(Nadinekyut)
ANG sakit sakit ng katotohana para kay Aien. Hindi niya na alam kung anong iisipin at gagawin. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa dinami-dami ng lalaking nagkagusto sa kanya, kay Adley pa siya umibig. Nasasaktan lang siya dahil sa pagmamahal niya dito.
Hirap na hirap na siya. Napakatagal na niyang nagtitiis. Ang dami na niyang sinakripisyo. Para sa kakarampot na pagmamahal na naibibigay sa kanya ni Adley, nagawa niyang suwayin ang kanyang ama. Handa siyang ipagpalit ang pamilya niya. Handa siyang tanggapin si Allie. Handa siyang magtiis ng may kahati dito.
Isinuko niya dito ang kanyang pagkababae. Sa lahat ng oras na kailangan siya nito ay lagi siyang nasa tabi nito. Lahat ng bagay na kailangan niyang gawin ay kinakalimutan niya kapag hinihiling nito na makasama siya. Lahat ng bagay na pinapahalagahan niya ay halos makalimutan na niya para dito. Ang trabaho niya, mga kaibigan, pamilya, maging ang sarili niya.
Pinaikot niya ang mundo niya dito. Bumuo siya ng pangarap para sa kanila. Umasa siya, naghintay, nagtiis. Pero nabalewala ang lahat ng iyon. Pawang ilusyon lang ang lahat. Hindi niya ito pag-aari at kailanman ay hindi ito magiging sa kanya.
LINGGO nang araw na iyon. Nang nagdaang gabi ay tinawagan siya ni Adley. Hinihiling nito na makausap siya. Ayaw na ng utak niya pero nagpupunulit pa rin ang puso niya. Ayaw maniwala ng makulit niyang pagmamahal dito na walang pupuntahan ang pagtitiis niya.
Ayaw na niya marinig ang sasabihin nito dahil alam niyang lalo siyang masasaktan. Alam niyang lalo lang siya maaawa sa sarili niya. Pero ano ba ang magagawa niya laban sa puso niya? Masakit man, gusto pa rin niyang umasa. Kahit napakahirap ng sitwasyon nila, gusto pa rin niya manatili sa tabi nito. Nababaliw na nga siguro siya, dahil nasasatan na siya ay ayaw pa rin niya tumigil.
Nasa pad siya nito ngayon. Nang magkita sila sa mall kanina ay niyaya siya nito doon. Wala na siyang lakas para tumanggi. Kailangan na sa pribadong lugar sila mag-usap dahil baka hindi na naman niya mapigilan ang sarili at mapaiyak na naman siya.
Nagpaliwanag ito. Kinuwento nito sa kanya ang nangyari nang araw na iyon. Mula nang gumising ito hanggang sa tawagan siya nito. Wala umano si Dalia sa bahay kaya hindi nito makompronta ang babae. Hindi umuwi si Dalia nang araw na iyon. Alam nilang sinadya ni Dalia ang ginawa nito. Ang hindi nila maintindihan ay paano nalaman ng babae ang tungkol sa plano nila.
Pilit pa rin niyang inunawa ang binata. Binantaan ito ni Dalia kaya nawalan ito ng choice. Nagpakatanga na naman siya nakinig na naman siya dito. Pinatawad na naman niya ito at muling binigay ang sarili dito. Manhid na siya ng mga sandaling iyon. Wala siyang makapang kaligayahan, sakit o galit sa kanyang puso.
Siguro ay naging bato na siya. Siguro ay pagod na ang puso niya na makaramdam ng kahit ano. Alam niyang niloloko niya lang ang sarili niya sa pag-iisip na may mangyayaring maganda sa kinabukasan nila ni Adley. Pero alam niya na wala nang kahihinatnan ang pag-ibig niya para dito.
