SHARE THIS STORY

| More

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 2

(Calla)




“I WAS’NT expecting what I saw…”

Kumunot ang noo ng binata.

“What do you exactly mean by that Dad?” ani Earl na tinitigan ang amang kampanteng nakaupo sa silyang nasa harapan ng mesa niya. Kung hindi ito dumating, he could have devoured Veronica by all means. Nanuyo ang lalamunan niya sa iniisip. Pilit niyang ibinaling ang atensiyon sa ama.

“It’s my way of saying I’m glad, son.” sinserong sambit ng Don. “This wedding is one of my biggest dreams. I just knew you two are good for each other. I wish you had met a long time before… You could’ve had enough time to know each other.”

Napatiim-bagang ang binata. I’ve known her long enough, Dad…

“I’m sorry if I ruined the moment but I came for something important. Today is the best time to talk about this since I’ll be out of the country for a week.”

Napatango siya. Alam niya ang business transactions nito sa Australia. “About what Dad?”

“This whole thing,” anang Don na tinitigan ng mataman ang anak. “I just thought, it is not fair for you, son. I want this wedding to happen. And I can do all that it takes to make this happen. But just so you know-” may ini-abot itong papeles sa kanya.

“I had the will changed,” dugtong nitong ikinatigil ni Earl. “You’re having no threat anymore.”

“You gotta be kidding me!” palatak niya. Di makapaniwalang napatingin sa ama. At di siya makapaniwala sa binabasa. Hindi niya alam kung matutuwa o magagalit. “What the hell is this, Dad? What if I decide to back out now?” di niya naitago ang inis sa tinig.

“Which I know you won’t.” kampanteng sagot nito.

Napabuga siya ng hininga.

“Wanna bet on that?” hamon niya sa ama. Magpapakasal pa ba siya sa babaing kinamumuhian niya ng husto?

Tumawa ang Don. Mas lalong nainis si Earl.

“Easy on the bet, son.” tinapik nito ang balikat niya. “After what I just saw, I know I’d surely win. Though, it made me wonder… how could you have fallen easily?” makahulugan ang ngiti nito.

“Pardon?” kunot-noong sagot ng binata.

Umiiling-iling ang matanda. “You can never lie. I saw the way you looked at Veronica. At ang ganong mga klaseng tingin ang alam na alam ko.”

“I’m not in love with her.” malamig na sabi niya. Yes, he might want to do her but that doesn’t mean anything at all. He hates her. At hindi iyon mawawala kahit gaano pa katamis ang labi nito.

“Defensive, aren’t we?” anang Don, di mawala-wala ang ngiti sa labi. “As I told you son, if you should marry her, it won’t be because of the will.”

Magpapakasal ba siya? Nagtutumining ang tanong na iyon sa isip.

“Do you want the wedding to happen or not?” seryoso niyang tanong sa ama.

Naging seryoso din ang mukha ng Don. “Alam mo ang sagot sa tanong na ‘yan. It’s what I wanted from the very beginning.”

“Then I’ll marry her.” walang emosyong sagot niya. “I guess…I’ll marry her for no reason at all.”

Matamang tiningnan ng Don ang anak. Pilit binabasa ang isip nito.

“Do it your way. I’m sure, the moment she walked through your door you’ve found your reason. You just need time to know what it is, son.”

I hate her… that is the only reason I’m marrying her. But you wouldn’t want to hear this, Dad. You wouldn’t want to see me breaking her heart as she had broken mine.

Napapikit siya ng mariin. Sampung taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa sa ala-ala niya ang pangyayaring hanggang ngayo’y pinipilit niyang kalimutan.

”VERONICA, let’s talk.” pakiusap niya’t hinawakan ang kamay ng dalaga. Agad itong pumiksi.

Isang buong linggo itong di nagpakita sa kanya. He was worried like hell. And now, she acts like she doesn’t know him. What the hell is happening? Gusto niya itong yakapin ng mahigpit ngunit tila ibang Veronica ang nasa harapan niya ngayon.

