SHARE THIS STORY

| More

Breaking Silence - Chapter 9

(Blue)


Hawak ni Sylvia ang simbulo ng kompanya. Isang rug bear. Ibinigay iyon sa kaniya ng kanyang papa nung maliit pa siya. Nagsilbing lucky charm niya habang lumalaki siya. Nahiling niya noon sa rug bear na sana ay bata na lamang siya at laging kasama ang kanyang papa.

Inilagay niya sa ibabaw ng drawer ang hawak bago humakbang palabas ng silid na okupado niya simula pa kagabing dumating siya sa hotel. Gabi ng kanyang engagement party at ngayon niya makikilala ang lalaking ipakakasal sa kaniya ng kanyang papa. Nawalan ng silbi ang pagpapanggap niyang nagdadalang tao siya. Hindi nito iyon pinaniwalaan. At kahit pa na totoo iyon ay alam niyang hindi iyon magiging hadlang para sa mga plano nito. Para dito ay isa lamang siyang laruan na pwede nitong pagalawin kahit na kailan nito gusto.

Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Naalala niya ang lalaking sa unang pagkikita ay nakaramdam siya ng pagmamahal. Tinanggap na niya sa sarili na kahit kailan ay hindi siya minahal ni Laughing bear. Ilusyon lamang iyon. Ang buong akala niya ay mahal siya nito kaya lagi itong nasa tabi niya. Pero nagkamali siya, Hindi pag-ibig iyon kundi kabaitan. Umalis siya sa samahan dahil pinagbigyan niya ang kanyang mama na magpunta sila ng Pilipinas at bumisita sa mga kamag-anak nito. Iyon pala ay isa iyon sa mga plano ng kanyang papa para mailayo siya kay Laughing bear. Hindi gusto ng kanyang papa na isang katulad lang ni Laughing bear ang mapangasawa niya.

Isa siya sa mga hitmen ng kompanya. Kasama niya si Laughing bear sa mga misyon niya at hindi miminsang nanganib ang buhay niya ngunit laging naroon ang lalaki para siya tulungan at iligtas. Nang sabihin niya sa kanyang papa na may pagtingin siya kay Laughing bear ay matinding galit ang naging reaksyon nito. Simula noon ay hindi na muli niyang nakasama sa misyon ang binata. Si Arthur ang ipinalit ng kanyang papa para makasama niya sa mga misyon. Kabaligtaran ni Laughing bear si Arthur. Marahas ang lalaki at walang pakialam kung masaktan siya . Ang tanging iniisip nito ay patayin ang target kahit buhay niya ang maging kapalit.

Dinama niya ang mga labi. Hindi niya alam kung bakit nagawang hagkan siya ni Arthur pero nagpapasalamat siya sa ginawa nito dahil nagising siya sa kaniyang ilusyon.

Ngayon ay nakapagdesisyon na siya. Susundin niya ang kaniyang papa….pansamantala hangga’t hindi siya nakakaisip ng paraan kung paano niya ito matatalo.

Nakangiti niyang binuksan ang malaking pintuan ng hall. Musika na nagmumula sa orchestra ang sumalubong sa kaniya. Nagsimula na ang kanyang kamatayan.

Hindi na gusto pang pumunta ni Lamond sa engagement party ng anak ni Charles Gervaise ngunit kailangan na niyang malaman ang totoo sa nangyari sa kapatid. Lalong gumulo ang mga pangyayari sa natuklasan niya sa India. Shit! Ano ba talaga ang totoo? Sino ba ang paniniwalaan niya?

Pumasok siya sa loob ng hall. Hinanap ng mga mata si Charles. Nakita niya ito na kausap ang isa sa mga associates nito. Akma niya itong lalapitan ng bumukas ang isa pang malaking pintuan ng hall at bumungad ang anak ni Charles Gervaise.

Hindi niya maiwasan mapahugot ng hininga. Nakita niyang naningkit ang mga mata nito bago ngumiti ng lapitan ng isang matandang babae.