Pero bakit ganoon? Kahit pilitin niyang magpakamanhid ay hindi niya kaya. Hindi niya kayang pakawalan ito. Kahit wala na siyang nakikitang pag-asa, ayaw pa rin niya talikuran ito. Hindi kayang mawala ito sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay niya pag nawala ito. Hindi na niya magagawang magmahan ng kahit sino higit sa pagmamahal niya sa binata.
“GAWIN mo ang gusto niya Adley! Pakasalan mo siya!” galit na wika ng ama ni Adley sa kanya.
Mautak si Dalia dahil ginagamit nito si Allie laban sa kanila ni Aien. Ginagamit nito si Allie para makuha ang gusto nito. Binanta nito na hindi na nito ipakikita o ipahahawak si Allie sa kanila kapag hindi niya pinakasalan ang babae.
Umalis si Dalia sa bahay kasama si Allie. Nag-text lang ito na papayag lamang ito na kilalanin sila ni Allie bilang kapamilya kung pakakasalan niya ang dalaga. Marahil ay naramdaman na nito na nanganganib ang posisyon nito sa buhay niya dahil kay Aien. Bukod pa doon ay nasisiguro niyang may kinalaman ang balita na legal nang ipapasa sa kanya ng kanyang ama ang kumpanya. Pera ang habol nito sa kanila.
Ang mga magulang nito ay kinukunsinti ito. Baka nga ang mga ito pa ang nagbibigay ng ganoong ideya kay Dalia. Malaki ang magagawa ng pagpapakasal niya kay Dalia para sa kumpanya ng mga ito kung saka-sakali. Iyon ay kung pumayag siyang magpakasal dito.
“Hindi ko magagawa iyon dad. Hindi ko pakakasalan si Dalia. Mahal ko si Aien. Siya ang gusto ko pakasalan at makasama habangbuhay. Noon pa man ay alam na ninyo iyan. Hindi magagawa ang gusto ni Dalia!” mariing sagot niya dito.
“Tumigil ka sa kahibangan mo Adley! Pupunta ka ngayon din kay Dalia at pababalikin mo siya dito sa ayaw at sa gusto mo or I will disown you!” Napatayo ang kanyang ama mula sa kinauupuan dahil sa sobrang galit.
Mahal na mahal nito si Allie. Malapit na malapit dito si Allie. Maging sa kanya at malapit ang anak niya at mahal na mahal niya ito. Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin.
“Hindi mo maaaring gawin ito sa akin dad!”
Hindi niya gusto pakasalan si Dalia. Sie Aien ang mahal niya. Gusto niya makasama si Allie, pero paano si Aien? Hindi niya kayang saktan ito. Hindi niya kayang iwan ito. Hindi niya kayang mawala si Allie at si Aien sa kanya.
“I can and I will Adley! Binabalaan kita. Makipag-usap ka nang maayos kay Dalia. Pabalikin mo siya dito at magpakasal ka sa kanya!”
“Pero dad, alam n‘yo naman na may iba akong mahal. Please dad, ayokong pakasalan si Dalia.”
“Wala akong pakialam sa mahal mahal na sinasabi mo! Ang gusto ko ay pakasalan mo ang nabuntis mo! Maging responsible ka sa ginawa mo Adley!”
“Pero ayoko dad! Hindi ako papayag sa gusto mo!”
Naupo ang kanyang ama. Nasapo nito ang dibdib nito at mukhang nahihirapan ito huminga. Dinaluhan agad ito ng kanyang ina na kanina pa nakikinig sa kanila malapit sa pinto ng sala. Nanghingi lang ng gamot ang kanyang ama at pagkatapos ay pinaakyat na ito ng kanyang ina sa silid ng mga ito.
“ANAK, sundin mo na lang ang papa mo,” malumanay na wika ng ina ni Adley sa kanya nang magkaharap na sila sa sala.
“I can’t ma. I don’t want to.”
“Anak, isipin mo ang kalagayan ng daddy mo. Isipin mo si Allie. Isipin mo ang kaligayahan ko. Marami kaming naapektuhan anak.”
