SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 01

(Nadinekyut)




NAPAILING na lang si Aein matapos pindutin ang end call button ng cellphone niya. Katatapos lang niya makipag-usap sa bestfriend-cum-twin sister niya. May pagka-loka-loka talaga ang kapatid niyang iyon. Kung hindi nga lang sila identical twins ay ikakaila niyang kapatid niya ito. Kaya lang, sa kasawiang palad ay hindi halos makikita ang pagkakaiba nilang dalawa kung hindi pa papansinin ang mga kilos, porma at pananalita nila. Ang sabi ng ibang tao, girlish ito at siya naman ay boyish.

Nasa US sila pareho kasama ang mga kaibigan nila para dumalo sa kasal ng isa sa mga kabarkada nila. Nasa fifteenth floor siya ng hotel na iyon samantalang ito naman ay nasa eighteenth floor. Huli itong nagtungo doon kaya nahiwalay ng husto ang silid nito sa kanilang magbabarkada. Hangga’t makakaya nito ay umiiwas ito sa kasalang naganap kanina lamang dahil malaki ang pagtatangi nito sa groom na si Drew. Matagal na itong in love sa bestfriend nilang iyon.

Pero ngayon ay duda na siya sa love na sinasabi nito. Minsan ay nakikita niyang mahal nito ang binata, pero minsan may signs na hindi love ang nararamdaman nito kay Drew. Isa sa mga iyon ay ang pagiging mahilig nito sa gwapo. ‘Di ba sabi nila kapag in love ang isang babae, ang tingin niya sa lalaking mahal niya ay ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo? O kung hindi man, mas mahalaga pa rin ang lalaking mahal nito kaysa sa kung sinong gwapo sa tabi-tabi. Pero ang kakambal niyang ito ay biglang nakakalimutan si Drew kapag may mas gwapo nang kaharap.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama habang nanonood ng discovery channel sa cabled TV sa hotel room na iyon. Hotel room iyon ni Niña, nakikitambay lang siya dahil wala siyang magawa sa hotel room niya.

Ilang minuto ang nakalipas ay nag-ring muli ang cellphone niya. This time, ang daddy naman niya na si Rafael Rodriguez ang tumatawag. Sa edad nitong fifty-six ay matikas pa rin ito at maganda pa rin ang katawan. Masigla pa rin at malakas dahil hindi pinabayaan ng kanilang ina ang kalusugan nito.

“Yes dad?”

“Kailan mo balak umuwi? Maraming aasikasuhin ngayon dito Aien,” bungad nito sa kanya.

“Dad, tatlong araw pa lang po akong nawawala diyan,” parang batang reklamo niya dito.

“Kapag nagkaproblema po, tatawag sa akin si Mark.”

Si Mark ang assistant niya na na-train na rin niya sa lahat ng trabaho niya. Hindi na inasikaso ng ama nila ang hacienda at tuluyan nang ibinigay sa kanya iyon. Si Aiel ay sadyang mahilig sa fasion kaya hindi ito nahilig sa pagtulong sa hacienda. Ang kuya Aldrin niya na panganay sa kanila ay nagtatrabaho sa kumpanya nila bilang head ng marketing department. Ang sumunod dito na ate Alaina niya ay isang hosewife. Pawang nasa maynila ang lahat ng kapatid niya. Siya lang ang nalihis at napadpad sa bundok—sa Bicol.

“Tama ba iyan, Aien? Nagiging iresponsable ka na. Okay lang na pumunta ka diyan dahil sa kasal ng barkada n’yo pero yung magtatagal ka pa ay mali na. Hindi ngayon ang oras para magbakasyon dahil maraming gawain dito sa hacienda.”

Matapos ang tawag ay wala siyang nagawa kundi mapabuntong-hininga.

“Uuwi ka na sa isang araw? Ang bilis naman. Paano ka makakapamasyal nyan?” tanong ni Niña habang nauupo sa couch na malapit sa kamang kinakapwestuhan niya. Malamang ay kanina pa ito nakikinig sa usapan nila ng kanyang ama.

