(Pangarap_ko)
Matuling lumipas ang mga taon ngayon ngayon ay tatlong taon na ang kanyang kambal na magkamukhang magkamukha at habang lumalaki ang mga ito ay lalong nakakamukha ni Tyler ang kanyang si Tyler na mula ng may mangyari sa kanila ay wala na siyang narinig pang balita mula dito.
Si Natasha ay lumalaking napakaganda at napakatalino masayahin itong bata at napakadaldal habang si Nathaniel naman ay lumalaki ring super guwapo at matalino kabaliktaran ni Natasha madalang magsalita si Nathaniel at nangi-ngilala ito hindi basta basta nakikipagusap kung kanino mahilig din itong maglaro magisa at kamukhang kamukha ng ama.
Ang nakuha lang sa kanya ng mga ito ay mga mata niyang mabibilog at ang kulutan niyang buhok halos lahat ay kay Tyler na.
“Mommy can we go to school na?” ang tanong ni Natasha na bagamat tatlong taon pa lang ay magaling ng magsalita ang kanyang kambal.
“But your not four years old yet baby” ang sabi niya naman sa anak habang kumakain sila ng gabihan
“But me and Nathan want to go school na talaga mommy” ang sabi pa nito
“Natasha diba si Mommy naman ang teacher ninyo ? Don’t you want me to teach you anymore?” mula ng magidad kasi ang mga ito ng dalawang taon ay tinuturuan na niya ang mga anak ng mga itinuturo sa nursery dalawang taon pa lang ang mga kambal ay marunong na silang bumilang at mag abc
“Kasi gusto daw ni Natasha mommy ng mga kalarong kids” ang sabi naman ni Nathaniel
“Why may mga friends naman kayo ditto diba?” ang masuyo niyang tanong sa mga ito
“We don’t like them mommy kasi there mean” ang sumbong ni Natasha na sinangayunan ni Nathaniel sa pamamagitan ng pagtango
“Don’t say that baby their not mean” ang saway niya sa anak
“Lagi nila kaming tinutukso ang sabi nila mga bata raw kaming walang daddy” ang naiiyak na sabi nito sa kanya
“That’s not true baby may daddy kayo nagwowork lang” ang sabi na lang niya sa mga anak
“Then why don’t he visit us mommy? Ayaw niya ba sa amin?” ang inosente nitong tanong
“Ofcourse not sweetheart daddy love you both very much” ang naiiyak na rin niyang sagot sa mga ito dahil naaawa siya sa mga anak
“How about you Nathan do you want to go school na?” ang pagiiba niya ng usapan para di mahalata ng mga ito ang lungkot
“Yes mommy but its ok if you don’t want yet” ang mahina nitong sagot sa kanya
“He wants mommy sabi nga niya sa akin gusto daw niya ng may kalarong ibang kids” ang pilyang sagot ni Natasha na nalimutan na ang kalungkutan dahil sa wala itong tatay.
“Ok sige sa pasukan ienroll ko kayo ok?” pangako niya sa mga anak
“Talaga mommy? Yeheyyyyyyyyy ang bait talaga ng mommy” at hinalikan pa siya ng sabay ng kambal.
Ang kanyang kambal ang kanyang kaligayahan kaya kung kaya din lang niyang ibigay ang lahat ng gusto ng mga ito ay gagawin niya basta mapasaya niya lang ang mga anak dahil ang mga ito lang ang kanyang ala-ala mula sa nagiisang lalaking minahal niya ngunit isang bagay lang ang di niya kayang ibigay sa mga ito yon ang mismong ama ng mga ito.
Maaga siyang nagising dahil pupunta siya ng manila para dalhin ang kanyang nobela dahil malapit na ang bayaran niya ng bahay at nangako din siya sa kambal na isasama niya ang mga ito.
Dahil ngayon din ang araw ng kanyang birthday 22 years old na siya at gusto niyang ipagdiwang ito kasama ang kanyang kambal.
Nagsalang muna siya ng tubig saka Nagpunta sa banyo pagkatapos maligo ay ginising si Alicia para makaligo na rin ito saka niya ipinirito ang hotdog at itlog pagkaluto ay isinangag na niya ang kanin.
