SHARE THIS STORY

| More

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 11

(Calla)



NANG mahimasmasan si Veronica’y lumabas na siya ng silid na iyon. Nagpasalamat siya ulit sa babaeng naroroon.

Napaatras siya bigla nang mapagsino ang makakasalubong. At huli na para umiwas.

“Veronica.” tawag nito at nagmamadaling tinungo ang kinaroroonan niya.

Gusto niyang tumakbo palayo ngunit pinili niyang harapin ito. Alam niyang hindi na siya iiyak pa dahil nasaid na ang lahat ng luha.

Nakabukas ang palad nito, tila handang yakapin siya.

“Just stay where you are, Earl.”

Natigil ang paghakbang nito.

“Veronica, I didn’t-”

“I know. And I don’t really care,” aniyang hindi halos makapaniwala kung saan niya hinuhugot ang lakas para manatiling makatayo kausap ito. “But that doesn’t mean I can forgive you.”

Akmang lalapit ito sa kanya at hahawakan siya kaya mabilis siyang napaatras.

“Don’t you come near me.” mariing sabi niya. One more step and she knew, she’ll breakdown. At hindi na niya hahayaang mangyari iyon.

“Veronica…” anitong nanginginig ang labi. “Forgive me. Please–”

“Hindi na natin kailangang magpanggap, Earl. Save your sorry. I don’t need it. Mas mabuti na nga sigurong nangyari ‘to. Dahil hindi naman talaga natin kailangan ang isa’t isa, di ba?” Mabilis niyang pinahid ang luhang pumatak sa mga mata niya. Akala ba niya naiiyak na niya lahat kanina? Ba’t ba di magawang maubos-ubos ang luha niya?

“Babalik na ako sa taas. I’d really appreciate it if you leave… At huwag ka ng mag-abalang bumisita pa. Just stay as far as you can. Because honestly, I don’t want to see you again.” Tumalikod na siya bago pa man ito makapagsalita at mabilis na naglakad palayo rito. Hinayaan niyang kumawala ang kanina pa tinitimping hagulhol. The most painful part of loving is not being loved in return… but giving up someone you have loved for so long. And she’s doing it. She’s giving up… She has finally giving up on Earl. She felt like she needed a heart surgery right now because she felt its broken pieces breaking again.

WALANG nagawa si Earl kundi ang umalis. Bumalik siya sa ospital na kinaroroonan ng ina dala ang matinding sakit na hindi niya alam kung saan nagmumula. Tila lahat ng parte ng katawan niya masakit.

It has been a long time since he experienced this kind of pain. It felt twice as painful as he felt ten years ago nang iwanan siya ni Veronica. She said the same thing–she doesn’t want to see him again.

And why does he feel pain? Because just three days ago, he admitted to himself one certain truth that he’s been denying all the time. He still loves Veronica. Truth is, he never stopped loving her. He just wanted to hate her. And now, things are getting worse. Veronica hates him. The woman he loves is hating him so much. And he had no one but himself to blame.



“HOW did it go?”

Itinago niya ang mukha kay Bianca.

“Too bad, huh?”

“I just could not believe I am still capable of hurting.”

“You’re still human, Earl. How could you think like that?”

“How’s Mom? How’s Dad?” pag-iiba niya ng usapan.

“Your Mom still shows no sign of improvement, Earl. And your Dad..” Napabuntong-hininga ito. “You are so wrong about him.”

Kumunot ang noo niya.

Parang kailan lang nang dinala niya ang Mommy niya kay Bianca. The best psychiatrist in town. Her Mom had an accident on the way to the airport dalawang taon na ang nakakaraan. Sabi ng doktor na sumuri dito’y, walang kahit na anong major damages sa ina niya. Ngunit hindi ito nagsasalita at parati itong nakatulala. Ipinasya niyang patingnan ito kay Bianca. She was an old friend. They went to the same university. Kaya alam nito halos lahat ng problema nilang mag-ina.

Sinunod niya ang payo nito, nag-hire siya ng private nurse para sa ina at araw-araw niya itong dinadalaw. Kinakausap, kagaya ng dati. Palagi niya itong ipinapasyal. Ngunit walang anumang nangyayari dito. Parang nawala lang ng parang bula ang Mommy niya. She looked like a living doll. Humihinga, kumakain, dumudumi. Ngunit walang kahit na anong buhay sa mga mata nito. Tinangka niyang humiling ng tulong mula sa Daddy niya. Gusto niyang maka-usap ito ng Mommy niya. Baka sakaling magsalita ito kapag nakita ang Daddy niya. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng ama. Paulit-ulit niyang kinausap ang ama, hanggang sa nagsawa na siya.

