SHARE THIS STORY

| More

My Only You – Chapter 10

(Kaven)





“KUYA DEAN is blind. Naaksidente siya sa Amerika!”

“What?!” nagimbal na naman siya sa pag-amin ni Sam.

“Kaya niya pinauwi si kuya Kean at magkunwaring siya sa harapan mo at sa amin, para maalagaan ka. He still think of you kahit bulag siya. Hindi naman makatanggi si Kuya Kean dahil nga mahal niya ang kakambal. Hindi niya pinaalam sa ‘yo instead, dahil ayaw niyang nakikita kang nasasaktan dahil sa kalagayan niya at baka mag-iba ang pagtingin mo sa kanya” paliwanag nito.

“Kung mahal niya ako, hindi niya ko lolokohin Sam. Maiintindahan ko at matatanggap ang kalagayan niya dahil mahal na mahal ko siya. Pero sa ginawa niyang ito, hindi ko alam kung maiintindihan ko siya” aniya habang hilam ang mga mata niya ng mga luha. “Hanggang kailan nila ako gagawing tanga?” panunumbat niya.

“Dan” mahinahong sambit ni Sam. “Patawarin mo na ang mga kuya ko.”

Hindi siya makapagsalita dahil sa nalaman. Kaya pala parang may iba sa ikinikilos ni Dean ay dahil si Kean pala iyon. Para siyang binagsakan ng langit dahil nalaman niya ng tungkol sa nangyari kay Dean na itinatago nito sa kanya. Muli ay dumaloy na naman ang mga luha niya sa pisngi. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ‘yon kay Dean at inihilim pa sa kanya at niloko.

“Bes’, patawarin mo na si kuya Dean, please?” pagsusumamo nito sa kanya. “Patawarin mo na rin si kuya Kean dahil sa ginawa niya. Magtatapat na sana siya sa ‘yo bago siya pumunta ng Amerika pero naduwag siya.” dagdag pa nito at tuluyan na itong humahagulgol.

“Ewan ko Sam. Hindi ko alam ang isasagot ko. All this time, pinagmukha nila akong tanga!” may halong galit niyang sabi habang hilam pa rin ang mga mata ng luha niya. “I’m sorry Sam pero hindi ko pa maibibigay ang hinihingi mong kapatawaran on behalf of your brothers.” Iyon lang at tumayo na siya at pagkatapos ay mabilis siyang lumayo sa kaibigan. Iniwan niya itong lumuluha rin. Hindi niya gustong iwan ito pero kailangan niyang mapag-isa at alam niyang naiintindihan siya ni Sam.

ILANG araw na siyang walang tulog mula no’ng magkausap sila ni Sam. Inaamin niyang nagalit siya dahil niloko siya at pinagmukhang tanga ng magkambal. Ngunit nabawasan ‘yon dahil mahal niya si Dean. Handa na sana niyang patawarin ito kapag humingi ito ng kapatawaran pero naghihintay lang siya sa wala. Hindi man lang ito nag-effort na tawagan siya para magsorry.

One year later…

“Kumusta na pakiramdam mo hijo?” pilit ang ngiting sumilay sa mga labi ng ina.

“Heto, nanghihina but I’m ok. Don’t worry too much mom” ngumiti na rin siya. “By the way, where’s Dean and Sam?”

“Ando’n pa sa bahay. Maya-maya ay darating na rin ang mga ‘yon” anito at kumuha ng pagkain. Pagkabalik nito sa may higaan niya ay kinuha niya ang isang envelope at binigay niya sa ina. “Ano ito Kean?” takang tanong nito.

“Please give it to Danielle mom. Give it to her after my..” may pait sa kanyang ngiti bago niya pinagpatuloy ang sasabihin. “..my death.”

“No baby, don’t say that” maluha-luhang sabi ng mommy niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol sa kalagayan niya. At alam niyang hindi pa rin nito natatanggap ang kalagayan niya. At doon siya nasasaktan ng husto.

Dumating sila Dean at Sam pagkatapos ng ilang sandali. Gaya ng inaasahan ay may iyakan pero pilit nilang natatanggap ang kalagayan niya. Ni minsan ay hindi sila kumukwestyon sa Maykapal.

