SHARE THIS STORY

| More

My Only You – Chapter 9

(Kaven)



“MAGTAPAT ka nga kuya. Anong dapat malaman namin ni mommy?” tanong agad ni Sam sa kanya, isang umaga, nang makalabas siya sa kwarto.

“What are you saying?” maang na balik tanong niya. Nagulat siya sa tanong nito kaya iniwas niya agad ang tingin dito.

“Don’t get me wrong kuya, I heard you last night” sabi nito. Tumitig ito sa kanya na nagpakaba sa kanya.

“O-H M-Y G-O-D!!!” biglang sambit nito habang tinutop nito ang bibig. “You’re not kuya Dean! You’re kuya Kean!” hindi makapaniwalang kompermasyon ni Sam.

Nabigla siya sa mga nalaman nito kaya naman hindi siya nakapagsalita agad.

“Ano naman ‘tong kalokohang pinaggagawa niyo kuya? Hindi na kayo nahiya, dinamay niyo pa si Dan? This is not funny anymore. Ginagawa niyong tanga hindi lang kami ni mommy pati na rin si Dan. Para kayong….” Hindi na niya pinatapos ang kapatid sa sabihin nito.

“Dean can’t see anymore!” bigla niyang sabi habang hinihilamos niya ang palad sa mukha niya at nakita niya ang pagkabigla ni Sam at napasinghap si Sam.

“He had a terrible accident in America.” Sapat na ang narinig ng kapatid para tumulo ang mga luha nito kaya naman ay niyakap niya agad ang kapatid.

“How could you hide this to us kuya Kean? We’re your family” sabi nito na may halong pagtatampo. “How was he? Where is he now?” tanong nito na bakas ang pag-alala.

“Sshh! Tahan na sis! I’m so sorry kung hindi man lang namin nasabi sa inyo. Sinadya talaga niya na hindi sabihin sa inyo dahil ayaw niyang nakikita kayong nahihirapan dahil sa kanya” paliwanag niya.

Ikinuwento niya lahat sa kapatid, kung kailan at paano naaksidente si Dean. Kung bakit sila nagpalit ng pwesto ni Dean. Kung ano ang mga kahilingan ng kakambal. At kung ano na ang kalagayan ngayon ni Dean.

Pagkatapos niyang ikwento lahat at pumunta sila sa mommy nila. Gaya ng inaasahan ay nagalit ito dahil inilihim nila ito sa kanya. Mabuti nalang ay hindi ito inatake sa puso. Pagkatapos ay pinuntahan nila si Dean sa rest house nila kung saan ito nagpapahinga. Nag-iyakan silang lahat pagkakita sa kapatid. Hindi niya mapigilan ang sarili kaya pumunta muna siya sa paborito nilang tambayan malapit sa dalampasigan.

“Kuya Kean! Bakit ka umalis?” bungad sa kanya ni Sam pagkaraan ng ilang sandali. “I knew it, dito lang kita makikita” dagdag pa nito.

“This place reminds me of our childhood days. I feel relax whenever I’m here” nasabi lang niya. Pilit niyang pinasaya ang boses niya. “Kumusta na si mommy?” tanong niya rito habang hindi pa rin niya tinitingnan ang kapatid.

“Ayon, unti-unti nang natatanggap ang kalagayan ni Kuya Dean gaya ko. Aalis siya ngayon para mamalengke dahil hindi pa dumating si Aleng Lorna. She decided to be with kuya para maalagaan niya ito.” anito habang umupo sa tabi niya.

Bumuntong hininga siya dahil sa kakaisip sa mga problemang dumating. At isa doon ay ang problema niya. Kailangan ba niyang ipaalaman sa pamilya niya ang natuklasan niya? Nakikinita na niya ang magiging reaksiyon ng pamilya niya.

“Si Dan ba ang iniisip mo?” Nagulat siya sa tanong ng kapatid kaya napatingin siya sa kapatid. Kunot-noo niya itong tinitigan.

“Si Dan pala!” bulong niya sa sarili. Paano ba niya sasabihin na hindi siya si Dean?

“Alam mo kuya Kean, you need to tell her na hindi ikaw si kuya Dean habang maaga pa!” dagdag nito ng hindi siya nakaimik.

“I know” matipid niyang sabi. “Pero takot ako sa magiging reaksyon niya pagnalaman na niya ang totoo baka magalit siya kay Dean” patuloy niya.

“What do you expect her to do? Magtatalon sa tuwa?” pamimilosopo nito.

Tama naman ito, hindi talaga matutuwa si Dan kapag nalaman nito ang totoo. Ewan ba niya pero he’s afraid that Dan will hate him and his brother. Na baka hindi na siya mapapatawad nito. Pero kailangan na niyang ipagtapat ang lahat para matapos na ang dapat matapos.

“WE NEED to talk” bungad sa kanya ni “Dean” habang binubuksan niya ang likurang pinto ng kanyang Crosswind para ipasok ang mga gamit niyang pangthesis. Kahit nakatalikod siya ay nakilala pa rin niya ang may-ari ng boses kahit medyo naiba ang boses nito.

