SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 07

(Nadinekyut)



NAGING masaya ang mga sumunod na sandali para kay Aien at Adley. Masaya sila sa piling ng isa’t-isa. walong buwan na mula nang magkaroon sila ng relasyon. Naging mas maalaga si Adley sa kanya. Hindi pa niya nakikilala ang pamilya nito pero nakita na niya ang magulang nito sa isang social gathering. Nais niya panatilihing lihim muna ang kanilang relasyon. Tanging barkada lang nila ang nakakaalam ng tungkol doon.

Nakita na niya ang anak nito. Hindi sa personal kundi sa litrato. Nasa pitaka ni Adley ang litrato niya at sa bandang ibaba niyon ay isang maliit na halos obe-by-one picture ni Allie. Kahit maliit ang picture ay malinaw ang kuha niyon. Cute si Allie at kamukhang-kamukha ni Adley.

Nasabi na rin ni Adley sa kanya ang buong istorya ng tungkol dito at sa ina ni Allie. Pati ang sitwasyon nito sa bahay ay alam niya. Updated din siya sa lahat ng nangyayari kay Allie. Hindi naman siya nagkukunwari kapag nagpapakita ng interes sa mga sinasabi nito tungkol kay Allie. Hindi siya mahilig sa bata pero magaan ang loob niya kay Allie pagkakita pa lang ng picture nito. Siguro dahil si adlet ang ama nito kaya tanggap na tanggap niya ang bata.

“Aien, Ano iyong naririnig kong may boyfriend ka na daw? Palagi ka daw sinusundo sa opisina mo,” ang kanyang ama sa kabilang lonya ng telepono.

Linggo noon at wala siyang pasok. Nanonood lang siya ng DVD sa bahay habang hinihintay si Adley. Nagsabi ito na pupunta ito doon dahil ayaw nito manatili sa bahay ng mga magulang nito. Umuwi kasi ang magulang nito at tanging si Dalia lang ang kasama nito sa bahay. Day-off ng dalawang katulong nito at ang isa namay ay umalis na kahit hindi pa nakakahanap ng kapalit.

“Opo dad. Meron na nga po,” kaswal na tugon niya.

“Who?” parang naiinis na tanong nito.

Ano ba naman ‘to dad? Twenty-three na po ako, pero mukhang pagbabawalan pa rin ninyo ako magkaroon ng boyfriend. Heller? Matanda na po ako. Hindi na ako menor-de-edad.

Pero siyempre, hindi niya isinatinig ang nasa isip. “Si Adley dad. Adley Evans.” Nakasisiguro siyang kilala ng daddy niya ito.

“Damn!” narinig niyang nagmura ang kanyang ama. Mahina lamang iyon at parang nilayo muna ang telepono sa bibig nito bago sinabi iyon. Mukhang inis na inis ito. “How well do you know that guy Aien?”

“More than you think so, dad.” Alam na niya ang dahilan ng galit nito.

“My goodness Aien! Nasisiraan ka na ba? May anak ang lalaking iyon. Kinakasama niya ang babae pero ayaw niya pakasalan! Anong klaseng hinayupak ang taong iyon?!”

Nasaktan siya sa sinabi nito. Para siyang biglang hinampas ng malaking bato sa ulo. “That’s the reason why I told you that I know him more than you do, dad,” kampanteng sagot niya dito. Pilit niyang tinago ang hinanakit, takot at sama ng loob.

“Nabubulag ka lang ng pagtingin mo sa kanya Aien! Pinupuno ka niya ng kasinungalingan at naniniwala ka dahil akala mo, mahal ka niya!” bulyaw nito sa kanya.

“Hindi totoo iyan dad. Hindi mo siya kilala. Hindi mo siya dapat husgahan!” hindi na niya napigilang sagutin ito ng pabalang.