“You got my letter, didn’t you? I’ve said it all there. Saang parte ang hindi mo naintindihan?”

“What letter?” kunot-noong sagot niya. “Kung may problema tayo, pag-usapan natin ng maayos.”

Nakagat nito ang pang-ibabang labi ngunit walang anumang emosyon ang nasa mata nito. Pinilig ni Earl ang ulo. Sa isang iglap, parang hindi na niya kilala ang kasintahan.

Veronica is in love with him. He knows that. He feels that. Ngunit bakit bigla na lang siya nitong iniiwasan? Bakit tila nawala na ang pagmamahal nito sa kanya? What the hell happened last week?

“Ayoko na.” mahinang sabi nito.

Natigalgal siya sa narinig. Napapikit siya ng mariin. Hindi iyon ang gusto niyang marinig.

“Hindi na kita gusto. Kaya kung pwede, layuan mo na ako.” anito’t akmang tatalikuran siya nang hatakin niya ang braso nito.

“Let go of me!” piksi nito.

“I need an explanation.” mariing sabi niya’t binitiwan ito. Nangangatal ang labi niya sa samu’t saring emosyon na nakadagan sa dibdib. “Isang linggo mo akong pinag-alala tapos, sasalubungin mo ako ng ‘ayoko na’?” nahihirapang sabi niya. “What is this really about? I can’t find any reason. Why should–”

“Please, Earl,” putol nito sa anumang sasabihin niya. “Alam mo kung anong relasyon meron tayo. I never promised you anything.”

“Yeah, right. Except you’d love me forever.”

Ngumiti ito ng mapakla. “Hindi na kita mahal.” halos bulong na sabi nito. Ngunit parang nabingi siya sa narinig. Di makapaniwalang napatingin siya sa dalaga. Kasabay no’n ang paninikip ng lalamunan. Hindi siya halos makahinga. “Anong silbi ng isang pangakong hindi ko na nararamdaman?”

“That,” aniyang nangangalit ang bagang. “Is the biggest lie I’ve ever heard.” Hinawakan niya ang siko ng dalaga at pinaharap sa kanya.

“You can think whatever you want. But nothing will change; everything between us is over now.”

“You promised me.” aniyang namamasa ang mga mata. He won’t cry for just a girl. Veronica is just a girl. He can die but he will never cry. Marahas niyang pinahid ang gilid ng mga mata. “You promised.”

“I’m sorry.” iyon lang ang sinabi nito at kumawala sa pagkakahawak niya. Patakbo nitong tinungo ang naghihintay na sasakyan. “But I don’t want to see you again.”

Parang nawalan siya ng lakas. Ni hindi niya magawang ihakbang ang paa para pigilan ito. Pero nagsusumigaw ang puso niya sa sobrang hapdi.

Wala siyang nagawa kundi tingnan ang papalayong sasakyan nito. Sapo niya ang mukha. Pagkuwa’y biglang napasigaw at sinuntok ang sementadong pader. Napaatras ang ibang estudyanteng nakakita at wala isa mang nagtangkang lumapit sa kanya. Doon niya ibinuhos ang buong lakas sa bawat suntok. Ramdam niya ang sakit at hapdi sa dumudugong kamao ngunit wala iyon sa nararamdaman ng dibdib.

Bigla’y nahulog mula sa bulsa ng suot na polo ang nakatuping papel. Nakita niya iyon sa locker niya kaninang umaga.

Nanginginig ang kamay na binasa niya iyon.

Earl,

I don’t know how to start this letter. But I’ll try to make it simple.

I need space.

I need to breathe.

Hindi ko alam kung papaano nangyari… Nagising ako sa kabaliwan ko.

I NEVER WANTED A SIMPLE LIFE- which is all you can give.

I can’t risk my future with you. I knew you love me but the feeling isn’t the same anymore. It’s over between us.

