SHARE THIS STORY

| More

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 5

(Calla)




Three days…

Nothing happened. Like, NOTHING. Parang wala lang. Ni halos hindi siya kinibo ng asawa sa tatlong araw na magkasama sila sa iisang silid.

Napatingin si Veronica sa sariling repleksiyon. Is she really that ugly? Or talaga lang wala siyang kaamor-amor kay Earl? Pilit niyang iwinaksi iyon sa isip ngunit di niya mapigilang maawa sa sarili. They were together in the same room and all she felt was his animosity towards her. The first three days of their marriage was like torture.

Somewhere at the back of her mind tells her that it’s just the start of her agony.

At hindi nga siya nagkamali.

Simula nang tumira sila sa condo nito’y halos di na niya makita ang asawa. Araw-araw naghahanda siya ng almusal na hindi man lang nito tinitignan. His words every morning is “I’m leaving.” Iyon lang.

Pagsapit ng gabi, naghahanda siya ng hapunan para sa kanilang dalawa. Ngunit ni minsan hindi ito kumain ng niluluto niya. Palagi siyang kumakain ng mag-isa. At natutulog sa engrandeng kama ng mag-isa. Dumarating ito ng madaling araw. Ngunit di na siya nagtangkang magtanong pa kung saan ito nanggaling kahit pa gabi-gabi’y di siya makatulog sa paghihintay. She’s just his wife in papers. She doesn’t have to overdo the act. Pero kahit anong gawin niya’y hindi niya mapigilang mag-alala. Hindi niya maiwasang masaktan.

She focused on her fashion business. Araw-araw dumarami ang kliyente niya. Busy siya buong araw sa trabaho at pagkatapos ay hindi niya nakakalimutang dumaan sa Daddy niya para dalawin ito. She’s always happy with her Dad around. Hindi niya gustong umuwi sa condo. Pagod siya buong araw sa trabaho ngunit pagdating sa unit, tila mabibingi siya sa sobrang kahungkagan na nadarama ng dibdib.

“How’s the newly wed?” anang kabilang linya. Kasalukuyang naghahanda siya sa mga invoices ng mga newly shipped clothes galing Paris nang tumunog ang cellphone niya.

“Oh, Elaiza.” aniyang napangiti. Elaiza has been so thoughtful. Palagi siya nitong kinakamusta. She’s like the sister she never had. “I’m okay.” Especially that you called. The house is so silent it’s eating me out, gusto niyang idagdag.

“Great! I might pass by your shop tomorrow. Can we have a night out? I’ll ask Kuya, if you want.”

“I’d love that!” Hindi niya naitago ang excitement sa tinig. “No need. I’ll talk to him. I’m sure he’ll be happy about it. He’ll be working late tomorrow.”

“He’s still working late?” eksaheradong tanong nito.

“Just tomorrow, he needs to do this huge presentation the day after that.” maagap na sagot niya.

Saglit na natahimik ang kabilang linya.

“I’ll talk to him. He still hasn’t learned yet.”

“It’s okay, Elaiza-”

“No, it’s not. I just knew Kuya. He has this tendency to forget his priorities. And you should be the first in the list.”

“We’ll talk about this tomorrow, okay?”

“Yes,” anitong napilitang kumalma. “I’ll see you tomorrow at five! Give my hugs to Kuya.”

“Sure, I’ll do that.”

“Goodnight! Bye.” At nawala ito sa kabilang linya.

Muli, mas lalo niyang naramdaman ang pag-iisa. Napatingin siya sa wall clock. It’s still nine o’clock. Marahil apat na oras pa bago ito umuwi. Bumalik siya sa pagtatrabaho. Kailangan lang niyang palipasin ang oras. She will survive this night. She definitely can. It just fuckin’ hurts.

KINABUKASAN, halos hindi maka-upo si Veronica sa dami ng costumers na dumarating. Women who had one simple goal– to look fabulous. And most of them came from the elite society. Natutuwa siya sa tuwing lumalabas ang mga ito na may ngiti sa mga labi. They’re satisfied with each piece of clothing they bought.

Dumating si Elaiza five minutes before five o’clock. Nang mga sandaling iyon ay ready na siyang magsara ng shop niya.

