SHARE THIS STORY

| More

I Love You Long Before – Chapter 12 (END)

(Louise)




“At anong gusto mong gawin ko?” naiiritang tanong nya rito.

“Get here!” iyon lang at ininaba na nito ang telepono. Hmp. Bruha ka talaga Mykee. Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Now what? Muli nanamang namuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ako papayag. Buo ang desisyong nagbihis siya, agad na tinawagan ang kaibigang si Yna.

“Anong plano mo?” tanong nito sa kanya. Sinundo nya ito at ngayon nga ay lulan na ito ng kanyang sasakyan.

“Ewan ko. But I know I have to stop the wedding” aniyang diniinan ang pagtapak sa silinyador.

“Stop the wedding??” naguguluhang ulit nito sa kanyang sinabi. “Are you nuts? Pag-uusapan ka ng mga tao sa gagawin mong ‘yan!” anitong napahawak sa upuan sa pagbilis ng sasakyan.

“I don’t care! All I know is that I have to stop it.”

Iiling-iling itong tumingin sa kanya. “Nababaliw ka na nga. Sigurado ka ba sa gagawin mo Lou?” there goes that line again. Napatingin sya dito atsaka muling ibinalik ang tingin sa daan.

“Yes” she said and change gear.

“Would you please slowdown!” naiinis na wika nito. “Ayoko pang mamatay ano!”

“I have to get there, malapit ng mag I do” aniyang mabilisang tinignan ang digital clock ng kotse.

“Oh my! Seryoso ka nga!” natapik nito ang sariling noo.

Kung hindi siguro sa katigasan ng ulo nya ay hindi sana sya nasa sitwasyong kinasusuungan ngayon, at kung hindi rin siguro sa pride nya masaya sana sya ngayon. Pero sa pagkakataong ito kailangan niyang itama ang lahat ng pagkakamaling iyon, before it’s too late!

Hindi pa niya maayos na naipaparada ang sasakyan ay dali-dali na siyang bumaba. Lakad-takbo ang ginawa nya marating lang agad ang entrada ng simbahan.

“Lou! Baka ma-carnap ang kotse mo!” sigaw sa kanya ni Yna na naiwang nakatayo sa harap ng kotse. Lumingon lang sya rito at itinuloy pa rin ang nasa isip.

All she can see from where she’s standing was the bride and the groom sitting infront of the altar. Nagsimula ng manlabo ang paningin nya banta ng mga luhang tutulo mula rito, ngunit pinigil nya ito. Makailang ulit siyang huminga ng malalim. Hindi ko yata kaya.

Napalingon sya ng tapikin sya ng humihingal na si Yna. “Lou, anong plano mo?” she just look at her.
“Oh no! please huwag mong gagawin ‘yan” pigil nito sa kanya ng nabasa ang nilalaman ng kanyang utak. Pero sa halip na magpapigil ay isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan nya. She was about to take a step nang hawakan sya sa braso ni Yna. “Please Lou, huwag na, kasi –” hindi na nya pinatapos pa ang sasabihin ng kaibigan marahas nyang binawi ang kanyang braso sa pagkakahawak nito at buong tapang na binaybay ang gitna ng aisle. Hindi na niya hinintay pang itanong ng pari kung sino ang tumututol sa kasalang iyon.

“Itigil nyo ang kasalang ito!” malakas nyang sigaw na nagpalingon sa lahat ng mga bisita na naroon kabilang ang mga magulang. She can see on her peripheral vision her parents eyes widened. Pilit nyang pinanlabanan ang hiyang pumaloob sa kanya. Kasunod niyon ay lumingon din sa kanya si Maya ang bride at ang groom na si IAN?? Stunned on what she saw ay lumapit sa kanya si Mykee.

“What the hell were you thinking?” bulong-tanong nito sa kanya. Pulang-pula naman ang mukhang napatingin sya rito.