Pagkaluto ng almusal ay tinimplahan niya ng gatas si Natasha at chocolate kay Nathan saka niya ginising ang mga ito at sabay sabay na silang nagalmusal.
“Morning” bati ni Ayessa kay Mildred isa ring writer sa publication na pinapasahan niya ng nobela.
“Morning! Oh wow who are this cute little angel?” ang nakangiti nitong tanong na nakatingin sa kanyang mga anal
“My twins, this is Nathaniel and this is Natasha and this is Alicia tinutulungan niya ako sa kambal” ang pakilala niya
“Ang lalaki na pala ng anak mo Ayessa at ang gwapo at ganda hehe naingit tuloy ako” ang sabi nito na pinanggigilan pa ang kanyang kambal.
“Can I borrow them ilibot ko sila rito” hinging permiso nito
“Sure punta rin ako kay Madam! Kids behave ok? Alicia ikaw na bahala” saka siya pumasok sa office at dinala ang kanyang manuscript
Pagkatapos nila sa Publication house ay dumiretso sila sa Jolibee at nagmeryenda pagkatapos nagyaya ang kanyang mga anak sa zoo at dahil di pa sila nakakapunta roon ay dinala niya ang mga ito pagkatapos sa Zoo ay nagpunta naman sila sa mall para manuod ng sine habang kumukuha siya ng ticket iniwan niya na muna ang mga it okay Alicia.
“Im sorry Ma’am” ang sabi ni Nathaniel sa babaeng natamaan nito.
“Oh! Honey tignan mo hindi ba kahawig niya ang mga anak natin noong bata pa ang mga ito” ang sabi ng magandang babae na bagamat may idad na ay napakaganda pa rin nito.
“Oo nga Honey parang pinagbiyak na bunga” ang sabi naman ng guwapong lalaki na kahit medyo may idad na ay di maikakailang napakaguwapo
“Kuya ok ka lang? Ma’am im sorry din po di namin kayo napansin did you get hurt po ba?” ang inusenteng tanong ni Natasha sa babae
“Oh dear” ang di makapaniwalang sabi ng babae dahil katulad ng batang lalake ay kamukhang kamukha din nito ang kanyang anak
“She’s ok sweetheart nothing to worry” ang sabi ng lalaki
“Nat, Nathan whats going on?” ang tanong ni Ayessa ng makalapit siya sa mga anak na mukhang namumutla habang nagsosory sa magasawa
“We didn’t mean it mommy natamaan siya ni Kuya and she almost fell but we really didn’t mean it nagplay lang kami” ang mangiyak ngiyak na sabi ni Natasha
“I understand baby did you guys say sorry?” tanong nya sa mga anak
“Yes mommy” ang sabay na sagot ng mga ito sa kanya na bahagya pang nagtago sa kanyang gilid.
“Im so sorry Ma’am and Sir are you ok?” ang tanong niya sa magasawa na parang natitilihan
“Your kids?” bagkus ay tanong nito na hindi naman siya tinignan dahil abalang-abala ang mga ito sa kakatitig sa kanyang mga anak.
“Yes Ma’am, are you ok?” tanong niya ulit dahil nakatitig lang ang magasawa sa kanyang mga anak at para pa ngang hindi makapaniwala sa nakikita.
“Yes iha we are ok hindi naman ako nasaktan but my! Your kids remind me of my son’s noong kasing idad nila ang mga ito” ang sagot ng ginang na nakangiti na ngayon sa kanya
“Oh ic” yun na lang ang nabanggit niya di niya maintindihan kung bakit biglang tumibok ng malakas ang kanyang puso sa sinabi ng babae
“Mommy lets go na po baka hindi na natin maabutan ang movie” ang nababagot na yaya sa kanya ni Natasha
“We have to go now Ma’am and Sir again im sorry” ang nasabi na lang niya at iniwanan ng ngiti ang magasawang hanggang makapasok sila ay pinakatitigan pa rin ang kanyang mga anak.
