SHARE THIS STORY

| More

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 10

(Calla)



SAGLIT parang hindi malaman ni Veronica ang gagawin. Mabilis siyang nagbihis at halos pinalipad ang kotse patungo sa ospital na kinaroroonan ng ama. Tinawagan niya si Dr. Dominguez na siyang doktor ng Daddy niya.

“Hold on, Dad… Please hold on… Oh God, please huwag muna ngayon.” dalangin niya.

Pinigilan niya ang sariling luha. Kailangan niyang maging matatag para sa ama. Tinangka niyang tawagan si Earl ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone nito.

Nang makarating siya sa ospital ay nasa emergency room na ang ama.

“Sorry, Miss, pero hindi kayo pupwede sa loob,” anang nurse nang tinangka niyang pumasok.

“I just need to see him. Please.. Parang awa n’yo na.. I just needed to talk to my Dad.”

“I’m really sorry, Miss pero-”

Biglang bumukas ang pinto.

“It’s okay, I got this,” sabat ng bagong dating sa nurse. Si Dr. Dominguez iyon. “Mas makabubuting dito ka na maghintay, Veronica.”

Napakapit siya sa braso nito. “How’s Dad?”

“His condition is critical but he’s fighting.”

Ganon na lang ang pamamalisbis ng luha. “Please do everything to save him. Please, Doc.”

“We will do our best. But we need your consent, Veronica. We are going to perform a heart bypass operation for your Dad as soon as possible.”

Nakagat niya ang labi. “What are our chances, Doc?” Hilam ng luha ang mga matang tanong niya.

“50-50.” anito. Pakiramdam niya’y nanghina siya sa narinig.

Sinikap niyang magpakahinahon at pikit-matang pinirmahan niya ang papeles na ibinigay ng doktor sa kanya. Tinapik nito ang balikat niya saka nagmamadali itong bumalik sa loob.

“The chapel is on the second floor,” nakakasimpatiyang sabi ng nurse.

Don’t leave me, Dad. Please…samo niya habang nakatitig sa saradong pinto ng ER.

Saka tila may sariling isip ang mga paang tinungo ang chapel.

Naabutan niyang iilang mga tao roon na taimtim ang pagdarasal. Nakita niya si Manang Nelia na siyang katiwala nila. Nang makita siya nito’y agad siya nitong niyakap. Hindi niya napigilan ang paghikbi. Para siyang nakahanap ng kakampi. Sa buong buhay niya, ngayon lang niya naramdaman ang sobrang takot at pangamba. At ngayon niya naramdaman ang pag-iisa na parang walang masusulingan at mapagkukunan ng lakas.

“Hija, magpakatatag ka.” Niyakap siya nito ng mahigpit. “Kailangan mong maging matatag para sa Daddy mo. Ako ma’y nag-aalala, pero nagtitiwala akong hindi tayo pababayaan ng Maykapal.”

“H-Hindi ko kakayanin,” tila bibigay ang dibdib niya sa sobrang bigat ng dinadala niya. “Manang Nelia, hindi ko kakayaning mawala ang Daddy,” aniya sa pagitan ng hikbi.

“Sssh… Magdasal tayo.”

NAKATULALA si Veronica habang naghihintay sa labas ng operating room. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Manang Nelia. Umuwi muna ito ng bahay para kumuha ng mga gamit ng Daddy niya. Kaya naiwan siyang nag-iisa.

Parang hindi niya matanggap ang dahilan ng atake ng Daddy niya. How could Earl do this? How could he risk taking her father’s life? How could he hurt her this much? Papaano nito nagawang ipaalam sa Daddy niya ang tungkol sa totoong estado ng pagsasama nila? Papaano nito nagawang ibigay sa Daddy niya ang pre-nuptial agreement nila?

“Veronica…”

Napatingala siya. Si Elaiza iyon, namumula ang mata’t ilong nito. Niyakap siya nito ng mahigpit.

She promised herself not to cry. Pero sobra-sobra na ang dalahin niya sa dibdib. Ibinaon niya ang ulo sa balikat ng dalaga at doon inilabas ang lahat ng hinanakit niya.

“WHEN are you going to solve this, Earl?” kalmado ngunit bakas ang iritasyon sa tinig ni Bianca.

Napatitig si Earl sa dalaga saka napabuntong-hininga.

“I’m working on it.”

“Yan din ang sinabi mo sa akin a month ago. And nothing happened. We need to tell your Dad about this.”