“I-I thought -I thought” nanginginig sa hiya nyang hindi matapos-tapos ang sasabihin. “Oh my God!” na tangi nalang nyang sambit na naitakip ang mga kamay sa kanyang mukha atsaka tumakbong palabas.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan, binubusinahan ang bawat sasakyang mabagal ang takbo. Narinig nya pa ang pagtawag sa kanya kanina ni Yna nang lumulan sya sa kotse pero hindi na nya iyon pinansin pa. Hiyang-hiya sya sa kanyang ginawa, at inis na inis sya dahil hindi man lang sinabi sa kanya ng mga kaibigan na hindi naman pala si Inigo ang ikakasal kundi si Ian.

Wala syang maisip na ibang puntahan kaya naisipan nyang sa ilog nalamang magtungo. Atleast doon walang mag-uusisa sa kanya dahil sa mga oras na ito ay wala ng tao roon.

Hindi na nya nagawa pang bumaba sa sasakyan, nanatili syang hawak ang manibela at nakayuko ang ulong humahagulgol. Ano ba namang kamalasan ang inabot nyang ito. Bakit ba lagi nalang syang napapahiya when it comes to Inigo. Inis na iniuntog nya ang ulo sa manibela. She needs air, she decided to step out of the car and went to the river. There she sat on her favorite picnic spot still crying.

“Ano bang nagawa kong mali Lord at lagi nalang akong napapahiya ng ganito” she cried out loud.

“You’ve never done anything wrong sweetheart” marahas syang napalingon sa pinanggalingan niyon. And there she found Inigo sitting on the big stone next to her.

“Paano mo nalamang nandito ako?” she asked while wiping her tears with her hands.

“I followed you” nagtataka nya itong tinignan. He smiled and sat beside her. “You were too busy crying, you never saw me” hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha nya.

“I don’t understand, It was suppose to be your wedding. W-what happened?” nagawa pa niyang itanong, nalilito sa sensasyong bumabalot sa kanya sa gingawa nito.

Ngumiti ito at ipinihit sya paharap. “It was Ian and Maya all along sweetheart” anitong hinaplos-haplos ang kanyang pisngi. Puno ng mga katanungan ang kanyang mga mata. “Maya is two months pregnant now, and it was Ian’s, ang akala nya ay tinalikuran na sya ni Ian because he just disappeared. What she did’nt know is that Ian went to the States to fix his papers. And that he’s preparing their wedding there” mahaba nitong paliwanag.

“Oh” tangi nyang nai-usal. “P-pero bakit s-sya b-bakit k-kayo, y-you know… I-in t-that p-position?” she can’t help but to stammer. The idea of her asking him about it ay nakakahiya talaga, but she has to know.

Natawa ito sa tinuran nya na lalo naman nya ikinapamula. He held her chin up “I admit nadala ako sa mga ginawa nya, but it does’nt mean that we already had a relationship. Isa pa, sinadya iyon ni Maya without me knowing about it. I was really mad at her because of what she did, not until I got here, she told me about what really happened. And that she was so sorry.”

“I promised that I’d help her get Ian here in exchange of me getting out of that wedding, and she agreed as I do” He held her hand and kissed it. “So you see sweetheart, it’s been always you and me no matter what happens.”

Binawi nya ang kanyang mga kamay mula rito and stood up. “I have to go.”

Gulat naman itong napatayo rin, maagap na hinawakan ang kanyang braso. “O-oh no! don’t you ever run away from me again sweetheart” anitong hinaltak sya palapit rito at mahigpit na niyakap. “You are going nowhere, but here, with me, in my arms” anitong hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya at masuyo syang hinalikan sa labi.

“W-wait” aniyang bahagya nitong itulak ang lalaki.

“W-what now?” takang tanong nito sa kanya.

“I think I have to say sorry to Ian and Maya after I interrupted their wedding” namumula syang napayuko sa sinabi.

“No need sweetheart, I’m sure they’ll understand” he said assuring her and kiss her again.

