SHARE THIS STORY

| More

I Love You Long Before – Chapter 11

(Louise)



Pikit ang mga matang sinasariwa nya ang mga nakaraan. She still remembers her family having a picnic sa lugar na kanilang pinagpapahingahan mismo kasama ang pamilya ni Inigo. She caught him looking at her habang sya’y tumatawa. She sigh. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan siguro’y hindi ganito ka-complicated ang lahat.

“Napaka-peaceful talaga dito sa lugar nyo” naka-upo ito at kinakain ang natira nilang chips.

“That’s why I love it here Mykee. Tuwing nandito ako feeling ko kasama ng ilog na itong umaagos ang lahat ng problema ko” nakapikit pa rin nyang sabi.

“Sana may ganito rin sa Maynila” anitong sinuklay-suklay ang buhok nya ng kamay nito.

Sa bungad ng ilog ay nakatayong pinagmamasdan ni Inigo ang dalaga. Agad naman syang napuna ni Mykee.

“Lou – “ bago pa nito ituloy ang sasabihin sa dalaga ay sumenyas sya na huwag sasabihin sa dalagang naroon sya.

“Mmm… bakit?” pikit pa rin nyang tanong rito.

“W-wala, pwede rin bang magdaos ng kasal dito?”

“Oo naman. It’s one of my dreams.”

Mula sa kinaroroonan niya ay dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan ng dalawang dalaga. Sinenyasan nya si Mykee na umalis upang sya ang pumalit sa pwesto nito. Tahimik namang tumayo ito at umalis atsaka sinenyasan sya ng goodluck sa pamamagitan ng walang salita.

He continued stroking her hair, samyo nya ang amoy ng shampoo na ginamit nito. Even her cologne make him feel so good. Pinakatitigan nya itong maigi, ang makakapal nitong pilik-mata, ang labi nitong kay pula what he can only see in her makes him feel so weak. May kung anong gumagapang na kilabot sa kanyang buong pagkatao. And how good it feels having her beside him.

“Hindi ka na umimik dyan? Masyado kang nag-eenjoy sa view ano?” pikit ang mata syang ngumiti.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pakiramdam nya’y secured na secured sya sa ginagawang pagsuklay-suklay sa kanya ni Mykee. A feeling that she only felt whenever Inigo is with her. Weird. Masyado na yatang lumalawak ang imahinasyon ko at pati si Mykee napag-iisipan kong si Inigo. Nadama nya ang parang pag-gaspang ng mga kamay nitong humahagod-hagod sa buhok nya. Parang bumigat ata.

“Parang lumaki yata ang kamay mo My –” kasabay ng pagdilat ay ang mga mata ni Inigo na matiim na nakatitig sa kanya ang nabugaran nya.

Marahas syang napabangon sa pagkagulat. “W-what are you doing?” luminga-linga sya sa paligid. “A-and where’s My –” inilagay nito ang hintuturo sa kanyang mga labi.

“You talk too much sweetheart” sa isang iglap ay nasakop na nito ang kanyang mga labi. Iba’t-ibang uri ng sensasyon ang dumaloy sa kanyang mga himaymay. Instead of pushing him away ay parang may sariling isip ang mga braso niyang kusang yumapos rito urging him to go deeper. Lalo naman itong naging mapusok sa paghalik sa kanya. His tongue tasted her sweetness while his hands started caressing her back. She’s been longing for him at alam nyang ganoon din ito sa kanya.

“I love you so much Lou” paos ang tinig nitong usal sa pagitan ng ginagawa nitong paghalik sa kanya. It felt so right hearing those words coming from him. Parang awit ng angel ang mga sinabi nito.”Please tell me you love me too” usal nitong muli sa pagitan ng paghalik sa kanyang punong-tenga. Napaungol siya sa sensasyong nadarama hindi alintana kung nasaan sila. Nasaan sila?

Sa isiping iyon ay naitulak nya ito palayo sa kanya, kapwa naghahabol ng hininga. Bakas ang pagtataka sa itsura nito sa kanyang ginawa.

“T-this is wrong” aniyang iniiwas ang tingin rito.

“No. This is not wrong Lou. Do you know how I feel? – It felt so right and I know you felt that way too” he held her chin up to meet his eyes.

