(Kaven)
NOW….
“IT’S REALLY over Danielle” ulit na sabi ni Dean sa kanya. Parang bombang sumabog ang narinig niyang sabi na nagmula kay Dean. Nasa likod sila ng Engineering building ng mga oras na ‘yon na kung saan ay malayo sila sa karamihan.
“NO!” tanggi niya. “N-no..no..no” hindi makapaniwalang sambit niya habang umiiling. Hindi niya mawari ang emosyong umusbong sa kanya ng mga oras na ‘yon pero naramdaman niya ang sakit. “Nagbibiro ka lang Dean, ‘di ba?” umaasa pa rin siya. Ayaw niyang umiyak kaya pilit niyang pinanatag ang loob at kinukumbinsi ang sarili na nagbibiro lang ito.
“I’m sorry, Dan!” umiwas ito ng tingin pagkasabi no’n. Sapat na ang mga katagang iyon para bumuhos ang mga nagbabadyang mga luha. Ang sakit! Ang sakit sakit! Ano ba ang mali sa ‘tin Dean?! Gusto niyang maisatinig iyon para marinig ni Dean pero wala siyang narinig mula sa bibig niya.
Patuloy pa rin ang kanyang pagluha na parang hindi na siya makahinga.
“Damn! Don’t cry Danielle but….” sabi nito na walang kaemo-emosyon. Ni hindi man lang ito nasasaktan at ito ang nagpa-inis sa kanya.
“Ayokong marinig ‘yan. La lalalala…na na na na na na na” pinutol niya agad kung ano ang sasabihin nito habang tinatakpan ang tenga niya. “Ayokong makipaghiwalay sa ‘yo Dean!” mariin niyang sabi. “Kahit ilang ulit mo pa akong ipagtabuyan ng walang dahilan o may dahilan man ay ipaglalaban ko pa rin ang pag-ibig ko sa ‘yo. Kahit isiksik ko pa sarili ko. Mahal kita Dean at alam kong alam mo na mahal mo rin ako!”
Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis. Ayaw na niyang pakinggan ang mga sasabihin nito. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob para masabi niya ‘yong lahat.
Umiiyak na nagmamadali siyang pumasok sa kotse niya pero may pumigil sa kanya. At pagkalingon niya ay si Sam ang nabungaran niya. Agad siya nitong niyakap at niyakap na rin niya ito. At dito na siya nawalan ng lakas.
Nagpasalamat siya nang dumating ang kaibigan dahil naibuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Humahagulgol pa siya na parang batang paslit.
“Sshh, tahan na bes’.” Pinapatahan siya nito.
“Ang sakit bes’! (sinok) Ang sakit sakit! (sinok uli)” nahihirapan na siyang huminga. “Tama bang ipaglaban ko ang pag-iibigan namin bes’? Tama bang ipagsiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw na sa ‘kin? Ewan ko bes’, pero ano bang nagawa kong mali?” sunod-sunod niyang tanong.
“Bes’, please don’t cry. I don’t want to see you cry because it hurts me too. Walang mali sa ‘yo bes’! Hindi ko alam ang rason ni kuya pero sa tingin ko may malalim na rason iyon. I think, tama ang ginawa mo bes’!” naiiyak na rin ito.
Sam insisted to drive her home. Sam thinks that it’s not safe for her to drive in her condition right now. At magta-taxi nalang daw ito pauwi. Pagkarating nila sa condo niya ay hindi na tumuloy pa si Sam sa loob baka maabutan pa ito ng rush hour. Pagkapasok sa unit niya ay nagpasalamat siya na wala ang kanyang kuya at tiyak na magtatanong iyon. Feel niya kasing mahahalata nito ang namumugto niyang mga mata sa kaiiyak at ayaw niyang malaman nito ang rason ng pag-iyak niya, baka susugurin niya si Dean.
Before her brother comes, she went to her bedroom at ini-on niya ang Ipod niya. Ginamitan niya ng speaker at nilakasan niya ‘yon. And straight to her bathroom, wala sa sarili niyang binuksan lang ang gripo sa bathtub para punuin iyon ng tubig. Pagkatapos ay bigla siyang sumampa sa tubig kahit naka-tshirt at pantalon pa siya. At hayun, umiiyak na naman siya. Hindi niya mapigilan ang sarili.
Sa kaiiyak niya ay napagod na yata ang mga mata niya kaya inaantok na siya. Kaya nakatulugan na niya ang lamig na nadarama.
“Dean, please don’t leave me! Wake up Dean!” niyugyog niya ang binata pero hindi pa rin ito tumitinag. Kinakabahan na siya kaya napaiyak siya. “No! No Dean, please wake up!”
May tumapik sa kanya at nilingon niya iyon pero hindi niya maaninag ang mukha nito. Ibinalik niya ang tingin kay Dean pero para siyang hinihila ng taong tumapik sa kanya dahil palayo ng palayo siya kay Dean. At dahil sa inis ay sinigawan nita ito.
