SHARE THIS STORY

| More

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 9

(Calla)



Iilang bisita na lang ang naroroon. May ilang parehang nagsasayaw sa mabining tugtog ng biyulin. Kumunot ang noo ni Veronica nang makitang nasa bar si Elaiza. She looked totally confused at panay ang lagok nito mula sa shot glass.

“I’ll talk to your sister.” paalam niya kay Earl. Tumango ito at hinalikan siya bago ito lumapit sa grupong kausap ng Daddy nito.

Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Binali niya ang pangako sa sariling hinding-hindi na muling aasa kay Earl. At hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Masaya siya… Masayang-masaya… Ngunit hanggang kailan? Magagawa kaya siyang mahalin ni Earl kagaya ng pagmamahal niya rito?

Nang makalapit sa bar ay umupo siya sa tabi ni Elaiza. Tila hindi siya nito napansin. Nakatitig lang ito sa kawalan.

“That’s too much,” komento niya.

Nagulat itong napatingin sa kanya. Pagkuwa’y matamlay na ngumiti. “Yeah… too much.”

“Are you okay? Drunk already?”

Tiningnan siya nito. Pagkuwa’y nakagat ang pang-ibabang labi.

“Oh I wish I was drunk.” Napabuntong-hininga ito. “Have you been in love, Veronica?” malungkot na tanong nito. Nakatitig ito sa shot glass na hawak.

“Of course. I’m in love with your brother,” aniya. I love him so much.

“I mean, before him. First love, you know. Do you have any?”

“When I was sixteen,” she said like it just happened yesterday. “We all do, right?”

Bumuntong-hininga ito. Hindi niya alam kung saan patungo ang usapang iyon. Pero alam niyang may bumabagabag sa dalaga. Nang umorder ulit ito ng tequila, pinigilan niya ito. Hindi na ito nakipagtalo sa kanya.

“What happened then?” tanong nito sa kanya. Nilaro-laro pa rin ng daliri nito ang hawak na shot glass.

“I had to give him up.” aniya saka malungkot na ngumiti.

“Why?”

“To keep him safe.”

“I don’t understand…” kunot-noong sabi nito.

“I had to keep him away from Dad’s wrath.”

Tumango-tango ito. Tila nakuha agad ang ibig niyang sabihin. “Painful, right?”

“Very.” aniyang tumagos sa dibdib ang sakit pagkasabi niyon.

“I also had mine when I was sixteen.” kuwento nito saka napatingala at tila hindi nito alam kung iiyak o ngingiti.

“Where is he now?” tanong niya.

“Here,” sagot nitong itinuro ang dibdib. “I can’t get him off here,” nahihirapang sabi nito.

Ginagap niya ang palad niya at pinisil iyon. “I know the feeling, Elaiza.”

“Why does it have to hurt?” anito. “Why does this stupid feeling never cease to end?”

Hindi siya sumagot. Dahil mismo sa sarili niya, hindi niya alam. Why does it really have to hurt?

“Do you still think of him? Your first love?” tanong nito.

“Yes.” Every moment of every single day, gusto niyang idagdag.

Kumunot ang noo nito. “You still love him?”

Bumuntong-hininga siya. “I guess there are just things that doesn’t change.”

Biglang pumatak ang luha nito saka tinakpan nito ang mukha. “That’s so unfair… ” Nahabag siya’t niyakap ang dalaga.

“It is.” She sounded stupid. But well, she is.

“If you weren’t engaged with Kuya, would you marry your first love instead?” hilam ng luha ang matang tiningnan siya nito.

Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang tanong na iyon.

“Honestly?” aniyang tiningnan si Elaiza sa mga mata. “Yes.”

Lalong nag-uumalpas ang luha sa mga mata nito.

“Don’t get me wrong, Elaiza. I love your brother so much.”

“I know. I know… I can see it. But-” Pinahid nito ang luha sa pisngi. “It’s just so unfair. Why do we have to feel something so strong for someone we can’t be together with?”

Muli, wala siyang maisagot. She wants to blurt out, why do we have to love someone who can’t love us in return?

“Just let it out, Elaiza…”

“I don’t want to love him anymore,” anitong sumigok-sigok.

“Is that why you just kissed someone out of whim?” aniya nang maalalang may kahalikan ito kanina.

Matagal bago ito nakasagot.