“Makinig ka sa aking mabuti Aien. Ang ganyang klaseng lalaki ay walang kwenta! Kung hindi niya kayang panagutan ang responsibilidad sa babaeng ‘yon, anong kasiguraduhan mong hindi ka magagaya sa babaeng iyon? Kung nagawa niya ng isang beses, magagawa niya ulit iyon! Tumigil ka sa kahibangan mo Aien! Layuan mo siya at huwag ka na makikipagkita o makikipag-usap sa lalaking iyon!”

“Hindi! Hindi n‘yo ako mapapasunod sa pagkakataong ito dad. Hindi ko siya lalayuan. Malaki ang pagkakaiba namin ni Dalia daghil ako mahal niya. Ang babaeng iyon ay hindi. Hindi niya mahal si Dalia dad, ako ang mahal niya!” pasigaw na sagot niya dito.

Pagkasabi niyon ay basta na lang niya hinagis sa pader ang cellphone niya. Naiyak na siya ng tuluyan. Naiinis siya sa daddy niya dahil hindi siya nauunawaan nito. Unfair na hindi man lang ito nakikinig sa kanyang paliwanag.

Alam niyang isang pagkakamali ang ginagawa nila ni Adley. Pero ilang beses niyang sinabi sa diyos na pagbigyan siya nito. Dahil iyon ang kaisa-isang kamalian na nakakapagpaligaya sa kanya. Buong buhay niya ay minahal niya ang daddy niya. Nakikinig siya dito at sinusunod niya ito. Pero ngayon ay hindi ata niya kaya. Hindi niya magagawa ang gusto nito.

Natigil siya sa pag-iyak nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid. Narinig niya ang tinig nang katulong na pinapaalam sa kanya na nasa sala si Adley. Nagsabi lang siya na susunod na siya. Pumasok muna siya sa CR at naghilamos. Ayaw niya humarap dito na mukhang miserable dahil paniguradong magtatanong ito kung anong nangyari sa kanya. Pinilit niya pakalmahin ang sarili. Nang makabawi siya ay mula sa sama ng loob ay saka siya lumabas nang silid.

Tumayo agad ang binata nang makita siya. May dala itong bulaklak at siomai. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Buong paghanga siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa. She’s wearing a maong short shorts and a white sleeveless shirt. Simple and sexy ang dating niya sa suot niyang iyon.

Yumakap siya sa baywang nito. Gumanti ito ng yapos sa kanya. Sinubsob niya ang mukha sa leeg nito. Hinding-hindi talaga siya magsasawa na amuy-amoyin ito. Nawala na ang lahat ng problema niya dahil nandito na ang binata. Ang lalaking nagapapagaan sa lahat ng paghihirap ng kalooban niya.

“Lets watch movies honey. May dala akong DVD.” Nakangiting itinaas nito ang isang malaking plastic na dala nito. May mga DVD na laman iyon.

“Sige, pero sa taas na lang tayo manood. Mas komportable doon. Saka parang makakatulog ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil kinulit ako ni Aiel na tulungan siya sa surprise party niya para kay Rave.”

“Okay. Teka, imbitado ba ako sa surprise party na iyon?” nakangiting wika nito. Sumabay ito sa kanya sa pag-akyat sa hagda habang nakapulupot ang kamay nito sa baywang niya.

“Syempre! Pero hindi pa nasasabihan ang mga imbitado. Inaasikaso pa ni Aiel yung details ng preparation.

Pagpasok nila sa kwarto ay may sasabihin pa sana siya dito pero hindi na niya nagawa nang siilin siya nito ng halik. Sa una ay normal na halik lamang iyon pero ilang sandali lamang ay naging maalab na ang paraan ng paghalik nito. Tinugon niya ang marubdon na paghalik nito.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang mga kamay nito na humahaplos sa kanyang likod. Pinaglakbay naman niya ang kanyang palad sa dibdib nito. Umungol ito ng marahan. Nanulay ang bolta-boltaheng kuryente sa kanyang katawan. Para siyang baga na unti-unting nag-aapoy.