“I think we have nothing to talk about” malamig na tugon niya at hindi pa siya humarap sa kausap. She makes herself busy in arranging her stuff. Paraan niya ito para maramdaman ni “Dean” na ayaw niyang makausap ito.

Ayaw niyang makaharap ito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na yakapin ito. Kinapa niya ang puso niya, bakit parang wala masyadong impact ngayon si Dean, pero kinakabahan pa rin siya. Ayan tuloy, feeling niya ay nanghihina siya. Nang mapansin niyang hindi pa rin ito tuminag ay dali-dali niyang isinara ang likurang pintuan at dumiritsong lumakad patungo sa pinto ng driver’s seat. Bago niya nabuksan ang pinto ay napigilan siya ni “Dean”. Hinawakan siya nito sa mga braso at ngayon nga ay nagkaharap na sila at nagtitigan pa.

Bigla niyang iniwas ang tingin dito baka hindi nga niya mapigilan ang sarili. At ibinalik niya ang angry mode niya kanina.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako? As I said, wala na tayong dapat pag-usapan pa!” galit niyang sabi. Parang wala naman itong narinig dahil hindi man lang siya binitiwan nito.

“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi tayo nag-uusap!” seryoso nitong sabi.

“Eh, ano bang sa tingin mo ang ginagawa natin, ‘di ba nag-uusap na tayo?” pamimilosopo niya.

“Damn, Danielle! ‘Wag ka ngang pilosopo?” anito at bumuntong-hininga. Pinipigilan siguro nito ang pagkainis dahil sa sinabi niya. Pero naramdaman niya na humigpit ang pagkakahawak nito sa mga braso niya. “May dapat kang malaman” dagdag pa nito.

“Don’t bother to tell me because I knew it!” aniya at nakita niya ang pagkunot-noo ni “Dean”. “Hindi ako tanga para hindi malaman na ginagamit mo lang ako para pagselosin ang ex mong si Dennise at ngayon nga ay kayo na naman” galit na dagdag niya. Hindi na niya binigyang pagkakataong magsalita si “Dean” kaya nagsalita siya uli.

“How dare you to used me! Pwede ba, bitiwan mo na ako, nasasaktan na ako!” Pinigilan niya ang sariling mapaiyak. Mabuti nalang ay binitiwan na siya ni “Dean” kaya naman dali-dali siyang pumasok sa kotse niya at doo’y tumulo ang mga luhang kanina pang gustong lumabas sa mga mata niya. Nagpasalamat siya ay tinted window ang sasakyan niya dahil hindi siya nakikita nito. Agad niyang pinaandar ang sasakyan.

NAGULAT siya nang sabihin ni Dan na alam na nito ang sasabihin niya. Akala niya ay tungkol sa pagpanggap niya ang tinutukoy nito pero hindi pala. Ang tinutukoy nito ay ang hindi totoong relasyon nila ni Dennise. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Dan ng mga sandaling iyon.

Pagkatapos niyang puntahan si Dan ay dumiritso na siya sa rest house nila kung saan namalagi pansamantala ang pamilya niya. Nasa mini bar siya at umiinom konti nang lumabas si Dean sa kwarto nito. Agad niyang nilapitan ito dahil nga hindi ito nakakakita.

“Hindi ako baldado Kean, bulag lang ako” pilit itong ngumiti pero bakas sa mukha nito ang pait na nangyari dito. “At saka, sa tagal ko na rito sa rest house ay namemorize ko na bawat sulok nito” dagdag pa nito.

Pinagbigyan nalang niya ito dahil kilala niya ang ugali nito. Ayaw nitong kaawaan siya. Pero naawa talaga siya sa kakambal kaya naman gusto niya talaga itong tulungan. Napabuntong hininga na lamang siya.

“What’s the prob bro?” tanong nito.

“Wala naman Dean. Maybe, I’m just tired! Galing pa ako sa Maynila” malungkot niyang sabi. Buti nalang ay hindi ito nakakita ngayon dahil alam niyang kukulitin siya nito.

“Aaaaa! Ganun ba?” pilit nitong pinasaya ang boses nito. “So anong problema mo? ‘Wag kang magdeny dahil kilala kita. Alam kong may dinadala kang problema. Kahit hindi ako nakakakita, ay ramdam ko” dagdag pa nito.

“I need to go back sa States Dean and we need to tell the truth to Danielle, Dean!” nasabi niya at huminga ng malalim bago tinungga ang baso na may lamang alak.

“No Kean!” tanggi nito. “I don’t want her to see me like this and I don’t want to see her hurt because of me” napalakas medyo ang boses nito.

“Mas masasaktan siya kung hindi pa natin sasabihin sa kanya!” paliwanag niya. “At ayokong mangyari iyon. I’m sorry but i broke up with her” pag-amin niya sa kakambal. Nakita niyang kinuyom nito ang mga kamao nito.