“Ma, Pa what are you guys looking at?” ang tanong ng bagong dating sa magasawa
“Oh Tyler where have you been bakit ang tagal mo Hindi mo tuloy nakita ang mga bata dito kanina” ang sabi ng mama niya
“Kids? Who’s kids?” ang naguguluhang tanong Ni Tyler sa kanyang ina
“There’s Twin kids juts here awhile ago and beat me Iho they does look like you and your brother when you where kids” ang sabi naman ng kanyang ama
“Oh please Pa don’t tell me na ganyan na kayo kasabik ni Mama sa apo at lahat ng bata ay naiimagine ninyong kamukha namin ni Tyron” ang natatawang sabi ni Tyler sa kanyang mga magulang
“We better get going come on” ang yaya niya pa sa magulang na nagkibit balikat na lang at sumunod na sa kanya
Gabi Na ng makauwi sila ayessa sa kanilang bahay at dahil sa mahabang biyahe ay maagang nagsipagtulog ang kanyang mga anak habang siya ay nagiisip kung bakit ganon na lang kung tignan ng magasawa ang kanyang mga anak na akala mo ay talagang matagal na nilang kakilala
“Hindi kaya yun ang parents ni Tyler” sabi niya sa sarili “no it cant be” sabi naman ng ibang parte nito kaya imbes na masira ang ulo niya sa kakaisip ay minabuti na lang din niyang matulog.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naligo dahil pupunta siya sa palengke para mamili ng supply nila sa bahay.
Nag-grocery muna siya bago pumunta sa wet market at bumili ng isda para sa bulang-lang na plano niyang lutuin pagkatapos ay bumili na rin siya ng palabok sa karindiria dahil paborito itong almusal ng kanyang dalawang anak pagkabili niya ay dumiretso na siya ng uwi.
“Morning my babies” ang bati niya sa dalawang anak niyang nakaupo sa may hagdan at mukhang hinihintay talaga siya.
“Mommy kanina pa kami hungry” ang sabi ni Natasha na mula noon ay talagang mainipin na
“Im here now so lets go to kitchen kasi masarap ang almusal paborito ninyo” ang sabi niya at Dali daling nagsipagsunuran sa kanya ang kanyang kambal
Nang ilagay niya sa lamesa ang palabok ay tuwang tuwa ang mga ito at di na magawang hintayin ang inuming gatas at chocolate na ginagawa niya.
Pagkatapos mag-almusal ay nagpaalam ang mga itong maglalaro
“Just stay here inside ok? Wag kayo pupunta sa kalsada” ang bilin pa niya sa kanyang anak dahil walang bantay ang mga ito ngayon dahil nasa school si Alicia.
Habang naglalaro ang kanyang mga anak ay sinamantala naman niya yun para mag-linis ng bahay at magpalit ng mga punda at bedsheet dahil bukas ay darating na ang taga-laba ng kanilang mga damit.
Nang matapos linisin ang kuwarto ng mga bata isinunod niya ang kanya at ng matapos lilinisin na sana niya ang kanilang banyo ng bigla niyang marinig ang malakas na pag preno at sigaw ng bata dali dali siyang bumaba ng bahay
“Natashaaaaaaaaa omg Natasha” ang malakas niyang sigaw dahil nakita niyang nakahandusay ang kanyang si Natasha
“Natasha baby wake up pls wake up baby” ang umiiyak niyang sabi ng malapitan niya ang kanyang anak na nakahiga at punong puno ng dugo.
“Mommyyyyy” ang sabi nito bago nawalan ng Malay sa kanyang kamay
.
“Dalhin na natin siya agad sa hospital” ang sabi ng boses Na pamilyar sa kanya at ng lingunin nya ay si Tyler nga
“Ayessa akina ang bata bilisan natin baka kung mapano na siya” ang sabi nito sabay kuha kay Natasha sa kanyang kamay dali dali niyang binuhat si Nathaniel at ng makasakay na sila ay pinasibat na nito ang sasakyan hanggang makarating sila sa malapit na pagamutan.
Agad inasikaso si Natasha sa pagamutang pinagdalhan nila dito hindi nga lang isa ang doctor na tumitingin dito kundi dalawa pero hindi pa rin niya mapigil ang sobrang takot na nararamdaman para sa kaligtasan ng kanyang anak.
