(Louise)
Malapit na silang makarating ng San Isidro ngunit ni isa sa kanila’y walang gustong magsalita pare-pareho silang nagpapakiramdaman. Ng sabihin ni Inigo na sya ang mauupo sa harapan katabi nya ay hindi na sya nagprotesta pa, baka mamaya ay kung ano nanaman ang maisipan nitong pang-blackmail sa kanya. Maya-maya pa’y humimpil na sila sa tapat ng kanilang villa. Umibis agad ng sasakyan si Mykee.
“Wow!” humahangang sambit nito. Subalit bago pa sya tuluyang makababa at hinawakan sya sa braso ni Inigo at matiim na tinitigan. Para syang napapaso sa mga hawak nito, tila may mumunting kuryeteng gumagapang sa kanyang mga braso. Pilit nyang binawi ito.
“Whatever happens and no matter what happens it is still you I’ll be loving for the rest of my life.” Madamdaming sabi nito bago sya tuluyang bitawan. Hindi sya makapagsalita parang hindi nya mahanapan ang kanyang boses upang sagutin ito ng pagproprotesta. “Sige na. Alam kong pagod ka, magpahinga ka na.” Dagli naman syang lumayo mula rito at nagdoorbell. Hinintay muna sila nitong makapasok bago ito tuluyang umalis.
“O, hija bakit hindi ka man lang nagpasabing darating ka para nasundo ka sana” Tanong ng magsi-singkwenta anyos na ama nya na sinalubong sya ng yakap.
“Dad, where’s mom? Kumusta na ang lagay nya? Is she okey?” sunod-sunod nyang tanong rito.
“Y-your mom?” takang tanong nito. Napatingin ito sa direksyon ni Mykee. Kumindat ito. “Who is she?” putol nito sa sinasabi. Doon lang nya naalalang ipakilala si Mykee sa ama.
“What happened dad? Ang buong akala ko ay hindi okey si mommy?” nag-aalalang tanong nya na naupo sa sofa.
Hinaplos-haplos ng ama nya ang kanyang likod. “Hush, don’t worry, she’s okey now, iniuwi na namin sya, so you have nothing to worry about.” And she sigh in relief. Mabuti naman at nasa mabuti ng kalagayan ang ina, ibig sabihin ay may panahon pa syang natitira para makahabol sa exams nya “You have to rest now, why don’t you show Mykee’s room para naman makapagpahinga na sya?” tinanguan nya ang ama. “I have to go back to sleep now, baka magising ang mommy mong wala ako sa tabi nya ay mag-alala iyon” anitong tumayo at tinungo na rin ang staircase. “Enjoy your stay here hija” nakangiting baling nito kay Mykee.
Inihatid nya ang kaibigan sa guestroom na gagamitin nito. Nais nya pa sana itong sitahin tungkol sa ginawang pagsundo sa kanila ni Inigo ay hindi na rin nya itinuloy, mukhang pagod na pagod na rin ito at gayun din sya kaya napagpasyahan niyang bukas nalamang ito komprontahin.
Maraming tao ang nagkukumpulan sa harap ng simbahan at ang iba roon ay naka-gown at barong tagalog. Nakita nya si Mykee wearing a fern green gown na katulad ng ibang naroroon. Lumapit sya sa kinaroroonan nito. Subalit nagsipulaan ang mga tao dahil dumating ang isang kulay puting Honda Accord lumabas mula roon ang bride, si Maya. She seems so happy.
Maya’maya lamang ay nagsimula na ang seremonya, naunang naglakad ang mga abay pagkatapos ay ang pinakahuli, ang bride. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan, tumulo pa ang luha nito habang naglalakad. Na-pokus ang atensiyon niya sa harap ng altar, nakita nyang kabado ngunit nakangiting naghihintay si Inigo. Tumalikod sya ayaw nya ng makita ang mga susunod pang mangyayari. Nanlumo sya sa nakita pero hindi nya mapapayagan na tuluyan itong mawala sa kanya. Kaya’t hindi pa man nagsasalita ang pari ay lakas loob syang pumunta sa gitna ng aisle.