Pinakatitigan niya ito, sumasabay ang hapit na gown nito sa bawat paglalakad nito. Her gown is like her second skin. Napailing siya. Sa unang beses na pagtatagpo nila ng dalaga ay may kung anong binuhay ito sa kaniya. Protective instinct? Hindi niya masabi. Marahil ay nakikita lamang niya ang kapatid dito kaya niya naiisip ang bagay na iyon. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Her sister has an innocent beauty, so as this woman. He did a mocking smile. Pero alam niya ang nakatago sa inosenteng kagandahan na iyon.

”Bonsoir tout le monde!” bati ni Sylvia sa buong bisita. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang ama.

Agad siyang sinalubong ng kanyang mama. ” What took you so long? Kanina pa naghihintay ang mapapangasawa mo.”

Isang ngiti lang ang isinagot niya sa kaniyang mama. ”So where is he?”

Masiglang hinawakan ng kaniyang mama ang isang kamay niya at iginiya siya sa lalaking mapapangasawa niya.

Nakangiti sa kaniya ang lalaking hindi na niya agad nagustuhan. Bagamat nakangiti ang lalaki ay bakas sa mga mata nito ang kalupitan.

”He’s a gentleman at alam kong magkakasundo kayo ng anak ni Gascon and you know what, He’s good in fencing too.” Nakangiting sabi ng kaniyang mama habang papalapit sila sa lalaki.

Hindi niya gusto ang nararamdaman sa mapapangasawa niya. May kung anong galit ang umusbong sa dibdib niya.

Agad na inabot ng lalaki ang isang kamay niya para hagkan ang likod ng palad niya. ”My Sylvia. I’m very happy to finally meet you.”

“So do I, Mister Gascon.” Nakangiti niyang sagot at hinila ang kamay.

”Call me Brice.”

”Maiwan ko muna kayo, Sylvia. Hahanapin ko lang ang papa mo. ”

Tumango siya sa kaniyang mama at bumaling sa mga bisitang nasa malaking hall.

”Nang malaman kong pumayag ka sa pagpapakasal sa akin ay lalo akong nasabik na makita ka, Sylvia. Alam mong maliit ka palang ay gustong-gusto na kita.”

Bahagyang ngiti lang ang kanyang isinagot. Naiirita siya sa ipinapakita nitong paghanga sa kaniya.

”Alam kong hindi mo gustong magpakasal sa akin, kaya naman kinumbinsi ko ang papa na gamitin niya ang kaniyang impluwensiya para mapapayag ko ang iyong papa na ipakasal ka sa akin.”

She smiles at him. Iyon lang ang kaya niyang isagot dito. Alam niya ang lahat ng plano ng kaniyang papa. Kaya hindi siya naniniwalang kaya nito at ng papa nito na impluwensiyahan ang kaniyang papa.

Ang maamong mukha ng kanyang papa ay kabaligtaran ng pag-uugali nito. Nagulat siya sa paghawak na ginawa nito sa kaniyang braso. Iginiya siya papunta sa dance hall.

”Let’s dance Sylvia.”

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Iyon ang gusto ng kaniyang papa, sundin ang lahat ng sasabihin ng lalaki. Humawak ang isang kamay nito sa kaniyang baywang bago siya hinapit papalapit sa katawan nito.

”Ang pakiramdam ko’y magiging akin ka ngayong gabi, Sylvia. Kapag nangyari iyon ay hindi mo maiisip kahit saglit si Laughing bear.”

Tumalim ang mga mata niya. Natawa ng mahina ang lalaki.

“Damn you.” mahinang bulong niya.

“I know that you’re inlove with Laughing bear kaya naman pinahanap ko siya sa mga assassin ng papa. And I know where he is.”

Naikuyom niya ang mga kamay.