“H-hindi mo naiintindihan” pilit nyang binawi ang tingin rito. “Don’t make things more complicated” iyon lang at tinalikuran nya na ito. Dama nya ang matiim nitong pagtitig sa kanyang likod but she never bother to look back at him. Ayaw nyang makita pa nito ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

Tears started making their way to her cheeks when she reached her car. She felt so bad that she would burst, isa lang ang gusto nyang mangyari sa mga oras na iyon, get out of here! She drove away not knowing where to go, until she found herself infront of Yna’s place. Nakayuko ang ulo sa manibela, she felt so betrayed, betrayed by her own body. Ngayon paano nya sasabihing hindi nya mahal si Inigo gayong ang sariling katawan ay ipinagkanulo sya.

“Lou? Lou!”

She looked at her window and found Yna knocking on it. Pinunasan nya ang kanyang mga luha bago ibinaba ang bintana. “Hi” tabingi ang mga ngiting bati nya rito.

“Oh my! What happened?” anitong yumukod at niyakap sya, lalo naman syang napabulalas ng iyak.
“Inumin mo muna ito” alok nito sa inihain na juice matapos sya nitong piliting bumaba at tumuloy sa tahanan nila. Kinuha nya ang iniaalok nito at sumimsim. “Tell me,” untag nito sa kanya.

“There so many things that had happened. –It’s my fault Yna, I should have listened to you in the first place siguro kung nakinig ako sayo noon hindi ganito ang nangyari” inabutan sya nito ng tissue na sya namang ipinunas nya sa kanyang mga luha.

“Huwag mo ng sisihin pa ang sarili mo, tapos na iyon, nangyari na ang magagawa mo nalang ay tanggapin” she held her close and hug her. “You fell Lou, dapat nga ay masaya ka pa because you felt how love works.”

“Yeah, I surely felt how it worked. It worked too much that it made me feel miserable” she said mockingly.

“It made you feel miserable because you are hurt and if you are hurt, that is because you loved” mahaba nitong eksplika.

“I don’t understand Yna, He is getting married now how can he say he loves me? Is it one of his games again?” puno ng katanungan ang mga matang tinignan nya ang kaibigan.

“Sa tingin ko naman ay hindi” biglang umilap ang mga mata nito na syang ikinakunot-noo niya.

“Paano mo nasabi?”

“Lou, I have a confession to make…” nanatili syang nakikinig sa mga sinasabi nito kahit alam nya na ang iba sa mga sinabi nito.

“Alam ko na ang ilan sa mga sinabi mo don’t worry hindi ako galit sayo, there’s no reason for me to be mad at you” isang malalim na buntonghininga ang kanya munang pinakawalan. “I don’t know what to do anymore”

“Tulad ng sinabi ko kanina, accept it. Nararamdaman kong sincere sya sa sinabi nya sayo why don’t you give yourself a chance to be happy?”

“Thank you friend,” she said and hug her. “But I think I should be going,” she look at her wristwatch “It’s already seven, hindi ko alam kung nakauwi ba si Mykee after she left me” paalam nya rito and then stood up. Tumango naman ito at inihatid sya sa kanyang sasakyan.

Bago pa sya sumakay ay nagbilin pa ito “Think about what I’ve said.”

Paano ko gagawin iyon kung ikakasal na sya? Kung mahal nya ako bakit sya papayag na makasal kay Maya? Marami pang katanungan ang pumasok sa kanyang isipan ngunit wala naman syang maisagot sa mga katanungang iyon.

“Louise hija, where have you been?” nag-aalalang mukha ni Mrs. Caliente ang sumalubong sa kanya.

Humalik sya sa pisngi nito. “Dyan lang po kila Yna” luminga-linga sya sa loob ng kanilang tahanan. “Mom, where’s Mykee? Wala pa ba sya rito?” nagtatakang tanong nya ng hindi makita ang hinahanap.

Ito naman ang nagtaka sa itinanong nya. “I thought she was with you.”

“O –oh yeah, sinundo nga pala sya ni Hans” pagpapalusot nya rito upang hindi ito mag-alala.

“Halika na sa hapag nagluto ako ng paborito mong mechado” yaya sa kanya ng ina na iginiya sya patungo sa dining.

“Ahmm… sige po” naisip nyang tawagan nalang si Mykee pagkatapos nyang kumain ng hapunan. Bruha ka nasaan ka na ba? Naku! Lagot ka sa akin pagdating mo.

Pakanta–kanta pa si Mykee ng dumating hindi sya nito napansing naghihintay sa garden set.

“Mykee,” nagulat itong naplingon sa kanya.

“K-kanina ka pa?”

Nakangiti syang tumango rito. “Saan ka ba nagpunta at bigla ka nalang nawala?”