“Pero paano naman ang kaligayahan ko ma? Paano si Aien?”
“Anak, kaya mo bang iwan si Allie. Kaya mo bang mabuhay ng wala siya sa tabi mo. Magiging masaya ka ba, kahit kasama mo Aien ay alam mo na may iniwan kang anak na hindi mo alam kung ano nang kinahinatnan. We both know that Dalia is not a good mother, and her parents are not good grandparents too. Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari kay Allie.”
“But ma, I can’t be with Dalia. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mahalin o pakisamahan man lang.”
“Mag-isip ka ng mabuti, Adley. Nag-iisa si Aien. Samantalang tatlo kami ng daddy mo at ni Allie. Hindi ba sapat iyon? Kapag may nangyari sa daddy mo, mapapatawad mo ba ang sarili mo? Ganoon din kay Allie. Siguradong kakayanin ni Aien na mawala ka sa kanya. She’ll recover. She’ll got over it someday. Or at least, she can handle herself. She’s a stong woman. Pero ang tanong, kaya ba ng daddy mo na mawala si Allie? Alam mong mahal na mahal namin si Allie. Kahit ako, hindi ko alam kung kakayanin ko. At si Allie, maipagtatanggol ba niya ang sarili niya sa kung ano mang pwedeng gawin ni Dalia?”
Napaisip siya sa sinabi nito. Naalala niya ang sinabi noon sa kanya ni Aien.
“Adley, kapag kinailangan mo na mamili sa amin ni Allie, piliin mo si Allie ha. Huwag mo ako intindihin. Kaya ko ang sarili ko. Pero si Allie, kailangan ka niya. Siya ang piliin mo. Magiging okay ako. Kaya ko.”
Napapikit siya nang mariin. Hindi na niya alam ang gagawin. Nalilito na siya sa kung ano ba ang dapat niya piliin.
“Okay mom, I’ll talk to Dalia. Pipilitin ko siyang mapabalik dito. Pero hindi ko pa sigurado kung maaatim ko siyang pakasalan. Hindi pa ako sigurado sa desisyon ko.”
“Okay son. That’s good enough.”
NASA opisina pa si Aien at may tinatapos na trabaho nang tumawag si Adley. Alam niyang may problema ito. Hindi niya sinasabi dito pero sa tuwing nakakausap niya ito nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman niyang mabigat ang loob nito. Parang may kung anong nagpapahirap dito. Gusto niyang alamin pero hindi naman niya makuhang magtanong.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Pinapasok niya ito. Wala nang ibang nasa floor kundi siya kaya sigurado siyang si Adley iyon. Sumungaw ang gwapong mukha nito sa pinto. Nakangiti ito nang pumasok pero napansin agad niya na malungkot ang mga mata nito. Hindi umaabot doon ang ngiti nito.
Pumasok ito at lumapit sa kanya. Pinatong nito ang dalawang braso sa mesa niya. Yumukod ito at ginawaran siya ng halik sa labi. Mas matagal kay sa sa normal na smack iyon. But she doesn’t mind. He can kiss her as long as he wants and he’ll never hear any protest from her. She loves kissing him and making him feel how much she loves him. She loves making him feel speacial and adored.
“Busy?”
“Nope. Katatapos ko lang. Nakapagligpit na nga ako eh.” Iminuwestra niya dito ang desk niya na malinis na at wala nang mga kung ano-anong papel na nakapatong doon.
“Good. We need to talk. And after that, I’ll drive you home. Okay?”
“Yes sir!” Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng pag-iiringan nila dati dahil pareho silang domineering at bossy ay mauuwi rin sila sa pag-iibigan. Hindi niya akalain na mamahalin nila ang isa’t-isa ng ganoon katindi.
SA isang twenty-four hours McDo sila kumain. She requested it because she missed hanging out on simple places like that.