Humugot sya ng malalim na hininga. “Itigil nyo ang kasal! Itigil nyo ang kasal!”
Pawisan syang napabangon sa kama narinig nya pa ang kanyang huling katagang isinigaw.
“Lou! Lou! Are you okey?” kumakatok sa pintong tanong ni Mykee.
“I’m alright. Sandali lang lalabas na rin ako” tinungo nya ang sariling banyo at naghanda ng sarili. Nang makalabas ay agad siyang inusisa ng kaibigan.
“Ano bang nangyari at sumisigaw ka?” tanong nito nang sila ay nasa breakfast nook.
Humigop muna sya ng kape bago nagsalita. “I just had a bad dream that’s all” pasimpleng sagot nya ayaw nya ng sabihin pa ang mga detalye dito dahil tiyak na aalaskahin sya nito.
“Gising ka na pala hija.” Bati ng kanyang ina. “Hindi man lang ako ginising ng daddy mo ng dumating ka”
Tinignan nya ito, mukha namang maayos ang lagay nito at hindi nababakasan ng sakit. “It’s okey mom, masmahalaga ang makapagpahinga kayo. Isa pa dapat ay nagpapahinga kayo dahil kagagaling nyo lang sa ospital.” She said in a worried tone.
“Teka sino-”
“Oh, hija” bati sa kanya ng ama na umakbay sa ina nya. “Mabuti at gising ka na. Oo nga naman sweetheart what are you doing up?” anitong bumaling sa asawa.
“Wha-”
“Ang mabuti pa’y pumasok na tayo sa loob at magpahatid nalamang tayo ng pagkain sa ating silid” iginiya nito ang kanyang ina papasok sa loob na animo’y nalilito.
“Ang sweet naman ng parents mo” anitong nakatingin sa pintong pinasukan ng mag-asawa.
“Wala ka bang napapansin sa mommy Mykee?” nagdududang tanong nya rito.
“What do you mean?” tanong nitong kumuha ng tinapay and spread some butter on it.
“Parang hindi naman nagkasakit ang mommy” aniyang tumingin sa kaibigan. “Mukha pa nga siyang masigla kesa dati eh nakakapagtaka naman yatang bigla syang na-ospital.” Nagdududa nyang sabi na muling humigop ng kape. Nagkibit balikat lang ang kaibigan sa kanyang tinuran.
Isang tapik sa balikat ang nagpalingon sa kanya. “How’s the wedding going on pare?” tanong ni Hans.
Nilingon nya ito and let out a sigh. “It’s doin’ good” aniyang ibinalik ang tingin sa labas. Nasa terasa sya ng kanilang bahay sa rancho, mula roon ay matatanaw mo ang kabuuan ng kanilang lupang pag-aari.
“Ang lalim naman ng iniisip mo?” puna nito sa kanya.
“Ang ganda rito hindi ba Hans?” tanong nya rito na nanatiling nakatingin sa malayo. Tinignan nito ang kanyang tinatanaw atsaka umungol ito bilang pagsang-ayon. “Mas maganda sana kung kasama ko sya dito ngayon.” Marahas syang nagpakawala ng hininga. Napatingin itong muli sa kanya.
“I thought the wedding is doing well?” kunot-noo nitong tanong na muling tumanaw sa labas.
“Uhuh” tipid nitong sagot.
“Congrats pare!” bati sa kanya nito.
“Thanks!” matamlay naman nyang sagot.
Malapit na ang kasal, dapat sana’y masaya na sya pero bakit tila wala namang nangyayaring maganda sa mga plinano nya? Kumuha sya ng sigarilyo mula sa bulsa atsaka nagsindi. Malamig ang hanging dumadampi sa kanyang balat isinandal nya ang kanyang likod sa sandalan ng silya. Alas tres na’y hindi pa sya makatulog kaya naisipan nyang lumabas sa kanilang terasa upang doon magmuni-muni.
“Bakit gising ka pa?” napalingon sya sa boses na pinanggalingan noon. Si Libya nakasandal sa sliding door ng terasa at matamang nakatingin sa kanya.