“Bianca, please…” aniyang pagod na sa pagtatalong iyon.

Itinaas nito ang dalawang kamay. “Suit yourself, Earl,” malamig na sabi nito’t tinalikuran siya.

“Hindi mo kasi naiiintindihan.”

Tumigil ito sa paghakbang at humarap sa kanya.

“Alin ang hindi ko naiintindihan? My God, Earl, I’ve been with you for two years, why do you think I’m still here if I do not understand at all? I just wanted your Dad to know bago maging huli ang lahat.”

“I wanted Dad to know because he wanted to know. Not because I wanted him to know.”

“That’s pride, Earl. And that’s stupid. Because we both know that he needed to know about this. What do you think your Dad would feel once he knew? We’ve been hiding this from him for a long time!”

“We’re not hiding anything! He’s the one hiding from it. What’s the use of letting someone see who chose to be blind? I knew my father Bianca. And his no means NO.”

“But he still deserves to know! More than anyone else he-”

Biglang bumukas ang pinto at pareho silang napalingon. Iniluwa noon si Don Eleazar na namumula ang mukha.

Nagulat si Earl nang makita ang ama. “Good to see you, Dad,” sarkastiko niyang sabi. Hindi siya nakapaghanda nang biglang dumapo ang kamao nito sa panga niya. Kasabay ng sigaw ni Bianca ay ang pagkatilapon niya sa sahig.

“What the hell do you think you’re doing!”dumadagundong ang galit na tinig nito at hinila ng dalawang kamay nito ang kuwelyo niya’t napatayo siya mula sa pagkakasadsad sa sahig.

Pakiramdam niya’y namaga ang buong kaliwang panga niya. Pinahid ng likod ng kamay niya ang mainit na likidong nasa gilid ng pumutok na labi.

“Was I too late to be a father to you, Simon? How could you do this? How could you dare do this!” anitong nanginginig sa galit at marahas siyang binitawan. Halos bumalandra siya sa sahig sa ginawa nito. Ngunit inayos lang niya ang nagusot na polo’t nilabanan ang titig ng ama.

“Bianca, lumabas ka muna,” aniya sa dalagang tila itinulos sa kinatatayuan.

“I’ll help you explain,” anito kahit tumaas-baba ang dibdib sa nerbiyos. Mula sa kanya’y bumaling ang tingin ng Don kay Bianca. Lalong nangalit ang bagang nito.

“I can handle this. We need a private talk.” aniyang hindi tinapunan ng tingin ang dalaga.

Tila nagdadalawang-isip nito bago iniwan silang mag-ama.

“Is she the reason for this?” humihingal sa galit sa tanong ng Don.

“No,” aniyang halos hindi maghiwalay ang ngipin. ”Bianca has nothing to do with this. It’s my choice.”

Sukat sa sinabi niya’y dumapo ang kamao ng ama sa tiyan niya. Napa-igik siya sa sakit. Sapo ang tiyang tinitigan niya ang ama.

“Go ahead, Dad. Hurt me! Magaling ka naman diyan, di ba? Magaling kang manakit sa mga taong nagmamahal sa’yo!”

Napatitig si Don Eleazar sa anak.

“Do it, Dad. Beat me up for all I care!”

“I can’t believe you’re my son.” mariing sabi nito.

Si Earl naman ang natigilan.

“You haven’t been my father for seventeen years, Dad,” paalala niya. “There are a lot of things you don’t know about me.”

“That’s it, Simon?” tila nasasaktang sabi nito. “That’s the reason you betrayed me? That’s the reason you betrayed all of us?”

Naghihimagsik ang loob ni Earl habang nakatingin sa ama. “I never betrayed anyone,” mariing sabi niya. “I just did what is best. Ilang beses kong tinangkang sabihin sa inyo pero hindi n’yo ko pinakinggan. I only did the right thing.”

“When has it ever right to kill someone?” nangangalit ang bagang na sabi ng Don.

Kumunot ang noo ni Earl. “I didn’t kill anyone!”

“Of course, Federico is still fighting for his life. But if he dies, Simon, it will be on you,” mapait na sabi nitong dinuro siya.

“Paanong nasali si Tito Federico sa usapan? Let’s get this straight, Dad. Go and talk to Mom while she’s still breathing!”

Kumunot ang noo ng Don. “What are you talking about?”

“Isn’t that the reason you punched me twice?”

“You’re mom’s here?” naguguluhang tanong nito.