“Marami pa namang ibang pagkakataon. Sa ngayon, tama ang sinabi ni daddy. Hindi ito ang panahon na iwan ang hacienda. Napakaraming trabaho ngayon doon. Hindi naman palaging busy doon kaya kapag hindi na lang busy saka ako pupunta uli dito para mamasyal.”

“Pero mag-isa ka na. Hindi mo kami makakasama. Malungkot naman mag-isa ‘no.”

“‘Di isasama ko sila mommy at lola, problema ba ‘‘yon. Hindi naman ako matatanggihan ng mga iyon pag naglambing na ako. Hindi lang talaga pwedeng iwan ang hacienda sa ngayon.”

Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya dito na babalik na sa room niya. As soon as she stepped out of her friend’s room, agad na naglakbay ang kanyang isip.

Ang kuya nila ay palaging pasang-awa ang grades. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ito binigyan ng mas mataas na posisyon sa kumpanya kundi marketing manager. Ang ate niya, nang nagtapos sa kursong nursing at umakyat ng stage ay buntis na nang apat na buwan sa nobyo nitong anim na buwan pa lang nitong karelasyon ng mga panahong iyon. Panay pasang-awa rin ang grades nito at limang taon ang ginugol nito sa college. Si Aiel lang ang close sa kanya. Matalino ito at mabait, di gaya ng ate at kuya nila na masusungit. Pero hindi niya mapigilang punahin ito. Maarte ito at maluho. Noon pa man ay sosyalera na ito.

Siya naman, simula ng tumuntong siya sa paaralan nang kinder siya ay palagi na siyang first honor. Hindi siya nawala sa top one o top two. Marami siyang inuwing trophies at medals sa mga magulang niya. Wala siyang ipinabibili sa mga ito na hindi niya kailangang-kailangan. Pag may luho siya na gustong bilihin, sa ipon niya iyon kinukuha.

Matapos ang high school ay pinakuha siya nito ng kursong Business Management. Nag-excell siya sa kurso niyang iyon kahit hindi iyon ang hilig niya. Sadyang masipag siya mag-aral at matalino kaya kahit anong kunin niya ay kakayanin niyang makapagtapos—with flying colors pa!

Nang makatapos siya sa kolehiyo ay dinala siya ng kanyang ama sa probinsya kung saan ito namamalagi kasama ang kanyang ina at magulang ng huli. Ulila na ang kanyang ama bago pa man ito ikasal sa kanyang ina. Doon ay ipinaliwanag nito na saka na siya nito ilalagay sa kumpanyang pag-aari nito—na pinapatakbo ng bestfriend nito—dahil hindi pa naman siya kailangan doon. Pansamantalang sa hacienda muna siya mag-fo-focus.

Her mom, Hellen Rodriguez, still remain beautiful and sexy, looking a lot younger than her age which is fifty-two. Malambing sila sa isa’t-isa. Palagi itong nag-aalala sa kanya, kung kumain na siya o kung nagpapahinga pa ba siya ng sapat. Ito ang lagi niyang nakakaisap pagdating sa kahit na anong problema. Ramdam niya ang pagmamahal nito.

Ang kanyang ama, palaging ang mga kapatid niya ang kasundo. Malambing dito ang mga kapatid niya. Lagi nitong kinukunsinti ang mga pinaggagagawa ng mga kapatid niya. Kahit maliit na bagay lang na magawa ng mga ito ay masaya na ang daddy nila. Samantalang siya, makagawa lang ng kaunting pagkakamali ay pinapagalitan agad.

Naiinggit siya sa mga kapatid niya pagdating sa atensyon ng kanilang ama. Gayunpaman, batid niya na mas kinaiinggitan siya ng mga ito. Bukod sa atensyon ng kanilang ina ay nasa kanya din ang atensyon ng ibang tao. Palaging siya ang bida sa kanilang magkakapatid dahil siya ang pinakamatalino, pinaka-talented at pinakamabait na anak ng kanilang magulang. Hindi sa pagyayabang pero iyon ang tingin ng nakararami. Dahil iyon naman talaga ang totoo.

