SHARE THIS STORY

| More

Breaking Silence - Chapter 3

(Blue)



Nagpasalamat muna si Arthur sa matandang sekretarya bago tumuloy sa loob ng opisina matapos marinig na pinapapasok siya ng pakay niya sa loob.

Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ng matabang lalaking nakaupo sa swivel chair. Naiiling si Arthur. Sa tuwing pupunta siya sa opisina nito, hindi niya man lang ito nakitang tumayo sa swivel chair nito. Tila nakadikit siya sa silyang iyon.

Pinagmasdan niya ang kaharap. Inaayus-ayos nito ang nagusot na buhok dahil sa hanging pumapasok sa bintana. Wig lamang ang buhok nito. Dahil simula pgkabata ay di na ito tinutubuan ng buhok.
Magmumukha itong humpty-dumpty kung walang wig na suot. Nakalubog kasi ang leeg nito dahil sa sobrang katabaan at mataas ang mga balikat.

Pantay-pantay ang yellowish na ngipin nito. Naka-coat and tie na ang polo sa loob ay hindi na maibutones dahil sa laki ng tiyan nito. Kung tumingin ito sa kanya sa paraang sing liit lang siya ng langgam. Ngunit kabisado niya ang CEO ng C5G. Alam niya na madali niya itong makukumbinsi sa mga gusto niya.

Kumuha ito ng tabako sa chest drawer at iniabot sa kanya.

“Comment allez-vous, Skinny bear?” mahina nitong pangangamusta sa kanya.

Naupo siya sa arm chair na nasa harapan ng mesa nito.”Je vais tres bien, merci…” pang-iinsultong sagot niya. “Not so damn good!” paangil siyang sumagot ng totoo ng makitang seryoso ang kaharap.

“I know.” mahina nitong pag sang-ayon. bago itinukod ang dalawang braso sa mesa.

Naiirita siya sa pinapakitang pagkakalmado ng kaharap.”Don’t look at me as if Im an asshole that did’nt warn laughing bear.”

“Ginawa mo nga ba, Skinny Bear?”

“Merde!” bago siya huminga ng malalim. “Hundred times. But still, he did’nt listened. He loves her.”

“Fuck love, eh?”

“Whatever you say. Ang gusto ko lang pabayaan mo na si Laughing Bear. Ako ng bahala sa lahat. Walang makakalabas na impormasyon. Ako mismo ang pipigil sa kanya kung gawin man niya ‘yon. which I doubt.”

“Anong kapalit, Skinny Bear? Alalahanin mong buhay ni Laughing bear ang nakataya.”

“J’ savoir.” Tumaas ang kilay nito sa paghihintay sa susunod na sasabihin niya. Huminga siya ng malalim.

” Ma vie.” mahina niyang sagot.

Sa pagkabila niya ay tumawa ang kaharap. “Quel dommage!” umiling iling ito.”You wanna exchange your life to his, is he that special or that’s what he wants for you to do?”

“Non…” maikli niyang sagot.

“So what’s the reason then?”

Hindi siya sumagot. Maari na nitong isipin ang gusto nitong isipin. Hindi importante ‘yon sa kanya. Matiim siyang tinitigan nito bago ngimiti.

“So that girl, eh? You do this for that filipina girl.”

Tumalim ang mga mata niya.”Nonya…”

“Skinny bear, you know what happen every time you are involve with girls. You are out of your control and you are out of your mind.” bahagya itong tumawa. “At nangyayari na naman ngayon sa’yo. Why you always trust a woman, Skinny bear? They are some kind of virus that can ruin your entire life. ”

“She’s not. We. We’ve ruined her life.” Huminga siya ng malalim. “Pabayaan mo na si Laughing bear na lumagay sa tahimik, Ballerina. Nangako siyang wala siyang pagsasabihan ng mga nalalaman niya.”

“Wala akong tiwala sa salita, Skinny bear. Pwede niyang sirain ang pangako niya.”

Ngumiti siya ng mapakla. “I thought you’ve known Laughing bear. Tsk, Hindi siya tanga, Ballerina. Hindi niya isasakripisyo ang mag-ina niya para sa mga walang kwentang impormasyon.”

Tinitigan siya nito. Muli siyang nagsalita sa ilang segundong katahimikan. “Mahalaga sa amin ni Laughing bear ang salita, Ballerina. Hindi kami sumisira sa pangako.”

Huminga ito ng malalim.”Pag-iisipan ko.” mailki nitong sabi. Kapagkuwan ay my kinuha sa chest drawer nito. ” Your mission…” Inilapag sa mesa.

Natatawang kinuha niya sa mesa ang folder na naglalaman ng lahat ng info tungkol sa target. “Napakalaki ng opisina mo pero walang kalaman-laman. Do you practice ballet here, Ballerina?”

“Get out of my office now.” my diin na utos nito bagamat mababa ang boses.

“Just kid! Dont fuss. Think about my prepositon.” Nagsalute pa siya bago lumabas sa opisina nito.

“Damn that kid.”natatawang bulong sa sarili, nang may naalalang gawin na kanina pa nasa isip.”Ok, let me take some infos about this filipina girl.” nagsimula itong magpipindot sa touch screen digicomputer sa ibabaw ng mesa nito.

Pagsakay ni Arthur sa red jaguar ay napuna niya na umiilaw ang cellphone na iniregalo sa kanya ni Junifer noong huling birthday niya. Nangingiti siya. Tiyak niyang nagkatampuhan na naman ang dalawa kaya siya tinatawagan nito.May voice mail siya galing dito. Nagmamadali niyang pinakinggan ang voice mail message pero ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng marinig ang boses ni Reduce.ang researcher ng C5G.

Hindi na sana niya gusto pakinggan ang voice message pero nahinto siya sa pagpindot ng marinig niya ang huling panagalang binanggit nito. Tinawagan niya si Reduce at ilang segundo rin siyang naghintay sa pagsagot nito.

“Anong ibig mong sabihin? Bakit kailangan patayin si Ballerina?”

Naghintay siya sa isasagot nito. Ngunit buntong hininga lang ang naririnig niya mula dito.”Que?!” sigaw na niya sa pagkainip.

Sinabi nito na hindi sila maaring magusap sa telepono. Makikipagkita ito sa kanya ngayon din. Ibinaba niya ang cellphone sa front seat at agad na pinaharurot ang kotse papunta sa lugar na sinabi nito.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Breaking Silence - Chapter 3"

Post a Comment