na ‘to, nang-iinis pa.

“Congrats pare! Kailan ang kasal niyo ni Grace?” sabad naman ni Robert.

Bago pa nakasagot si Dean ay inunahan na niya ito.

“Ahh guys, I think I have to go. Marami na kasi akong nainom at maaga pa ko bukas sa meeting namin” she said in a normal tone. “Sam” baling niya sa kaibigan. “thank you for inviting me, I had fun. Sa susunod uli.”

“Ok ‘bes! Just text me ok?” nakangiting tugon nito.

“I’ll be bring you home Dan” sabad ni Dean. Hindi niya inaasahan ‘yon, gusto niyang ihatid siya? Bakit?

“No, it’s ok! Nakakahiya naman kay Grace” tanggi niya kahit labag sa kalooban niya. “Grace, it’s so nice meeting you and congrats!” baling niya kay Grace.

Pagkatapos niyang magpaalam sa ibang kasamahan ay agad siyang tumayo at lumabas ng bar. Hindi niya nakita ang pagkagulat ni Grace nang icongratulate niya ito. Nang makarating na siya sa may kotse niya, biglang may humawak sa braso niya. At nang tiningnan niya kung sino, iba’t ibang emosyon ang naramdaman niya. Ang kaninang luhang gusto niyang ibuhos na hindi niya nagawa ay naibuhos na niya.

“Let me go Dean!”

“No, ihahatid na kita. You’re drunk at hindi mo na kayang magdrive” pag-iinsist nito.

“Anong hindi ko kayang magdrive? Huh, I know myself Dean than you do. Kayang kong lahat, nakaya ko ngang mabuhay at kalimutan ka after you left me, magdrive pa kaya” may galit sa kanyang tinig.

Nakita niya ang pagtiim-baga nito. Siguro ay naguilty sa mga ginawa nito sa kanya noon. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito pero bigo siyang marinig ito mula kay Dean.

“Ano pa ba ang kailangan mo? Ipapamukha mo ba talaga sa akin na ikakasal ka na? Para ano? Para saktan na naman ako?” sigaw niya. “Kung ‘yan lang ang gusto mong malaman, well, magsaya ka na dahil nakuha mo na ang gusto mo” iyon lang at akmang tatalikod na siya nang biglang hinablot ang braso niya at hinarap siya.

Wala na siyang nagawa sa mga susunod na pangyayari. Nagulat siya nang halikan siya nito sa mga labi niya. Gusto pumalag ng utak niya pero ang puso niya ay taksil. Ang naramdaman niya noong first kiss niya ay nagbalik. Nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Oh God, kaytagal kong hinahanap ang halik ni Dean. I don’t know but I just missed him so much.

Namalayan nalang niyang tumugon na siya sa mga halik ni Dean. Ang mga braso niya ay kusang pumulupot sa batok nito. And she closed her eyes while the tears fall from her eyes.

“Oh Dan, how i longed for you for so long and wanted to kiss you like this” sabi niya nang magkahiwalay na ang mga labi nila. “Ssshh, please don’t cry honey!” at pinahid niya ang mga luha ni Dan.

“I’m so sorry Dean but this is not right” sabi nito na ikinagugulat niya.

“Why honey?” he said in a soft voice.

“You asked me why? And please, don’t call me honey. Ikakasal ka na Dean at Grace ang pakakasalan mo” sumigaw na ito. Para namang natanggalan ng tinik ang puso niya dahil akala pala nito na ikakasal siya kay Grace kaya nagalit ito. At sigurado na siya, mahal pa siya ni Dan.

“Will you please listen to me first?” maawtoridad niyang sabi.

“Para ano Dean? I don’t want to hear your explanation” nagtitigan sila. Nagsusukatan ng tingin at nakita niya ang galit sa mga mata nito.

“Well you should whether you like it or not” at hinablot niya ito patungo sa kotse niya. Ipinasok sa kotse katabi ng driver’s seat. Walang sabi-sabi ay pinaandar niya ang kotse.

“Where the hell are you going to take me?” asik nito.

“Just wait honey” now he smiled.

“Don’t call me honey. Hindi ako isa sa mga babae mo.”

Tumawa siya ng malakas sa tinuran nito. “At sino naman ang maysabi na isa ka sa mga babae ko? They are nothing compared with you honey.