They watched a movie. They went shopping. They ate sushi, and went clubbing afterwards. Pakiramdam ni Veronica’y nawawala ang stress niya sa saya. It has been so long that she really enjoyed being with someone. She’s so grateful for Elaiza. Simula noong araw na nagkakilala sila’y maganda ang pakikitungo nito sa kanya. She’s always sweet and cheerful kaya gusto niya itong kasama. She wondered why she hadn’t met her before. Ngunit ayaw niyang magtanong. Hindi na niya gustong ungkatin pa ang nakaraan. At batid niyang iyon ang gusto ni Earl. For sure, they wouldn’t be so thrilled that she ditched Earl before.

They danced and laughed. Hindi niya halos namalayan ang oras kung hindi pa siya inuntag ni Elaiza. It’s past nine. Baka daw namuti na ang mata ni Earl sa kahihintay sa kanya. If she only knew.

Hinatid niya ito sa malaking bahay ng mga San Diego. Ayaw sana nito ngunit nagpumilit siya.

“So, how are you and Kuya?”

Tila nabilaukan siya sa narinig. She cleared her throat bago siya sumagot.

“Fine. Fine. We are getting along well.”

“Hmm… Are you sure?” tila nagdududang sabi nito.

“Well, he’s not that sweet… not that thoughtful… not that romantic but he’s got a really really big–” Big what?

“–big…”

“Yeah, big. I know exactly what you mean. That’s very kuya.” ani Elaiza na naglalaro ang pilyang ngiti sa labi.

“I was supposed to say heart,” bawi niya. “I mean, he’s taking good care of me the best way he can.”

“Yeah… that’s what I was thinking. What do you think I was thinking?” anitong tumawa. Nahawa siya sa tawa nito.

“I’m so happy you end up together, Veronica. Kuya has been a mess. Since I met him, he’s been a mess. I’m just so glad that God, destiny or whatever powerful force that is, bound you together. Alam kong simula na ito ng pagngiti ni Kuya. I can’t believe he’s smiling again! Remember during the wedding? That was the first time in a long time that I did see him smile!”

Kumunot ang noo niya.

“When you said, ‘Of course! I do! I do!’” with feelings na sabi nito.

Natawa siya. Pagkuwa’y napangiti. Yes, she remembered. So it was really a smile.

“It’s been so long I’ve been praying for miracle. And then, you came! I’m just so happy. Sana lang di ka magsawang intindihin siya. He’s been through a lot really. Kaya ang sungit minsan.”

“Where’s your mom? If I may ask. Earl doesn’t talk much.”

Natigilan ito ng kaunti bago nagsalita.

“My mom is in France. She remarried. To a French guy, yes. And kuya’s mom is in Australia.”

Kumunot ulit ang noo niya.

Ngumiti ito. “It’s a long story. But I’ll give you a preview. Magkapatid kami ni Kuya sa ama. I didn’t really know what happened way back then. Ang naaalala ko lang, I was ten when I met Kuya. He was seventeen then.”

“It was drama actually. Ni hindi ko alam na may kapatid ako. And all people are saying na kerida ang mama ko. Just then, I knew Daddy has been looking for him for seventeen years. Imagine? Seventeen years? Earl’s mom ran away from Dad. Hindi ko alam kung bakit. After six years of being alone, Dad met my mom and they decided to live in California. And there was me after a year.”

“Umuuwi kami dito once a year para magbakasyon. And it was on the tenth vacation that Dad found Earl. His mom finally showed up, asking financial assistance so Kuya can go to college.

It was also the start of arguments between mom and dad. And… they broke up. I decided to be with Dad. Pero bumibisita din ako sa mom ko. And Kuya, he rarely smiles. He liked me though. He never hated me. Pero pakiramdam ko, galit siya sa mundo.”

Hindi makapaniwalang napatitig si Veronica kay Elaiza. Nakarating na sila sa bahay ng mga San Diego ngunit gusto pa rin niyang kausap ang dalaga.

Did it really happen? Does that mean…

“Hey, are you crying?”

“No.” aniyang pumipiyok ang boses. “I just…” tila may bumabara sa lalamunan niya’t humapdi ang mga mata. “I just wished I was there,” halos bulong na sabi niya. God, hindi niya alam ang sakit na pinagdaanan ni Earl.