“Mommy is she going to die?” ang tanong ni Nathaniel na umiiyak habang yakap niya
“ No baby no don’t say that your sister will live ok? She wont die I promise” at lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap sa kanyang anak na lalaki.
Naramdaman na lang ni Ayessa ang malapad na dibdib ni Tyler sa kanya at ng tignan niya ito niyakap ns siya nito ng mahigpit at doon siya umiyak sa mga bisig nito kung di pa nagreklamo si Nathan na di na makahinga ay di pa siya nito bibitawan sa pagkakayakap.
“I will get something to drink Ayessa do you like anything?” tanong nito sa kanya
“Just water thank you” ang di nakatingin na sabi niya dito
“How about you kiddo?” ang tanong nito kay Nathaniel na tumigil na sa pagiyak pero nakayakap pa rin sa kanya.
“Chocolate milk” ang mahina nitong sabi
“Do you want to come with me?” ang malumanay nitong tanong kay Nathaniel at tumingin naman sa kanya si Nathaniel naparang nagtatanong kung puwede siyang sumama
“Go ahead baby” at binigyan niya ito ng mabining halik sa noo at lumakad na ito palapit kay Tyler at kinarga naman nito ang kanyang anak.
Pagalis ng mga ito ay lumapit sa kanya ang driver na nakasagasa sa kanyang anak at kitang-kita niya ang sobrang takot na nakarehistro sa mukha nito.
“ Im so sorry po Ma’am hindi ko po talaga sinasadya di ko po namalayan na may tumatawid na bata” ang sabi nito na halatadong sising-sisi at takot na takot.
“Di ako galit sayo pero ipagdasal mong walang mangyaring masama sa anak ko dahil di ko alam Kung anong gagawin ko sila lang ang pamilya ko” ang umiiyak niyang sabi dito.
“Im really sorry po patawarin ninyo po ako” ang nakayuko nitong sabi sa kanya.
May sasabihin pa Sana siya ng bigla na lang lumabas ang doctor mula sa operating room
“Sino po ang pamilya ng pasyente ” ang tanong ng doctor ni Natasha dahil nakatingin sa doctor ay di niya namalayan na nakabalik na sila Tyler
“Ako po ang nanay” ang sabi niya sa doctor
“Misis kailangan po natin siyang salinan ng dugo but we don’t have any stock of her blood type.” Ang sabi ng doctor sa kanya
“I will donate my blood im her mother im sure it will match” ang sabi niya
“Ok Misis we will test it now come with me” ang sabi ng Nurse kaya sumama siya dito naiwan si Nathaniel kay Tyler
“Im sorry misis pero di po kayo magka blood type” ang sabi ng nurse na ikalumo niya
“How can that be possible im her mother omg my daughter” ang naghihisterya niyang sabi
“Im sorry misis pero we will keep trying to find the blood just calm down ok?” ang mahinahon nitong sabi at bahagya pang idinantay ang mga kamay nito sa kanyang balikat dahil nararamdaman siguro nito ang sakit na nararamdaman ng isang inang tulad niya.
Nanlulumo siyang bumalik sa mga kasama na naghihintay sa kanya sa harapan ng Emergency room.
“What happen?” ang salubong sa kanya ni Tyler habang hawak si Nathaniel.
“Magkaiba daw kami ng blood type” at umiyak pa siyang lalo niyakap siya nito
“I will try mine wait for me ok?” saka siya nito binitiwan at nagpa test ng dugo sumama na rin ang driver na nakabungo sa anak niya para magpatest na rin.
Pagkalipas ng ilang minute ay sinabi sa kanya ng nurse na may magdodonate na raw ng dugo dahil nagmatch daw ang dugo ni Tyler napausal na lang siya ng pasasalamat.
Makalipas ang ilang oras ay lumabas ang doctor at dali-dali niya itong nilapitan para malaman ang kalagayan ng kanyang Anak at ni Tyler.