Bukod pa doon ay kinaiinggitan ng mga kapatid niya ang pagiging maluwag ng kanilang ama sa kanya pagdating sa pera. Kapag ang mga ito ang nanghihingi ng pera sa kanilang ama ay kung ano-ano pang pag-e-explain ang gagawin ng mga ito bago bigyan ng kanilang ama. Samantalang siya, walang kahirap-hirap na manghingi dito.

Hindi naman niya magawang kamuhian ang kanyang ama kahit iba ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit hindi siya nito nilalambing gaya ng mga kapatid niya ay ayos lang. Masama ang loob niya sa kanyang ama pero hindi siya galit dito. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso ay alam niya na mahal din siya nito. Sigurado siyang mahal siya nito. Hindi iilang beses lang niya narinig na ipinagmamalaki siya nito. Palagi siyang kinukwento nito sa mga kakilala nito. At base sa pagkakarinig niya sa tinig nito, proud na proud ito sa kanya. Nasisiguro niya na hindi ito disappointed o frustrated sa kanya.

Kahit palagi siyang pinagagalitan nito, kahit palagi silang nag-aaway at minsan ay nasasagot niya ito ng pabalang ay palagi pa rin nitong sinasabi sa mga kakilala nito na ni minsan sa buhay nito ay hindi niya ito binigyan ng sakit ng ulo. Ang sinasabi nito ay nagkakaroon din sila ng di pagkakaunawaan pero hindi iyon nagtatagal dahil napakabuti niyang anak at hindi nila kayang tiisin ang isa’t-isa kaya laging may nagpapakumbaba sa kanila.

Habang naglalakad siya papunta sa room niya ay malalim ang iniisip niya. Kaya nabigla siya nang may mabangga siya. Batid niyang lalaki iyon dahil sa dibdib nito, nakalapat ang dalawang palad niya doon. Matipuno ang dibdib nito, iyong tipong naaalagaan ng gym. At napakaganda ng leeg nito! May kaliitan kasi siya kaya sakto sa leeg nito unang dumapo ang paningin niya.

Ang initial reaction dapat niya ay lumayo sa nabangga niya ay humingi ng paumanhin. Ngunit hindi niya iyon nagawa dahil nabanguhan siya sa naamoy niya at naakit ang kamay niya sa napakagandang pakiramdam niyon sa paglapat sa dibdib ng kung sino mang nabangga niya. Parang nahihipnotismo siyang napapikit. Hindi siya lumayo sa nabunggo niya, bagkus ay lalo pa siyang lumapit at suminghot-singhot. Napangiti siya habang walang sawang inaamoy ang mabangong amoy na iyon.

Nagising lang siya sa kabaliwang ginagawa niya nang may marinig siyang tumikhim. Parang bigla siyang sinalakay ng hiya nang magmulat siya ng mata. Ayaw niyang ipakita sa kung sino mang inaamoy niya ang kanyang mukha. Napakalaking kahihiyan ng ginagawa niyang pag-amoy dito at pangmamanyak sa dibdib nito. Gosh! Sa pagmulat niya ay napag-alaman pa niyang sakto sa dalawang boobs nito ang kamay niya!

“Miss, are you okay?” wika ng isang baritonong tinig.

Pakiwari niya ay iyon na ang pinakamagandang tinig ng lalaki na narinig niya sa buong buhay niya. Talo ang mga singer sa ganda ng boses nito. Bigla niyang natanong sa sarili kung marunong kaya ito kumanta.

“Miss? Okay ka lang ba?” bakas na ang pag-aalala sa tinig ng binatang kaharap niya.

Hinawakan ng lalaki ang magkabilang braso niya at bahagya siyang nilayo. Nakasubsob pa rin kasi ang mukha niya sa leeg nito. Matinding panghihinayang ang naramdaman niya habang tinataw ang papalayong leeg nito.

My preacious neck… Oh my preacious neck! Goodbye for now… I’ll be back someday… Pwamis! maarteng pagkausap ng isip niya sa nakabibighaning leeg na iyon.