“Oh, Veronica.” ani Elaiza at niyakap siya. “I wish you could have been there, too. It was awful for kuya. He thought he was abandoned. He hated Dad. But he loves him too. He hated what his mom has done but he loves her so much too. And he just lost her girlfriend by that time. And he keeps on asking why every person he loves breaks his heart. What do I know? I was just ten!”

Pigil-pigil ni Veronica ang sariling mapahagulhol. Mabilis niyang pinahid ang luha nang kumalas sila sa yakap ng isa’t isa.

“I’ll take care of him, Elaiza. I won’t break his heart.” again…

Ngumiti ito. “Thank you Veronica. Kuya is soooo lucky to have you! I guess we’ll have to talk some other time. Baka kanina pa naghihintay sa’yo ang kuya.”

“Yeah. Just call me anytime. I definitely enjoyed this evening Elaiza, we’ll do this again.”

“Yeah! Me too.” Binuksan nito ang kotse pagkuwa’y lumingon. “Wait, I forgot to ask you something. Can I ask you and kuya a favor?”

“Anything. Wish anything,” aniyang napasinghot saka ngumiti. “Ako ang bahala sa Kuya mo.”

“I was thinking if I can stay with you for two days. Dad wants me to take care some of the business. And I’m running the hotel! I’ll start next week!” excited na sabi nito.

“Really?” aniyang nasorpresa. Nahawa siya sa excitement nito. Pero natigilan siya. What did she say? She wants to stay with them? Like, live with them? For two days? Napa- oh no! siya ng lihim nang maalala ang itsura ng bahay.

“Yes, I’m so excited about it! At alam ko matutuwa ang kuya. Kaya kung hindi nakaka-istorbo, can I live with you? Just this weekend. Under renovation kasi yung condo ko. And your place is much closer to my work.”

Ngumiti siya. Hindi nagpahalata ng pagka-alarma. “I’ll talk to Earl about this. But, consider it a yes.”

“Thank you!!!” tili nito.

Natawa siya. Maybe it’s not a bad idea after all. Magiging masaya ang bahay kapag kasama nila si Elaiza. And she wants to know more… A lot more… Kung ano ang naging buhay ni Earl nang pinili niyang iwanan ito. Pero kailangan ng total make-over ang unit nila. It sure does look like elegant. But it still looks like a bachelor’s pad.

Nang sumunod na mga araw, ginugol ni Veronica ang oras sa pag-aayos ng bahay. She went shopping. Pinalitan niya ang kurtina, ang wall decorations, ang wallpapers. Binago niya ang ilang sulok ng bahay. Bumili siya ng bagong dining set sa terrace, bagong carpets. Hinanda na rin niya ang silid na gagamitin ni Elaiza.

“What the hell did you do to my house?!”

“Jesus, Earl!” Muntik nang mabitawan ni Veronica ang picture frame na hawak nang biglang dumagundong ang boses ng asawa.

“Explain this!” galit na sabi nito.

Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang masabit ang picture frame. Larawan iyon ng kasal nila. She just replaced that creepy painting. And she’s so happy about that. Pinahid niya ang butil-butil na pawis sa noo saka bumaba ng hagdan at hinarap ang asawa.

“You’re early.” puna niya. Mag-aalas sais pa lamang.

“Explain this.” mariing sabi nito.

“I’m making it more beautiful,” nakangiting saad niya. Gusto niyang salubungin ng yakap ang asawa. Ngayong kaharap niya ito’y naaalala niya ang huling pag-uusap nila Elaiza. Gusto niyang humingi ng tawad. Ngunit masyado nang malayo ang nakaraan. Hindi na marahil mahalaga para dito ang sasabihin niya. “I’m making your house a home.”

Napipilan ito ng saglit.

“Kaya binago mo ang lahat sa unit ko?” galit pa rin ang tono nito.

“I’m your wife, remember? A week ago you said ‘I do.’? Whatever-mine-is-yours-whatever-yours-is mine thing?”

“That doesn’t give you any right to change-”

“Earl.” putol niya sa sasabihin nito. “This is just for the mean time. Kapag naghiwalay tayo, ako mismo mag-aayos nito pabalik. I know every detail of it. Kaya wala kang dapat ipag-alala. I put all your things in the storage room. Safe and clean. Okay? Besides, Elaiza is going to stay here for two days.”

