SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 11

(Nadinekyut)



UMUWI si Adley ng gabing iyon na balisa-balisa ang isip. Alam niyang hindi madadaan sa usap si Dalia. Kahit bigyan niya ito ng malaking halaga ay hindi pa rin ito papayag dahil mas malaking halaga ang makukuha nito kung pakakasalan niya ito. Gagawa at gagawa ito ng paraan para pakasalan niya ito.

Hindi niya kaya gawin iyon. Hindi niya kayang iwan si Aien. God knows how much he loves her. Hindi niya kayang mabuhay ng wala ito sa tabi niya. Ano’t-ano pa man, kailangan niya gumawa ng paraan para malusutan ito. He can’t bear to lose either Aien nor his son. He just loves them so much.

Nag-empake siya ng mga gamit na dadalhin niya. Nasa Bulacan si Dalia. Sa tingin niya ay hindi lang isang araw ang ilalagi niya doon. Magiging masalimuot at mahaba ang pag-uusap nila ni Dalia. Hindi niya basta-basta mapapaamo ito. Kailangan muna niya mag-isip ng paraan para makuha si Allie dito. Kailangan niya makaisip ng paraan para mapapayag ito na hindi magpakasal sa kanya ng hindi nito pinagkakait si Allie sa kanila.

Hindi siya makatulog ng gabing iyon. Ilang oras na siyang nakahiga pero naglalakbay pa rin ang isip niya. Sa mga sinabi ng mommy niya. Sa sinabi ng daddy niya. Hay Allie. At lalong-lalo na kay Aien. Bumabalik sa ala-ala niya ang mga ngiti at tawa nito. Ang mga magagandang pinagsamahan nila. Ang paghihirap sa mukha nito. Ang pag-iyak nito. Ang lahat ng sakit na idinulot niya dito.

Pakiramdam ko, mas mahaba pa ang oras na nag-iisip ako at nalilito sa tinatakbo ng relasyon natin kaysa sa panahon na masaya ako kasama ka. Naaawa ako sa sarili ko dahil para akong namamalimos ng pagmamahal galing sa ‘yo. Naalala niyang minsan ay sinabi nito iyon sa kanya.

God, please tell me if I still deserve her after everything I put her in to.

Simula nang dumating siya sa buhay nito ay naging magulo na ang magandang mundo nito. Nananahimik ito at maayos ang buhay pero binulabog niya iyon. Masaya ito noon pero nang dumating siya ay madaming hirap ang pinagdaanan nito. Dinamay niya ito sa gulo ng buhay niya.

Mula nang mahalin siya nito ay patong-patong na problema na ang hatid niya dito. Alam niya ang laki ng sakripisyo nito para sa kanya. Hindi lingid sa kanya ang pag-aaway nito at ng ama nito. Hindi lingid sa kanya ang pambabatikos dito ng mga taong nakakaalam ng sitwasyon nila. Alam niya na marami itong itiis para sa kanya. She’s too great, to the point that he keeps asking himself if he’s worth all of those things she gives and does for him.

Tumayo siya at kinuha ang maleta niya. Hindi na siya makakatulog pa kaya mas mabuting umalis na siya ngayon pa lang. Ipikit man niya ang kanyang mata ay lalo siyang nahihirapan. Lalo lang siyang nag-iisip ng mga hindi magagandang mangyayari pag nawala sa kanya si Aien. Kahit madaling-araw pa lang ay sigurado siyang pagdating niya ng Bulacan, may magbubukas ng pinto sa kanya kahit mga katulong lang nila Dalia.

Kulang na kulang siya sa tulog at para siyang lumulutang sa alapaap habang nagmamaneho. Sinubukan niya mag-focus sa pagmamaneho pero hindi niya magawa. Masyadong maraming laman ang isipi niya ngayon. Hindi na niya namalayan na nasa Bulacan na pala siya. Parang nagulat pa siya ng matanaw ang bahay nila Dalia.

“Magiging masaya ka ba, kahit kasama mo Aien ay alam mo na may iniwan kang anak na hindi mo alam kung ano nang kinahinatnan. We both know that Dalia is not a good mother… Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari kay Allie.”

Umibis siya ng sasakyan at tumungo sa pinto. Pinagbuksan siya ng katulong. Una niyang pinuntahan si Allie. Natutulog pa ito ngunit nagising ito nang yakapin niya ito. Hinalikan niya ito sa pisngi. Ngumiti lang si Allie at mukhang inaantok pa. Hinayaan niya ito bumalik sa pagtulog. Pagkatapos ay pinuntahan niya si Dalia. Gaya ni Allie ay natutulog pa ito. Hindi niya nilapitan ito. Tinignan niya ito mula sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayon. Namumuhi siya dito at naiinis. Pero may isang parte ng isip niya na nagsasabihing kung ito na lang sana ang minahal niya mula pa noon ay hindi sana siya nahihirapan at nalilito ngayon. Hindi sana niya ngayon nasasaktan si Aien.

