SHARE THIS STORY

| More

Half Crazy - Chapter 1

(Calla)


Masakit na ang pwet nya sa pagkakaupo, naubos na rin nya ang kanyang inorder, lahat na yata ng kostumer sa coffee shop na kinaroroonan nya ay napalitan nanaman ng mga bago ulit ngunit wala pa rin ang hinihintay. She’s been sitting for two hours now! Kung hindi lang nya mahal ang kaibigan ay kanina pa sya umalis. Inip na inilabas ang cellphone sa kanyang bag at i-dinayal ang numero ng hinihintay. Maya maya pa ay sumagot na ang nasa kabilang linya. “Marga, sorry traffic kasi eh. Kanina ka pa dyan?” hinging paumanhin nito.

“Ay, hindi! Two hours palang naman ako dito.” She said sarcastically.

“Sorry talaga friend, anyway malapit na ako, wait for me okay?” paumanhin ulit ni Sara. May bago pa ba? Ugali na yatang talaga ng kaibigan ang ma-late, tanggap nya na iyon pero ang paghintayin sya ng dalawang oras! Sobra naman na yata iyon. Oo nga’t palagi itong late sa usapan nila pero hindi ganito katagal, madalas ay fifteen to twenty minutes lang ito nahuhuli, kaya naman talagang nauubusan na sya ng pasensya dito. Kung hindi lang ito problemado sa telepono at nag-i-iiyak ay hindi sya maghihintay ng ganito katagal.

“Okey, but please Sara bilisan mo naman kasi tinutubuan na ako ng mga ugat dito.” Inis nyang pahayag bago tapusin ang usapan.

After another fifteen minutes ay dumating na din ito. Malapad ang mga ngiting ibinungad nito sa kanya. Samantalang sya sambakol na ang mukha. Matalim ang tingin na ipinukol nya dito.

“Dumating ka pa? You better give me a good explanation for making me wait for hours.” demand nya.

“Friend, ‘wag ka na magalit ha? Okey na ako, I mean kami ni Gerard nagka-ayos na kami.” Paliwanag nito na hinaplos haplos pa ang kamay nyang nakapatong sa lamesa.

“What?” Gustong gusto nyang ingudngod ang kaibigan sa lamesa sa narinig. “Bakit?” Inis na tanong nya.
“He said sorry, hindi na daw mauulit yun, wala lang naman daw yung girl na yun eh, ako naman ang mahal nya.” Nakangiti nitong pag-eesplika.

Napataas ang kilay nya, sabay bawi sa kamay na hawak nito. “Ano ka ba Sara? Talaga bang napasukan na ng masamang hangin iyang ulo mo?” napabuntong hininga sya. Akalain mo nga naman na sa ganda ng kaibigan nya ay ubod ito ng tanga? Kung tutuusin ay hindi lang basta maganda ang kaibigan nyang ito, mala-modelo ang katawan, pinaghalong Anne Curtis at Aleck Bovick ang mukha, at ang kutis? Kahit ang lamok ay mahihiyang dapuan ito. Pero sabi nga nila walang perpektong tao, at napatunayan nya ito sa kaibigan. “Bigyan mo naman ng konting respeto at pagmamahal ang sarili mo friend. Ang dami dami namang lalaki dyan na nagkakandarapa sayo bakit kay Gerard ka pa nagkakaganyan?” she said hopelssly.

“Friend, I love him. Maybe that’s a good reason why I accepted him again.” Anito.

“My Gosh! Okay so, mahal mo, pero hindi ibig sabihin na magpaka-martyr ka ano?” hopeless na talaga ang kaibigan nyang ito. Lahat na yata ng payo sinabi nya na pero walang epekto. Makikinig ngayon tapos lalabas sa di agad kabilang tenga. In other words, sinasayang nya lang ang laway nya. Wala na syang masasabi pa sa kaibigan, tutal gumawa nanaman ito ng desisyon, nandun lang naman sya para makinig dito at pukpukin ang ulo nito paminsan minsan. Kahit pa hindi matauhan okey na din.

