Tumango si Arthur bago lumabas ang dalawa sa hall. Naramdaman nila ang lamig ng klima ng France. Huminga ng malalim si Arthur. Nagpipigil na huwag maglabas ng kahit na anong emosyon sa kaharap. Halos magwala si Parc sa tindi ng galit na nararamdaman.
“Hindi pwede mangyari ito, A. Hindi ko mapapayagan!” namumula ang mukha ni Parc sa galit.
“Sinabi ko na naman sa’yo, malalaman at malalaman nila. Wala kang maitatago sa kanila.” walang mababakas na galit sa tinig ni Arthur pero iba ang inilalabas na galit ng mga mata nito.
“Anong gagawin ko, A? Mapapahamak ang asawa ko.” nanghihina niyang pinakawalan ang pinipigil na paghinga.
“Sana inisip mo ‘yan bago mo siya pinakasalan. Wala kang inisip kundi ang kapakanan mo. Kundi ang nararamdaman mo.” malamig na pahayag nito sa kanya.
“Mahal ko siya!” galit niyang sigaw sa kaibigan.
“Pero makasarili ka. Alam mo na pwedeng mangyari ito, pero pinakasalan mo pa rin siya.”
“Mahal ko siya kaya ko siya pinakasalan.”nanghihinang napaupo siya sa semento. “Ayokong iwan siya at ang magiging anak namin dahil lang sa—-”
“Que voulez-vouz dire?” halos nag-iigting na tanong ni Arthur sa kanya kahit alam na nito ang kahulugan ng sinabi niya.
Umiwas siya ng tingin sa kaibigan.
“Holy Shit! you are dead Parc!” nanghihinang bulalas nito.
“Zut! I know that! but I don’t wanna lose her and my baby. So I did marry her…” Napapikit siya.
Nanginginig siya sa sobrang takot sa maaring mangyari sa asawa at sa magiging anak nila. “God knows how much I love her, A. I love her, Just as you love her.”
“What do you mean?”
Nagmulat siya ng mga mata. Tumingin siya dito ng may pang-uusig. “Tell me A, that you’re in love with my wife..”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” ngunit umiwas ito ng tingin.
Pinakatitigan niya ang kaibigan. Hindi ang uri nito ang magkakaroon ng damdamin. Demonyo ang tingin ng lahat dito..Natawa ng mahina si Parc sa nakuhang sagot kay Arthur. Ang galit na nadarama ay mas lalong tumindi pa ngayon.” Cut the crap, A.”
Mariin itong pumikit at huminga ng malalim. Ilang sandali ang nakiraan bago sumagot ng may pait sa sarili. “Hindi mahalaga ang nararamdaman ko—”
Tumayo si Parc at agad na sinuntok si Arthur. “Bakit hindi mo maamin sa akin ang nararamdaman mo para sa asawa ko, A?!”
Tiningnan siya nito ng matalim bago huminga ng malalim. “Oui…” mahina nitong pag-amin. ” I love her. So much…”
Tuluyan na siyang tumawa. “You are son of a bitch…”
“And she will never ever…love me, because she love you.” mahinang pagpapatuloy nito sa mga sinasabi.
“You god damn right!”
Muli niya itong sinuntok at inanggap lang niya iyo bago gumanti ng suntok. Bagsak siya sa semento.
“Hinayaan kitang mahalin ka niya, at ‘yon ang malaking pagkakamaling ginawa ko. Kapag may nangyaring masama kay Junifer, ako mismo ang papatay sa’yo!” halos humihingal nitong sabi at may bahid ng galit ang mga mata.
“What’s going on here?” Takang tanong ni Junifer na bumungad sa pintuan ng hall. Nang makitang nakahiga sa semento ang asawa ay nanlalamig na humakbang papunta sa dalawa. Agad na itinayo ang asawa.
Hinawakan ni Arthur ang mga labi bago ngumiti. “Ibinigay ko lang kay P ang regalo ko sa kanya.” pilit ang tawang sagot ni Arthur.
Nagtaas ng kilay si Junifer. “Kayo talagang dalawa.” hinaplos ang pisngi ni Parc. “Masakit ba? Hmp!.kayo talagang dalawa para kayong mga bata! gustong gusto niyong saktan ang isa’t-isa.” nakangusong tiningnan niya si Arthur na palihim ang ginawang pagiwas ng tingin sa kanya.
Mapaklang tumawa si Parc sa ginawa ni Arthur. “Kahit kailan talaga, A, duwag kang umamin ng nararamdaman.”
Tumalim ang mga mata ni Arhtur. “Hindi naman ako mang-gagamit ng tao para lang sa nararamdaman ko.” paangil namang sagot nito.
“Hep! Tama na ‘yan. Kayong dalawa para kayong mga bata. Halina nga kayo sa loob at malamig. Wala akong jacket. Umuulan pa ng snow. Hay! This is what I don’t like here in France… cold.”
Nauna na siyang pumasok sa hall. Kasunod niya ang asawa. Lumingon siya ng hindi niya maramdamang sumunod si Arthur. “A, aren’t you going inside? It’s cold here. You’ll gonna become an ice cube!”
Umiling lang ito. Hindi pinatulan ang biro niya. Inakbayan siya ng asawa.
“Pabayaan mo na muna siyang mapag-isa. He needs some air.” ani Parc na iginiya na siya papasok ng hall.
“P,Je ne comprends pas. What’s wrong with him?” naguguluhang tanong niya sa asawa.
“He’s not in the mood.” maikli nitong sagot.
Nagkibit balikat siya. “Siguro nga, at magti-tiyaga rin ako sa isa pang sumpungin for the rest of my life!” she winks at her husband.
“Look who’s talking!” nang-aasar ang ngiti nito.
Kinurot niya ito sa braso. “Hindi ako sumpungin ‘no!”
“Hindi nga, pikon ka lang!”
“Ikaw talaga!”
Inalis nito ang brasong nakaakbay sa kanya bago pumasok sa loob ng hall at isinigaw na pikon siya sa buong bisita. Pumasok din siya sa loob at hinabol ng kurot ang asawa.Nagkatawanan naman ang mga ito.
Napangiti si Arthur ng marinig niya ang matinis na tawa ni Junifer sa loob ng hall. Huminga siya ng mlalim. Kung siya kaya ang napangasawa ni Junifer ganoon din kaya ito katinis tumawa? Ganoon din kaya katamis itong ngumiti kapag nakikita si Parc?
Kung minsan hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan. Natagpuan na nito ang kaligayahan. Samantalang siya ay nakakulong pa rin sa nakaraan. Narinig niyang muli ang matinis na tawa ni Junifer.
Ngayong alam na nila ang lahat, maaring patayin ng mga ito si Junifer. Nagdilim ang mukha niya. Tulad ni Parc, hindi niya mapapayagan yon. Gagawa siya ng paraan. Hindi nila magagawang saktan si Junifer. Isinusumpa niya!
0 comments: on "Breaking Silence - Chapter 2"
Post a Comment