Magawa ko kaya siyang mahalin? Matutunan ko kaya?

Sa tingin niya ay hindi. Hindi niya kakayaning magmahal ng iba maliban kay Aien. Wala siyang ibang gusto makasama kundi si Aien. Si Aien lang ang laman ng puso niya. Habangbuhay.

HINDI malaman ni Aien kung anong mararamdaman. Nang maghiwalay sila ni Adley ay nangako itong tatawagan siya. Pero hindi nito ginawa iyon. Pang-apat na araw na siyang naghihintay ng tawag mula dito pero wala pa rin siyang nakukuha kahit text message man lang.

Nagdesisyon siyang tawagan ito nang umagang iyon. Pero hindi ito sumasagot. Nag-ri-ring ang cellphone nito pero hindi nito sinasagot iyon. Naiinis na siya pero hindi pa rin siya sumuko. She gave him the ‘benefit of the doubt’.

Naging abala siya sa opisina dahil maraming trabaho. Nagawa niyang hindi isipin ang tungkol sa problemang niyang bumabagabag sa kanya. Ngunit nang gumabi at sumapit ang uwian ay agad na nagbalik ang lungkot niya.

Hindi siya agad umuwi. Naglakad-lakad siya nang walang siguradong destinasyon. Nais lang niya mag-isip ngayon. Matapos ang lahat ng nangyari sa kanila ni Adley ay maaaring ito na ang maging wakas nila. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang lahat. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula kung sakaling iwan siya ng binata.

Bago umuwi ay bumili muna siya ng alak. Kailangan niya iyon upang makatulog agad. Kailangan niya iyon upang pansamantalang takasan ang problema at bigat ng dibdib na pinapasan niya ngayon.

Nagpakalango siya sa alak nang makauwi siya. Wala siyang kasama doon. Tanging ala-ala lang ni Adley ang nakikita niya sa balintataw niya. Ang mga panahong magkasama sila doon at masayang nagmamahalan.

Umiyak siya nang umiyak. Bakit ba ganoon ang nangyayari sa kanya? Gusto niyang makalimot pero parang lalo siyang nalulunod. Gusto niyang takasan ang lahat pero parang kahit saan siya magpunta ay hinahabol siya ng ala-ala ng binata.

NAGING ganoon ang takbo ng buhay ni Aien sa loob ng isang linggo. Uuwi siya na may dalang alak, magpapakalasing hangga’t kaya niya, pagkatapos ay iiyak ng iiyak.

Patuloy ang pagpapadala niya ng mensahe kay Adley. Patuloy ang pagtawag niya dito. Pero wala siyang nakukuhang kahit anong sagot mula dito.

Litong-lito na siya. Pakiramdam niya ay nakabitin siya sa ere. Para siyang tanga na naghihintay sa walang kasiguraduhan. Hindi na niya malaman kung ano pa ang magagawa niya. Kahit mukhang wala nang pag-asa ay ayaw pa niya bumitiw. Patuloy siya sa pag-aasam na babalik ang binata sa kanya.

Matapos ang lahat ng trabaho niya nang gabing iyon ay muli niyang tinawagan si Adley. Laking gulat niya nang i-reject nito ang tawag niya. Hindi ito sumasagot pero hindi rin ito nag-re-reject. Tinawagan niya itong muli pero nakapatay na ang cellphone nito.

Umiiyak na siya at nanginginig na ang katawan niya. Sinubukan uli niyang tawagan ito pero nakapatay pa rin. Para siyang nababaliw na pauli-ulit tinawagan ito. Humahagulgol na siya habang hawak ang cellphone niya. Hanggang sa huli ay napasubsob na lang siya sa office table niya. Umiyak siya ng umiyak at nilabas ang kahat ng sakit at sama ng loob.

Sobrang hirap para sa kanya ng nangyayari. Nakapili na ba ang binata? Hindi na ba ito babalik sa kanya? Tuluyan na ba siyang iniwan nito? Paano na siya ngayon. Saan na siya lulugar ngayon? Ano na ang mangyayari sa kanya?

Nang matigil ang pag-iyak niya ay umalis siya ng opisina. Naglakad siya pauwi kahit may kalayuan ang bahay niya mula sa opisina. Hindi niya inaalintana ang malamig na simoy ng hangin. Hindi niya alintana ang mga matang napapagawi sa kanya dahil patuloy ang pagpatak ng luha niya habang naglalakad siya.

Luminga-linga siya sa piligid. Kilalang-kilala niya ang lugar na iyon. Hinding-hindi niya malilimutan ang ala-ala niya doon. Sa lugar na iyon niya sinabi kay Adley ang lahat ng mga bagay na pinagsisisihan niya ngayon na sinabi niya.

“Adley, kapag kinailangan mo na mamili sa amin ni Allie, piliin mo si Allie ha. Huwag mo ako intindihin. Kaya ko ang sarili ko. Pero si Allie, kailangan ka niya. Siya ang piliin mo. Magiging okay ako. Kaya ko.”

