(Calla)
“E-EARL?” gulat na sambit niya.
Di maapuhap ni Veronica ang susunod na sasabihin. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib.
“Expecting someone else?” anitong bahagyang umangat ang kilay.
“I-I thought you were busy,” tanging nasabi niya. Di pa rin niya magawang pakalmahin ang puso. At di niya magawang alisin ang mga mata sa mukha ng binata.
“Oh… not for you, my dear bride.” anito. Di nakalagpas sa tainga niya ang sarkasmo sa tinig nito. Ibinaling niya kaagad sa ibang direksyon ang tingin bago pa siya ipagkanulo ng sariling mga mata.
“Shall we?” untag nito nang tila mapako siya sa kinaroroonan. “I told your Dad we need to talk.”
Kumunot ang noo niya. Kani-kanina lang ay halos ipagtabuyan siya nito palabas ng opisina nito. Ngayon, gusto na siya nitong kausapin?
“You should’ve called.” aniya habang pababa sila ng hagdan. Na-conscious siya sa ayos. Pasimpleng hinagod ng daliri niya ang buhok. She knew, she looked worse. But who cares? Ni hindi siya sinusulyapan man lang nito.
“I did. Daddy mo ang sumagot.” balewalang sagot nito.
“What did you talk about?” aniyang manaka-nakang sinusulyapan ang katabi. Lihim na pinag-aralan ang bawat galaw nito. At bawat segundong lumilipas ay mas lalong tumitindi ang pagkabog ng dibdib. Parang sasabog iyon anumang oras.
“You. Me. The wedding. Everything that concerns you.”
“Did he give you a hard time?” aniyang hininaan ang boses nang malapit na sila sa bukana ng living room.
“Not really.” tila tinatamad na sagot nito.
NANG papasok na sila’y ginagap niya ang palad nito’t bumulong. “Smile.”
Parang nanlambot siya nang mahawakan ang kamay nito. May kung anong kuryenteng gumapang mula sa kamay patungo sa buong sistema niya. Biglang nag-flashback ang nakaraan. May sumigid na sakit sa puso niya. It’s the same warm hands that used to hold her. Napasulyap siya rito. She just realized how she missed him. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit pero pinigilan niya ang sarili. Mabuti’t nagawa pa rin niyang ngumiti.
Bagay na nakita ng Daddy niya. At di man magsalita ito’y kita niya ang tuwa sa mga mata nito.
“Can I borrow your daughter for a while, Sir?”
Napatingin siya kay Earl. Pinigilan ang pagkunot ng noo. Di niya mabasa kung ano ang iniisip nito. They’re going out? Saan sila pupunta?
“Sure, you can.”
“Don’t worry, I’ll take care of her.” dagdag pa nito at bahagyang sumaludo sa Daddy niya.
“Do whatever you want. No curfews.” pahabol pa ng Daddy niya.
“We won’t be long, Dad.” aniyang hinalikan sa pisngi ang ama saka kumapit sa bisig ni Earl palabas ng bahay.
Inalalayan siya nito palabas. Ngunit agad siyang binitawan nang makalabas sila ng pinto.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Somewhere private.” anitong hindi niya alam kung pagod o sadyang aburido. Binuksan nito ang pintuan ng kotse para sa kanya. Agad naman siyang napasunod.
Wala silang imikan habang nasa loob ng sasakyan. Napatikhim siya.
“S-Something came up?” aniyang napatingin rito. Kunot ang noo nitong nakatuon ang buong atensiyon sa pagmamaneho.
“You’ll know when we get there.” sagot nitong di man lang siya sinulyapan. Napatango lang siya. He doesn’t want any conversation.
Parang di siya makahinga sa sobrang katahimikan. Ang daming tanong na nasa isipan niya. Ang daming gusto niyang sabihin rito. Lahat, nakabinbin sa lalamunan niya dahil nilakasan lang nito ang stereo ng sasakyan. It’s not even music. It’s evening news. How romantic. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa labas ng bintana.
Saan ba talaga sila pupunta?
Nagpasalamat siya nang ilang saglit pa’y inihimpil nito ang kotse. Napalunok siya nang mapagtanto kung nasaan sila.
