(Blue)
Naghihikab siya habang nakapila sa covered court. Flag ceremony na nila kaya kailangan nilang pumila. Hindi siya nakatulog nung nagdaang gabi. Ang dami kasing pumapasok sa isip niya. Hindi isa sa mga sinusulat niya. Hindi rin ano, kundi sino. Si Marc- ang lalaking walang ginawang maganda sa buhay niya kundi asarin siya, na Ex-boyfriend ng Ex-bestfriend niya. Hindi siya dating ganito sa lalaki. Wala nga siyang pakialam sa mga mentally retarted guys na katulad nito pero hindi niya maintindihan ngayon kung bakit siya naiinis and at the same time ay nasasaktan sa kaalamang may pinopormahan na itong ibang babae. Tiyak marami na namang paiiyakin ang ugok na iyon.
Muli siyang naghikab. Inaantok pa talaga siya. Kinusot niya ang isang mata. Pagmulat niya ay isang malapad na ngiti ang nakikita niya sa mukha ng lalaking nasa isipan niya kahapon pa.
“Hindi ka ba nakatulog kagabi?” pinahid nito ang pisngi niya sa pagkabigla niya. “Sorry. Namumuti kasi ang mukha mo sa polbo.”
Tila siya naestatwa sa haplos na iyon. Ano bang nangyayari sa kaniya ngayon? Magkakasakit ba siya? Bakit tila may nagra-rumble sa tiyan niya? Nagugutom ba siya?
“Huwag mo nga akong hawakan.” naiinis niyang sabi. Hindi niya alam kung bakit siya biglang nainis sa lalaking ito.
“Ang sungit nito. Meron ka ba ngayon?” natatawa nitong tanong.
Umiling lang siya. Naumid yata siya. Wala siyang maapuhap ni isa man salita para ipang-asar dito. Bakit ganoon ang pakiramdam niya? Nanginginig siya.
Napakunot-noo na si Marc sa nakikitang pamumutla ng mukha ni Erika.
Tinapik niya ito sa braso. “Hey! you alright? namumutla ka ah. kumain ka ba?”
Tumango lang siya. Nahimas niya ang brasong hinampas nito. Bakit mainit ang braso niya?
“Hay naku! wala na naman sa mood itong babaeng ‘to. maiwan na nga kita.” iiling-iling itong umalis sa harapan niya.
Gusto niya itong pigilin sa pag-alis, pero bakit naman niya gagawin iyon? Napataas sa langit ang tingin niya. Grabe! Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya?
Nagsimula ang flag ceremony. Pero na kay Marc ang tingin niya. Umangat ang isang kilay niya. Hindi pa tapos ang flag ceremony ay nakikipaglandian na itong Marc na ito. Binistahan niya ang babaeng kausap nito. Mukhang sosyal ang babae. Ganoon naman ang tipong babae ni Marc. Mala-anghel ang mukha at babaing mahinhin. Katulad ni Maryrose.
Ang gagawin niyang pag-ingos ay nahinto ng makita niya si Maryrose na papalapit sa dalawa.
“Speaking of the she-devil! Patay! gera na ito…” natatawa niyang sabi sa sarili.
Nakita niyang pagigil na hinahablot ni Maryrose ang buhok ng babae. Iniirapan naman ito ng babae. Hanggang sa napapansin na sila ng mga estudyanteng malapit sa mga ito.
“Ikay, anong nangyayari?” bungad na tanong ni Erin-ang bestfriend niya. Napatingin din sa eksenang tinitingnan niya. Napailing ito. “Kahit kailan talaga ‘yang Ex mo wala ng ginawang matino.”
Napangiwi ng makitang inaabot ng sampal ni Maryrose ang babae. Si Marc ay pigil na pigil si Maryrose at pinaalis na ang babae bago pa lumaki ang eksena.
“Tutulungan ba natin sila?” inosenteng tanong ni Erin sa kaniya.
“Up to you.” sabi na lang niya. Ayaw na niyang i-involve pa ang sarili kay Maryrose. Sapat na ‘yong ginawa niya para dito. Enough! “Kaya ako sa’yo Erin, kung gusto mo magka-boyfriend piliin mo yung lalaking hindi katulad ni Marc okay? kasi malalagot ka lang sa mga katulad ni Maryrose na ubod ng selosa.”
Hindi na niya nakita ang ginawang paglingon ni Erin kay Marc na nakatingin din dito at tila nagpapaunawa sa una. Umiwas ng tingin si Erin bago naglakad papunta sa room nito.
