(Blue)
Gusto niyang mainggit sa concern na pinapakita ni Marc sa Bestfriend niya. Ginagamot nito ang mga kalmot na ginawa ni Maryrose kay Erin. Dapat lang siguro iyon dahil mag-boyfriend ang dalawa. Samantalang siya, eto, ang nurse ng school ang gumagamot sa kaniya. Napakagat-labi siya. Naawa siya sa sarili niya, ayaw man niya maramdaman iyon pero talagang iyon ang nararamdaman niya.
”O ayan,okay ka na ba?” tanong ng nurse sa kaniya ng matapos na gamutin ang mga kalmot niya. Tumango lamang siya. Hindi siya okay. Paanong magiging okay eh halos sumabog na ang dibdib niya sa sakit sa nakikitang sweetness ng dalawa.
”Sa susunod h’wag na kayong makikipag-away okay? Malalaki na kayo at alam niyo na rin na lahat ng bagay nadadaan sa usapan hindi sa sampalan at sa kalmutan.”natatawang biro ng nurse.
Hindi man lang siya nangiti sa simpleng joke na iyon. Hindi niya kayang makipagplastikan kapag wala siya sa mood. Tumayo siya buhat sa visitors chair at ng akmang hahakbang palabas ng clinic ng tawagin siya ni Marc.Lumingon siya dito.
”Ikay salamat ha.” nakangiting sabi nito. ”Alam ko na mali ang ginawa ninyo ni Erin pero natutuwa pa rin ako dahil ipinagtanggol mo siya kay Maryrose.”
Huminga siya ng malalim. Talagang may gusto siya sa mokong na ito. Eto at nagru-rumble na naman ang tiyan niya. At gusto na naman niyang manginig.
Nakangiti siyang tumango. Ngiting pinag-aralan niya sa teatro. Iba talaga ang nagagawa ng workshop ng PETA. Nagagawa na niyang mag-fake ng masiglang ngiti kahit na ang totoo ay mapait ang ngiting iyon.
”Erin is my bestfriend, remember?” masigla niyang sagot kahit nagdurugo ang puso niya.Kumindat pa siya sa kaniyang bestfriend bago lumabas ng clinic.
”That’s why I love my bestfriend.”
Narinig pa niyang sabi ni Erin bago niya isara ang pinto ng clinic.
Alam niyang maiiyak siya. Kaya bago pa mangyari iyon ay pupunta na lamang siya sa isang sulok at magsusulat nalang ng story niya.
Hanggang kaya niyang pigilan ang nararamdaman ay gagawin niya. Dahil alam niya ang mangyayari sa oras na ipagtapat niya kay Marc ang nararamdaman. Tiyak niyang mawawala ito sa kaniya pati na rin ang bestfriend niya. Itatago na lamang niya ang nararamdaman hanggang sa tuluyang mawala iyon sa puso niya. Siguro naman ay pansamantala lang ito, lilipas din hanggang sa maglaho.
Nagsigawan sa tuwa ang mga classmates ni Ikay ng malaman na may gaganapin na naman beauty pageant ang school nila. At ang bawat section ay may two representatives. Tiyak niyang si Maryrose na ang mapipili dahil sumali na ito last year natalo lamang ito ng second year na si—nakalimutan niya ang pangalan. Ah ewan, basta pagdating sa mga ganyang paligsahan eh nunca siyang maging isa sa mga representatives.
Inaamin naman niyang hindi siya maganda. Lagi pa siyang nakasimangot at makapal ang suot niyang salamin. Malabo kasi ang mga mata niya. Medyo may katabaan pa siya. Naku! Walang-wala talaga siya kung ikukumpara kay Maryrorse lalo na kapag smile na ang pinag-uusapan. Bukod sa malalalim na dimples nito sa pisngi eh may golden voice pa ito. Malamyos at masarap sa pandinig ang boses nito. Hindi tulad niya na pang bar ang boses.
”Hay naku!bakit ko ba iniisip ’yong babaing iyon? Natotomboy na ba ko?” kausap niya sa sarili. Ito pa ang isa sa mga ayaw niya sa sarili niya. Ang kinakausap ang sarili. Well, force of habbit. Kahit ayaw niyang gawin ay ginagawa niya pa rin.
”Wala na ba kayong mapipili para sa isa pang representatives natin sa Topaz? Sino ba ang gustong sumali sa inyo?” Tanong iyon ng adviser nila. Nagtinginan naman ang mga classmates niya.
”Teacher, bakit hindi na lang po si Ms. Villamer ang isali natin sa contest?”
Napatingin siya sa may likuran niya. Nakangiti si Maryrose sa kaniya. Ngiting alam niyang may pang-aasar sa kaniya.
”She has a beauty naman eh at may brain pa ’di ba mga classmates?” pagpapatuloy nito sa pagsasalita bago nakangiting bumaling sa mga classmates nila.
Gusto niyang haltakin ang buhok nito na parang buntot ng kabayo sa kintab.Ano kayang gustong palabasin ng babaing ito?
Nagkatawanan naman ang mga classmates nila. Tawang nakakaasar. Parang sinasabing wala siyang K para sa mga beauty pageant.
”O siya kung wala na pala kayong mapili eh ’di si Ms. Villamer na lamang ang second representatives ng section Topaz.”
Tumaas ang kilay niya. Parang napipilitan lang ang teacher niya na piliin siya.” Teacher, h’wag na lang po ako. Marami pa naman po na gustong maging representatives eh.”
Pero duda siya roon. Kapag si Maryrose na ang pinagusapan ay wala ng gustong bumangga dito.
”Ma’am si Ms. Villamer na lang po.”singit naman ng alagad ni demonyita.
”OO nga ma’am. She has a talent too. Maganda rin naman ang boses niya ’di ba mga classmates, pang-bar, wow!” singit ng isa pang alipores ni Maryrose.
Gusto niyang batukan ang mga ito. O sige, pagbibigyan niya ang mga ito. ”Okay ma’am sasali na ako sa beauty pageant.” Lumingon siya sa mga tatlong demonyita sa likuran niya… ”Humanda kayo sa akin.” Iyon ang sinasabi ng mga tingin niya.
0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 7"
Post a Comment