(Yesha)
Pasko na naman,
Ngunit wala ka pa,
Hanggang kailan kaya,
Ako’y maghihintay sa iyo…
SA IKALAWANG pagkakataon sa araw na iyon ay narinig na naman niya ang awitin na kinaiinisan. Para sa kaniya, iyon ang awit na sumisimbolo sa kahangalan niya. Gaya ng mayakda ng awit ay naghihintay rin siya sa isang bagay na walang katiyakan kung magaganap. Umaasa rin siya sa pagdating ng isang taong ni hindi niya alam kung patuloy pang humihinga.
“Europa, tama na ‘yan. Lunchbreak na.” napalingon siya sa kasamahang nagsalita. Kasalukuyan itong nagpupulbo sa harap ng salamin na nakapatong sa mesa nito.
“Kayo na lang. I took my early lunch kanina sa baba.” Sagot niya.
“Hala, mabuti at hindi ka nakita ni Bella Flores! Kailan ‘yun? Bakit hindi namin napansin?”
Napangiti siya sa tinuran ng isa pang kasamahan na si Tat.
“Break din nang maglunch ako kaya wala namang problema kung makita man niya. Pinatawag ka ni Boss kanina kaya hindi na kita nasabihan. Nauna naman sa canteen si Jane kasama ni Rico kaya ako na lang ang mag – isang nagpunta doon.”
Napapailing na nagkatinginan ang dalawang kasama niya.
“Hay naku girl, ang sabihin mo, Christmas fever ka na naman.” Malungkot ang ngiti nito nang tumunghay sa kaniya kaya nakadama siya nang bahagyang awa sa sarili.
“Oo nga. Buong taon ka namang masaya pero tuwing malapit na ang pasko, nagkakaganyan ka. It’s been three years, Eure. Hindi mo pa ba nalilimutan si Sir Austin?”
Napangiwi siya sa tinuran ni Tat. Kahit kailan talaga ay mahirap pagtaguan ng damdamin ang mga ito. Pilitin man niya ay kusa pa ring lumilitaw ang damdamin niya at naaaninag ng dalawang kaibigan.
“Shut up, girls! Kayo ang hindi makalimot eh. Basta malapit na ang pasko, nag-iisip na kayo ng kung anu – ano…”
“Dahil nagiging weird ka pagtuntong ng ber month noh!”
“Oist, tigil Tat! Ikaw nga ang paasahin sa wala kung hindi ka magtalon sa building diyan! Aba, kung ako si Eure, naku matagal ko nang ipina-salvage ang Austin na ‘yan!”
“Naku, huwag kayong maingay girls! ‘Pag narinig tayo ni Ma’am Estela eh tiyak na malalagot na naman tayo. Sige na, labas na kayo. Kumain na kayo at nauubos ang oras niyo dito!” taboy niya sa dalawa habang lilinga – linga sa paligid at tinitiyak na walang nakarinig sa sinabi ng mga ito.
“Basta Eure! Tigilan mo na si Sir Austin dahil may iba nang gusto ‘yun! Ang balita ko ay secretary ni Boss Conrad ang type niya dati eh. Malalaman din natin pagbalik niya, don’t worry!”
“Kung babalik siya! Haler, sa Japan na kaya siya nagstay mula nang umalis siya diba. Saka ‘yang sinasabi mo, expired na ‘yan dahil engaged na po si Boss Conrad kay Ms. Elmira! Gagang ito, bilasa na ang balita ‘pag nalaman! Kaloka ka, Tat!”
“Aysus, ganoon ba? Sorry naman…wala kasi akong time sa mga tsismis eh kaya napag – iiwanan ako!” tatawa – tawa pa si Tat habang itinutulak palabas ng pinto ni Jane. Nakangiti niyang pinagmasdan ang paglabas ng mga ito at nailing sa sarili sa kakulitan ng dalawa.
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko.
Pinatay niya ang radyong nasa ibabaw ng mesa ng katabing empleyado. Patapos na iyon pero wala siyang interes na marinig ang mga awiting pamasko partikular ang awiting iyon. Naiinis siya. At nagagalit. Pero sa kabila ng lahat ay wala naman siyang magawa dahil walang sinuman ang nakaaaalam ng totoong nadarama niya, nga mga totoong pangyayari tatlong taon ang nakararaan. Walang iba kung hindi si Austin lang din mismo.
“GOOD MORNING, Europa!” isang baritonong tinig ang nagpaangat ng paningin niya mula sa computer monitor. Mabilis siyang napatayo.
“Boss Conrad! Naku, good morning po! Are you looking for the VP?” nagulat siya nang walang kaabog – abog na lumapit ang nakababatang anak ng Vice Presindent ng kompanya. Dati na nitong gawain iyon noong sekretarya pa siya ng kapatid nito. Pero mula nang lumipad patungong Japan si Austin ay lumipat na rin siya sa cubicle kasama ng mga kaibigan. Kaya laking gulat niya na sinadya pa siyang puntahan ng lalaking nasa harap.
“No, no! I came here to see you. Dito ka pala nalipat?” wika nito nang nakangiti. Hindi alintana ang ibang empleyadong nagsisimula nang magtapon ng tingin sa kanila.
“Y – yes, sir. Anything I can do for you? Coffee, sir?” tanong niya.
“Oh, please don’t bother. Pupuntahan ko sana talaga si dad pero wala pala siya sabi ni Maila kaya dumaan na ako sa’yo para iabot ito.” Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na may hawak na tila kahong maliit. Nang abutin niya iyon ay saka niya napansin na imbitasyon pala iyon sa kasal.
“Wedding? Ikakasal na kayo, sir?”