Tila di makapaniwala si Earl sa tinuran ng asawa. She just changed everything in his unit nang wala man lang abiso sa kanya. He did not receive any message! How is he supposed to react? Pagpasok niya sa pintuan akala niya’y ibang unit ang napuntahan niya. And he did not like the way his unit felt. It felt so… so much like home. Home? She looked so comfortable in it! And he felt an outcast sa mismong pamamahay niya.

And what did she say? Elaiza is going to live with them? No way!

Pinanood niya itong isa-isang niligpit ang lahat ng mga gamit.

She’s wearing tattered jeans and stained t-shirt na dumikit sa katawan nito. Her hair unkept. Tumutulo ang pawis nito sa noo. And yet she still manage to look gorgeous. Gorgeous? Kumunot lalo ang noo niya nang matitigan ang suot nito.

“Are you wearing my t-shirt?”

Tila nakain nito ang sariling dila. Bumuka ang labi nito ngunit walang maapuhap na idadahilan.

Napabuga siya ng hininga.

“I can’t find any comfortable shirt to wear kaya hiniram ko ‘to.”

Tinalikuran niya ito at tinungo ang silid.

“Lalabhan ko naman, promise!” pahabol nito ngunit isinara na niya ang pinto ng silid. Mabilis siyang naligo’t nagbihis.

“I’m leaving.”

Napatingin si Veronica sa asawa. Pinigilan niya ang sariling mapanganga. He looks and smells wonderful. Parang gusto niyang magtago sa sulok. She must’ve been the worst thing on earth right now. Nanlalagkit ang buo niyang katawan at amoy pawis at alikabok siya.

He’s going out again. And by the time he goes home, amoy babae na naman ito. How can she not know? Palagi niyang inaamoy ang pinaghubaran nito. And she knew that Victoria’s Secret scent. Pero wala siyang ideya kung sino ang nagmamay-ari noon.

The pain stung as he headed towards the door. He’s going to see his mistress. Or should she say, the woman he loves. Bigla’y naramdaman niya ang mainit na likidong naglandas sa pisngi.

MAG-AALA-UNA ng madaling araw nang magising siya sa tunog ng cellphone. Dagli niyang sinagot nang makitang si Earl ‘yon. Ngunit maingay na tugtog ang bumungad sa tainga niya.

“Hello? Is this Earl’s wife?” boses babae. Umigkas agad ang kilay ni Veronica. Mangani-nganing itapon niya ang cellphone na hawak.

“Yes,”sagot niya. Nginangatngat ng selos ang dibdib. Earl just let this woman use his phone! Are you his mistress? Gusto niyang itanong pero pinigilan niya ang sarili.

“He’s too drunk. He can’t drive. Can you pick him up?” Ibinigay nito ang address na kinaroroonan ng asawa.

“I’ll be there in a minute.” aniya. What is it this time? May ibang buwelta na naman ba si Earl para masaktan siya? Nagmamadaling kinuha niya ang susi ng kotse at mabilis na lumabas ng bahay. Pagod na siyang mag-isip.

Nagulat si Veronica sa nadatnan. Malaki at magarbo ang bahay nito.

“Hi, Mrs. San Diego,” bungad nito sa kanya nang pinagbuksan siya nito ng pinto. “We finally met, I’m Bianca Rose Lazaro.”

She’s beautiful. And she knows how to dress. And she’s got a nice pair of legs. And she looks smart. And… she looks like someone Earl can fall in love with. Lalong kinakain ng paninibugho ang dibdib. Lalo pa’t naaamoy niya ang pabango nito. The same scent that goes along Earl’s shirt every night. The sweet smell of lavender.

“We’ve been to the bar with some friends. Napadami ang inom niya kaya dinala ko siya pauwi.” kuwento nito. “But he’s too annoying, he kept saying he needs to go home kaya tinawagan kita.”

“I see.” malamig niyang tugon lalo pa’t nakita niya ang asawa. Nakahiga ang kalahati ng katawan nito sa sofa. He’s half conscious at di niya maintindihan ang binubulong nito. Tinulungan siya ni Bianca na maisakay ang asawa sa kotse.

“Thank you.” aniya kay Bianca saka lumulan ng kotse. Hindi na niya kaya pang tingnan ang babaeng pinag-uukulan ni Earl ng panahon nito.

NANG makarating sa bahay ay inalalayan niya ang asawa papasok. Diretso sa sofa. Muntik na silang mabuwal buti na lang at nagawa niyang ibalanse ang bigat nila.

