SHARE THIS STORY

| More

Breaking Silence - Chapter 7

(Blue)



Nakaukit na sa isipan niya ang mga pangyayari. Hindi na niya kailanman iyon malilimot. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Hindi niya mapapayagan na makatakas sa kanya ang pumatay sa kapatid niya.

Nilingon ang diary ng kapatid na nasa front seat. Ibinigay ito sa kanya ng banko ng kapatid makaraang ilibing ito. Isang confidential ang diary kaya inilihim ng banko ang pagbibigay niyon sa kanya. Hindi niya inaasahan na isang miyembro ng aktibista ang kanyang kapatid. Ang diary ng kapatid ang tangi niyang pinagkukuhanan ng impormasyon. Nakasulat doon ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Parc Marceau. Minahal ito ng kapatid ngunit ginamit lamang ito upang gawing pain kay Charles Gervaise. At sa mga illegal documents ng mga share holders ng kompanya na ipinagagawa ni Ballerina sa kapatid niya. Hindi na siya nag-aksayang iparating pa sa mga alagad ng batas ang mga nalalaman niya dahil alam niyang mawawalan ng silbi ang pagkamatay ng kapatid niya.

Bumuo siya ng plano. Nagawa niyang makapasok sa kompanya bilang isang accountant. Nalaman niyang may ibang transaksyones na ginagawa ang mga empleyado doon. Ang mga illegal na pagpapasok ng mga high class steel metals, ang pagkakaroon ng mga hitmen na pumapatay sa mga hadlang sa kompanya. Si Ballerina ang CEO ng C5G ang namumuno sa samahan na iyon.

Nagawa niyang makalapit kay Charles Gervaise nang minsan niyang iligtas ang buhay nito sa lalaking nagtangkang patayin ito. Umayon sa kanya ang pagkakataon, ginawa siya nitong hitman ng kompanya. Isa sa mga pinagkakatiwalaan nito.

Ngayon na hindi niya napatay si Ballerina ay nasira lahat ang mga plano niya. Isinandal ang ulo sa headrest ng driver seat. Mariing ipinikit ang mga mata.

Ilang minuto rin siya sa ganoon ayos ng tumunog ang cellphone niya. Walang tingin na galit niyang hinablot iyon sa front seat bago sinagot.

“Pourquoi?”

“Calmez vers le bas, Polar bear.” nasa mga salita nito na magpakahinahon siya ngunit nasa tinig nito ang panginginig. “Pinapatawag ka ni Woody bear.”

“I’ts midnight, Panther. And I don’t care if that son of a bitch is waiting for me. Sabihin mo sa kanya na hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapatay si Ballerina.”

“You don’t have to worry about that.”

“What do you mean?” nag-angat siya ng likod buhat sa pagkakasandal sa driver seat. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

“Skinny bear will take care of that bastard.” sagot nito. “You have a new mission.”

Nagtagis ang bagang niya ng marinig ang isinagot nito. ” Shit..”mahinang mura niya. “But that’s my mission.”

Narinig niyang bumuntong hininga ito. “If you don’t wanna come I can tell you who is your next target.” nang hindi siya sumagot ay pinagpatuloy nito ang sinasabi. “He is Chandan Khan Ganesha. A chief of police in India at may-ari ng twenty percent share sa C5G. Nakahanda na ang lahat. Tomorrow morning is your flight. Prenez soin de vous-même, Polar bear.

Nagngingitngit na ibinato niya ang cellphone sa backseat nang mawala na ito sa linya. “Damn it!”. Hindi siya maaring lumabas ng bansa. Kailangan niyang mahanap si Ballerina. Kailangan niyang malaman kung ano ang kaugnayan ni Shadow bear sa kapatid niya. At anong ibig sabihin nitong mag-ingat siya? Anong klaseng tao ba ngayon ang papatayin niya? Damn!

Marahang binuksan ni Arthur ang pinto ng apartment niya. Pagod na pagod siya. Tatlong araw na siyang walang tulog dahil sa paghahanap niya kay Ballerina at sa iniwan nitong ebidensiya sa opisina nito. Inihilamos niya nag mga palad sa mukha. Pagkahapo ang nakikita sa mukha niya. Tila matutumba siya. Ipinilig niya ang ulo. Kailangan na niyang magpahinga. Inapa niya ang switch ng ilaw sa may kaliwang ding ding na malapit sa pinto.

“What’s happening here?” nagtatakang tanong niya sa sarili ng hindi sumindi ang ilaw sa sala.

Isang mahinang click ang narinig niya. Agad siyang nakaiwas sa balang bumaon sa likod ng pinto. Muli siyang umiwas sa balang paparating ngunit nadaplisan siya sa kaliwang pisngi. Agad ang pag-agas ng dugo sa pisngi niya.

“Shit! you’ll gonna pay for this!”sigaw niya. Sa kitchen nagmumula ang mga balang iyon. Shit! sinong pangahas ang pumasok sa apartment niya?

Inilang hakbang niya ang pagpunta sa kitchen. Kahit madilim ay naaaninag niya ang pangahas. Isang flying kick ang ibinigay niya ng makitang muli nitong iaangat ang baril. Napadaing ito ng humampas ang likod nito sa malaking cabinet.

“A woman..” nabiglang bigkas ni Arthur.

Nabitiwan nito ang baril. Napahiga ito sa sahig at muling napadaing.

Nang makabawi sa pagkabigla si Arthur ay kinuha ang baril na tumalsik malapit sa paanan niya at itinutok sa babaeng nakahiga sa marmol na sahig.

“Who are you?” mapanganib na tanong ni Arthur. “Are you a thief? What do you want from me?”

Nang hindi kumilos ang babae ay marahan niya itong nilapitan. Niyuko niya ito ng hindi kumilos sa ginawa niyang bahgyang pag-sipa sa braso nito. Tila nawalan ito ng malay. Nailing siya. Isang mahinang magnanakaw lang pala ito.

Ibinaba niya ang baril at akmang bubuhatin ang babae ng umigkas ang isang kamay nito sa isang right hook na tumama sa panga niya.

Agad ang pag-ikot ng paningin niya. Napahiga siya sa sahig. Nagkamali siya, malakas ang babae. Nag-alis ito ng itim na bonnet mask. Bahagya siyang nginitian.

“Comment allez-vous, Arthur Beaumont?” mahina-halos bulong na nitong pangangamusta sa kanya.

“Sylvia…” tangi niyang nasambit bago siya nawalan ng malay.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Breaking Silence - Chapter 7"

Post a Comment