“That’s okay, Elaiza.I’ve done it before, too.” konswelo niya.

Humugot ito ng hininga. “It was him, Veronica.”

Kumunot ang noo niyang tinitigan ang dalaga. That waiter? How come?

Humikbi ito. “I still can’t resist him.”

“You mean, the waiter?”aniyang tumindi ang pagkakakunot ng noo.

Ngumiti ito. “Yes. He’s actually the chef. And he works at the hotel.”

“How come was he here?”

“I don’t know. He said they ran out of staff kaya nagprisinta siya. I didn’t want to see him. Matagal ng tapos ang sa amin. I don’t know how it happened. I wasn’t even talking to him. But we ended up kissing. That was so stupid!–”

“Having fun, ladies?” anang pamilyar na tinig mula sa likuran.

Pareho silang napalingon. Nagtatanong ang mata ni Earl na napatingin sa kapatid.

“Cry baby, eh?”

She mouthed him ‘girl-talk’.

Niyakap nito ang kapatid.

“You drank too much, lil sis.”

“Let’s go home, Kuya.” anitong parang batang naghahanap ng masusulingan.

TULOG na si Elaiza pagdating ng bahay. Binuhat ito ni Earl papasok sa silid nito pagkuwa’y binihisan niya ng damit pantulog ang dalaga.

I wish I could help you, Elaiza… bulong niya. I wish I knew every answer to your questions. Because I’ve been searching for it for so long.

Hinalikan niya ang noo ng dalaga saka pinatay ang ilaw ng silid nito.

Paglabas niya’y naulinigan niyang may kausap ang asawa. Pumasok na siya sa silid. Kaagad siyang nagpalit ng damit saka sumampa sa kama. Sino kaya ang kausap ni Earl sa ganoong oras? Masyado bang importante? Kahit pilit niyang ipikit ang mga mata’y hindi siya makatulog. Nang bumukas ang pinto’y nagkunwari siyang tulog na. Bigla’y nag-ring ang cellphone nito. Dinig niya ang mahinang pagmura nito at sinagot iyon.

“Yes, yes,” pabulong na sabi nito saka naglakad papasok ng banyo. “I understand, Bianca. I’ll fix this.”

Bigla’y nanikip ang dibdib niya. So, it’s Bianca… Calling him at 2:30 in the morning? Ano’ng importanteng bagay ang dapat nilang pag-usapan na hindi pwedeng ipagpabukas pa? Was she jealous that he spent his night with his wife and not his mistress? Can’t Bianca give her this night? Kailangan ba talaga nitong ipaalala sa kanya na ito ang mahal ni Earl at hindi siya?

Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa pisngi pero hindi niya ibinuka ang mga mata. Pagkuwa’y humiga na si Earl sa tabi niya. Dinampian siya nito ng halik sa noo saka iniyakap nito ang isang kamay sa bewang niya.

Gusto niya itong itulak. Gusto niyang patunayan ditong makakaya niyang wala ito. Ngunit natagpuan niya ang sariling sumiksik sa katawan nito. Umaamot ng kahit konting pagmamahal. Lihim na humihiling na sana’y magawa siyang mahalin nito gaya ng pagmamahal niya rito.

I love you, Earl… I love you so so much… lihim na bulong ng puso niya bago siya iginupo ng sariling pagod.

NAGISING si Veronica sa masarap na amoy galing sa kusina. Napamulagat siya nang makitang alas-diyes na ng umaga. Kaagad siyang napabangon para lamang mapamaang sa isang pumpon ng rosas sa tabi niya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Kinikilig siyang di niya mawari. I hate you, Earl! sigaw ng isipan niya.

Kagabi lang, masama ang loob niya sa asawa. Nakakita lang siya ng bulaklak, parang nasa alapaap na siya. Where is her consistency about her emotions? Bakit ba ganito na lang ang epekto ni Earl sa kanya? When will the time come na hindi na siya maapaektuhan nito?

Dagli siyang nagbihis para puntahan ang asawa sa kusina. Binitbit niya ang bulaklak na nasa kama.

NAKAHANDA na ang mesa pagdating niya. Ngunit si Elaiza lang ang nandoon.

“Good morning!” masiglang bati niya kahit nakadama siya ng panghihinayang sa dibdib.

Ngumiti ito. Pero halata ang lungkot sa mga mata.