Naging mahirap sa kanya ang bawat araw. Naging masumpungin ang kanyang sakit. Ok lang sa kanya kung siya ang nasasaktan pero kapag nakikita niyang nasasaktan din ang mga mahal niya sa buhay ay mas dodoble pa. Ilang buwan nalang ang kanyang hinihintay.

KNOCK KNOCK KNOCK

Tatlong katok ang nagpabalikwas sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng inis dahil kasasabi lang niya sa sekretarya niya na ayaw niyang padidisturbo. Hindi siya nag-angat ng ulo at nakatutok pa rin sa mga mga papeles. Ni hindi siya sumagot. Biglang narinig niya ang pagbukas ng pinto.

“Martha, I’ve told you not to disturb me” pagalit niyang sabi habang nakatutok pa rin sa mga papel na hawak.

” Hello, Engr. Rodriguez” bati sa kanya ng isang pamilyar na boses. Para makilala ang may-ari ng boses ay nag-angat siya ng ulo. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. “Looks like you’ve working so hard!” nakangiti nitong dagdag.

“Sam?” hindi makapaniwalang bulalas niya. At nilapitan siya nito at niyakap.

“Over ka ‘bes ha! Para kang nakakita ng multo” natatawa nitong sabi.

“No ‘bes, mas lalo kang gumanda. Muntik ng hindi kita makilala ah!” natatawa na rin siya. “Kailan pa ka… I mean, kailan ka pa dumating?”

Tumawa ito ng malakas dahil sa pagkamali niya. “Last week pa. Ikaw nga d’yan eh, ibang-iba ka na manamit! Glamorous and sophisticated kahit puro trabaho ang ginagawa mo!”

“I have to ‘bes. Ito na ang buhay ko simula ng nagmigrate kayo sa Amerika” may halong lungkot sa boses niya ng masabi niya ‘yon.

“Anyway ‘bes, night out tayo mamaya ha, sa dati nating tagpuan and I don’t take for a no answer” bago siya makasagot ay inunahan na siya nito. Sabagay, she needs a break. Matagal na rin siyang hindi nakapagnight-out. “Well, hindi na ‘ko magtatagal, magkita nalang tayo mamaya” sabi nito sabay tayo. Tumayo na rin siya para hagkan ang kaibigan.

Gusto pa sana niyang kumustahin ang kaibigan, alam kasi niya ang tungkol sa pagkamatay ni Kean. Labis siyang nasaktan sa pagkawala ni Kean. Kahit medyo nagalit siya dahil sa pagpapanggap nito bilang si Dean ay kahit minsan ay minahal niya ito. Napatawad na niya ito noon pa. Aside that, gusto rin niyang malaman kung saan na si Dean pero nagdalawang-isip siya.

Maaga siyang lumabas ng opisina ng araw na ‘yon. Pagkalabas niya ay nanibago siya. Nasanay na kasi siyang gabi na kung umuwi dahil sa kaka OT niya. Her boss saw her and he smile and nod at alam niya kung bakit. Sabi nga ng boss niya noong nadatnan siya nitong nasa opisina pa siya kahit gabing-gabi na, ‘get a life Danielle, you need a break. Hindi lang puro trabaho ang ginagwa mo. Enjoy your life and enjoy your being young’.

Bago siya umuwi ay dumaan muna sa parlor para magpahot oil at magpaganda. Ewan ba niya kung bakit siya nagpaganda pero naisip lang niya ‘yon. Bigla siyang kinabahan nang maalala niyang baka nando’n si Dean. Hindi siya handa sa muling paghaharap nilang dalawa. Bahala na.

Matapos siyang magpaparlor ay umuwi siya agad sa condo niya. At nang makauwi ay nagbihis siya agad. She wears sparkly top that adds interest to the look and tucked it into her favorite All Saints bubble skirt, belted high on her waist and a 4 inch black high heels. And finished it all off with a green clutch that adds a pop of color and some dark metal jewelry for a little bit of a rocker edge. After watching herself at the mirror, she smiles and then she moves out of her condo.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na siya sa lugar kung saan magkikita sila. Nagdalawang-isip pa siyang lumabas sa kotse niya, parang biglang nawala ang self confidence. Pero wala ng urungan, kaya huminga muna siya ng malalim at pinatay ang engine at lumabas ng kotse.