How can she forget? Nabasa niya ito sa Bachelor’s magazine. Earl Simon San Diego’s condominium – the lion’s den. And he just didn’t own a unit. He owned the entire building. Ano’ng gagawin nila rito?
Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito. Agad na siyang umibis mula sa kotse at sinundan ito.
Wala silang imikan sa loob ng elevator. Gusto niyang magtanong ngunit tinatalo siya ng kaba sa dibdib. What could it be that he would show her?
“Make yourself comfortable.” anito nang sa wakas marating nila ang unit nito.
SINUYOD niya ng tignin ang bahay nito. It’s even more beautiful kesa sa larawan sa magazine. It’s worth a fortune. But it felt empty… or maybe, it was her that’s empty.
Dito ba sila titira kapag magiging mag-asawa na sila?
Gumaan ang pakiramdam niya sa iniisip. Masusi niyang tiningnan ang bawat sulok ng living room. The whole house implies sadness. Pakiramdam niya’y hinihila ang puso niya pababa. Nagkibit-balikat siya. Masyado yata siyang sensitibo at pati bahay nararamdaman na niya. Siguro’y papalitan niya ng kulay ang kurtina nito. It’s too dark. Gusto niya ng maaliwalas, yung nagre-reflect ang liwanag ng araw sa buong bahay. She’ll probably change the wallpaper too.
Napatitig siya sa painting na nakasabit s dingding. It’s a creepy painting of an old house behind withered trees. There’s no sign of life there. Kailan pa naging paborito ni Earl ang mga ganoong klaseng paintings? Nakikinita niya ang sariling pinapalitan iyon ng malaking frame ng wedding picture nila. Napangiti siya sa sarili. She will be a lot busy when they get married.
Naputol ang pagmuni-muni niya nang bumalik si Earl sa living room. May tangan itong folder at iniabot iyon sa kanya. Nagtatakang tinanggap niya iyon.
“What’s this?” aniyang nakangiti. Hindi ito sumagot kaya binasa niya ang papeles na nakapaloob doon.Tila may bumara sa lalamunan niya nang mapagtanto kung ano ang nilalaman ng papeles na hawak. Napatingin siya kay Earl. Napalis ang ngiti sa labi.
“I just want to make everything sure.”
Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Gusto niyang batuhin ito sa folder na hawak. How could he! Para siyang nasampal sa magkabilang pisngi sa ginawa nito. Pre-nuptial agreement? Gano’n ba kababa ang tingin ni Earl sa kanya?
“Do you really think that I would come after your money?” aniyang di napigilan ang pagtaas ng boses. Pakiramdam niya’y nanginginig ang buong katawan sa sobrang tensiyon na nararamdaman. This is the biggest insult she received in her whole life!
“Don’t make a big deal about this Veronica. Just sign it and it’s over.”
Nagtatalo ang loob niya habang nakatingin sa dokumetong hawak. Gusto niyang punitin iyon sa harap ng binata. Pakiramdam niya’y sasabog ang dibdib niya anumang oras.
Bago pa magdilim ang paningi’y kinuha niya ang ballpen na hawak nito at buong diing pinirmahan ang mga iyon. Hindi niya halos mahawakan ang ballpen ng maayos dahil sa sobrang panginginig ng kamay. Halos mapunit ang papel sa diin ng pagkakapirma niya.
“Done! Happy?” aniya sa pagitan ng mga ngipin at isinaksak sa dibdib nito ang papeles. Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit na nararamdaman. She can’t believe about her own reaction. She’s totally mad!
Mabilis siyang tumayo.
“If that’s it, I’m leaving. Huwag mo na akong ihatid!” aniya saka nagmartsa patungo sa pinto. Hindi na niya nilingon ang binata. Baka tuluyang magdilim ang paningin niya. She wants to punch his face and break his perfect nose!
BUONG diing pinindot niya ang elevator. Paulit-ulit hanggang sa bumukas iyon. Pakiramdam niya’y naubos lahat ng pasensiya niya sa lahat ng bagay. Ilang beses siyang huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. She’s never been this mad in her whole life!
Nang makarating sa parking lot ay buong gigil na tinungo ang sasakyan ng binata at sinipa iyon ng pagkalakas-lakas.