“S-sinundo ako ni Hans, tumulong ako para sa last preparations ng wedding bukas.”

Sya naman ang nagulat sa sinabi nito. “B-bukas na ang –” hindi nya natapos ang sasabihin nanlalambot syang muling napa-upo sa garden set. Lumapit naman sa kanya si Mykee at naupo din sa tapat nito.

“Okey ka lang Lou? You looked pale” anitong hinawakan sya sa noo at leeg. “Wala ka namang sakit. Ano bang nangyayari sayo?”

“W-wala.”

“Anong wala? Eh hayan nga at maputla ka”

“S-sabi ng wala eh.”

“Nagka-usap ba kayo ni Inigo?” napatingin sya rito sa kanyang narinig.

“So, may kinalaman ka nga kaya sya nasa ilog kanina” pag-aasume nya rito.

“H-hindi ah, paalis na ako ng dumating sya” anitong nag-iwas ng tingin. “So, tell me, nagka-usap ba kayo?” pagbabalik-tanong nito.

Isang buntonghininga ang pinakawalan nya. “Konti”

“Anong napag-usapan nyo?”

“Mykee!” saway nya sa pang-uusyoso nito.

“Sorry” yuko ulo nitong sabi. “Alam mo bang mahal na mahal ka nu’ng tao? Halos magpakalunod daw sa alak noong tanggihan mo sabi ni Hans. Nakaka-awa nga raw eh”

Napatingin sya sa sinabi nito, totoo ba ito? Baka naman sinasabi lang ni Mykee ito para maniwala ako. Confused sa nararamdaman ay ipinikit nya nalang ang mga mata. Parang may kung anong bumubulong sa kanya na patuloy ang sinasabing “Why don’t you give yourself a chance to be happy?”

“Pero paano?” wala sa sarili niyang naisatinig.

“Paanong ano?” takang tanong ni Mykee. She let out a sigh. “Hey Lou, admit it mahal mo sya kaya ka nagkakaganyan. You will never be miserable if you were’nt in love” anitong ipinaikot pa ang mga eyeballs.

“P-pero anong gagawin ko Mykee? Ikakasal na sya.” Ito naman ang nabigla bagama’t binawi din agad.

“Ahmm… I know pero malay mo, sa huling sandali tumakbo syang palabas ng simabahan at sabihing ikaw lang ang babaeng pakakasalan nya?”

“Napaka-morbid mo talaga Mykee” aniyang natawa sa tinuran nito.

Tanghali na syang nagising kinabukasan dahil umaga na halos ng sya’y makatulog kakaisip sa nararapat nyang gawin. Dali-dali nyang tinungo ang kwartong nakalaan sa kaibigan pero wala na ito roon. Agad syang nagtungo sa sala only to find out that her parents also left early.

“Nasaan sila daddy?” tanong nya sa katulong na kasalukuyang naglilinis roon.

“Nagtungo po sa syudad nakalimutan daw ho kasi nilang bumili ng regalo sa kasal”

“Eh, si Mykee nakita mo ba?”

“Sumabay na po sa daddy at mommy nyo, bibili din daw po ng regalo”

“Hindi man lang nila ako ginising” nainis nyang turan. “Pakihatiran nalang ako ng bacon and egg sa terrace”

Guni-guni lang ba nya ang kanyang nakikita? Nakikita nyang patungo si Inigo sa kanila. Ipinikit-idilat nya ang mga mata para alamin na hindi nga sya nananaginip. Sya nga? Bakit sya nandito? Mamaya na ang kasal ah. Nakita nyang pinatuloy ito ng katulong at itinuro sya sa terasa. Tumingala ito sa kinaroroonan nya at ngumiti.

“Hi” bati nito sa kanya.

“Hi yourself. Bakit nandito ka? Di ba mamaya na ang kasal mo? Dapat ay naghahanda ka na” mapait ang mga ngiting sumilay sa labi nya.

“Ahmm… don’t worry, kahapon pa nakahanda”

“So, what brought you here? Wala si Mykee kung sya ang hanap mo, bumili ng regalo” aniyang ipinagpatuloy ang pagkain.

“Hindi naman sya ang sadya ko, ikaw.”

Napahinto sya sa pag-inom at nagtatakang tinignan ito. “Me? Why me?”

“I just wanted to tell you how much I love you bago mahuli ang lahat, that I’m sincere and that it’s you that I’ve dreamt of being with for the rest of my life. Aminin mo man sa akin o hindi kung mahal mo ako, my feelings for you will never change” hinawakan nito ang isa nyang kamay.