Nang humiwalay ang labi nito sa labi niya ay napaungol siya sa pagpoprotesta. Ngumiti lamang ito at inakay siya papasok ng silid papunta sa kama. Pinaupo siya nito sa gilid niyon bago muling halikan. Akala niya ay wala nang mas titindi pa sa paghalik nito sa kanya kanina pero ngayon ay naging mas maalab iyon. Pinagapang nito ang labi sa kanyang mukha. Hanggang sa marating ang taynga niya. He gently nibbed her earlobe. Isang masarap na kiliti ang naramdaman niya nang gawin nito iyon. Gumapang ang labi nito pababasa batok niya, papunta sa leeg niya.

Tumayo ito at naghubad. Napatitig na lang siya sa ganda ng katawan nito. Lumuhod ito sa harap niya at pinaghiwalay ang kanyang hita. May kataasan ang kama niya kaya niyuko pa niya ito ng bahagya upang mahalikan ito. Hinaplos nito ang kanyang hita. Lalo lang iyon naghatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Pakiwari niya ay may mahinang kuriyente na nanunulay sa kanyang mga kalamnan.

Nang hindi ito makatiis ay inalis nito ang damit at bra niya. Hiniga nito ang katawan niya bago tanggalin ang shorts niya. Hinubad nito iyon kasama ang underwear niya. Tumayo ito at binuhat siya. Inayos nito ang pagkakahiga niya sa gitna ng kama.

Pinagpatuloy nito ang paghalik sa kanya. Para siyang may naramdamang isang nakakakiliting bagay sa kanyang kaibituran. Hindi niya napigil ang pag-ungol habang naglalaro ang mga daliri nito sa kanyang pagkababae. Palipat-lipat ang bibig nito sa paghalik sa kanyang dibdib. Nakaliliyo ang sensasyon na nararamdaman niya. Nakakapit siya sa mga braso nito ng mahigpit.

Hindi nagtagal ay parang may sumabog sa kanyang pagkababae. Ang masarap na sensasyon na naipon sa katawan niya ay pinakawalan niya. Hingal na hingal siya pero masaya siya. Noon lang niya naranasan ang ganoon kasidhing pagnanasa sa tanang buhay niya.

Matapos ang kaiga-igayang pakiramdam ay parang hindi pa rin siya kuntento. Sa halip na matapos ang kabaliwan niya ay lalo lamang iyon lumala. Niyakap niya si Adley at hinalikan ito. Nang magtagpo ang kanilang labi ay sa dibdib naman niya napunta ang kamay nito.

She felt his hard manhood touching her sacred part. He just rubbed it against her. Hanggang sa unti-unti nitong tinulak ang sarili papasok. She felt discomfort and pain. Halos mapaiyak siya sa sakit. Agad na nawala ang kaiga-igayang pakiramdam at napalitan ng sakit. He thrust hard until he fill her whole being with his manhood.

Hindi ito gumalaw sa loob ng ilang minuto. He kiss and touch her again. Muling binuhay nito ang apoy na nawala dahil sa sakit na dilot ng kanilang pag-iisa. Nadarang siya sa mga masusuyong halik nito. Sinakop ng labi nito ang kanyang dibdib na parang isang sanggol. Nagsimula siyang muling umungol. Muli niyang naramdaman ang walang kapantay na sensasyon na dulot ng paglulumikot ng dila nito sa tuktok ng kanyang dibdib.

When he heared her moan, he started moving his lower body. He did it so gentle and slow. Alam niyang nagiging maingat ito na huwag siyang saktan. Alam niyang nagpipigil ito. Hindi naman nagtagal ang pagpipigil na iyon. Nang masanay ang katawan niya dito ay unti-unti na niyang naramdaman ang muling pamumuo ng nakakakiliting bagay sa kanyang puson.

A few more thrust and she got to her peak again. Dalawang beses pa niya narating ang rurok ng kaligayaha bago siya nasabayan nito. Pareho silang humihingal at pagod na pagod. Sinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. Kung hindi pa niya sinabihan ito na umalis sa pagkakadagan sa kanya ay hindi pa ito kikilos.