Napakalaking sinungaling niya. Hindi totoong kaya niya. Hindi totoong okay siya. Hindi totoong gusto niyang piliin nito si Allie. Ayaw niya. Hindi niya kaya. Hindi kaya ng puso niya natuluyan itong mawala sa kanya. Mahal na mahal niya ito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa oras na maghiwalay talaga sila.

Umiwi siya ng bahay. Muli siyang naglasing gaya ng lagi niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay napaka-helpless niya. Parang siya na ang pinaka kawawang tao sa mundo. Masamang-masama ang loob niya.

Pumunta siya sa garden. Naupo siya sa lawn at tumanaw sa langit. Napahagulgol siya. Yumuko siya at itinakip sa mukha niya ang dalawang palad niya. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano mag-mo-move on. Hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang sarili niya ngayon. Wala na si Adley. Wala na ang lahat ng pangarap niya para sa kanila.

Wala siyang ibang gusto kundi si Adley. Wala siyang ibang ninais kundi ang maging masaya sila. Naiinggit siya kay Aiel dahil magpapakasal na ito. Samantalang siya ay mananatili nang mag-isa habangbuhay. Si Adley lamang ang gusto niyang makasamang tumanda. Ang makasamang bumuo ng pamilya. She can’t picture herself in the future with any other guy.

Hindi niya ngayon alam kung ano ang panghahawakan niya para magpatuloy sa buhay. She fought for him. Kulang na lang ay itakwil siya ng kanyang ama. Halos ipagpalit niya ang pamilya niya para dito. Kahit talikuran ang pamilya niya ay magagawa niya, huwag lamang ito mawala sa kanya. Kaya niyang mabuhay kahit wala ang sino man, basta kasama niya ang binata.

Pinaglaban niya ang pagmamahal niya para dito pero siya ay hindi nito magawang ipaglaban. Nagsakripisyo siya at nagtiis sa loob ng ilang taon para dito. Mahal na mahal niya ito. Ginagawa niya ang lahat para dito. Nagtiyaga siya na may kahati sa puso nito. But he broke her heart. Binalewala nito ang lahat ng paghihirap niya. Binalewala nito ang mga ibinigay niya para dito. Lahat-lahat… Lahat, nauwi sa wala. Parang balewala ang lahat.

Napaangat siya nang ulo nang maramdaman niya na may nakamasid sa kanya. Nang makita kung sino ang nandoon ay lalo siyang napaiyak. Lumapit sa kanya ang daddy niya. He sat beside her and hugged her. She cried in his arms as she buried her face in his chest.

“Ang sakit daddy. Tiniis ko lahat at nagsakripisyo ako. Pero hindi niya ako kayang panindigan daddy. Hindi niya ako kayang ipaglaban. Bakit kailangang magkaganito? Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal to the point na handa akong tanggapin si Allie! Kahit ako ang maging mommy ni Allie, okay lang sa akin. Kahit maging kahati ko si Allie sa atensyon at pagmamahal niya, okay lang. Pero si Dalia, hindi ko kaya, daddy! Hindi ko kaya maging number three lang sa buhay niya!

“Ang sabi niya mahal niya ako. Ako ang makakapagpasaya sa kanya. Bakit hindi nila maintindihan ‘yon! Bakit hindi maintindihan iyon ng parents niya! Ang sabi ko sa kanya kaya ko. Pero hindi! Hindi ko kaya mag-isa. Ayoko siya mawala! Parang gusto ko na lang mamatay. Pero paano si mommy? Hindi niya kakayanin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang sabi ko piliin niya si Allie. Pero ang totoo, gusto ko ako ang piliin niya. Gusto ko ako!

“Sabi ko sa kanya, kapag aalis na siya sabihin niya sa akin. Bigyan niya ako ng time para magpaalam sa kanya. Kahit isang araw lang na sa akin lang siya. Pero basta na lang niya ako iniwan. Tinalikuran niya ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung paano magpapatuloy. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

“Ang sama ko dad. Dahil minsan sinisisi ko si Allie. Alam ko na wala siyang kasalanan pero siya ang sinisisi ko. Bakit ang lambing-lambing niya. Bakit malapit na malapit siya kay Adley. Sinisisi ko siya kung bakit kailangan niya agawin sa akin si Adley. Naiinis ako sa kanya dahil kailangan niya kami pahirapan. Sinabi ko na siya ang piiin ni Adley dahil napamahal na siya sa akin. Pero hindi ko maiwasang isipin na sana wala na lang si Allie. Sana wala na lang siya sa buhay namin.

“Ayoko mahirapan si Adley sa pagpili sa amin. Ayoko siya masaktan. Ayoko makita na nalilito siya. Ayoko ng ganoon. Pero hindi ko siya kaya i-give up. Hindi ko kaya.”

Hinagod nito ang likod niya. He held her tightly. Kinuha niya ang lakas ng loob mula dito. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit hirap na hirap siya.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 11"

Post a Comment