(Kaven)
Years ago….
“Bro! Ano ‘tong nabalitaan ko na bumalik na sa dati ang walang kabuhay-buhay mong buhay ha?” tudyo sa kanya ng kapatid sa kabilang linya. “Who’s the girl?” dagdag na tanong nito. Alam niyang natatawa na si Kean sa kanya.
Kean is the only brother he had. Hindi lang simpleng kapatid kundi kakambal pa niya ito. They are identical twins even their parents can’t identify which is which. Kaya naman palagi silang nagkakasundo kapag kapilyahan na ang pag-uusapan.
“Stop the crap Kean! What’s up at napatawag ka?” pag-iiba niya, alam niyang hindi siya tatan-tanan nito. Tumawa ito ng husto bago nagpatuloy.
“It’s nice to know na ok ka na Dean after living like hell when your ex-girlfriend dumped you!” Hindi nito sinagot ang tanong niya. Marami yatang alam ‘tong mokong na ‘to, pero hindi na siya nagtaka dahil nand’yan si Sam. Napabuntong-hininga na lang siya bago nagsalita.
“Ano pang sinabi sa’yo ng magaling nating bunso?” wala na siyang magawa kundi pag-usapan ang buhay niya.
“Well she said na natutorpe ka sa isang babae. And this woman made you whole again” tugon nito.
“Yeah right!”
“And this woman is mad at you because of your ex. What’s wrong with you bro?” anito na nakikinita niyang nakakunot-noo ito.
“Damn! I’m just protecting her from Dennise” napataas ang tono ng boses niya.
“Ok ok! I think this woman is interesting” sabi nito na nagpatahimik sa kanya.
“Well, I just called to inform you all na bibisita ako d’yan sa Pinas. And I’m going to stay in your condo” untag nito. “I have to go bro! Bye.”
‘THERE’S no place like home’ bulong niya sa sarili ng makalapag na ang eroplanong sinakyan niya. Limang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas kaya kahit tatlong araw lang ang bakasyon niya ay umuwi talaga siya sa Pinas.
“Kean!” isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang kakambal at lumapit siya dito.Tinapik nito ang balikat niya bilang pagbati.
“Kumusta byahe, ‘tol?” tanong nito.
“Whew! Kakapagod nga pero ok lang basta nakauwi ako” nakangiti niyang tugon.
“Mabuti pa punta na tayo sa condo ko. Naghihintay na sila Mommy at Sam do’n” anito.
“May pagbabago rin pala dito sa Pinas pero hindi pa rin nagbabago ang sobrang traffic dito” naibulalas lang niya nang mapansin ang usad-pagong na takbo ng mga sasakyan.
“Sanayan lang ‘yan” natatawang sabi ni Dean.
Makalipas ang isang oras ay sa wakas nakarating na rin sila sa condo unit ng kapatid. Gaya ng inaasahan ay masayang sinalubong siya ng kanyang mama at bunsong kapatid.
“Kuya Kean!” bungad sa kanya na akmang yayakapin siya pero nag-alinlangan ito. “Oh wait, sino si kuya Kean sa inyong dalawa?” nalilito nitong tanong
“Guess who?” natatawang tanong ni Dean na halatang niloloko ang kapatid.
“Andaya talaga!” napasimangot si Sam pero biglang ngumiti. “Ah wait, kaw si kuya Dean dahil natatandaan ko yang tshirt mo, am I right?” Tumawa ito habang nagtatalon na parang bata at niyakap siya.
Maya-maya lang ay dumating ang daddy nila kaya masaya nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ng mommy nila. Masaya siya dahil ngayon lang uli sila nakumpleto simula noong pumunta siya sa States para mag-aral.
“TAMANG-tama ang pag-uwi mo Kean at matutulungan mo ako sa negosyo na ‘tin” untag niya sa kakambal nang nasa balkonahe sila habang umiinom ng beer.
“Whoa!” anito. “Negosyo na naman? ‘Kaw nalang muna ang bahala d’yan Dean at saka nand’an naman si Cathy. Ayoko munang mag-isip tungkol sa negosyo. Alam mo namang umuwi ako rito para makapagrelax” tanggi nito.