Iniiwas nya ang paningin. “I can’t sleep” muli syang humithit ng sigarilyo atsaka nagbuga ng usok.
“Masyado yatang malalim ang iniisip mo.” Anitong umupo sa katabing silya, tumingala ito at tinignan ang buwan. “Kasing lungkot ng mga mata mo ang malamlam na liwanag ng buwan Inigo.” Makahulugan nitong pahayag. Tumingin sya rito at nagbuntonghininga.
“Mula ng dumating ka ay nabasa ko na ang kalungkutan sa iyong mukha. You look so haggard. Look at those hair that’s been growing on your face. Nagmukha kang matanda ng dahil diyan.” Anitong muli syang tinignan. Nanatili siyang tahimik, patuloy ang ginawang paghithit-buga sa sigarilyog hawak.
“Tell me dear brother, what’s your problem.” Hinawakan nto ang kamay nyang nakapatong sa kanyang hita. Tumingin lang sya rito.
“Wala ‘to Lib, don’t worry I’m okey.”
“Okey? You think you’re okey? Well, I don’t think so. Si Louise ba ang dahilan?” marahas syang napatingin rito. Ngumiti ito ng matamis, binitawan ang kanyang kamay at ipinukol ang tingin sa labas. “Kahit hindi ka magsalita, nararamdaman ko. Matagal ka ng may pagtingin sa kanya ayaw mo lang umamin.” Pumilig ulit ito sa kanya at ngumiti. “You love her don’t you?”
“It’s impossible that we could be together Lib, she doesn’t love me” aniyang nagbaba ng tingin. Libya laugh hard. Nagtaka naman sya sa naging reaksiyon nito.
“My dear, paano mo nasabing hindi ka nya mahal? Napaka-expressive ng mga mata ni Louise and that’s the one thing I envy her. Napakaganda ng kanyang mga mata, masasalamin mo talaga ang tunay nyang saloobin. Nakapagtataka naman yatang hindi mo iyon nakita.” Nakangiti nitong sabi. Nabuhayan naman sya ng pag-asa sa sinabi nito.
“Hindi man ako madalas magsalita but I’m very very observant my dear” may diin nitong sabing tumayo at tinapunan sya ng tingin. “If you really love her, show her and tell her. Fight for it, don’t just sit there and wait something to happen. You are the one who’s making your destiny. Destiny can not make it just happen for you unless you do something ‘bout it” hinawakan sya nito sa balikat at ngumiti. “Goodnight little brother.” Iyon lang at pumasok na ito sa loob.
Naiwan syang pinag-iisipan ang lahat ng sinabi nito sa kanya. May punto ito. Sya ang gumagawa ng kanyang kapalaran at hindi ang kapalaran ang gagawa ng move para sa kanya. And yes, he will surely do something about it.
Maaga palang ay nagtungo na sya sa tahanan ng mga Caliente. Alam nyang sa kanyang gagawin ay maaring ikabuti o ikasama ng sitwasyon. But he have no choice, kailangan nyang kumilos para mapaamin si Louise sa tunay nitong niloloob. He held his breath when the door swung open.
Kunot-noong kinikilala sya ng lalaking nagbukas niyon. “Tito Arnold.” Nakangiti nyang tawag dito, lumapit naman ito sa kinaroroonan nya upang mabistuhan syang maigi.
“Inigo? Is that you?” nakangiti nitong binuksan ang tarangkahan ng gate. “It’s been a long time since I last saw you” iginiya sya nito sa loob matapos papasukin atsaka isinarang muli ang tarangkahan.
“Kumusta na po kayo? How’s tita Denise?”
“We are both doing fine. Your tita is so busy for the coming competion para sa best garden dito sa ating lugar” anitong inakbayan sya habang papasok sa tahanan nito.
He chuckled. “I’m sure she will win that one again.”
“You bet.” He smiled. “Sit down hijo” sumenyas ito na umupo sya atsaka sinenyasan ang naroong katulong na naglilinis. “What do you like? Coffee or juice?” nakatingin nitong tanong sa kanya.