“For two years, yes Dad. I tried to tell you pero ayaw mong marinig ang kahit na anong tungkol sa kanya.” aniyang pinipigilan ang pagtaas ng tinig.

“Not when her life is in danger!” singhal nito. “Where is she?”

“Why don’t you make an effort and find her?” galit na sabi niya.

“We have a lot to talk young man,” nagbabanta ang tono nito saka nagmamadaling lumabas sa pinto. Patakbong sinundan niya ito.

“Wait Dad, I still don’t understand. Ano’ng nangyari kay Tito Federico?”

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. “You should know what happened. Bago mo ipinadala ang pre-nuptial agreement ninyo ni Veronica, dapat alam mo na na mangyayari ito.”

Nalilitong tiningnan niya ang ama. “I did not send him anything except–” Bigla’y naalala niya ang huling usapan nila ng sekretarya niya. “Oh, shit!” mura niya nang maalalang nasa parehong drawer ang mga papeles na kailangan ng Tito Federico at ng pre-nup nila ni Veronica.

“What hospital?” aniyang sinalakay ng pag-aalala ang dibdib.

“St. Lukes,” anang ama niya.

“Take care of Mom. I need to be with Veronica.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Dagli niyang tinakbo ang pintuan palabas ng hospital na iyon at tinungo ang kotse.

“HOW’S dad, doc?” kaagad niyang tanong nang lumabas si Dr. Dominguez sa pintuan ng operating room.

“We can’t really say, Veronica. We have to put him in the ICU, monitor him for 24 hours and see if he responds well to the operation.”

Pakiramdam niya’y may nakaharang sa lalamunan niya. “Can I go see him?”

Tumango ito. “We can arrange that. Follow me.”

Napayakap siya ng mahigpit kay Elaiza saka sumunod kay Dr. Dominguez.

Kinailangan niyang magsuot ng hospital gown at mask bago pumasok ng ICU. Naluha siya nang makita ang ama. May kung anu-anong tubo na nakadikit sa katawan nito. He looked so tired even when he’s asleep. If she could only take the pain he is feeling, she would. Kakayanin niya ang lahat, huwag lamang mawala ang ama.

“Dad..” mahina niyang tawag. Nakita niya ang paggalaw ng daliri nito. Tinakpan niya ang bibig para mapigilan ang paghikbi.

Hinawakan niya ang palad nito. “I’m sorry, Dad. I’m sorry I lied. I’m so sorry,” aniyang pumiyok ang boses. “I just didn’t want to fail you. I know how much you wanted for that wedding to happen. And honestly, I dreamed of that wedding, too. That even if we had that agreement, I still hope that Earl and I will one day be married for real… You know, build a real family and grow old together.”

Pinahid niya ang luhang patuloy ang pag-agos sa pisngi. “Naiintindihan mo naman ako, di ba, Dad? Nobody understands me more than you do.”

“When Mom left, I didn’t feel a single thing. But there was a deep hole in my heart. But you continously fill it up kaya hindi ko masyadong nararamdaman ang lungkot. What would I become if you leave me, Dad? So you need to wake up… Dahil hinding-hindi ko kakayaning mawala kayo.”

Nakita niyang namamasa ang gilid ng mga mata nito. “I agreed on the wedding to keep you and Earl close to me. It didn’t matter whatever consequences it would bring me. Ang alam ko lang, kailangan kong alagaan ang puso n’yo… at ang puso ko. Maybe it was selfish… Maybe there are just things that are not meant to be. At kapag patuloy kong hinangad iyon, masasaktan lang ang mga taong mahal ko…” Kung ilang minuto siyang hindi nakapagsalita dahil sa pagpipigil na mapahikbi ay hindi niya alam. Hinayaan lang niyang umagos ang luha.

“Kailangan ko na sigurong i-give up si Earl, Dad…” Pakiramdam niya’y nabiyak ang puso niya sa sinabi. “So please… hang on, Dad.”

Nang makalabas siya sa ICU ay dumiretso siya sa comfort room para doon ituloy ang pag-iyak. Ngunit natigilan siya nang makarinig ng pamilyar na boses sa dulo ng hallway. Hindi na niya kailangang sumilip pa para malaman kung kanino ang boses na iyon. Nanatili siya roon. Hindi pa niya ito kayang harapin.

“Oh, Kuya!” Naulinigan niya ang tinig ni Elaiza. “Do you realize how much she’s going through right now because of you?”

