SHARE THIS STORY

| More

Breaking Silence - Chapter 10(END)

(Calla)



NAKATAYO sa likuran ni Brice si Lamond at may hawak itong baril. Ito ang bumaril sa lalakeng nagtangka sa buhay ni Ballerina, ang leader ng C5G na pinagplanuhan din niyang patayin.

“Lamond! Anong ibig sabihin nito?” agad niyang tanong dito pagkatapos nitong dis-armahan si Brice na kasalukuyang may tama sa braso nito.

Binigyan muna ng malakas na suntok ni Lamond si Brice bago ito pansamantalang nakatulog. Itinutok nito ang baril kay Ballerina. “Totoo ba na si Gascon ang pumatay sa kapatid ko!?”

“Anong sinasabi mo?” ibinalik lamang ni Ballerina ang tanong nito kay Lamond. Hindi ito natatakot sa ginawang panunutok na baril ng lalake.

Ibinato ni Lamond ang diary ni Ingrid sa pagmumukha nito. Pinulot ito ni Ballerina bago sinimulang basahin ang huling nakatala duon. Ang nakatala dito ay may relasyon ito sa huling pangyayari sa misyon ng kapatid ni Lamond.

“Si Ingrid ang pinakamahalagang asset ko bago ko binuo ang C5G. Hindi ko akalain na pati ang pagkakaruon niya ng kapatid sa katauhan mo ay ililihim niya sa akin.” panimula ni Charles, aka Ballerina.

“At ang pinakahuling misyon niya ay sa India kung saan nabigo siya. May usapan kami na kung ano ang mangyayari sa kaniya ay mananatiling nakatago ito sa anino naming dalawa upang walang makakita. Ngunit ngayon–”

Isang click ang narinig niya mula sa labas ng pintuan. Isang sniper! Tinarget nito si Lamond, bumagsak ito sa sahig at mabilis na nawalan ng malay, tila wala ng buhay.

Kasunod niyaon ay mabilis na bumangon si Brice sa kinahihigaan nito! Nagpanggap lang pala ito na walang malay nang pabagsakin ito ni Lamond. Napakatuso talaga!

“Brice!?” sigaw ni Ballerina dito. Gagalaw pa sana ang kaniyang ama ngunit mabilis itong napinahan ni Brice at nabihag nito ang magkabilang kamay nito. Naiposas nito ang mga kamay ni Ballerina ng walang kahirap-hirap.

“Una, patay na si Lamond dahil may nakaabang na sniper sa sinumang magtatangkang manakit sa akin. Malas niya, at siya ang dumating.” ngumisi ito bago nito sinipa si Ballerina patungo sa sulok ng kwarto. Ini-lock ni Brice ang pintuan pagkatapos sumenyas sa mga tauhan nito na nasa maayos itong kalagayan.

“Ikalawa, narinig ko rin ang naging usapan ninyo tungkol sa India at sa Ingrid na iyon. In fact, ako ang tumapos sa kaniya.” tuluyan nang tumawa ng malakas si Brice bago tinadyakan ang bangkay ni Lamond.

“Kung alam ko lang na may kapatid ang babaeng iyon, dapat ako na rin mismo ang gumawa nuon para sa kaniya upang mabilis kong napatahimik ang wala niyang kwentang buhay habang pinapahirapan ko siya. At least, ngayon, magkasama na kayo!”

Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita. May kailangan siyang linawin sa Brice na ito. Ngayon, parang nagiging malinaw na sa kaniya ang lahat kung sino ang totoo nilang kalaban. “Brice, may itatanong ako sayo…”

“Kahit ano, Sylvia, my dear.”

“Anong dahilan at bakit mo pinatay si Ingrid? Kahit hindi ko siya nakilala, alam kong mabuti siyang tao. Pero sa nararamdaman ko, bakit parang galit na galit ka sa mga tauhan ni papa?”

“Isa lang ang sagot Sylvia, my dear.” anito bago lumapit sa kaniya saka siya sinampal ng ubod ng lakas ni Brice. “Dahil ang C5G na binuo ng Charles Gervaise na ama mo o ni Ballerinang iyan ang siyang sisira sa plano namin upang monopolahin ang buong merkado sa buong mundo!”

“Gagawin mo ba ang lahat, matupad lamang ang inyong plano?” tanong niya kay Brice na halata namang naiinis sa kaniya. Ok lang yun dahil yun ang plano niya, ang inisin ito.

Mabilis namang lumapit si Brice kay Ballerina. Sinuntok muna niya ito bago niya ito sapilitang itinayo. Tumapat silang dalawa malapit sa bintana kung saan nakahandusay din ang bangkay ni Lamond. Balak nitong isunod ang kaniyang ama!

“Ito na ang wakas ng C5G!” ani Brice bago napansing tila may nawawala sa lugar. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napansing nawawala ang bangkay ni Lamond!

Shit! Nakalimutan niyang assassin din ang mga ito! Kung papaano nawala ang bangkay nito ay hindi na mahalaga dahil parang siya ang tagilid sa sitwasyong ito! Ani Brice sa sarili bago niya inilayo ang sarili sa bintana kung saan nagsimula na ring umatake ang sniper!