“Ano ba? Let me go!” asik niya. Tumayo siya at humarap dito. Gano’n nalang ang pagkabigla niya sa nakita. “Dean?” nasambit lang niya. Isang ngiti lang ang naging sagot nito at bigla itong lumayo sa kanya. “De..e..an!” sigaw niya habang umiiyak. Sa kaiiyak niya ay parang hindi siya makahinga na parang nalulunod at nilalamig siya. Nagpupumiglas siya na parang mamamatay na siya dahil hindi na siya makahinga. At pagkatapos ay naramdaman niya na may humila na naman sa kanya.
“WHAT the hell are you doing kuya?” galit na tanong sa kanya ni Sam nang dumiretso ito sa condo niya. Alam niyang pupuntahan siya nito matapos ang pangyayari.
“It’s none of your business Sam” tiim-bagang sagot niya. Hindi dapat nito malaman ang totoong dahilan kung bakit niya hihiwalayan si Dan dahil nakapangako siya sa isang tao. Dan! Oh Dan! Ayaw niya itong saktan pero siya naman ang nasasaktan.
“What? Now, it’s none of my business? Huh! I can’t believe this kuya” umiiling nitong sabi. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. “Ayokong makialam pero sinasaktan mo na ang kaibigan ko kuya, ang mahal mo!” naging mahinahon na ito.
“Hindi ko na siya mahal. Nalaman ko nalang na mahal ko pa pala si Dennise” sabi niya na kunwa’y totoo. Seryoso pa rin ang mukha niya pero nararamdaman niya ang sakit.
“You’re unbelievable kuya! Mataas pa naman ang tingin ko sa ‘yo pero ano ginawa mo? Sinira mo” galit na sabi nito sa kanya. Tinatanggap niya bawat pagkasuklam sa kanya ng kapatid, dahil tama ito. Sinasaktan niya ang mahal niya.
Biglang natigil ang pagtatalo nila ni Sam ng tumunog ang Moto Q9h nito. Nakitang niyang kumunot ang noo nito ng tingnan kung sino ang tumawag at sinagot nito ang tawag.
HELLO?
YES, SPEAKING?
OH KUYA DAVE, NAPATAWAG KA? Ang kuya ni Dan. Nalaman na nito siguro. Kunwa’y nagbabasa siya ng magazine pero pinariringgan niya ang kapatid.
WHAT? WHAT HAPPENED? bigla siya napaigtad sa kinauupuan ng biglang napasigaw si Sam.
AHH, OK!
HOW IS SHE? bigla siyang kinabahan nang marinig niya ang ’she’ dahil alam niyang si Dan ang tinutukoy nito. Ano ang nangyari kay Dan? Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa mahal niya. Bumaling ito sa kanya at binigyan siya nito ng matalim na tingin. Gusto niyang magtanong dito kung napa’no si Dan pero hindi na niya itinuloy.
“Give me your car keys!” utos nito sa kanya. Wala siyang nagawa kaya ibinigay niya ‘yon agad.
“Where are you going?” tanong niya baka makalasap siya ng impormasyon kung anong nangyari kay Danielle.
“It’s none of your business kuya” anito na bakas pa rin ang galit sa mukha. “Don’t worry, I will return your car as soon as possible” sabi nito sabay talikod. Lumakad ito patungo sa pinto ngunit bigla itong lumingon sa kanya. “Dan doesn’t deserve this. At dahil sa ginawa mo ito, face the consequences.” Lumabas na ito at iniwan siyang nakatanga.
Hindi niya maiwasang mag-alala kay Dan. Gusto niyang puntahan ito pero hindi pwede. Wala siyang magawa, kailangan niyang kamuhian siya ni Dan. Pero hindi niya mapapatawad ang sarili kapag merong masamang nangyari sa dalaga.
“OH MY! DANIELLE” narinig niyang sambit ng isang lalaki gusto niyang ibuka ang mga mata pero parang ang bigat-bigat ng talukap ng mata niya. Naramdaman niya nalang na iniangat siya nito. Narinig din niya ang bawat pagpatak ng tubig nang iangat siya.
“Ang lamig” nasabi lang niya. Iyon lang at bumalot na ng dilim ang kanyang paningin.
Naalimpungatan siya ng marinig ang tinig ng kaibigang si Sam. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa. Masakit ang buo niyang katawan at nararamdaman pa niya ang basang damit na suot niya.
“Oh my!” napasinghap ito nang makita siya at agad na tumabi sa kanya. “Ba’t basang-basa siya? Tell me what happened?” takang tanong nito.
“Pagdating ko rito ay dinig na dinig ko ang tugtog mula sa kwarto niya. Tinawag ko siya pero walang sumasagot. Dali-dali ko siyang pinuntahan sa kwarto niya at nakita ko siya sa banyo niya. Nasa bathtub ito at kung hindi pa ‘ko dumating ay” huminto ito at huminga ng malalim. “God! Baka nalunod na ‘yang kapatid ko.”