She showed improvements last month. Nakakapagsalita ito ulit. At lumalakad ng kusa. Ngunit hindi siya kilala nito. Kaya parati siyang hindi umuuwi ng bahay, nagbabakasakaling makilala siya ng ina kapag palagi silang magkasama. Ngunit nang makaraang isang linggo, aksidenteng nadulas ito sa banyo at nauntog ang ulo.

Since then, she was in coma. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Paulit-ulit niyang kinausap ang Daddy niya ngunit wala itong panahong makinig kung tungkol lang din sa ina niya ang pag-uusapan.

And now, Bianca is telling him he’s wrong about his father. He doesn’t care about his mom. That was clear enough for him. And he hated him for that.

“You better talk to him.”ani Bianca.

Tumango lang siya at tinungo ang silid ng ina.

HUMUGOT siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng silid. Nakita niyang hawak-hawak ng Daddy niya ang kamay ng Mommy niya. Panatag ang mukha ng Mommy niya. Para lang itong natutulog. Kailan kaya ito magigising?

Inilagay niya ang kamay sa balikat ng ama at pinisil iyon. Saka lumapit sa ina at hinalikan ang noo nito.

“Hi, Mom. May manliligaw ka yata. Care to wake up?” aniya.

Nang mapatingin siya sa ama’y tila pasan nito ang mundo. Hindi na niya ito hinintay na magsalita. Lumabas na siya ng silid. Sumunod ito sa kanya.

“Hindi ako makapaniwalang nagawa mong itago ito sa akin, Simon.” anang Daddy niya. Halata ang pagtitimpi nito ng emosyon. “Kung hindi pa ako nagpunta rito, hindi ko malalaman. When do you plan telling this to me? Kapag wala na ang Mommy mo?”

“I’m sorry, Dad. I thought you wouldn’t care. I know you hate her. Wala kang pakialam sa kahit na anong mangyari sa kanya, di ba?” kibit-balikat niyang sagot.

“Dahil iyon ang gusto niya! She asked me to let her live her life alone.”

“It was because you caused her so much pain! I don’t know what you did before Dad but I know you hurt her! So much that she chose to leave you. So much that until now, she chose not to live her life! She isn’t fighting to live, Dad. I’m the only one fighting for her!” Pinigilan niya ang paggaralgal ng tinig at marahas na pinahid ang mata. “Did you ever love her? Did you ever care about her?”

Nakita niya ang pagtaas-baba ng dibdib ng ama at ang panginginig ng labi nito.

“That was the same question she asked me the day we got married.”

Nakikita niya ang hapdi sa mga mata ng ama. Ngunit hindi niya mapigilan ang galit ditoNakuyom niya ng mahigpit ang kamao. How could he still respect this man who is hurting his mom?

“And she never stopped asking,” patuloy nito. “I tried everything to show how much I love her. Umaasa akong darating ang araw na hindi na niya muling itatanong iyon dahil nararamdaman na niya kung gaano ko siya kamahal. But none of those she seemed to notice. She had always been jealous with Rosemary that she never believed in me.”

“Rosemary?” kunot-noong tanong niya. Unti-unting humupa ang galit na nararamdaman niya sa ama sa sinabi nito.

“Veronica’s mother,” sagot nito. “Siya ang babaing una kong minahal at akala ko’y huli kong mamahalin.”

Lalong tumindi ang pagkakakunot-noo niya. His Dad and Veronica’s mom? How come? Tila nabasa ng ama ang iniisip niya’t nagpatuloy ito.

“Rosemary was my first love . Nagkahiwalay kami dahil ipinagkasundo siya ng mga magulang niya kay Federico. Tinangka kong itakas siya ngunit ayaw ni Rosemary na bigyan ng sama ng loob ang mga magulang niya. At ang masakit, napamahal na sa kanya si Federico sa loob lamang ng konting panahon na magkasama sila.”

“Tinanggap ko ang desisyon niya kahit nasasaktan ako. Your mom was there for me. She cheered me up, brought me back to life. Hanggang sa mabuntis ko siya. I proposed to her because I knew that I love her. Noong una’y ayaw niya. Dahil ayaw niyang pakasalan ko siya dahil lamang sa ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Ngunit kalauna’y napapayag ko na rin siya. I tried to show her everyday how much I loved her ngunit hindi iyon sapat para mawala ang alalahanin niya sa dibdib. Mas lalo siyang naalarma nang malamang ipinagkasundo ka namin sa unang anak na babae nina Federico at Rosemary. Kung pwede ko lang bawiin ang kasunduan iyon, gagawin ko. But it was a wish Rosemary asked before she died, how could I say no?”