Kasabay ng pag-agos ng ilog ay ang kapayapaang nadarama nya sa kanyang dibdib. She thought that this moment would never happen anymore. Ang lahat ng sakit at hinanakit na nadama niya ay naglahong parang bula. Sa mga oras na ito’y para syang tinatangay ng hangin at nagpapaubaya sya. Everything is perfect, just like the way she dreamt of it.

He was kissing her like there will be no tomorrow and it was heavenly. His hands started exploring every inch of her curves, gently touching it like a breakable glass that brought the heat in her. She arched her body to give him more access and encourage him to go deeper. He started planting tiny kisses around her lips down to her nape. An aching moan came out from her na siya nyang ikinagulat, hindi nya akalaing makakaramdam sya ng ganoong sensasyon. Para syang tinutupok ng apoy sa nararamdaman, sa lahat ng haplusin nito’y parang may bagang nagpapaliyab sa kanyang katauhan.

“Louise!” dumadagundong na tinig ng ama ang kanyang narinig na siyang nilang ikinagulat.

Mabilis silang naglayo habang papalapit ang kanyang ama sa kinatatayuan nila. Naniningkit ang mga mata nito sa galit sa nasaksihan. “D –dad”

“T-tito”

“Don’t you dad me!” anitong hinatak sya sa braso sa kinaladkad palayo kay Inigo.

“Tito let me explain” habol nito sa ama nya. Salubong ang mga kilay na huminto at hinarap ito.

“What is there to explain? When I actually saw you savagely kissing my daughter!” galit nitong turan atsaka muling kinaladkad ang dalaga palayo. Kitang-kita nya ang pagngiwi ng mukha nito sa higpit ng pagkakahawak dito ng ama.

“Inigo!” dumadagungdong na boses ng ama ang sumalubong sa kanya ng makarating sya sa tahanan nila. “What did you do this time huh?” tiim bagang itong tumayo mula sa kinauupuan nito.

Kunotnoo syang lumapit dito. “What did I do? I don’t unders –”

“Arnorld just called me and told me about what he just saw” tukoy nito sa ama ng dalaga. “Isn’t what you just did with Maya not enough?”

Nagpakawala sya ng buntonghininga. “So what do want me to do now?” he said mockingly.

“Don’t you mock at me young man!” galit nitong turan and pointed his finger at him. “I know how you feel about her, but can you at least wait for the right time?”

“Pa, I’ve been waiting all my life, muntik na nga akong mapikot, we’ve been hurting each other just because of just waiting and doing nothing” naisuklay nya ang kamay sa kanyang buhok. “Hindi ba kayo na rin ang nagpayo sa akin? Bakit ngayon – it seems that you’re against to what I was doing?” he sat hopelessly his hands resting on his forehead.

His dad laugh out loud na para bang may nakakatawa sa sinabi nya. Tumingala sya upang tignan ito.”Son,” anitong hinawakan sya sa balikat at naupo sa tabi nya. “I’m sorry for laughing at you, I was just testing how sincere you are to Louise. You know that their family and ours have been friends for how many decades already, at ayoko namang dahil lamang sa paglalaro mo ay masira mo ang friendship na itinatag pa ng mga lolo at lola natin” he said in a amuse tone.

Sa sinabi ng ama ay nagliwanag ang mukha nya. Nabigyan sya ng pag-asang matutulungan sya nito sa ama ng dalaga.

“So, can you help me with tito Arnold?”

“You bet I will, pasalamat ka at gusto ko ang batang iyon para sa iyo. Hindi dahil sa anak lang siya ng kaibigan ko ay gugustuhin ko na sya para iyo” anitong tinatapik-tapik ang kanyang balikat na ngumiti.

“Pwede ba Inigo, huminto ka nga sa kakalad-lakad dyan. Nahihilo na ako sayo eh. Don’t worry I’m sure na maganda ang kalalabasan ng pag-uusap nila papa at tito Arnold” anitong naiirita na sa pagparoo’t parito nya.