“Your daughter seems fine now di naman grabe ang kanyang tinamong pinsala, nagdugo lang ng sobra ang natamo niyang sugat dahil tumama ito sa nerves kaya kinailangan siyang salinan ng dugo but other than that nothing serious so you can relax now she is safe now.”
“Can I see her doc?” Ang Nanginginig pa rin niyang tanong dito dahil sa pinaghalo-halong emosyon dahil sa wakas ay ligtas na ang kanyang anak sa kapahamakan.
At ng tumango ang doctor ay Dali dali silang pumasok ni Nathaniel at nakita nila na nakahiga at natutulog si Natasha at sa kabilang kama naman ay nakahiga si Tyler at nagpapahinga hinalikan niya sa noo ang kanyang anak at lumapit din kay Tyler na nakatingin sa kanya.
“Thank you so much di ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa anak ko” ang sabi niya at ginawaran ng halik sa noo si Tyler bilang pasasalamat.
“ Its ok you don’t have to thank me im glad to help” ang sabi nito at ngumiti sa kanya bago pumikit dahil sa nanghihina pa ito dahil marami-raming dugo rin ang kinuha rito para isalin kay Natasha.
Pumunta sila sa front desk at kumuha ng kuwarto para makapagpahinga ng maayos ang kanyang anak pati na rin si Tyler pagbalik niya ay inilipat na ang dalawang natutulog sa silid na kinuha niya para sa mga ito.
Umuwi muna siya para kumuha ng gamit ng anak at ipagbilin si Nathaniel kila Nanay Tinay dahil di ito puwedeng magtagal sa ospital.
Pagkaligo ay bumalik agad siya sa ospital at nagdala ng pagkain at gamit pagpasok niya nakita niyang payapang natutulog si Tyler at Natasha inilapag niya ang mga dala at hinalikan sa noo si Natasha at lumapit din siya kay Tyler
“Tyler?” ang tawag niya dito tinitignan kung gising na ba ito dahil nagdala siya nang pagkain para makabawi agad ito ng lakas.
Nang walang sumagot ay lumapit siya at tinitigan ito wala pa ring nagbago napakaguwapo pa rin nito at parang bagyo pa rin ang presensiya kung dati ay malaki na ang katawan nito ay mas lalo pa ata iyong lumapad at mas lalo itong naging makisig dahil nag mature na ang dating boyish nitong dating.
Napadako ang kanyang tingin sa mga labi nito na pagka-pula pula tuloy ay para siyang naakit na halikan ito at ng di mapigilan ang sarili ay unti unti niyang inilapit ang mukha dito at sa isip ay sinasabing saglit lang at ng malapit na ay biglang dumilat si Tyler na ikinagulat niya kaya para siyang napaso na napaatras.
“ Oh hey gi-gii sing ka na pala?”Ang nagkantautal niyang sabi dahil huling huli siya ni Tyler na magnanakaw ng halik dito kung hindit ito dumilat.
“ Hi what are you doing? “ ang sabi nito at ng lalayo sana siya ay ikinawit nito ang mga braso sa kanyang likuran kaya magkadikit na halos ang kanilang mga mukha at naamoy niya ang suwabe nitong amoy at ang napakabango nitong hininga kahit bagong gising
“ Hhmm Tyler baka may makakita” ang sabi niya na pilit kumakawala sa pagkakayakap nito hindi lang dahil sa natatakot siyang may makakita sa kanila kundi dahil natatakot siyang hindi mapigil ang kanyang sarili at tuluyang angkinin ang mga mapupula nitong labi na malapit na malapit sa kanya.
“ Its ok kahit Makita nila tayo wala pa naman tayong ginagawa diba?” ang nanunukso nitong sagot sa kanya na lalo lang ikinapula ng kanyang makinis na pisngi.
“ Hmmm Ayessa napakaganda mo parin at napakabango basta malapit kang ganito ay di ko mapigil ang sarili ko” ang bulong ni Tyler at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya ngayon ay halos nakahiga na siya sa dibdib nito at iilang hibla na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.