Naghiwalay silang magkaibigan ng walang napapala, para sa kanya. But of course to her friend maganda ang nangyari. She always keep on asking her self sometimes saan ba sya nagkulang sa kaibigan? hindi lang kasi iilang beses itong niloko ng boyfriend nyang iyon kundi maraming beses na and all the reasons were the same. And to think na hanggang ngayon feeling nya wala syang naitutulong dito. Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Thank God, dahil kahit hindi sya kagandahan may utak naman sya kumpara sa dito. Ano naman ang gagawin nya sa ganoong kagandang mukha at katawan kung magiging uto-uto lang sya? She smiled at the thought, ang galing galing talaga ni Lord ginagawa talaga nyang balanse ang lahat ng bagay.

Mataas na ang sikat ng araw ng magising sya, agad na tinignan ang relong nakasabit sa pader sa tapat ng kanyang kama, alas-dyes na pala. Masyadong napasarap ang tulog nya, nakalimutan nyang kailangang nasa couturier na sya pagsapit ng alas-onse. Nagmamadaling kinuha ang tuwalya at dirediretsong pumasok sa banyo. Hindi pa nagtatagal sa loob ay tumunog ang cellphone nya. Muli syang lumabas ng nakatapis at kinuha ang teleponong nakapatong sa tokador. May mensahe sya mula kay Rhoda.

“San ka na?” tanong nito.

“Naliligo palang, punta na ako dyan.” reply nya.

“Bilisan mo kasi may surpresa ako sayo” sagot nito.

Surpresa? Ano naman kaya iyon? Nagkibit balikat sya at pumasok ulit sa banyo para ituloy ang paliligo.

Bago pa sya makapasok sa loob ng shop ng couturier ay may nahagip ang kanyang mata, a familiar face on the other side of the road. She never mind it anyway, baka kung saan nya lang iyong nakita.

“Marga! Ang tagal mo naman.” Yamot na sabi ni Rhoda, ang kanyang grade school friend na ngayon ay ikakasal na. Isa siya sa mga bridesmaids nito kaya sya narito ngayon ay para sa fitting ng gown na isusuot nya.

“Hey, I arrived here at exactly eleven.” She said smiling. Kitang kita nya sa mga mata ng kaibigan ang excitement sa nalalapit na nitong kasal. Hindi din mapuknat puknat ang mga ngiti nito sa labi. “You look really blooming.”

“Thank you.” Nakangiti pa ring sagot ni Rhoda. Sinimulan na nya ng fitting ng gown. Okey naman ang fit nito sa kanya at wala ng kailangan pang i-adjust.

“Anyway, what’s the surprise you are telling me about?” paalala nya rito.

“Well, it’s waiting outside. Let’s go out and find it yourself.” she smiled nysteriously. Ano nanaman kaya ang naisip ng babaeng ito at may pa-surprise surpeise pa? hindi naman nya kaarawan?. “Why? You bought me a car?” tudyo nya kay Rhoda.

“Luka-luka! Anong palagay mo sa akin hibang?” Rhoda answered back laughing hard. “It’s priceless, it’s more than a car.”

After fitting, ay lumabas na din sila, wala naman syang napansing kakaiba. Maliban sa pagte-text ng kaibigan sa kung sino man ay hindi nya alam. “So?” she ask.

“Just wait.” Anito sa kanyang iniangkla pa ang braso nito sa braso nya. After a few minutes ay may huminto sa tapat nila, Isang black CRV na modelo.

She look at Rhoda, “I told you not to buy me a car.” She said teasingly, and laugh.

“Sira, just get inside.” Utos nito sa kanya na agad naman syan tumalima at binuksan ang pinto ng naturang sasakyan.

“So where are we headed?” ani ng driver. Pamilyar ang boses ng lalaki, nginit hindi nya mawari kung sino dahil nakasumbrero pa ito kahit sa rear view mirror ay pilit nya sinisipat ang mukha ngunit bigo sya.

“Sa Linden Suites tayo.” Rhoda answered then she look at her and wink. Nangunot naman ang noo nya sa aktuwasyong iyon ng kaibigan. Ano nanaman kaya ang naiisip nito at may pa-wink wink pa?
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Half Crazy - Chapter 1"

Post a Comment