“Juice nalang tito” muli nitong binalingan ang katulong at sinabi rito ang inutos.
“Anyway, what brought you here? Natatandaan kong bibihira kang pumunta rito sa bahay kung hindi pa dahil sa papa at mama mo ay hindi ka tutungo rito” anitong tuminging muli sa kanya.
Kabado syang huminga ng malalim. “I’m here because of Louise tito. Is she here?” tanong niyang iniikot ang paningin sa loob ng bahay.
Tila nanunukso ang mga mata nitong ngumiti sa kanya. “Louise? I’m afraid she’s not here. Ang narinig ko kaninang paalam nya sa mommy nya ay ipapasyal nito si Mykee. Bakit mo naman naitanong?” usisa nito.
Disapponted syang nagpakawala ng buntonghininga. “I-I need to talk to her” aniyang pilit na iniwas ang mata sa nagtatanong na mga mata ng matanda.
“What about?”
Hindi nya maapuhap ang isasagot sa matanda. Paano ba nya sasabihin dito na kaya niya kailangang kausapin ang dalaga ay dahil kailangan nyang malaman kung ano talaga ang totoong sinasaloob nito. And that he is willing to give anything just to win her heart? Kasi mahal ko po ang anak nyo. Piping usal nya.
“Ahmm… babalik nalang po ako next time” he said instead and stood up.
“I like you for my daughter, you know that don’t you hijo?” seryosong sabi nitong tumayo rin. “But you are getting married now” tumango sya. “Do you love Maya?”
Kahit wala syang balak para mag-open sa matanda ay napilitan na rin sya, naisip nyang maari syang matulungan nito sa dalaga.
“No. I never thought that kissing and petting could go far this way” and that made the old man laugh hard.
“You know what hijo, hindi mo maiaalis sa abuela ni Maya ang reaksiyon na iyon that – you should get married. You were caught in the act” tatawa-tawang sabi nito. “C’mon, why don’t you take a seat for a while and wait for Louise” muli siya nitong iginayang umupo.
“Thanks tito but I think I should be going. Marami pa kasi akong dapat asikasuhim for the wedding” paalam nya rito.
“Oh, well if you insist. Anyway, you can come back here anytime you want, alam mo ‘yan” kibit-balikat nitong sabi na inihatid sya sa pinto.
“Ang ganda pala talaga dito sa inyo Lou!” masayang bulalas ni Mykee ng dalhin nya ito sa ipinagmamalaking ilog ng San Isidro. Kitang-kita ang mga bato niyon sa linaw ng tubig. Napapalibutan din ang ilog ng ilang malalaking bato. “Bakit hindi mo ako inaaya na magbakasyon dito sa inyo?”
“Ano ka ba? Inaya na po kita noon kaya lang masyado kang busy sa honey mo” tukoy niya sa boyfriend nitong si Hans.
Natutop nito ang bibig sa kanyang sinabi. “Oh my! Speaking of Hans, naku magkikita pala kami, actually nauna pa siyang dumating sa akin rito”
Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. “What do you mean? – Don’t tell me plinano nyo ang lahat ng ito ha?” nagdududang tingin ang ipinukol nya rito.
“H-ha? O-of course not!” mariin namang tanggi nito. “Ang tindi ko namang magplano kung sakali, imagine hanggang San Isidro plaplanuhin ko?” humiga ito sa inilatag nilang blanket.
“Life…” anitong ipinikit pa ang mga mata.
“Hey, slowdown baka naman hindi sa ilog ang tuloy natin kundi sa morge.” Iiling-iling na sita ni Hans kay Inigo.
Kagagaling nya lang sa tahanan ng mga Caliente ng madaanan nya ang kaibigang si Justine. Nakita raw nito ang sasakyan ng dalagang tinatahak ang daan patungong ilog, kagagaling lang daw kasi nito doon kasama ang kapatid nito. Madali syang umuwi upang isama si Hans at ngayon nga ay panay ang birit nya sa silinyador.
0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 10"
Post a Comment