Sa pagkakataong ito, naging mabilis ang pangyayari dahil mabilis na naihagis ni Sylvia ang master key para sa posas na inilagay ni Brice sa kaniyang ama. Samantalang si Lamond naman ay mabilis na sinugod si Brice sa likuran ngunit naging mailap ito dahil mabilis itong nakalabas ng kwarto at nakahingi ng tulong.

SA di kalayuang lugar kung saan nakatirik ang hall sa harapan nito…

“Polar Bear! Nakatakas si Brice!” sigaw ng isang lalake pagkatapos tingnan ang isa pang lalake na walang buhay sa tabi nito. Ayon sa pananamit at gamit sa paligid nito ay isa itong sniper.

Ito ang sniper ni Brice. Ayon kay Reduce, gumagamit ng kakaibang taktika ang Brice na iyon kung kaya’t naging madali para sa kaniya ang makaisip ng pangontra para dito.

Sumagot ang kausap niya. “Skinny Bear! Tama ang hinala mo. Wala ngang kinalaman si Ballerina sa nangyari sa kapatid ko…” Nakipag-usap ito sa kaniya gamit ang isang sophisticated na communication device.

“Saka na lang tayo magkamustahan. Kailangan ninyo ng umalis diyan bago tayo mahanap ng mokong na yun.”

“Roger that.”

Pagkatapos maibaba ang linya ay may natanggap siyang bagong text message sa kaniyang cellphone. Galing ito kay Reduce. Mabilis niya itong binasa.

P is safe. All C5G, re-group.

Ngumiti lamang siya bago siya tuluyang nakatayo. Kasabay niyaon ay mabilis na nagbalik sa kaniyang isipan ang ginawa niyang paghalik kay Sylvia. Oo, anak ito ni Ballerina, ang leader ng C5G at alam niyang bawal sa kanilang organisasyon ang anumang emosyon. Ngunit wala na siyang paki-alam duon dahil ngayon ay lubusan na niyang nauunawaan ang nararamdaman ni Parc kung bakit nito pinakasalan at minahal ng buo si Junifer.

Kung kaya ni Parc na mag-sakripisyo, kaya niya ring gawin iyon dahil umiibig na siya kay Sylvia! Nahuli nga lang ang kaniyang realisasyon ngunit handa siyang talikuran ang lahat alang-alang sa nararamdaman niya para dito.

ISANG araw bago magkita-kita ang grupo ng C5G, nag-desisyong magkita muna si Sylvia at Arthur sa isang cafeteria…

“Am I early Arthur?” may lambing sa tono niya ang pagbati pagkatapos na makita ang lalakeng nakadamit ng sobrang pormal, para tuloy itong makikipaglamay.

Ngumiti lamang ito sa kaniya. “No Sylvia. In fact, you’re just in time.” aniya bago siya nito inalalayang umupo. Umorder agad sila ng makakain at maiinom.

“I’ll be straight with you, Arthur.” panimula niya pagkatapos umalis ng waitress.

Tumutol si Arthur. “No, ako dapat ang mauna Sylvia.”

“No, let me speak first.”

Natahimik lamang ang lalake. Napangiti siya dahil pakiramdam niya ay dominante ang aura niya ng mga oras na iyon. Humugot muna siya ng sapat na lakas ng loob bago siya nagsalita. Kakailanganin niya iyon dahil ito na ang una at huling beses na gagawin niya ito sa kaniyang buhay. Kapag pumalpak pa siya dito, ayawan na talaga!

“I love Parc, so much.”

“I know…”

“But I have to let him go. We all know that Parc is happy with that bitch but I’m ok with that.”

“Yeah…”

“And I know you love me too. I realized it when you first kissed me.”

Natahimik si Arthur sa narinig mula sa kaniya. Success! Ito ang uri ng reaksyon na gusto niyang makita sa isang lalake! Ang makita itong tulala at natatameme! Magsasalita na sana ito ngunit agad na dumating ang waitress, dala ang kanilang order. Save by the waitress! Napangiti siya dahil naaayon ang sitwasyon sa kaniyang plano!

“Sylvia–”

“Wait Arthur, let me finish first. You see, I can learn how to love you but you have to give me some time. I mean, sa uri ng mga pinagdaaanan natin–”

Hindi pa siya tapos magsalita ngunit agad na tumayo si Arthur sa kinauupuan nito at agad siyang siniil ng halik sa labi! Hindi naging mabini iyon dahil pakiramdam niya ay kanina pa ito nagpipigil. At ang pangyayaring iyon ay hindi kasama sa kaniyang plano. Kainis na mga lalake! Kahit kailan talaga, laging ini-spoil ang mga romantic moments ng mga babaeng kagaya niya!

“Even if it will take you a lifetime to learn on how to love me, I’m willing to wait, even in silence…” bulong ni Arthur sa kaniya. Sa narinig niya mula dito ay parang nadurog ang kaniyang puso at tuluyan na itong nahulog para sa kaniya. Mahal na mahal siya ni Arthur. Naging huli nga lang ang realisasyon nito ngunit hindi pa huli ang lahat.

Niyakap niya ng buong higpit si Arthur bago niya ito mahinang sinuntok sa tagiliran. “No need to wait my dear because I’m willing to break every silence in this world just for me to say how much you mean to me.”

END
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

2 comments: on "Breaking Silence - Chapter 10(END)"

Anonymous said...

i'am happy to read the story breaking silence!!!!! i like it so much :) :)

Unknown said...

i love it the story :)

Post a Comment