Nang biglang lumagay ang hintuturo nito sa tapat ng bibig ay napabulong siya.
“Ikakasal na po kayo ni Ms. Elmira?” wika niya nang pabulong.
Tumango ito nang nakangiti.
“Yep. But she doesn’t know it. May konting problema kasi kaya pinaplantsa ko pa but I’m sure maaayos din ito. Just in case hindi matuloy ay sasabihan naman kita.” Biro nito.
“Si Sir talaga, napakamapagbiro. Sigurado naman sir, na aayusin ninyo anuman ang problema para matuloy ang kasal na ito, hindi ba?” Inaasam niyang tumango ito at sumang – ayon. Sa likod ng isip niya ay ang pag-asam na sana ay kakaiba ito sa lalaking itinatangi.
Pinagdaop ng lalaking kausap ang dalawang hintuturo kasabay ng isang pilyong ngiti kaya napailing siya. May invitation na pero hindi pa rin tiyak ang kasal? Mayroon bang ganoon?
“Eh sir, ibig sabihin ay secret wedding po ito?”
“Not actually, kasi the bride knows it naman kaya lang ay hindi niya alam ang petsa so ‘yun ang surprise. If you’ll take a look at the date, it’s actually two months from now.” He chuckled after saying that.
“Wow, sir! Matagal na preparasyon para sa isang dream wedding!”
“Yap but not until masigurado ko ito ay wala dapat munang makaalam. The reason I informed you this early is because of…”
“because of?” nabitin sa ere ang kaniyang paghinga.
“…because Elms wanted you to be there. Eversince ay magkakilala na kayo and she’s very fond of you.” Sagot nito. Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya ay kung ano na.
“Please send my thanks to her, sir. I’ll definitely come.”
“Sure. And I’ll call you for the engagement party as well. I guess, that will be a week or two from now.”
Natawa siya. Pati ang engagement party ay wala ring katiyakan kung kailan. Same old Conrad Perez – pabigla – bigla at laging nakagugulat.
“O paano, I’ll just call you. Remember the secret.” Wika nito sabay ang pagkindat.
“Yes, sir. No worries.” Nakangiting tugon niya.
Tumalikod na ito at akmang lalabas ng pinto nang muling lumingon.
“Oh before I forget Eure, Austin called up yesterday and says hi. What do you want me to tell him?” sabi nito na nagpabitin sa paghinga niya. Sa puntong iyon, lahat ay naririnig na ng mga kasama. Lahat ng nakaupo sa mesa ay sa kaniya at sa anak ng VP ng kompanya nakatutok ang mga mata.
“Send my warmest thanks, sir.”
Naiiling na tuluyan nang lumabas si Conrad. Paglingon ay nahuli naman niyang nakangiti si Tat at Jane. Tat rolled her eyes too. Napalabi siya.
“HELLO 2 d most beautiful woman on earth.”
Napangunot ang kaniyang noo sa nabasang mensahe sa kaniyang cellphone. Bagaman pamilyar ay hindi niya kilala ang numerong nakarehistro roon kaya minabuti niyang hindi sagutin ang texter. Naligo siya at matapos magpalit ng damit pantulog ay nahiga na sa kama.
Unti – unti na siyang ginugupo ng antok nang muling tumunog ang gadget.
“how r u?” tatlong simpleng kataga na nagbigay ng palaisipan sa kaniya. Napatingin siya sa alarm clock na nasa bedside table. Nine thirty ng gabi. Kung gayon ay ito ang misteryosong texter niya gabi – gabi. Ibang klase ang isang ito. Nasa oras kung magtext. It’s been two weeks now since the person started to text her and all at the same time. Sa halip na ignorahin gaya ng dating ginagawa ay naisipan niyang sagutin na iyon.
“and hu r u?”
Halos ay kase-send niya lang ng message nang agad din iyong tumunog.
“Finally! I caught you there!”
Napapikit siya sa matinding inis. Kung sino man ang texter na ito ay makakatikim ng sopla sa kaniya. Malamang na kung hindi si Jane ay si Tat ang nagbigay ng number niya sa kumag na ito. Hindi talaga tumitigil ang mga kaibigan sa pagrereto sa kaniya kung kani – kanino. Ang alam ng mga ito ay malungkot na malungkot pa rin siya sa pagkakaunsyami ng sana ay relasyon nila ng nakatatandang anak ng VP.
“cnu ka?” muli niyang sagot. Tutal ay hindi pa naman siya inaantok kaya papatulan muna niya ang trip ng istorbong texter.
“Just call me Shaider, sweetie.” At ang lakas din naman ng arrive ng lalaking ito! Sweetie?!
“Sori but u r disturbing me. I’d lyk to slip now, Shaider…and oh btw, I’m not Annie.”
Muli niyang sagot.
“Lolz, sweetie. You haven’t changed a bit…I MISS YOU.”
Bigla ay nag – unahan sa pagtibok ang puso niya. Sino ang taong ito? And he just said he misses her?
“hu r u?”
“shaider here…”
“u’re texting the wrong person then…”
“omg, aren’t u my EUROPE?”
Lalo na siyang kinabahan sa naging tugon nito. Wala namang ibang tumatawag sa kaniya ng EUROPE kung hindi si…
“Sir Austin?” kinakabahan man ay kailangan niyang makasiguro.
Sa mga giliw naming mambabasa,
Maraming – maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aming mga kuwento.
11 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 1"
Please delete all the stories you have posted here. TAGALOG ONLINE POCKETBOOK
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author

Please delete all the stories posted in this site.... thank you.. ^^

funny all of the stories here belong to TOP.
ang dami talagang gustong ipirata ang mga stories sa TOP.
Post a Comment