“Aw!” hiyaw niya nang tumama sa bakal ang paa. Napa-upo siya sa semento, hawak-hawak ang paa.
“STUPID!” aniya sa sarili habang namimilipit sa sakit. STUPID! STUPID! STUPID!
Saka niya namalayang umiiyak na pala siya.
Stupid!
Mabilis niyang pinahid ang luha.
Isang pares ng paa ang naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Pakiramdam niya’s sisiklab ang dugo niya.
“Don’t touch me!” singhal niya nang akmang tutulungan siya nito.
“Really, you are overreacting, Veronica.”
Nagpupuyos ang loob niya. If he gets any closer, makakatikim ito ng suntok!
Overreacting?! How is she supposed to react about it, anyway? Laugh it out loud?
Pinilit niya ang sariling makatayo. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit. Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
She has never felt so degraded in her life!
Naglakad siya palayo rito. Hindi ininda ang sakit sa paa. Pero mabilis nitong hinawakan ang kamay niya. Kaagad siyang napapiksi.
“I said don’t touch me! Uuwi akong mag-isa!”
“Stop being stubborn!” anito saka kinarga siya sa bisig nito at isinakay sa kotse sa kabila ng pagpupumiglas niya. Mabilis itong sumakay sa driver’s seat nang mailapag siya.
Kapwa sila humihingal. Galit ang ekspresyon ng mga mukha.
Tinangkang buksan ni Veronica ang pintuan ng kotse ngunit ayaw bumukas no’n.
“Buksan mo ‘to! Maglalakad ako pauwi!”
“Stop this, Veronica!” singhal nito sa kanya. “Why are you making a big deal about it? It’s just pre-nuptial agreement!”
Humihingal pa rin siya sa galit. Just? May ideya ba si Earl kahit konti sa nararamdaman niya ngayon? Pinahid niya ang luhang dumaloy sa pisngi. She never wanted for him to see her cry.
Bakit nga ba gano’n na lang ang galit niya? In the first place, they are having a deal, not a real marriage. Prenup is a natural thing.
Napapikit siya ng mariin at pilit pinakalma ang sarili. Saka niya naramdaman ang sakit na ngumangatngat sa dibdib.
She felt insulted, humiliated, degraded. And it was not just because of that stupid document. It’s because of the fact that Earl had planned how the marriage to end when it hasn’t even started yet. What could be more painful than that? Talaga bang nasusuka itong maging asawa siya’t planado na ang paghihiwalay nila?
Gusto niyang pukpukin ang ulo sa iniisip. How can she get so emotional in front of him? How can she let him see how much he’s affecting him? Ni konting hiya wala na siyang itinira sa sarili niya.
“Open this car, right now.” may banta sa tinig niya. Ngunit pinaandar nito ang kotse. “Open this or else-”
“Or else what?”
“Sisigaw ako!” aniya habang pilit binubuksan ang pinto.
“Eh di sumigaw ka.”
Sukat sa narinig ay tumili siya ng pagkalakas-lakas. Gusto niyang ilabas ang bigat sa dibdib. Ngunit saglit lang ‘yon. Bigla siyang hinila ni Earl at sinakop ng labi nito ang labi niya at buong diin siyang hinalikan. Nabigla siya sa ginawa nito. Kusang umatras ang tinig. Pakiramdam niya’y mamamaga ang labi niya sa mapagparusang halik nito. Ngunit mas nabigla siya sa sariling reaksiyon. Tila kandilang nauupos ang galit niya’t namalayan niyang tinutugon ang bawat paggalaw ng labi nito sa labi niya. Napakapit siya sa batok nito’t inilapit ang katawan sa binata.
Unti-unting naging banayad ang paghalik nito. Tila mababaliw si Veronica sa tindi ng sensayong nararamdaman. At natagpuan niya ang sariling mahigpit na nakayakap sa binata.
Kapwa sila humihingal nang magkahiwalay ang mga labi.
“Sisigaw ka pa?” halos bulong na sa nito. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga. Akmang sasagot siya nang muli nitong inangkin ang labi niya. Muli, nawala sa katinuan ang sarili niyang utak at gumanti ng halik dito.