“Kahit ilang beses kong sabihing tapos na ang kabanata namin ni Rosemary, hindi siya naniwala. Isang araw, nagising akong wala na siya. She just left me and she took you with her. Walang sulat, wala na kahit ano.”

“Hinanap ko kayo. I hired the best detectives but they found nothing. Still, I never stopped searching for the two of you. Then Helena came. Pinunan niya ang pangungulilang nadarama ko sa pagkawala ninyo. It had been six years of agony. But Helena showed me the bright side of life. She convinced me to live again. Pinakasalan ko siya. Nabuo namin si Elaiza. Ngunit patuloy pa rin akong umaasang isang araw ay matatagpuan ko kayo. Until time came that your mom decided to see me… It was the first time I saw you.” nagsimulang gumaralgal ang tinig nito.

Napapikit ng mariin si Earl. Humapdi ang gilid ng mga mata. Naalala niya ang araw ng unang pagtatagpo nila ng ama. He felt painfully happy. Dahil sa kabila ng pagkasuklam na naramdaman niya para dito, naroroon pa rin ang bahagi ng pagkatao niyang nangungulila sa kalinga ng isang ama.

“I wasn’t prepared for that. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ko?” anitong napabuga ng hininga. “Inilayo ka niya sa akin. Tinanggalan niya ako ng karapatang maging ama sa’yo at maging asawa sa kanya. Galit ako sa ginawa ng Mommy mo pero hindi ko kailanman maitatangging mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Galit ako subalit hindi ko maikakailang ganoon pa rin kasidhi ang pangarap kong mabuo ang pamilyang sinimulan namin noon. ”

“When Helena decided to set me free, I tried to talk to your Mom. Ngunit ayaw niya. She said she didn’t care anymore. She just made me promise not to bother her again because she’d rather die than be with me again.”

“Do I still love your Mom? Hell, yes! I was waiting for that day that she would come to me and ask if we can start over again. Kahit na alam kong imposible. I was always waiting. But she never came to me. ”

“Dad,” aniyang tila may bara sa lalamunan. “What took you so long to say this to me?”

Nagkibit-balikat ito. “I’m old, Son. And tired. I quit saying things. I only showed my love in the best way I can. Because I’ve been living my life trying to prove my love to your Mom, to you, to your sister, even to Helena. Bakit ba parating kulang? Bakit, b-bakit,” tuluyang gumaralgal ang boses nito. “Bakit ba kahit kailan hindi naging sapat ang pagmamahal na ibinigay ko sa inyo?”

Niyakap niya ng mahigpit ang ama. Kinakain ng guilt ang dibdib niya.

“I’m so sorry, Dad. I’m really sorry.” Lumapit siya sa ama at mahigpit na niyakap ito. He felt like that boy before. Distressed, depressed and delinquent. And just like before, he found the strength within him when he felt his father’s arms around him. Only this time, he isn’t crying… his father is.

WAKE UP, Dad… Please… samo niya habang nakatitig sa natutulog na ama. Wala siyang tulog sa nakaraang beinte kuwatro oras. Palagi siyang umaasang magigising na ang Daddy niya.

Hinawakan niya ang kamay nito.

“You know I’m always right here, right? Hindi ko kayo iiwan, Dad. Hindi ako papayag na iwanan n’yo ko.” aniyang di napigilan ang pagpatak ng luha. “Hinding-hindi.”

Bigla siyang nagulat nang maramdaman ang marahang pagpisil nito sa kamay niya. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha nito.

“D-Dad?” aniyang hindi magawang tumigil ang pagdaloy ng luha nang unti-unting bumuka ang mga mata nito.

“Doc! He’s waking up!”

MAG-IISANG buwan na simula nang makalabas sila sa ospital. Iginugol ni Veronica ang lahat ng oras sa pag-aaruga sa ama. Pansamantala niyang ipinamahala ang boutique sa assistant niya. Mas minabuti niyang dalhin ito sa resthouse nila sa Tagaytay kung saan malapit sila sa baybayin.