“ Tyler what are you doing?” ang natataranta niyang sagot dahil naiilang siya sa mga titig nito at ng akmang hahalikan na siya nito ay bigla naman bumukas ang pinto kaya itinulak niya ang dibdib ni Tyler at mukhang napalakas dahil napadaing ito kaya natataranta niyang nilapitan ulit ito at hinimas ang nasaktang dibdib.
“ I see that you are feeling better now I guess women are really good medicine” ang tudyo ng doctor kay Tyler na lalong ikinapula ng kanyang mga mukha dahil sa hayagang panunukso ng bagong dating sa kanila.
“If you didn’t enter right away I will be much better!” birung totoo ni Tyler kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata na lalo lang ikinatuwa ng dalawang lalaki.
Pagkatapos I check ang kalagayan ni Natasha at makitang ok na ok na ito ay lumabas din agad ang doctor.
“Ayessa why did you left after that night? Ni hindi mo ako hinintay magising” ang sabi ni Tyler sa kanya na ikinalito niya dahil di niya alam kung sasabihin ba niya ang totoong dahilan or magsisinungalin sa huli pinili nalang niyang wag magsalita.
“Ayessa im asking you?” ang pangungulit pa nito
“Tyler pls lets not talk about the past its just a one night stand” ang sabi niya dito kahit hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin halos batukan pa nga niya ang kanyang sarili dahil hindi siya makapaniwalang sinabi niya ang salitang iyon.
“Just a one night stand?” ang sabi nito sabay upo na marahil ay ikinabigla ng katawan nito kaya bigla itong napahawak sa ulo at napadaing.
“Tyler are you ok?” ang nagaalala niyang lapit dito at hinawakan ang mga kamay nitong nakahawak sa ulo nito.
“Anong masakit Tyler tell me? Gusto mo bang tawagin Ko si Doc? ” ang di magkandatuto niyang sabi habang hinahawakan ang ulo nito.
Hinawakan ni Tyler ang kamay niyang nakahawak sa ulo nito at hinigot siya dahil nabigla ay bumagsak siya sa kangungan nito
“Ayessa” ang halos pabulong na sabi nito at nakita niya ang mga mata nito na punung puno ng damdamin.
“Tyler” ang masuyo niyang sabi dito dahil malapit na malapit na naman ang kanilang mga mukha at naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa buo niyang mukha.
At namalayan na lang niyang magkalapat na pala ang mga labi nila na matagal ding panahon na nauhaw sa isat isa
“Oh Ayessa I miss you so much God know’s how much I miss you” ang bulong nito.
Habang panay pa rin ang halik sa kanya tama ba ang naririnig niya namiss daw siya ni Tyler “ I miss you too Tyler so much” sigaw ng isip niya habang tuloy pa rin sila sa halikan na habang tumatagal ay lalong nagiging mapaghanap at lalong lumalalim, hihinto lang sila para kumuha ng hangin at balik na naman sila sa kanilang halikan hanggang maramdaman na lang niyang ang kamay ni Tyler ay nasa ibabaw na ng dibdib niya at parang bigla niyang naalala na baka may asawa na pala ito dahil doon ay parang binuhusan ng tubig ang apoy na nagsisimula ng magdingas
“Ayessa whats wrong?” ang naguguluhang tanong nito dahil bigla na lang niya itong itinulak palayo sa kanya
“This is wrong Tyler” Ang sabi niya dito na lumayo papunta sa higaan ng anak niya. Mahabang sandali ang lumipas namalayan na lang niyang tumatayo na si Tyler at naghahanda nang umalis.
“I will leave you for awhile Ayessa but I will be back ok?” ang sabi nito at di na hinintay ang kanyang sagot at lumabas na agad ito
“Oh Tyler why I need to see you again Kung kalian pilit kong kinakalimutan ka” ang sabi niya sa sarili at lihim na lumuha.
“Mommy, Mommy “ ang gising ni Natasha sa kanya
“Hmmm Anak oh baby are you ok?im glad you are awake is there Something hurting?” ang sunod sunod niyang sabi na ikina ngiti ng kanyang anak
“Im ok Mommy I just want water” ang sabi nito sa kanya kaya dali dali siyang kumuha ng tubig at pinainom ito
“Are you hungry baby?” ang tanong niya rito habang hinihimas ang buhok nito
“No Mommy, im sorry mommy” ang sabi nito
“Hey why you’re saying sorry baby?”