“I know you Veronica.” anas nito habang hinahalik-halikan ang punong-tainga niya. Di niya napigilan ang sariling mapaigtad. “I know you inside-out.” Tumigil ito sa paghalik at tinitigan siya ng matiim. “That’s why I don’t trust you. Not a bit.” Lumayo ito sa kanya. “Next time you’ll try to lure me with kisses, make sure I’ll be crazy over it,” dagdag nitong di na siya tiningnan.
Pakiramdam ni Veronica’y nakatanggap siya ng magkasabay na mag-asawang sampal. Ngunit hindi ang pisngi niya ang namamaga kundi ang sariling puso.Who’s trying to lure who?! He was the one luring her with kisses! He initiated the kiss! At tanga naman siyang hinayaan itong halikan siya. Worse, she kissed back!
May pinindot ito, kasunod no’n ang paglagitik ng pinto.
“Kung gusto mo pa ring maglakad pauwi, gawin mo. But forget about the deal.”
Napabuga siya ng hininga at tumingin sa labas ng bintana. Sumidhi ang inis sa dibdib. How can she love this man? Gusto niyang maawa sa sarili. How can she be so weak in his arms? Ba’t di man lang niya magawang tumanggi sa halik nito?
Pinatakbo na nito ang sasakyan nang di siya magsalita.
Niyakap niya ang sarili. Hindi na siya umimik. Tila nanghihina ang buong katawan niya. At pumipintig ang sakit sa paa niya. Namamaga iyon kagaya ng pamamaga ng labi. Ngunit mas matindi ang pamamaga ng puso. Tila nahihirapan siyang huminga.
Ilang sandali pa’y tumigil na ang sasakyan. Nasa harapan na sila ng bahay nila.
“You’re gonna blow this thing off, Veronica.” anito sa mababang boses. “Are you still into the deal or not?”
Huminga siya ng malalim. Do you know how much you’re hurting me right now, Earl? Bulong ng puso niya. Do you know how painful it is to love you?
Tinanguan niya ito.
“Good. Fix yourself or else you will ruin everything.I won’t be surprised if your father would call the wedding off.”
Ngumiti siya ng mapakla. “He won’t sense anything. I’m a good actress,” sagot niya. She’s good at hiding her emotions. She has been the greatest pretender alive over the past ten years. The biggest liar. But it’s just so hard to hide her feelings from Earl. Akmang bubuksan niya ang pinto nang lingunin niya itong muli. “I won’t be after anything you have Earl. Hindi ako interesado sa yaman n’yo. I’d rather-”
“Save it, Veronica,” anitong hindi man lang siya tiningnan. “ I won’t believe it anyway. You’re a good actress, remember?”
Muli niyang naramdaman ang punyal na nakatarak sa dibdib. Tila mas malalim ang pagkakabaon no’n. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at mabilis na umibis sa kotse. Hindi na niya ito nilingon dahil tuluyan nang umagos ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
Sampung taon… Sampung taon na ang nakalipas ngunit bakit umiiyak pa rin siya? At bakit ganoon pa rin kasidhi ang nararamdaman niya para kay Earl? Tinuruan niya ang sariling lumimot ngunit hindi niya nagawa. Marahil hindi niya makakayang gawin kahit kailan. Pero sapat ba ang pag-ibig na nararamdaman niya rito para makayanan ang sakit?
Sa tuwing titingnan niya ito’y wala siyang ibang nakikikita sa mga mata nito kundi galit. Will she survive seeing him hate her every single minute of every single day?
He hates her. Iyon ang katotohanang dapat niyang itanim sa utak. Earl has changed. Hindi na ito ang dating Earl na mahal siya. Hindi na ito ang dating kasintahan na natatakot na masaktan siya. Marrying him would mean suicide.
Pinukpok niya ang dibdib nang tila di siya makahinga. Saka pinahid ang luha. Ipinilig niya ang ulo para mawala lahat ng iniisip.
Should I marry him? Even if it means suicide? muling tanong ng isang bahagi ng utak.
Bumalong ang luha nang maalala ang nakalipas. She felt so stupid. But then…
She’d rather be suicidal than lose him again.
1 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 3"
aww...it hurts..bk8 amn ganun cya?
huhuhuhu...
Post a Comment