“Thank you for coming Sam! ‘Kaw na ang magbihis kay Dan. Lalabas na muna ako at ihahanda ko muna ang pagkain at gamot niya” sabi ng kapatid niya. “Just call me if your done” dagdag pa nito bago lumabas.
“Sam, ang ginaw” mahina niyang sabi. Giniginaw na talaga siya, ramdam niya ang pangangalog ng buong niyang katawan.
“Gaga ka ba bes’? Nagpapakamatay ka ba?” Pinagalitan siya nito habang isa-isa nitong tinatanggal ang mga basang damit niya. “Naku! Ang init mo bes’!”
“Ano ba ang nangyari bes’?’ tanong niya nang hindi pa niya natatandaan ang nangyari sa kanya kanina.
“Muntik ka lang naman manulod bes’” sarkastiko nitong sagot sa kanya pero hindi ito galit.
Tapos na nitong bihisan siya at tinawag na nito ang kuya niya. Dumating naman ito na may dalang soup at gamot. Hinang-hina talaga siya ng mga sandaling ‘yon dahil masakit ang ulo niya, katawan niya at pati puso niya. Nahihirapan din siyang magsalita dahil namamalat ata ang lalamunan niya.
“Thank you so much Sam!” sabi niya ng sila nalang dalawa.
“Sus, it’s nothing Dan! I’m your friend and parang sis na ang turing ko sa ‘yo” anito na may ngiti sa labi. “And don’t do that ever again bes’. You made us nervous” dagdag nito.
“Hindi naman talaga ako nagpapakamatay bes’. Nakatulugan ko lang talaga ang pagbabad ko sa tubig kanina” paliwanag niya. “I’m sorry kung nag-alala kayo. Don’t worry, it will not happen again” nakangiti niyang sabi.
“O sige na, magpahinga ka na at uuwi na ‘ko. Binilin ko na rin sa kuya mo kung anong oras ka niya papainumin ng gamot.” Pagkasabi nito ay hinalikan siya nito sa noo at tumayo na ito.
“Ingat sa pagmamaneho” paalam niya.
“Ok.”
Nang makalabas na ito ay nalungkot na naman siya. Pero dahil nga masama ang kanyang pakiramdam ay nakatulog agad siya.
ILANG araw nang nakalipas mula nang sabihan siya ni Dean na maghiwalay na sila at dahil do’n ay muntik na siyang malunod sa bathtub niya ay hindi pa rin siya pinupuntuhan ni Dean. Ni hindi nga nangumusta ito sa kalagayan niya. Kapag tinatawagan naman niya ay hindi naman sumasagot at ‘pag nagtext siya ay hindi nagrereply. Hindi naman siya ganito noon, hindi niya pinagsiksikan ang sarili sa taong ayaw naman sa kanya pero hindi kay Dean. Gano’n ba niya kamahal ang binata para gawin niya sa sarili ito? Nalungkot siya sa realisasyong iyon pero ‘yon ang gusto niya.
Ngayon nga ay sumama siya kay Sam na magnight out para magcelebrate ng pagkakapasa nila sa proposal ng project nila. Kasama nila ang kagrupo nila sa thesis at iba pang mga babaeng naging kaibigan nila. Sam insisted to go with her para daw mawala ang lungkot niya kahit ngayon lang.
Iba-iba ang kanilang in-order na drinks meron ladies drinks, hard, and beers. Hindi siya mahilig uminom kaya iced tea nalang ang kanyang in-order.
“Oh come on Dan, ‘wag kang kj” sabi ng isang kaibigan niyang si Nicole. Matagal na rin niya itong kaibigan. “Let’s celebrate for the approval of our proposal!” anito.
“Nah! ‘Wag niyo na ‘yang pilitin, hindi ‘yan umiinom. Just be happy na sumama siya ngayon” salo ni Sam sa kanya. Buti nalang hindi na nag-insist si Nicole dahil ayaw niya talagang uminom.
Pinasaya niya ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Unfair naman sa kanila kung siya ay magmumukmok lang sa isang tabi. Binalik niya rin ng kanyang sigla at kulit na ipinagkait niya noong nagdaang mga araw. At nakisali siya sa mga biruan ng mga ito.
“Oh ow!” untag sa kanila ni Nicole na nakatingin sa may entrance ng bar. Natigil ang kanilang tawanan. “Look who’s here?” dagdag nito. Para itong nakakita ng multo.
Lahat sila ay napalingon sa tinutukoy nito. Ang iba ay napasinghap sa nakita. At siya naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita. Hinawakan agad ni Sam ang kamay niya nang makita nito na parang iiyak siya. Pero pinigil niya ang sarili.
0 comments: on "My Only You – Chapter 7"
Post a Comment