She let him order for her. Naupo lang siya sa mesa at hinintay ito makabalik dala ang pagkain nila. Konti lang ang binili nito. Alam kasi nito na nag-dinner na siya at sigurado siyang nakapaghapunan na rin ito. Hindi ito nagpapaliban ng kain kapag nasa bahay ito ng mga magulang nito. Nang tumawag ito kanina ay nakita niya sa caller ID ng phone niya ang numero nang bahay ng mga magulang nito.
Habang kumakain ay naisipan na niyang itanong kung anong problema nito.
“Dalia left the house.”
Nagulat siya sa sinabi nito. “When? Where did she go? Did she took Allie with her?” sunod-sunod na tanong niya dito.
“Noong isang araw pa. Akala namin naglakwatsa lang siya. Pero nag-text siya kaninang umaga na ilalayo niya sa amin si Allie kapag hindi ko siya pinakasalan.”
“What?!” Kulang ang salitang shock para i-describe ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at kakaunti lang ang tao. Napasigaw kasi siya dahil sa pagkabigla.
“Ayoko siya pakasalan. Alam mo iyan Aien. Gagawa ako ng paraan para hindi mangyari iyon,” mabilis na wika nito.
“She’s crazy! Ano ba ang binabalak niya sa bihay nila ni Allie. Ginagamit pa niya si Allie.” Galit na galit na siya sa babae. Sukdulan talaga ang pagiging desperada nito.
“Iyon na nga, ginagamit niya si Allie. Sigurado akong hindi pagmamahal ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya akong pakasalan. Pera lang ang habol n’on.”
“Alam na ba ng parents mo ang tungkol dito?”
“Yes. Sila ang t-in-ext ni Dalia kaninang umaga.”
“Talagang naghahanap ng kakampi sa pangungumbinsi sa ‘yo. Mautak talaga ang bruha! Alam niyang mahal na mahal ng parents mo si Allie kaya sila mismo ang pipilit sa ‘yo na pakasalan ang bruha na ‘yon. Grabe! Ang galing ng loka loka na ‘yon ha!”
“Wala tayong magagawa Aien. Ganoon na talaga siya mula pa noon.”
“Ano ngayon ang balak mo?” nag-aalalang tanong niya dito.
“Kakausapin ko siya.”
“Madadaan pa ba sa usap ang babaeng iyon? Eh may sapak na sa utak iyon. Wala kang maipapaintindi doon dahil tanga iyon!”
“Wala akong choice kunsi kausapin siya. Hindi pwedeng hayaan ko si Allie sa kanya. Baka kung anong klaseng pagtrato lang ang gawin niya kay Allie. Hindi mo lang alam kung anong klaseng ina ang babaeng iyon Aien. Hindi ko maipagkakatiwala sa kanya at kahit sa parents niya si Allie. At ayaw nila mommy at daddy na mawala si Allie sa kanila. Ayoko din mawala si Allie. Mahal na mahal ko siya.”
Naawa siya sa nobyo niya dahil sa paghihirap sa tinig nito. Bakas ang matinding sakit sa mukha nito. Alam niya kung gaano nito kamahal si Allie. Alam niya kung gaano kaimportante para dito ang magulang nito. Naiintindihan niya ito at ang pinagdadaanan nito. Hindi nito kayang pakasalan si Dalia pero hindi din nito kayang mawala si Allie. Gagawin nito kahit ang lumuhod sa harap ni Dalia at magmakaawa huwag lang ilayo ni Dalia si Allie dito at palayain lang siya nito.
“Okay, sige. Naiintindihan ko. Talk to her and do everything you can to get out of this mess. Whatever happens, balitaan mo ako. Kung ano man ang magiging resulta ng pag-uusap niyo ay sabihin mo sa akin. Go and take Allie. Huwag mo siya pababayaan kay Dalia dahil baka hindi maganda ang maging trato nila kay Allie kapag hindi na nila nagamit ang bata para pasunurin ka nila.”
“Bukas ako pupunta sa kanila. Tatawagan kita sa isang araw. Wait for my call.”
0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 10"
Post a Comment