“Hang-over?” aniya.

“I wish. But don’t worry, Veronica. I’ll figure this out soon.”

“I’m just here. You know that, right?” aniyang pinisil ang balikat nito.

Tumango ito saka ngumiti. Pagkuwa’y lumiwanag ang mukha nang makita ang pulang rosas na hawak niya.

“Oh, that’s lovely!”

“Yeah, very.” Kumuha siya ng vase at inilagay ang mga iyon doon. “Where’s your brother? I just woke up with these.”

“Kuya could be really sweet. Do you know he never sent anyone flowers? Except you.. Oh well, you’re his wife. Silly me,” anitong pina-ikot ang mga mata. “But knowing Kuya, he lost his romantic side already, but I see it coming back now. How did you do it Veronica?”

Biglang nagflashback ang pangyayari sa nagdaang gabi. The very intimate moment she shared with Earl. Bigla’y nag-init ang sulok ng pisngi niya. Maybe that was what the flowers were for.

Nakita niya ang makahulugang ngiti ni Elaiza. “You don’t have to tell me in details.”

“Gusto mo ng kape?” aniya para matakpan ang pamumula ng pisngi.

“Sure,” anitong mas lalong lumuwang ang pagkakangiti.

Later in the afternoon, Elaiza packed her things. And by night, after they had dinner together, nagpaalam na ito. Lilipat na ito sa condo unit nito. Tumawag si Earl na gagabihin ng uwi dahil may kausap daw itong mahalagang kliyente.

Nakadama siya ng kahungkagan habang pinapanood ang papalayong sasakyan ni Elaiza. Tila kinakain siya ng lungkot nang pumasok sa tahimik na bahay. Nanood siya ng TV ngunit hindi siya makapag-concentrate. Nasaan ba si Earl? Sino ang kasama nito? Ano na ang mangyayari sa kanila ngayon?

Napatingin siya sa bulaklak na kaninang umaga lang ay nasa paanan ng kama niya. Now she knew what that were for… The first time she received flowers from him was after that fateful night when he made love to him and he shouted Bianca’s name. He knew that she was hurting. It was a peace offering. And now, he’s with Bianca again. He just made sure he had peace offering ready.

Oh, shut up, Veronica. Ano ba’ng karapatan niyang magselos? Ni mag-alala, wala.

Something intimate happened between them. Bagay na nangyayari lamang sa pagitan ng mag-asawa. But it doesn’t assure her anything. Earl doesn’t even love her. He might be attracted to her but he doesn’t love her. Because if he did, he would be beside her right now. He would be hugging her. He would be talking about their future. If he loves her, he wouldn’t let her be alone in the house worrying where he might be.

Nang sumapit ang hating-gabi’y nagpasya siyang pumasok na sa silid. Niyakap niya ang sariling unan at hinayaang kumawala ang luhang hindi na niya kayang pigilan.

Sumapit ang umaga. Napabalikwas ng bangon si Veronica pagtunog ng alarm clock niya. Napalingon kaagad siya sa tabi. Ni hindi niya magawang ngumiti para batiin ang araw. Naramdaman niya agad ang bigat na nakadarang sa dibdib.

He didn’t come home…

Matamlay siyang naligo’t nagbihis. Hindi na siya nag-agahan. Dumiretso na siya sa trabaho. Kung ilang beses siyang nakatitig sa cellphone, hindi niya alam. Nangangati ang kamay niyang tawagan ang asawa dahil hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib niya.

Kinuha niya iyon at dinial ang number ng asawa. Hindi pa man nag-ring ay pinindot na niya ang end button. Kaagad sumalsal ang tibok ng dibdib.

Nagulat siya ng mag-ring ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Earl ang tumatawag. Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib. Nanginginig ang kamay na dinampot niya ang cellphone at sinagot iyon.

“Are you okay?” kaagad na tanong ng kabilang linya.

Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang marinig ang tinig ng asawa. Can she tell him she’s missing him so much right now?

“Y-Yes. I’m alright. I’m–” Napabuntong-hininga siya. “I’m just a bit worried dahil hindi ka umuwi kagabi.”

“Oh, don’t be. I’m fine. I just have to do something really important.”

“Oh.. okay.”

Patlang.

“Veronica?”

“Yes?”

“I won’t be home for a couple of days. It’s something important.”