Hindi na siya nakapalag nang pasakayin siya ni Dean sa kotse nito. Naiinis siya dahil hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. At kapag sinusungitan niya ito ay tatawa lang ito na parang iniinis talaga siya.

Pagkaraan ng ilang sandali ay huminto ang sasakyan. Hindi niya maaninag ang nasa labas dahil madilim. Lumabas ng sasakyan si Dean at pinagbuksan siya ng pinto.

“Saang lugar ito?” pagalit niyang tanong. Nang makarating sila matapos maglakad ng ilang metro ay namangha siya sa nakita. Isang magandang bahay. Hindi ito masyadong malaki at hindi rin maliit. At nang makapasok sila sa gate ay biglang nagkailaw lahat ng parte ng bahay. Nakita niya kung gaano kaganda ang bahay at paligid. “Anong ginagawa na tin dito?”

“I’m taking you home sweetheart” masuyong sabi nito.

“Pwede ba Dean, ‘wag mo kong paasahin. And please, tama na ang larong ito” muli ay naiyak siya.

“Damn! Listen to me Danielle,” hinarap siya nito at he cupped her face with both hands. “sino ba ang may sabi sa iyo na ikakasal ako kay Grace?” at hinawi nito ang mga luha.

“Nakita ko ang engagement ring na suot-suot ni Grace” kahit nalilito ay ibinigay niya ang sagot niya. At natawa si Dean, tawang nakakaloko.

“Oh, sweetheart you’re so cute when you get jealous.”

“I’m not” tanggi niya.

“Yes, you are!”

“Kung hindi siya, sino? Bakit mo siya ka-date?” kahit awkward ay naitanong niya pa rin.

And he smiled sweetly, “First of all, Grace is my so called “cousin”. She is a step-daughter of my aunt Wilma. Dinala ko siya rito sa Pilipinas dahil isa siyang kilalang wedding coordinator. Nagpresinta siya para sa kasal natin” paliwanag nito.

“What?” para siyang nabingi sa huling sinabi nito.

“You heard me, kasal NATIN!” pag-uulit nito.

“Teka teka, bakit tayo magpapakasal? Pumayag ba ako? Nagpropose ka ba?”

“Well, simple question with a simple answer. Magpapakasal tayo dahil nagmamahalan tayo. At ngayon, I will propose to you” sabi nito at biglang lumuhod ito sa harapan niya at may kinuha mula sa bulsa. “I, Dean Evan Perez, will ask Danielle Lex Rodriguez to be my wife. Will you marry me honey?”

“Oh Dean! How could you? It’s a Yes” pagkasabi nito ay niyakap niya si Dean. “Yes, yes, yes. Oh I love you Mr. Perez.”

“I love you too Mrs. Perez!” masuyo nitong hinalikan siya. “I knew it from the day I saw you, that you’re my only you. I’m sorry for leaving you honey!”

“Ssshh, it’s all in the past hon. I forgive you and Kean.”

“Thank you. I have something to give you” may kinuha na naman ito. Inilahad nito ang isang sobre.

“What’s this?” kunot-noo niyang tanong.

“A letter from Kean”

“Oh!” at binuksan niya ang sulat at binasa.

Dear Danielle,

When you read this letter it means that I’m no longer exist in this world and it means that you and my brother will getting married. Congrtas!

First of all, my sincere apology to you for what I have done. I hurted and fooled you by pretending to be Dean. Ngunit may isang totoong ginawa ako, yon ‘yong minahal kita. Thank you for loving back kahit alam kong hindi para sa akin yon.

Hindi ka mahirap mahalin Dan, kaya naman sigurong minahal ka nga ng kakambal ko.

Kahit wala na ‘ko, palagi pa rin akong nakatingin sa ‘yo.

Nagmamahal,

Kean
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

5 comments: on "My Only You – Chapter 11 (The Final Struck)"

Anonymous said...

who the hell are you???bakit mo kinopya ang kwento ko???

Anonymous said...

opsiii nu punq meron?

pero i like this story its very romantic with crazy love story hehehhe

Anonymous said...

haaay sana binuhay na lang c kean at ako yung makatuluyan nia hahha

Anonymous said...

hmmmm....masaya na malungkot ang ending, but i really love the story super........

Anonymous said...

nice story..

Post a Comment