“Dan?” tawag sa kanya at napalingon siya agad. It’s Jacob!

“Kuya Jacob?” bulalas niya at ngumiti. “Nandito ka rin? Long time no see!”

“Wow! You look more beautiful Dan!” paghanga nito. Hindi sinagot ang tanong niya.

“Thank you” nahihiya niyang sabi. “Ahem, don’t look at me like that kuya baka matutunaw ako niyan” biro niya rito.

Natawa ito, “oh sorry!, I can’t help myself to admire you, you really look good in your outfit. Well?” anito sabay lahad ng kanang braso nito hudyat para ikapit niya ang kamay niya. “It’s getting cold here at baka tayo nalang ang hinihintay nila.”

“Ok” natatawa niyang sabi.

Hindi siya makapaniwala dahil muli silang nagsama-samang magkakabarkada sina Jacob, Sherwin, Jonas, Robert, Cathy, Nicole and Sam. Nagkumustahan sila at puro puri naman ang mga ito sa kanya. Medyo nanghinayang siya dahil wala si Dean, ngunit hindi niya ipinahalata sa mga kaibigan.

“Dan, may hinahanap ka ba?” untag ni Sam na nangingiti.

“Huh? Ah-eh, wala” nauutal niyang sagot at ngumiti para takpan ang pagkahiya.

“Ah ok. You know what ‘bes? I really missed you” sensirong sabi nito at niyakap siya.

“Me too ‘bes. Hindi ako nasanay na hindi kita nakikita” siya rin.

“Hmmm, you look sad ‘bes, cheer up! Just enjoy the night but ‘wag ka nang iinom ng tequilla baka kung ano na naman ang gawin mo” ngumiti siya nang maalala ang nangyari noon. “Anyway, may isang taong dadating pa mamaya” makahulugan nitong sabi sa kanya at ngumiti.

“CR muna ‘ko ‘bes” paalam niya para hindi siya mahalata. Tango lang ang sagot nito at dali-dali siyang pumunta ng banyo.

Para siyang hindi mapakali ng sabihin iyon ni Sam. Alam niya kung sino ang dadating at sobrang kaba ang naramdaman niya na may halong excitement.

‘Ano na kaya ang hitsura niya? Ito pa rin ba ang dating Dean na minahal niya at mahal siya? Mahal pa ba siya nito o baka may iba na ito?’ naisip niya.

“He’s getting married?” nadatnan niyang tanong mula kay Sherwin.

“Yeah! At invited kayong lahat. Well, siya nalang ang magsasabi sa inyo dahil ang alam ko, mga abay niya kayo” nangingiting sabi ni Sam at tumingin sa kanya. “Oh, heto dumating na pala siya. Speaking of the devil.” Ang lahat ay nakatitig sa parating na si Dean.

Si Dean? Si Dean ay ikakasal na? Kanino? At nakita niya ang kasagutan. Isang sopistikada at magandang babae ang kasama ni Dean na parating sa mesa nila. Nakakapit ito sa braso ng binata at ubod nang tamis sa ngiti na sumilay sa mga labi nito at ganito rin si Dean.

Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso niya sa nakita at nalaman. Her heart beats abnormally na parang hindi na siya makahinga. All this time ay umasa siya pero ito pala ang ang napala niya.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. Ayaw niyang mahalata ng mga ito na apektado siya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga ito. She’s done crying every night at nakamove on na siya pero bakit masakit pa rin. Dahil ba sa umasa siya?

At nang makalapit ang mga ito, nagtama ang mga mata nila. Hindi niya sigurado pero nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang makita siya nito o dahil inlove ito at ikakasal na? And it hurts more dahil alam niyang ang huli ang dahilan.

Ano kaya ang magiging ending ng kwento nina Dean at Kean?

Abangan ang huling kabanata ng My Only You .

Sana magustuhan niyo… Lav yah!! :)
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "My Only You – Chapter 10"

Post a Comment