Matapos pa kasi ng dalawang araw bago nagpasya ang mga magulang na kausapin ang magulang ni Louise. At kaya sya hindi mapakali ay dahil sa hindi nya talaga alam kung ano ang pag-uusapan ng mga ito. He tried calling Louise subalit ang katulong ang laging sumasagot sa telepono at laging sinasabi na wala ito o kaya naman ay may ginagawa. Lalo tuloy lumaki ang hinalang nyang ilalayo ito sa kanya.

Masaya na ang lahat, Ian had Maya and Hans had Mykee never had a problem. Sya nalamang ang natitirang problemado.

“What happened?” tanong nya sa kararating na magulang. His parents face looked as if the sky fell down. Matiim lamang syang tinitigan ng mga ito na lalong nagpakaba sa kanya. “Please, please don’t tell me na ilalayo na nila sa akin si Louise.

“You don’t have anything to worry son” nakangiting sabi ng ama nya.

“We all decided that if you really love each other hindi naming pipigilan na ipagpatuloy nya ang inyong relasyon, isa pa both of you are not kids an longer” nakangiting niyakap sya ng ina.

“And that we decided that you two will get married after you graduated or when the right time comes” balita pa ng ama nya sa kanya.

“Thanks Pa, Ma” niyakap nya ang mga ito sa sobrang kaligayahan.

“Ano nanaman kaya ang naisipan ni Inigo at bigla akong pinapapunta sa Friedo’s” yamot na reklamo nya sa kaibigang si Yna.

“Sus! Ano pa, eh di magde-date kayo” pang-aasar nito sa kanya. She smiled at her. Dalawang taon na ang nakakalipas matapos ng insidenteng iyon sa ilog pero malinaw na malinaw pa sa kanya at damdaming pumapaloob sa pangyayaring iyon. Mula rin ng magka-usap ang kanilang mga magulang ay naging maayos na ang lahat. Ang buong akala nya ay tuluyan na syang ilalayo ng mga magulang kay Inigo kaya ayaw siya nitong ipaka-usap rito at ayaw rin siyang palabasin. Iyon pala ay may plinaplano na ang mga ito. She smiled at the thought, ano nanaman kayang sorpresa ang naghihintay sa kanya ngayon?

“Sige na at baka ma-late ka pa sa usapan ninyo” tulak sa kanya ni Yna.

“Hmp. Sige na nga aalis na ako at baka naiinip na iyon” nagmamadaling sumakay sya sa kotse at tinungo ang sinabing lugar ng binata sa kanya.

Sa labas palang ng Friedo’s ay tumambad sa kanya ang napakaraming puting rosas. May mga nakakalat na loose petals sa pulang carpet ng entrada ng restaurant. Amazed on what she was seeing ay sinundan nya ang mga iyon, pagpasok na pagpasok nya ng restaurant ay nagsimulang tumugtog ang string quartet it was an instrumental of the song popularized by Barbara Streisand ‘I Finally Found Someone’. Nagniningning ang mga mata nya sa kaligayahan. Nagsipaglapitan ang ilan sa mga waiters sa kinaroroonan nya ang bawat isa ay may hawak na pulang rosas. Ang pinakahuli sa mga waiter ay nag-abot sa kanya ay iginiya sya patungo sa pangalawang palapag. And there he found the man he’s been loving for so long holding a long stemmed red rose, singing the song playing by the string quartet. He slowly walk towards her and held her hand.

“I hope you like it here” nakangiting usal nito na hinalikan ang likod ng kanyang palad. She nodded and smiled. Hindi nya mahagilap ang kanyang boses sa nag-uumapaw na kaligayahan.

“Come here, I’ll show you something” iginiya sya nito sa terrace. Mula doon ay kitang-kita nya ang kabuuan ng San Isidro animo’y ilaw ng mga alitaptap ang ilaw ng bawat kabahayan.

“It’s beautiful. Hindi ko akalaing may isang lugar pala dito sa atin ang posibleng makita ang kabuuan ng San Isidro” manghang usal nyang nananatiling nakatingin sa mga kabahayan.

“Pero alam mo bang may masmaganda pa dyan?” yumakap ito sa kanya mula sa kanyang likuran atsaka binuksan ang hawak na tarheta.