“God, I swear, it was a mistake! I wasn’t in the office for days. Lorrie took the wrong folder. And that’s it.”

“Okay, Kuya. Given it was a mistake. But, pre-nuptial agreement? That’s one thing I could not accept. So, you’ve been faking all along, right? You’re acting you’re in love, for what? I don’t get it.” bakas ang inis sa tinig ng dalaga.

Matagal bago nakasagot si Earl. “Do you really want to know the truth? You might hate me.”

“I hate you so much already. Bring it on.”

“I hated her.” halos bulong na sabi ni Earl.

Napasandal si Veronica sa dingding. Tila nawala lahat ng lakas niya.

“And I hate her still.” mariing dugtong nito.

“Is she–,” ani Elaiza na natigilan. “No way.”

Ayaw na sana niyang marinig ang kahit na ano’ng sabihin ni Earl. Gusto niyang tumakbo ng malayo kung saan hindi niya maririnig ang usapan ng magkapatid ngunit tila itinulos siya sa kinatatayuan at wala siyang lakas na humakbang palayo.

“Yes, she was that girl who broke my heart ten years ago. You knew I didn’t want to marry her because I’ve done my best not to see her again. But it happened. Things got out of my control and it left me no choice. I married her. And I want to remain married to her… See the pain in her eyes… see her suffer each day… I just want her to see how I’ve become after she left me. That I have become stronger. I want to prove to myself that she, doesn’t matter to me anymore. That I, don’t feel anything for her at all.”

Kinuyumos ni Veronica ang dibdib. Akala niya ay wala ng hihigit pa sa sakit na naramdaman niya noon. Ngunit nagkakamali siya. Pakiramdamdam niya’y libu-libong punyal ang nakatarak sa dibdib ng paulit-ulit. Na sa bawat paghinga niya, nararamdaman niya ang sakit. Pinilit niyang humakbang palayo doon. Pumasok siya sa isang silid. Pribadong silid iyon ngunit wala siyang pakialam. Kunot-noong napatingin sa kanya ang babaeng naroroon at ang pasyenteng binabantayan nito..

“I’m sorry, kailangan ko lang makigamit ng comfort room.”

Nagtataka man ay itinuro nito ang banyo.

“Thank you po,” aniya saka pumasok sa pintuan at doon umiyak ng umiyak. Kailan ba siya titigilan ng sakit? Pakiramdam niya ay kahit sa kabilang buhay, dadalhin niya ang sakit na iyon. Talaga bang kailangan lang niyang mabuhay para paulit-ulit na masaktan?

HINDI makapaniwalang napatitig si Elaiza sa nakakatandang kapatid. Hindi nito maunawaan ang lahat ng nangyayari.

“Then why the sad look?” tanong nitong ikinatigil ng kaharap. “You’ve had your revenge. If you could have seen Veronica earlier, you’d be very happy. She’s hurting more than she can bear already. Go and celebrate!”

“I wish I can.” Nasabunot ni Earl ang sariling buhok.

“And what do you exactly mean by that, Kuya?”

“I seem to be dying everytime I see her cry…”

Elaiza’s heart sank as she saw the pain in her brother’s eyes. Nawala ang galit na naramdaman nito sa kapatid kani-kanina lang. Ni wala itong mahagilap na salita na dapat nitong sabihin.

“I should not be feeling this. I should just hate her or feel nothing at all. There should be no other feelings than that!” He said sounding very frustrated.

“Then let her go,” mahinang sabi ng dalaga. “You’re torturing yourself. And her too. None of you deserves this. If you love her, why don’t you just love her?”

“I don’t know, Elaiza, I’m more cracked up than you think I am.”

“Wait a minute…” ani Elaiza na napa-isip. Parang hindi pa rin ito makapaniwala na ang babaeng pinakasalan ng kapatid at ang babaeng nag-iwan ng malalim na sugat sa puso nito ay iisa. Bigla’y nagflash back dito ang usapan nila ni Veronica.

“If Veronica was the one who broke your heart, that also means that you were her first love.”

Kumunot ang noo ng kaharap.

“She said she had her first love when she was sixteen. That she had to give him up just to keep him safe. And that..” napalunok ito’t napatitig sa kapatid. “That she could have married him if she wasn’t engaged to you.” Ilang beses itong napakurap-kurap. “It makes sense Kuya. Kung hindi ako nagkakamali, she loved you then and now.”
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 10"

Post a Comment