“Mas mabuti ngang maghiwalay nalang kami at kasusuklaman niya ako kaysa makita niyang ganito ang kalagayan ko. Ayoko maging pabigat sa kanya.” malungkot nitong sabi sa kanya.

“Alam mong makakakita ka pa Dean. May tsansang makakakita ka pa sabi ‘yan ng doctor mo.” aniya.

“I don’t want to hope Kean! Masasaktan lang ako, wala nang magdo-donate ng mga mata para sa akin” malungkot nitong sabi.

“Stop talking like that!” galit niyang sabi.

NAGISING si Dan sa ingay ng cellphone niya. Agad niyang kinapa ito dahil sigurado siyang may tumatawag sa kanya. Nang mahagilap niya iyon ay agad niyang pinindot ang yes button kahit hindi niya alam ang kung sino ang caller.

“Hello?” aniya habang humihikab.

“Hello Dan, I’m sorry for calling you so early” sabi sa kabilang linya. Nahimigan niya ang boses ni Sam. “Magkita tayo, I have something to tell you” sabi nito na may halong lungkot.

“Oh sure! What time and where?” aniya na excited. Nawala tuloy ang antok niya. Gusto na rin niya makita ang kaibigan. Ilang araw din niya itong hindi nakikita simula ng sembreak nila.

“Magkita tayo sa Power Plant, mga 10:30am” sagot nito.

“Oh sure!” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito sa kanya. “Are you ok Sam? May problema ka ba?” tanong niya.

“No, I’m ok! Basta, doon ko nalang sasabihin sa ‘yo lahat. O sige na bes’, may pupuntahan na muna ako. I’ll text you later!” paalam nito. Hindi na siya hinintay na sumagot pa dahil pinutol na nito ang tawag.

Agad siyang napatayo sa higaan niya at naligo. Napa-puzzle pa talaga siya sa sinabi ng kaibigan. Ano kaya ang ipagtatapat nito sa kanya? Wala namang nangyari kay Sam? Ito ang mga katanungang dapat niyang sagutin.

Pagkatapos ng kalahating oras na binyahe niya ay nakarating na rin siya sa Power Plant sa Makati. Mabuti nalang ay malapit lang ito sa condo niya. Gaya ng inaasahan ay nauna na si Sam sa pagdating. Agad niyang nilapitan ang kaibigan. Pagkatapos magbatian ay pumunta sila sa Starr bucks.

“Bes’, hindi sana ako ang magsasabi nito sa ‘yo pero hindi kaya ng mga kuya ko ang magtapat sa ‘yo. Natatakot silang magagalit ka sa kanila kung nalaman mo ang totoo” mahaba-habang umpisa nito.”Alam mong mahal na mahal ka ng kuya kong si Dean.”

“Teka bes’, hindi ko naintindihan ang mga sinabi mo. Anong sa mga kuya mo? Sinong sila?” naguguluhan niyang sagot. “At saka, I doubt it na mahal talaga ako ng kuya mo” malungkot niyang sabi.

“Alam kong hiniwalayan ka ni kuya pero kailangan niya lang ‘yon gawin. At hindi si kuya Dean ang humiwalay sa ‘yo kundi si kuya Kean” paliwanag nito. Naguguluhan at nagulat siya sa mga narinig. Hindi niya naiintindihan ang mga sinabi nito.

“Kuya Kean?” tanging natanong niya.

“Oo, si kuya Kean. Ang kakambal ni kuya Dean!” pag-amin nito.

Para namang nagimbal siya sa narinig. Si Dean may kakambal? At ang lalaking nakasama niya na minahal niya at sinaktan siya ay hindi si Dean kundi ang kakambal nitong si Kean? Parang tinusok ang kanyang puso ng maraming pako dahil sa sakit na nadarama niya ngayon. Niloloko pala siya ng magkambal. Ginawa siyang tanga. At hindi niya mapigilang mapaluha.

“Kailan pa ‘to?” galit niyang tanong.

“No’ng pumunta ng Amerika si kuya Dean!” nahihiya nitong sagot. “Hindi ko rin ito alam, nalaman ko lang ito noong pagkatapos kang ihatid ni Kuya Kean sa condo mo noong nalasing ka.”

“How could they do this to me Sam? Ano ba ang kasalanan ko sa kanila kung bakit nila ako niloko at pinagmukhang tanga? Mahal ako ni Dean ba ang sinabi mo kanina? Hindi ‘yon totoo” naiiyak niyang sabi sa kaibigan.

“Mahal na mahal ka ng kuya Dean ko Dan” sabi nito. Umiiyak na rin ito.

“No Sam, kahit kailan siguro hindi ako minahal ng kuya mo!” umiiling niyang sabi. “I’m sorry pero ‘yon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi niya ‘yon gagawin sa akin kung mahal niya ko.” Tatayo na sana siya para magwalk-out pero pinigilan siya ni Sam.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "My Only You – Chapter 9"

Post a Comment