I know you will find someone who can love you back.

I’m sorry.

Veronica

Nilamukos niya ang sulat.

Ilang beses niyang inabangan ang dalaga sa tuwing umaga pagkatapos ng insedenteng iyon ngunit ni minsan hindi niya ito natiyempuhan. Inabangan niya ang paglabas nito sa klase nito ngunit hindi niya ito makita. Di siya nakatiis at nagtanong sa kaklase nito.

“Sabi ni Ma’am sa U.S. daw ito mag-aaral. Nag-migrate na yata sila last week.”

Parang nawalan siya ng lakas sa narinig. Ilang sandali pa’y namalayan niya ang sariling tumatakbo, tinatalunton ang daan patungo sa bahay ng mga Sandoval.

Pakiramdam niya’y di niya makakayanan ang sakit. Laglag ang balikat nang maratnan niya ang abandonadong bahay. Gusto niyang magwala para maibsan ang sakit na nararamdaman.

Papaanong iniwan siya nito ng ganun-ganon na lang?

Papaano nagawa ni Veronica na saktan siya ng husto?

“Simon?”

Saka lang naalimpungatan si Earl. Bumalik ang isipan niya sa kasalukuyan. Saka lang niya napansin ang mahigpit na pagkuyom ng kamao.

Napabuntong-hininga siya. Saka sinulyapan ang amang pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha niya. His Dad never called him Earl. He preferred to call him by his second given name. Hindi niya alam kung napatawad na nito ang Mama niya sa ginawang paglayo nito sa kanilang mag-ama, dahil isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw ng Daddy niyang tawagin siyang Earl.

“Take a break, son.” anang amang napatayo. “I’m having a dinner with a client so I’ve got to go now.”

Tumango siya sa ama. “Yeah, Dad. I’ll go somewhere to relax after these,” aniyang sinulyapan ang mesa.

“Do that.” anito saka tumalikod.

“Dad?” aniya nang may maalala. Tumigil ito sa paghakbang at nilingon siya. “Do you want to talk with Mom?”

Gaya ng dati’y, wala siyang sagot na narinig mula rito. Tumango lang siya at pinanood ang paglabas nito. Darating pa kaya ang panahong mag-uusap muli ang mga magulang niya? Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

Ilang sandali pa’y itinuloy niya ang ginagawa. Ngunit nagpupumilit sumiksik sa isipan ang mukha ng babaing minsa’y pinag-ukulan niya ng lahat-lahat.

“I THOUGHT you had a date, hija.”

Napangiti si Veronica nang mabungaran ang ama. Nasa paboritong couch niya ito, nagbabasa ng libro.

She loves her Dad so much. Ito na lang ang tanging nagbibigay lakas sa kanya. She will do all that it takes to make him happy.

“Something wrong?” naulinigan niya ulit ang boses ng ama. “I thought you’re having a date with Earl.”

“Y-Yeah, Dad.” mabilis na sagot niya. “Uhmm… We postponed it. He’s kinda busy right now and I perfectly understand that-”

“Well, I perfectly don’t.” agad na sabi ng ama. “For years I believed he is the right man for you. I was so sure of that.” Mataman siyang tinitigan nito. “But now, I have my doubts. Maybe we should think again about this wedding, hija.”

Natigilan si Veronica. Her Dad had prepared her for these things since she was sixteen. After ten years, he’s having doubts? And what else? Is he going to take back his words? Two weeks more and it’s gonna be her wedding day. They’ve done everything. Tama ba ang naririnig niya buhat sa ama?

“Earl is perfect, Dad.” biglang nasabi niya. Ngayong may pagkakataon siyang makatakas, saka niya napagtanto kung gaano ka-importante sa kanya ang makasal sa lalaking matagal na niyang mahal. Parang gusto niyang maawa sa sarili. Is it only her that wants this marriage? What’s going on?

“He had to do a lot to prove that.” seryosong sabi nito.