Nanlalaki ang mga matang kinuha nya ang singsing na naroon. Pumihit syang paharap ditong pigil ang hininga. “Don’t tell me –” pinigilan syang magsalita nito sa pamamagitan ng hintuturo nitong idinikit sa kanyang mga labi.

“Yes,” inilapit nito ang mukha sa kanya. “I want to marry you Louise. Be my wife” madamdaming pahayag nito.

Mahigpit nya itong niyakap at hindi napigilang tumulo ang mga luha.”Hush…” pagpapatahan nitong hinagod-hagod ang likod ng kanyang ulo. “I promise your dad that I will never make you cry”

“Hayaan mo sya” aniyang natatawang pinupunasan ang mga luha. “Maiiyak din iyon pag nalamang magpapakasal na ko”

“You mean you are accepting my proposal?”

“Ano ka ba?” aniyang marahan itong hinampas sa dibdib. “Oo naman”

“I love you Lou, maybe long before the birthday celebration of my cousin, when my dad wanted us to dance. And long before you gave me that letter. I know you are meant for me” and he kiss her gently on her forehead down to her nose and to her lips.

“I love you too, I never thought that I’ll be loving you more since the day I gave you the letter” she whisphered.

Makalipas ang anim na buwan ay ginanap ang isa sa mga pinag-usapang kasal sa San Isidro sa ilog. Dinaluhan iyon ng mga taong malalapit sa kanila kabilang na ang mga kaibigan nilang sila Ian at Maya na ngayon ay may dalawa ng anak, sila Hans at Mykee na ngayon ay kasal na rin.

Ang mga kahihiyang sinasabi ng kaibigang si Yna na ginawa ni Louise katulad ng pagpigil nya sa kasal nila Ian at Maya ay natabunan ng paghanga ng mga tao sa tibay ng kanilang pagmamahalan. Masayang masaya ang kanilang mga pamilya sa kasalang iyon, ngunit wala ng hihigit pa sa kaligayahang nadarama nila Inigo at Louise.

Wakas

AUTHOR’S NOTE

I Love You Long Before is the first novel that I passed here. It was written October 2006. Imagine kung gaano ko na sya katagal na itinago sa files ko? I never had a chance to pass it sa publishing houses, nanghinayang ako it was a good story to be just stuck in my computer so I might as well share it with you guys. I hope that you like it. I’m not a good writer, many part of the story needs major revision but I intend not to dahil, most of the parts in the story are part of me. May mga pagkakamali din but in the end I learned. And now, I know na makakatanggap ako ng iba ibang komento, maganda man o hindi I will gladly accept it, because I know I will lean a lot from you guys.

To my friends who had help me a lot specially those ‘paumagahan’ times, Gin Cabelin, and Mhedj, thank you. And to all the readers thank you very much


Louise
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

17 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 12 (END)"

Anonymous said...

very nice...!!!

Chix said...

a good story i read here!! may happy ending! that's a story!! good job!!

Anonymous said...

:)..nice story

Anonymous said...

Loveeet.. :)

Anonymous said...

nice story...gawa ka pa

Anonymous said...

nice story :) kilig much :)

Anonymous said...

I like it vey much :D thank you for sharing you story.

Anonymous said...

hi, it's a nice story and i know that u can write more stories better that this one coz u have the talent. :)) more powers :))

Anonymous said...

ay ganda,,,oi,,hhahahahahah

Anonymous said...

ganda ng story ...
buti clear yung ending .... ((:

Anonymous said...

I VERY VERY MUCH LIKE IT....

Unknown said...

Keep it up=)) Nice!

Unknown said...

Keep it up=)) Nice!

Unknown said...

Keep it up=)) Nice!

Anonymous said...

nice story,gawa kapa alam ko mas madami kapa mga2ndang mga2wa...umpisa lang to sa mdami mu pa mga2wa..keep it up.. gudluck :)

Anonymous said...

i really love the story.....sobraaaaaaaaa

Anonymous said...

nice one,.. congratzz!!!

Post a Comment