Patuloy lang sila sa mahinang pagsasayaw. Iyon ang nakikita ng mga bisita at bawat isa ay may ngiti sa mga labi. Isa ang mga Gascon sa pinakamayaman at maimpluwensiya sa France. Iniisip ng mga bisita na mapalad si Sylvia sa pagkakaroon nito ng mayamang mapapangasawa.

Mabilis na naiharang ni Sylvia ang isang kamay ng bibigyan siya ng isang malakas na suntok ng lalaki sa may tiyan niya. Hinawakan niya ang kamay nito at akmang gagamitan ng karate ng pumakabila ito sa pagkabigla niya. Napunta ito sa likuran niya hawak ang mga kamay niya at marahan siyang isinayaw.

“Surprised?” Natawa ang lalaki sa reaksyon niya. “I know how to fight too, My Sylvia.”

Inikot siya nito paharap dito. Nakita niya ang ginawang pagngisi nito. Umangat ang isang binti niya para sa isang flying kick ngunit nahawakan nito ang binti niya at hinapit siya.

“Où est-il?” bulong niya. Inangat ang mga kamay. Humanda sa pag-atakeng gagawin ng lalaki. napansin niyang magaling ang lalaki sa close range fight. “Tell me where he is.”

“My Sylvia, You don’t have to worry about him. He’s safe in my father’s hands.”

“I don’t believe you.” isang upper cut ang ibinigay niya ngunit tinanggap lang nito.

Isang matinding sampal ang iginanti nito. Napaatras siya ng bahagya. Napasigaw ang mga bisita sa nasaksihan.

“Sylvia!”

Napatingin siya sa direksyon ng boses. Galit na galit ang mukha ng kaniyang papa.

“Désolé, papa. Hindi ko kayang magpakasal sa kaniya.”

Hindi mailabas ni Charles ang galit sa anak sa harapan ng mga bisita. Hindi niya gagawin iyon dahil masisira siya sa kaniyang mga kasosyo. Hindi talaga ito marunong sumunod. Si Laughing bear na naman ang dahilan kung bakit nagkakaganoon na naman ang kaniyang anak. Damn Laughing bear! Anong bang pinakain nito sa anak niya? Hindi siya makapapayag na ang lalaking iyon ang mapangasawa ng anak niya. Hindi niya mapapayagan na si Laughing bear ang humawak ng lahat ng negosyo niyang pinaghirapan mapalago sa loob ng maraming taon.

Agad na tinungo ni Rowena ang anak ng matalim siyang titigan ni Charles. Hinawakan ang magkabilang kamay ng anak at dinala sa dibdib.

“Sylvia, What’s wrong?” may pag-aalala sa tinig ni Rowena.

“Mère, I don’t want to marry him.” nangingilid ang mga luha sa mga mata ng anak. Hinaplos niya ang makintab nitong buhok.

“Sylvia…I know you will learn to love him, just give him a chance.” Alam niyang hindi gusto ng anak niya sa mapapangasawa nito dahil kay Laughing bear, pero wala siyang karapatan na baliin ang utos ni Charles.

“Non, Mère.” Umiling si Sylvia. Hindi ko kayang magmahal ng iba.” Si Laughing bear lang ang mahal niya. Mananatiling si Laughing bear lang.

“Anong kalokohan ito, Sylvia?” galit na galit na lumapit sa kaniya ang kanyang papa. Mahigpit na hinawakan ang braso niya. “What’s wrong with you?”

“Rien, Père. I don’t love him. Si-”

Nanlaki ang mga mata ni Sylvia. Mabilis na tinabig niya ang kanyang papa. At isang matinding flying kick ang ibinigay niya kay Brice ng makitang kumuha ito ng baril at itinutok sa ama niya.

Nabitiwan nito ang baril at napaupo sa marmol na sahig. Agad ang pag-agos ng dugo sa may braso nito. Nanlaki ang mga mata niya.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Breaking Silence - Chapter 9"

Post a Comment