“Sorry.” Nag-init ang pisngi niya kaya yumuko na lang siya.

“It’s okay. Basta mag-iingat ka na lang sa susunod okay?”

Tumango siya bago mag-angat ng tingin.

Ang gwapooo!!! Whaaa!!! Ibabaon ko sa Payatas dump site ang asawa mo, mapasaakin ka lang ng tuluyan beybe! biglang sigaw nang isip niya matapos masilayan ang gwapong mukha nito.

“Hindi na ba kita kailangang dalhin sa clinic?”

Umiling naman siya.

Ibibitin ko ng patiwarik ang girlfriend mo sa gitna ng disyerto hanggang maging sing tuyo siya ng daing, maangkin lang kita labidabs!

“Okay, mauna na ako sa’yo. Basta sure kang okay ka lang?”

Tumango siya ulit.

Paliliguan ko ng asido ang mga babaeng magnanasa sa ‘yo, ipagdadamot kita sa lahat ng babaeng nilalang, civachuchu ko!

Hanggang sa umalis ito ay hindi pa rin siya makagalaw mula sa kinatatayuan niya. Inlove na ako! Shocks!

“HONEY, I’m really really sorry, pero hindi ako makakapunta. May importante akong aasikasuhin ngayon. Emergency iyon kaya kailangang-kailan ako. Pupunta ako ng US ngayon. Pasensya na talaga. Promise, babawi ako,” wika ni Adley sa girlfriend niya na si Felly.

So far, ito ang pinakamatagal niyang naging girlfriend mula ng dalhin siya sa mundong ibabaw ng kanyang ina. Kapag tinatanong siya kung bakit ito lang umabot ng anim na buwan sa mahigit tatlumpung babaeng nakarelasyon niya ay isa lang ang isasagot niya—alam nito kung saan nito ilulugar ang sarili nito sa buhay niya.

Sa simula pa lang, bago siya makipagrelasyon ay sinisiguro na agad niya sa babae na hindi ito ang magiging priority niya. Dahil higit na mahalaga ang kumpanya nila at kanyang magulang. Mas pinahahalagahan niya ang napakaraming bagay kaysa sa babae. Para sa kanya ay marami niyon at hindi siya mauubusan kaya hindi niya kailangang apurahin ang sarili sa pakikipag-agawan ng babae sa ibang lalaki.

Hindi siya nanliligaw. Wala sa bokabularyo niya ang salitang iyon. Laging ang babae ang naghahabol sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa siya nawalan ng girlfriend ng mahigit isang buwan. Pag mag-iisang buwan na at wala siyang girlfriend, ibig sabihin niyon ay kaliwa’t kanan ang pakikipag-flirt niya at wala siyang panahon sa stable relationship, well, at least ‘semi-stable’ relationship.

Ang totoo ay wala naman siyang importanteng pupuntahan sa US. Bibisitahin lang niya ang ex-girlfriend niya na nasa ospital dahil naaksidente umano. Kahit naman mukha siyang walang kwentang boyfriend, hindi naman siya walang pusong tao. Kapag natanggap ng babae ng maluwag ang pakikipaghiwalay niya ay kadalasang nagiging kaibigan niya iyon. Kaya marami siyang kaibigan, lalaki man o babae.

Sa kasalukuyan ay siya ang CEO ng kumpanya. Dati ay presidente siya. Comatose ang kanyang ama ngayon. Naaksidente ang minamaneho nitong kotse. Ang kanyang ina ay nagretiro sa trabaho at pinili na lang na mag-alaga at magbantay sa kanyang ama. Mula pagkabata niya ay laging busy sa trabaho ang magulang niya. Pero mahal na mahal talaga niya ang mga ito. Alam niyang nagmamahalan ang mga ito at kahit busy, pag nagkakaroon ng pagkakataon ay pinapakita ng mga ito ang pagmamahal sa kanya sa mga simpleng paraan na alam ng mga ito.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 01"

Post a Comment