“Nah, Cathy is not in town. Nagbakasyaon ata kasama ang barkada” aniya. “Ok, pagbibigyan kita ngayon” suko niya. Napabuntong-hininga nalang siya dahil wala siyang magawa kundi ang lumiban sa mga klase niya. May konting problema lang sa negosyo na dapat niyang resolbahin.
“AY! Ano ba?” gulat na sambit ng isang babae.
“Hey, watch out!” Nagulat din siya kaya medyo napalakas ang timbre ng boses niya. Pero alam niyang siya ang may kasalanan. Nagmamadali siyang lumakad habang palingon-lingon dahil hinahabol siya ni Dennise.
Napatitig siya sa dalaga nang humarap ito sa kanya. Hindi lang pala basta babae ang nakabangga niya kundi isang magandang babae. Para itong isang anghel sa angking ganda nito kahit simple lang ito. Ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata, ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi nito ay saktong-sakto sa hugis ng mukha nito.
“Kuya Dean?” anito ng makita siya. Dean? Kunot-noo niya itong tinitigan dahil napagkamalan siya nitong si Dean. Pero napangiti nalang siya.
“Oh! I’m sorry miss. Nagmamadali kasi ako.” aniya at dali-dali na siyang umalis.
Napag-alaman niya na ang magandang dalaga na nakabangga niya at ang babaeng nagugustuhan ni Dean ay iisa. Ipinakita kasi ni Sam ang litrato ng kaibigan nitong si Danielle. Ikinuwento ni Sam kung bakit naging magkaibigan ang mga ito at kung bakit nakilala ito ni Dean.
“Bukas na ba talaga ang flight mo kuya Kean?” untag sa kanya ni Sam.
“I have no choice” natatawang sagot niya. “Why?” tanong niya.
“Debut kasi ni Dan bukas. Sayang naman hindi ka namin mapapakilala” paliwanag nito.
“Talaga?” nasabi lang niya. “Can I have her cellphone number?” Huli na para bawiin ang tanong niya.
“Huh?” tila nagulat si Sam.
“I just want to greet her” depensa niya
“Ahh ok. ‘Eto oh” anito sabay lahad ng cp nito sa kanya.
Hindi siya makatulog ng gabing iyon dahil sa kaiisip sa kay Dan. Ewan ba niya pero may impak sa kanya ang dalaga. Stop it Kean! sita niya sa sarili. Ipinilig niya ang ulo para matigil ang kabaliwan niya. Hindi niya dapat maramdaman ‘yon.
ALAS sais ng hapon ay nasa airport na siya. Ang mommy lang niya ang naghatid sa airport dahil alam niyang busy sila Dean at Sam sa pag-aasikaso ng surprise birthday party para kay Dan. Dan! sambit niya sa isipan. Agad niyang kinuha ang cellphone at nagtext.
HAPPY BIRTHDAY DANIELLE. Nagdalawang-isip pa siya kung isi-send niya ito. Pero kusang gumalaw ang daliri niya kaya naisend ito.
Message Sent ang nakalagay sa screen. Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang Iphone at pagkakita kung sino ang nagtext ay agad niyang binasa iyon.
THNX…MAY I KNW U? :) napangiti siya sa reply nito. Do I have to tell my name at magpakilala bilang kapatid nila Sam at Dean?
Kaya ito nalang ang nereply niya. 8S NOT MPORTNT, JST ENJOY UR DAY…:)
WHAT? I DNT KNW U & U KNW ME, DO U THINK 8S FAIR?.. reply nito. Hindi na siya nakareply uli dahil in-announce na ang flight niya. Kailangan na niyang pumasok sa eroplano.
LINGID sa kaalaman ni Dan ang pagkakaroon ng kakambal ni Dean na si Kean. Ang alam lang niya ay may kapatid ito sa Amerika. Hindi pala niya alam ay nakaharap na niya ito.
Ano ang magiging papel ni Kean sa buhay ni Danielle? At ano naman ang magiging papel ni Kean sa pag-iibigan nila Dean at Danielle? Possible bang magkagustuhan din sila Kean at Dan pero paano?…….
Abangan sa mga susunod na kabanata ng kwentong pag-ibig ng MY ONLY YOU.
0 comments: on "My Only You – Chapter 6"
Post a Comment