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

“It’s nothing serious, right?” nag-aalalang tanong niya.

Natahimik ito ng saglit.

“I’ll tell you about it when I come home.”

“O-okay.” pilit niyang sabi. But she’s not okay. Marami siyang gustong itanong ngunit mas nanaig sa sandaling iyon ang pag-aalala at lungkot na pakiwari niya’y hindi makakayang dalhin ng dibdib. “Just be safe,” dagdag niyang halos ayaw kumawala ng boses sa bibig niya. Paano ba niya sasabihing hindi niya alam kung papaano kakayanin ang pangungulila rito? Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Kahit ang pagbigkas ng salitang nararamdaman ng puso niya’y di niya magawa.

“I will be.” sagot nito.

Patlang ulit.

“We will talk when I come home,” anito.

Tumango siya kahit alam niyang hindi siya nito nakikita.

“If anything comes up, don’t hesitate to call, okay?”

“Yeah.”

“And–”

“Earl, I need you here,” boses babae iyon.

Lumatay ang sakit sa dibdib niya nang mapagsino ang boses na iyon.

“I’ll call you later.”

Hindi na siya nakasagot pa. Naputol na ang linya.

Niyakap niya ang sarili. She just heard Bianca’s voice. He’s with Bianca… Bianca needs him… Ano ba ang nangyayari? It is something serious. Something Earl doesn’t want to talk over the phone. Something that has to do with him and Bianca. What if… What if… Nasapo ng palad niya ang mukha kasabay noon ang pagbalong ng luha.

What if Bianca’s pregnant?

PANGATLONG araw na hindi umuwi si Earl sa bahay. He hated to admit it but hell, he misses his wife. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan niya ngayon. At hindi makabubuting palagi niyang naiisip ang asawa. He just needed to stay focused. Pagkatapos nito’y haharapin na niya si Veronica.

Nagdial siya ng numero sa opisina.

“Hello, Sir!” anang sekretarya niya.

“Lorrie, can you send flowers to my wife?”

“Sure, Sir. Consider it done.”

“Good. And put some sweet note.” He heard her chuckled. Pero agad ding naging pormal ang boses.

“No problem, Sir. Would that be all?”

“And tell my Dad to call me.”

“He told me to pass this message, Sir. He said No.”

Napabuntong-hininga siya.

“And also, Mr. Sandoval called and asked for the papers he should sign.”

Napabuga siya ng hininga. Maraming nakabinbing trabahong iniwan niya. At isa na roon ang biyenan niya. Tiyak pagagalitan siya ng ama kapag napabayaan niya iyon.

“It’s on the left side drawer of my table. The one with the gray folder. Can you send it to him?”

“Yes, Sir.”

“Thanks, Lorrie,” aniya saka pinindot ang end button. He will deal with business later. Ngayon ay kailangan muna niyang tutukan ang mas importanteng mga bagay.

NAGPAKA-ABALA si Veronica sa trabaho para pansamantalang makalimutan ang lahat ng bumabagabag sa isipan niya. Hindi niya kakayanin ang kahit isang minutong walang ginagawa dahil sinasalakay siya ng pangungulila at pangamba.

Bandang hapon ay nakatanggap siya ng isang dosenang puting mga rosas. Kahit papaano’y naibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Lalo na ng malaman niyang galing iyon kay Earl.

I’m missing you, honey. I’ll be home soon… Love, Earl

Kinuha niya ang card na iyon at inilapat sa labi. Alam niyang hindi si Earl ang may sulat noon… But somehow, she wished he did. She always pretend that he did.

Pagsapit ng gabi ay mag-isa na naman siya sa silid. Niyakap niya ng mahigpit ang unan ng asawa at doon ibinaon ang ulo at impit na umiyak. Papaano ba niya makokontrol ang sariling damdamin? Papaano ba niyang maibsan ng kahit konti ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya?

Biglang nag-ring ang cellphone. Ang Daddy niya.

Kinalma niya muna ang sarili bago sinagot iyon. “Hello, Dad?”

“Ma’am! Ma’am Veronica!” anang boses sa kabilang linya.

“Manang Nelia?” kinabahan siya agad nang mahimigan ang takot sa boses nito.

“Ma’am, inatake po ng puso si Sir! Nasa ambulansya po kami ngayon!”
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 9"

Post a Comment