“Ano ba kasi ‘yong sasabihin mo sa ‘kin?” pangungulit na niya. May sasabihin daw ito sa kaniya pero kanina pa siya naghihintay sa sasabihin nito. Nakababa na sila sa sinakyang tricycle at nakabili na ng favorite nitong ice candy ay nanatiling nakatikom ang bibig nito. Naglalakad lang habang kinakain ang ice candy.
“Pag-dating na lang sa inyo. Kinakabahan kasi ako eh.”
“Asus!sasabihin mo lang kinakabahan ka pa. Ano ba kasi iyon? sabihin mo na. Hanggang leeg na ang suspense ko oh.”
“Okay. But promise me that you won’t laugh at me at iintindihin mo ‘ko?”
Sersoyo ang mukha nito kaya medyo na we-weirduhan siya dito ngayon. Para matapos na ang lahat at ng makahinga na rin siya ay tumango siya.
“In love ako ngayon Ikay.” mahina at tila nahihiya nitong sabi sabay lakad ng mabilis.
Napakamot siya sa ulo. “What else is new? Lagi ka naman in love ‘di ba? Hintayin mo nga ‘ko.” nagmabilis din siyang mag-lakad. Huminto naman ito at nilingon siya.
“This time Ikay, I’m serious. Hindi ko alam kung saan nanggaling itong pakiramdam kong ito. Ewan ko pero nung sinabi niyang may feelings siya sa akin..I don’t know Ikay. Help me, anong gagawin ko?” tila hirap na ito sa sitwasyon nito ngayon.
“Ang weird talaga.” naiiling siya. Hindi naman niya masabi dito na ganoon din naman ang nararamdaman niya sa isang lalaking antipatiko sa lahat ng antipatiko. Nalilito rin siya sa itinatakbo ng isip niya. Sa idinidikta ng puso niya.
“Ang sabi ko sa kaniya, pag-iisipan ko ang isasagot ko sa kaniya dahil nalilito ako at ayoko sanang magkamali. Hindi siya ang klase ng lalaking gusto kong maging boyfriend.” pagpapatuloy nito sa sinasabi bago nagbuntong hininga. “Ang sabi niya ay handa raw siyang maghintay at hindi raw titigil hangga’t hindi niya ‘ko napapasagot.”
“Wow!haba ng hair niya.” hinaplos pa niya ang buhok nitong makintab bago umingos. Hindi siya naniniwala sa lalaki sa sinabi nito kay Erin. “Asus! ganoon naman talaga ang mga lalaki ano! sasabihin nilang ‘hihintayin kita hanggang sagutin mo ako’ pero naku! malingat ka lang may kasama namang iba.”
Natahimik ito. Tila nanghina. Lumakad ito sa isang bench at naupo. “Eh ano ba talaga ang dapat kong gawin? May nararamdaman ako sa kaniya at alam kong mahal ko na siya, pero ayokong masaktan Ikay.”
Ngumiti siya sa kaniyang bestfriend. Mas gusto niya ito kapag ganoon ito dahil mas nararamdaman niyang kailangan siya nito. “Alam mo best, kung mahal mo siya, be it! mahalin mo siya. Nand’on na tayo na masasaktan ka niya once, twice pero at least you know na ibinigay mo sa kaniya lahat at hindi ka nagkulang. At saka naman best, kung saan ka masaya eh ‘di d’on ka. suportanta pa kita.”
“Talaga?”
Tumango siya. at nag-baby talk pa.” Basta ba sama ako sa mga date niyo eh. Gawin mo ‘kong chaperon.”
“Sasagutin ko na ba siya?”
“Ano pa? ikaw talaga. Halika na nga. Kahit kailan talaga napaka-baduy mo. Ang arte pa.” Pinuntahan niya ang kaibigan at hinila patayo.
“Sige na nga. Bukas ko na sasagutin si Marc.”
Sa narinig ay nanghina ang mga tuhod niya at muntik na siyang matumba. Napakapit siya sa sandalan ng wood bench.
“Ikay, okay ka lang?” nag-aalala nitong tanong sa kaniya.
Tiningnan niya ang bestfriend niya. Gusto niyang sabihing nawalan siya ng hininga sa sinabi nito.
“A-Ang ibig mong sabihin, si Marc-na barkada natin, na antipatiko, na retarted, na lagi akong inaasar- ang lalaking nanliligaw sa’yo at d’on ka sa lalaking iyon inlove?” paniniyak niya. Baka nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Kung minsan kasi ay may dipekto siya sa pandinig.
Ngunit tumango ito. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang pumalahaw ng iyak.
0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 2"
Post a Comment