“This is a lovely place.”aniya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw mula sa baybayin. Tulak-tulak niya ang wheelchair ng ama. Bagama’t kaya na nito ang sarili’y ayaw niyang mapagod ito. Hindi pa tuluyang magaling ang sugat mula sa pagkaka-opera nito.

“Aren’t we going back yet?” anang ama.

“Dad.” aniya sa nagbabantang tono.

“Yes, Veronica, this is a lovely place. In fact, it brought back a lot of happy memories which made me heal faster. That’s why we need to get back home as soon as possible.”

“Dad, you are not totally healed, okay? Sabi ni Dr. Dominguez, kailangan mong magpahinga ng husto dahil maselan pa ang kalagayan n’yo ngayon. Hindi kayo pwedeng magpagod, hindi kayo pwedeng magpuyat, in short, bawal ang stress.”

“Yeah, I know that. But we need to get home now. We need to settle things.”

“Dad, let’s settle things when you’re totally healed, okay?” aniyang parang nakikipag-usap sa bata. “Huwag na muna natin isipin ang kumpanya.”

“You know I didn’t mean the company. My heart is gonna be okay but I’m worried about yours. How about we settle things first and heal together?”

Napipilan siya sa sinabi nito. Ni wala siyang maapuhap na salita. Kahit ‘ha’ o ‘ho’ man lang. Wala.

“Kailangan mong maka-usap ang asawa mo.”

Gumuhit ang pait sa dibdib niya nang maalala ang asawa.

“It’s-” lumunok siya nang tila may bumara sa lalamunan. “It’s over, Dad. There’s nothing to talk about. Please, just… j-just don’t think about it. I’m fine.”

“It isn’t over yet. And you’re not fine. Kailangan mong makausap si Earl. At hindi mo ako mapapaniwala sa ‘I’m fine’ mo unless I stop hearing you cry at night.”

“I never cried.”

“You can’t lie to me, Veronica, you know that.”

Saka lang niya nahimigan ang pagiging kalmado nito. Hindi ba’t si Earl ang dahilan kung bakit ito inatake sa puso?

“Y-You’re not mad at him?” nagugulimihan niyang tanong.

“I was. But after he explained himself-”

“Wait, Dad, he explained himself?” aniyang tumaas ang boses. Mahigpit niyang pinagbawalan si Earl na makalapit sa ama dahil sa maselang kundisyon nito.

“Sshh… there’s no need to get mad. Binibisita niya ako sa tuwing wala ka. At first, I thought I would have another heart attack but he was persistent. I tried not to listen to him but, I did not have a choice.”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nakikinita niya ang itsura ni Earl habang nagpupumilit na maka-usap ang Daddy niya.

“What made you think that I should talk to him Dad? Siguro, narinig mo na mismo sa bibig niya kung bakit niya ako pinakasalan. Siguro-”

“I never knew he was your first love.” anitong malungkot na napa-iling-iling. “I shouldn’t have done those things. I shouldn’t have…” Humugot ito ng malalim na hininga.

Memories flashed. Kung papaano nalaman ng Daddy niya ang pakikipag-relasyon niya sa kabila ng mahigpit na pagbabawal nito. Kung papaanong kinailangan niyang saktan si Earl at iwanan dahil sa utos ng ama. Kung papaano niya iniyakan ang bawat gabi dahil sa pangungulila rito… Naroroon pa rin ang sugat sa puso. Ngunit matagal nang naghilom iyon. At sa ibabaw niyon ay panibagong sugat na hindi niya alam kung kailan maghihilom.

Ginagap niya agad ang kamay ng ama. “Dad, it’s okay. It’s all past. Let’s leave them behind.”

“Mahal mo pa ba siya, hija?”

Mabilis niyang pinahid ang luhang pumatak sa pisngi niya.

“I don’t want to.” aniyang pinigilan ang mapahikbi. “Mas makabubuti na ang ganito, Dad. I have to move on with my life. I need to get my life back. And it means moving on without him.”

Nakaka-unawang tumango ang ama at ginagap ang palad niya. “I’m just here, Veronica.”

Niyakap niya ang ama. Matagal silang hindi umimik. Tahimik na pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid at pinakinggang ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan.

“Dad?” untag niya.

“Yeah?”

“Will it be okay for you if we go back to the States?”

Hindi ito nakapagsalita.

“Maybe we’ll have a better life there.”

“Are you sure, hija?”

Napabuntong-hininga siya. “We can try, right?”

Ginagap nito ang palad niya. “I’ll support you hija, no matter what.”
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 11"

Post a Comment