Tinanggal niya ang sapatos nito at niluwagan ang necktie nito. He was humming a tune, his eyes half closed.

“What’s your name?” bulong nito sadyang idinikit ang labi sa tenga niya. Tila nakuryenteng dumistansya siya rito.

“Hey, I won’t bite.” anitong ngumisi. “C’mon tell me your name.” anitong hinawakan ang bewang niya. Nalanghap niya ang alak mula sa hininga nito. It should be disgusting. But why the hell is she inhaling so much?

“Earl.” aniya sa nagbabantang tono nang umakyat-baba ang kamay nito sa bewang niya. He’s tracing the line of her underwear!

“Oh, that’s my name… your name sweetie.” Umakyat ang kamay nito sa balikat niya saka pinadausdos iyon sa braso. Pagkuwa’y hinawakan ang dalawang kamay at pinaglaruan iyon ng mga daliri nito. Pinigilan niya ang sariling mapaigtad. “Your name sweetie… Do I have to beg?”

Napabuntong-hininga siya. “Veronica.”

Kumunot ang noo nito. Tila nag-isip. Saka ngumiti. Saka tumawa. “I remember you.. Yeah..” Sumeryoso ulit ang mukha at tinitigan siya. “You look..very familiar.. you are…”

“I’m your wife.”

“Wife… wife..” anitong tumango-tango. “Yeah, wife..”

Bumitiw siya sa pagkakahawak dito’t kumuha siya ng maligamgam na tubig para punasan ito.

He was humming again when she came back, and mumbling. Still, he looked dashing. Hindi niya makontrol ang bilis ng tahip ng dibdib habang pinupunasan ang mukha nito.

“Am I sick?” tanong nito. Inabot ang bakante niyang kamay at inilibot ang isang braso sa bewang niya. God, how can she concentrate?

“Sort of.” sagot niya.

“It’s nice to be sick… so nice…”

Napa-iling si Veronica. Binawi niya ulit ang kamay para pigain ang pampunas dito. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya ang boltaheng dumadaan sa balat niya sa tuwing magkakadikit ang balat nila.

“Beautiful…” bulong nito.

Napatingala siya. Saka niya namalayang nakatitig sa kanya ang asawa. Kinuha nito ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya at tinitigan siya ng namumungay na mga mata nito. “You’re so beautiful… that my heart stings just looking at you…” Hinaplos nito ang pisngi niya. Mababanaag sa mata nito ang lungkot. “I don’t know…it hurts so much… like hell…”

Tila pinipiga ang puso ni Veronica sa tinuran ng asawa. Tila may bumikig sa lalamunan. “I never intended hurt you.” aniyang nakatitig sa guwapong mukha nito. “I love you so much.” buong pusong sabi niya saka inilapat ang mga labi sa labi ng asawa.

Banayad ang halik na iyon. Just like their first kiss. Namalayan niyang nangilid na ang luha.

“Why the tears?” anitong hinalikan ang luhang pumatak sa pisngi niya. “Oh, please dont cry…please…”

Napayakap siya ng mahigpit rito. Impit siyang napahikbi. Nang muli siyang humarap dito’y sinalubong siya nito ng halik. Banayad at nakaliliyong halik. Naramdaman niyang hinapit siya nito papalapit hanggang sa mamalayan niyang nakakandong na siya rito. Sumigid ang init sa katawan niya nang maramdaman ang bawat haplos nito na buong puso niyang tinugon.

Isa-isang natanggal ang saplot na suot nila hanggang sa wala nang matira. They kissed each other hungrily, animo’y wala ng bukas pa. Earl passionately made love to her.

Naramdaman niya ang sakit nang tuluyan siyang angkinin nito. Ngunit hindi niya ininda iyon. Nakaya niyang tiisin iyon.

Ngunit natagpuan niya ang sariling tumatangis nang maging ganap ang pagniniig nila. Impit siyang napahagulhol. Gusto niyang magwala.

Dagli siyang nagbihis at nilinis ang lahat ng nagkalat na damit. After this night, tuluyan na siyang nagising sa kahibangang inalagaan niya ng sampung taon. Earl doesn’t love her anymore.

He just called out another woman’s name while they were making love… He just called out Bianca.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 5"

Post a Comment