“Kailangan lang niya ng panahon Dad. W-We talked and we are old enough to understand where we are heading and what we have to do.”

“If it’s the company-”

“No, Dad. The company has nothing to do with this, though it will surely be benefited afterwards, but no. It’s not the company…It’s.. It’s just.. We wanted to get married. Everything is ready. And I’m happy about this.

“If not now, when? If not with Earl, with whom? It’s just a matter of time, Dad. I’m gonna be a bride. If the time is now, then, it is now. I want to have a family of my own… just like the one we have. I want to share my life with someone like the way Mom shared her life to you…And if it is Earl, I am more than willing to accept him in my life… Actually, I have accepted him long enough.”

Tila di makapaniwalang napatitig sa kanya ang ama.

“That’s…” tila hindi nito malaman ang sasabihin. Napabuntong-hininga ito. “Unbelievable.”

Ngumiti siya. Gusto niyang maramdaman ng Daddy niya na masaya siya sa desisyon nito para sa kanya. “I’m gonna marry him not because you told me so, not because of the company or anything else but because I feel so right about this. So you don’t have to worry, Dad.”

“He’s one lucky man.” anito. “I never expected you to say these things, hija. I’m relieved. I thought you hated me for this.”

“Yeah Dad, I hated you before. But I love you more, alam mo naman ‘yan, di ba?”

Napangiti ito sa sagot niya.

Lumapit siya at niyakap ito ng mahigpit.

“I understood everything now, Dad. Be worry-free.”

Noon, galit siya sa ama. Ngunit nang malaman niya ang dahilan ng kasunduan nila ng Tito Eli, naintindihan niya ang lahat. It was her mom’s last words. Kaya malaya niyang tinanggap ang lahat ng maaring mangyari. Kahit pa ibig sabihin no’n ay ang pagkamatay ng sariling puso. It was early this year nang malaman niya kung sino ang lalaking pakakasalan niya. Nagulat siya nang malamang ang lalaking pakakasalan at ang dating kasintahan ay iisa.

“Thank you, hija.” naulinigan niyang sabi ng ama. “But I want to regret… I just gave someone the authority to steal my princess away.” anito sabay buntong-hininga.

Napangiti ang dalaga. Kasabay nuon ang paglaglag ng luha. Dagli niyang pinahid iyon. “I’m not going anywhere far from you, Dad. That’s a promise. You’ll just have to accept that you’re having a son.”

Tumango ito. “I need to talk to that young man.”

“Just talk, Dad.” paalala niya. Kilala niya ang Daddy niya. “No threats, blackmails whatever.”

“Plain talk.” anaman nito. “I have nothing more to say, hija but thank you,” buong pusong sabi nito. “And I love you so..”

“Same here, Dad… I love you so much,” aniyang hinalikan ito sa pisngi.

“Are you sure you just met Earl, today?”

Natigilan si Veronica.

Umiling-iling ang ama. “Nah, don’t mind me… I just got the impression that you’ve been in love with him for a long time.”

Walang maapuhap na sagot ang dalaga.

Biglang nag-ring ang telepono. Dagling tumayo ang ama. “I’ll get it. Go, freshen up.”

Tumango siya at umakyat sa silid. Nakahinga siya ng maluwag nang maisara ang pinto. Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Hapong-hapo siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. At kagaya ng nangyayari sa bawat gabi, pumasok sa balintataw niya ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya. Naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha.

She misses him. And it pains her knowing he doesn’t feel the same. At higit siyang nasasaktan sa galit na nakikita niya sa mga mata nito.

Magagawa pa kaya siyang patawarin nito?

Nakarinig siya ng katok sa pinto. Dagli niyang pinahid ang luha. Tiningnan niya ang sarili sa salamin saka huminga ng malalim bago buksan ang pinto.

“I’m coming, Dad.” aniyang nakangiti para lamang mapatda nang mapagsino ang nasa labas ng silid.

“Surprised?” anito.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 2"

Post a Comment