NAKAUNAN si Aien da braso ni Adley at nakayakap ang isang kamay niya sa baywang nito. Nakayapos din ito sa kanya habang marahang dinadampian ng magaang halik ang kanyang noo. Wala siyang maramdamang pagsisi sa nangyari, bagkus ay masayang-masaya siya na ibinigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. She never felt so conplete and contented in her whole life.

Malapit na siyang makatulog nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon nito. Tinamad itong tumayo kaya inignora na lang nito iyon. Pero ilang beses nang tumatawag ang nasakabilang linya. Hindi tumigil sa pagtunong ang cellphone nito. Wala itong nagawa kundi tumayo. Napilitan itong kunin ang cellphone nito.

Bahagyang lumayo sa kanya ang binata nang masagot nito ang tawag. Nakita niya ang biglang pag-aalala na rumehistro sa mukha nito. Naintriga siya sa tawag na natanggap nito kaya napabangon siya ng bahagya. Naupo siya at sumandal sa headboard ng kama. Nakatingin lang siya dito habang nakikipag-usap ito.

Matapos ang tawag ay nagmamadali itong pumunta sa banyo at narinig niya ang pagbuhos ng tubig mula sa shower. Nang lumabas ito ay dala na nito ang tuwalya niya at tinutuyo ang katawan. Habang nagbibihis ito ay saka lang nito sinabi ang nangyari.

“Nasa ospital si Allie. Nung tumawag si Dalia, natataranta na siya habang hawak si Allie. Umiiyak daw si Allie pero hindi niya alam ang gagawin. Pinalitan daw niya ang diapers ni Allie pero hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Allie. Pinadede niya pero niluluwa lang ni Allie yung gatas. Namumula na raw ng husto si Allie dahil sa kakaiyak. Hindi na alam ni Dalia ang gagawin kaya dinala na niya sa doktor.”

“Minsan talaga, ganoon ang mga bata. Minsan kailangan lang nila ng maglalambing sa kanila. Minsan naman ay may nararamdaman na hindi maganda. Tulad ng kabag o baka nausog. Huwag ka masyado mag-alala, magiging okay si Allie.”

Nginitian siya nito. “Okay. Pero kailangan ko na umalis. Kailangan ko puntahan si Allie.”

“I know. I understand. Sige na, puntahan mo na siya. Basta tawagan mo ako kung ano man ang sabihin ng doktor oka?” Nginitian niya ito ng matamis.

“Okay honey. Bye.” Humalik ito sa noo niya bago sa labi pagkatapos at umalis na ito.

Pagkaalis ng binata ay hindi niya napigilang mapaiyak. Naglaho ang lahat ng ilusyon niya. Para siyang nakikihati sa atensyon ng binata. Para siyang nakikiagaw sa oras at pagmamahal nito. Masakit para sa kanya na maisip na mas mahala si Allie kaysa sa kanya. Number two lamang siya para dito. Napakasakit isipin na parang nakikisiksik lang siya sa pagmamahal na mayroon ang binata.

Tama ang kanyang ama. Si Adley ang lalaking hindi maibibigay sa kanya ang buong puso at pagkatao nito dahil may iba itong dapat pag-alayan din niyon—si Allie. Hindi magiging kanya si Adley ng buong-buo ano man ang gawin niya. Hindi naman siya maramot, handa siyang makipaghatian kung anak lang din naman nito ang pag-uusapan. Kaya niya mahalin din si Allie. Pero masakit sa kanya na hindi si Allie ang nakikihati kundi siya. Dahil mas malaki ang parte nito kaysa sa kanya. Dahil siya ang pangalawa lang.

Wala siyang karapatan na mainis at masakta dahiliyon ang naging desisyon niya at tinanggap niya ng maluwang sa puso ang pagkakaroon ng anak ni Adley. Pero parang napakahirap ng sitwasyon niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakayang mahalin ng binata. Walang kasiguraduhan ang posisyon niya sa buhay nito. Ano mang oras ay maaaring mawala ito.

Pakiramdam niya sa relasyon nila, ilang oras lang siya masaya kumpara sa napakahabang oras na nasasaktan siya at naghihirap.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 07"

Post a Comment