“B-bakit sinasabi mo pang lahat ito sa akin?” she said mockingly. “Para maloko mo uli ako? Para masaktan mo ako?” binawi nya ang kamay na hawak nito. “I don’t think so. Kung wala ka ng ibang sasabihin sa akin makakaalis ka na” matigas nyang sabi.

“I never meant to hurt you, never did I try to fool you. Why would I hurt the one who makes me live?” puno ng sinseridad nitong turan.

Gusto nyang magtatalon sa mga sinasabi nito pero hindi nya maintindihan kung bakit tila may pumipigil sa kanyang sabihin dito ang tunay nyang nararamdaman.

“Are you done?” she said sarcastically. “You really are a good actor Inigo, but you can’t fool me. Hindi ako katulad ng mga babaeng nagkakandarapa sayo” nakataas ang kilay nyang sabi. “Now, can you just please leave?”

Yuko naman ang ulong tumayo ito, nagpakawala muna ng buntonghininga. “Hanggang kailan no itatangging mahal mo ako Lou? Gayong pati ang katawan mo’y ipinagkakanulo ka na. Kung sa tingin mo ay ikaw lang ang nasasaktan, think about it again” muli nya itong tinignan. “Don’t wait for everything to get too late sweetheart”

Matagal ng nakaalis si Ingo ay hindi pa rin sya tumitinag. He loves me! He really really loves me. Pero paano na ang kasal? Nagpakawala sya ng buntonghininga. Bahala na.

Isang busina ng sasakyan ang nagpabalik sa kanyang huwistyo. Agad syang tumayo at sinalubong ang mga dumating.

“Bakit ngayon lang kayo dad?” she kissed him on his cheek. Luminga-linga sa likod nito. “And where’s mom ang Mykee?”

“Oh, alam mo naman ang mommy mo nagpa-manicure at pedicure, and so is your friend” anitong magkapanabay silang nagtungo sa salas. Pagod na pagod itong umupo at ibinaba ang mga bitbit na pinamili.

“You look so tired,” tinignan nya ang mga pinamili nito. “Ang dami naman yata ninyong pinamili.

“Parang hindi mo kilala ang mommy mo, kapag namimili iyon napakatagal na kung anu-ano pa ang nakikitang bibilhin bukod sa pakay nito” He hug her. “Anyway hija, aakyat na muna ako para makapagpahinga sandali before your mom gets here. Maya-maya lang ay maghahanda na ‘yun for the wedding” anitong tumayo at tumungo sa staircase.

“Okey, I think I need a rest also” tugon nya rito.

Tumungo na rin sya sa silid at nahiga, pakiramdam nya ay kulang pa ang kanyang tulog, masyado syang napuyat sa kakaisip.

She looked at her wristwatch quarter to five na. Ganoon sya katagal na nakatulog? Nagmamadali ang mga kilos na tinungo nya ang sariling banyo at naligo.

“Lou!” tawag ng pumasok na si Mykee.

“I’m in the shower” sagot nya rito.

“Lou, aalis na ako ha? Nandyan na si Hans, we’ll be late for the wedding baka hindi ako umabot sa march”

“Okey.”

“Sasama ka ba?” tanong nito.

Nagtutuyo sya ng buhok na lumabas sa banyo. “Hindi. Ano naman ang gagawin ko doon ano?”

Nagkibitbalikat ito. “Anyway, got to go, see you later” anitong tumalilis.

Isang oras pa ang lumipas mula ng makaalis si Mykee ay hindi pa rin sya tumitinag. Ayoko ng ganito! Maktol nya. Pabagsak na naupo sya sa harap ng tokador. Kaya ko ba ito? My!, hindi yata. Ang tunog ng kanyang cellphone ang nagpatinag sa kanya.

“Hello Mykee, napatawag ka?” sagot nya sa tumawag na kaibigan.

“Magsisimula na ang kasal, hindi ka ba talaga pupunta? Nandito na sila tito Arnold at tita Denise” tukoy nito sa mga magulang nya.

“I know” she said dryly.

“Listen Lou, Inigo loves you so much, we talked before the wedding started and he said he’s willing to give up anything for you. Girl, wake up! Pwede ba sa pagkakataong ito pakinggan mo ang sinasabi ng puso mo.”

“Papayag ka bang habangbuhay na maging miserable just because of your damn pride?” may inis sa tinig nitong sabi.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 11"

Post a Comment