SHARE THIS STORY

| More

Breaking Silence - Chapter 1

(Blue)



“Mabuhay ang bagong kasal!” sabay-sabay na bati at hagis ng mga confetti ng mga bisitang dumalo sa kasal nina Parc Marceau at Junifer Bautista habang papasok ang mga ito sa hall sa pagdarausan ng reception.

Nasa mukha ni Junifer ang kasiyahan at pagmamahal sa asawa. Gayundin si Parc ngunit may bahid ng takot at pag-aalala ang mga mata nito.

“Merci!” ani ni Junifer sa mga bisita bago humarap sa asawa at masuyong ngumiti. “Sa totoo lang P, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na maligaya ako at minahal mo ako.” madamdamin niyang sabi, na pinangingiliran ng luha ang mga mata.

Ngumiti si Parc. “Kailan ka pa naging emosyonal Madame Parc Marceau?” sabay pahid ng luha na umalpas sa mga mata ng asawa.

Lumabi naman si Junifer sa asawa, Natawa si Parc. Hindi na talaga mawala sa asawa ang ganoong gesture kapag nagtatampo ito. Ang ginawa niya ay hinalikan ang mga labi ng asawa. Gumanti naman ito ng halik.

Nagpalakpakan naman ang mga bisita sa nasaksihan. Naiiling naman lumapit sa kanila ang kaibigang matalik ni Parc na si Arthur at tinapik siya sa braso. Tinapos niya ang halik at tumingin kay Arthur.

“Baka gusto niyo nang pakainin ang mga bisita? Kanina pa kami nandito sa hall. Puro wine lang ang sineserve sa amin ah.”

Nasa mukha na nito ang pagkainip. Kaya natawa na si Parc. “Ok, ikaw talaga.” bumaling siya sa mga bisita. “Maari na po kayong umupo at ipaghahanda na ang mga pagkain.”

Nagtuloy na ang mga bisita sa mga mesang laan para sa kanila. Nagpunta na rin ang mag-asawa sa mahabang mesang may asul at puting rosas na dekorasyon. Nakangiting pinagmasdan ni Junifer ang mga bisita.

Pribado ang kasal nila. Ayaw ng mag-asawa ang maraming bisita dahil magmumukhang piyestahan daw ang kasal. Pili lang ang mga bisita. Mga malalapit na kaibigan at pamilya niya ang dumalo.

Tanging si Arthur lamang ang dumalo para kay Parc. Hindi na niya pinagtakhan iyon dahil tanging si Arthur na lamang ang natitirang kamag-anak ng asawa.

Tumingin siya kay Arthur. Nagtaas naman ito ng wine glass bago tumango. Nginitian naman niya ito. Tumingin rin siya sa asawa. Nakikita niyang maligaya si Parc sa pagdating niya sa buhay nito.

Naging maaliwalas ang tingin nito sa buhay. At si Arthur? Sana makatagpo na rin si Arthur ng babaing mamahalin ng tuluyan na rin itong lumigaya at iwan ang masasakit na nangyari sa buhay nito.

Napatingin sa kanya ang asawa bago ngumiti ng pilyo. “Wag mo ko tingnan ng ganyan at baka di na tayo matuloy kumain at ikaw nalang ang kainin ko.”

Namula siya. Kinurot niya ito. “Ikaw talaga.” tumingin siya ulit kay Arthur na abala namang kinakausap ang mga waiter. “Iniisip ko lang si Arthur…”
“Agh…” kunwari nasaktan ito at hinawakan ang dibdib.

“Tumigil ka nga sa kaartehan mo, P. Nasabi ko yun kasi gusto ko na rin makahanap ng babaing pakakasalan si Arthur.” taas kilay niyang sinabi sa asawa.

Natawa ng mahina si Parc. May sumungaw na pagsuyo sa mga mata nito. “Isa sa mga bagay na gusto ko sa’yo ang pagiging concern mo sa ibang tao.”

“Hey! Hindi ibang tao si A. Siya ang best friend mo.”

“Oui, he’s really my best friend.” nagtaas siya ng wine glass. “Arthur…” tawag niya sa kaibigan. Bumaling ito ng tingin sa direksyon niya. “Para sa susunod na ikakasal.”

Natawang tumango si Arthur. Nagpalakpakan naman ang mga bisita.

Nagsimula na ang kainan at ang lahat ay nagkakasayahan. Lumapit naman sa mga bisita ang ikinasal at nakipgbatian. Walang pagsidlan sa kaligayahan si Parc sa kabila ng alinlangan at takot na nasa dibdib.

May lumapit na waiter sa mag-asawa at may inabot na maliit na papel kay Parc. “Monsieur, may nagpapabigay daw po sa inyo nito.”

Nagtaka siyang inabot ang sulat. “Merci…” aniya sa waiter na tumango bago umalis. Binasa niya ang hawak na sulat. Ang pakiramdam niya ay ibinagsak siya sa lupa.nanghina siya sa nabasa.

Agad hinanap ng mga mata si Arthur. Pinuntahan niya ito na nasa sulok ng hall at may hawak ding maliit na papel.

“Arthur…”
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Breaking Silence - Chapter 1"

Post a Comment