“Bec I didn’t listen,,, You told us not to go outside pero lumabas parin ako nasagasaan tuloy ako” ang mangiyak ngiyak nitong sabi
“Hey hush now baby don’t worry about that ok? Mommy’s not mad I promise” sabay halik sa magkabilang pisngi ng anak niya
“Mommy you know what I have a dream” ang sabi nito
“Really wanna tell mommy kung anong napanaginipan mo?”
“I dream about daddy he was there calling my name telling me I need to be brave kinarga niya pa ako at sinabing he love’s you and he love us” ang sabi nito na ikinabigla niya
“Mommy nasan po ba ang Daddy ko? Is he in heaven?” ang inosente nitong tanong na nagpasakit sa dibdib niya kung puwede nga lang sana niyang sabihin na ang daddy nito ang nagsalin dito nang dugo pero ayaw niyang paasahin ang anak.
“No no baby your daddy is not in heaven he is still here he is alive bec only died go to heaven” ang sabi niya sa kanyang anak na di alam kung pano ipapaliwanag na ang daddy nito ay nasa malapit lang.
“If that’s true bakit we never see him? Doesnt he love us?” ang sabi nito na mukhang iiyak na
“Ofcourse sweetheart daddy love you and Nathan kaso may work si daddy kaya di pa siya nakakauwi pero promise malapit na” ang sabi niya dito na pilit itinatago ang luha na malapit ng tumulo dahil sa awa sa kanyang anak.
“Talaga Mommy? Kasi gusto ko na ng Daddy? Naiingit ako kila tin tin kasi kasama nila ang Daddy nila pati si Kuya naiingit din daw” ang dagdag pa nito na nagpatulo na ng tuluyan sa kanyang luha dahil di niya naisip na darating din ang panahon na maghahanap ng tatay ang kanyang mga anak.
“Oh Tyler I hope the circumstances are different kawawa ang mga anak mo” ang bulong ng isip niya.
“Hey mommy is hungry how about we eat together huh?” Ang sabi niya na pilit pinapasaya ang boses para di makahalata si Natasha sa lungkot na nararamdaman niya dahil kahit 3 yrs old lang ang mga anak niya ay likas na matatalino.
“Ok mommy im sorry for making you sad again” ang sabi nito at binigyan siya ng matunog na halik na lalo lang nagpatulo sa kanyang luha
Knock! Knock! knock
“ Daddyyyyyyyyyyy” ang sigaw ni Natasha na ikinagulat niya kaya nilingon niya ang tinatawag nitong daddy and there he is standing on the door holding a big teadybear
“Mommy nandito na pala ang daddy” ang tuwang tuwa nitong sabi
“Natasha he …….” Di na niya natuloy pa ang sasabihin dahil pumasok na si tyler at hinalikan ang kanyang anak sa pisngi
“Hello baby kumusta na ang pakiramdam mo? I brought you something that will take away any pain” ang masuyo nitong sabi kay Natasha
“Talaga daddy ano po yun?” sabik na tanong nito
“Here” at ibinigay nito ang napakalaking teddy bear na ikinakislap ng mga mata ni Natasha at binigyan ng matunog na halik si Tyler
“Wow look mommy ang laki ng bear na bigay ni daddy” ang tuwang tuwang sabi ni Natasha nakatingin din sa kanya si Tyler
“Yeah baby that’s very pretty pero you need to eat na ok?” at kinuha niya ang teddy bear at inilagay sa tabi nito
“Ok mommy pero gusto ko si Daddy ang magsusubo sa akin ok?” ang pakiusap nito
“ Sure baby ako ang magsusubo sayo but you need to promise to eat lots ok?” ang sabi naman ni Tyler at binuksan ang platic bag na dala nito kanina at inilabas ang mga pagkain binigyan siya nito ng pagkain at sinubuan si Natasha.pagkakain nila ay pinainom ulit ito ng gamot kaya nakatulog na ulit ang kanyang anak.
“Pasensya ka na Tyler huh” ang sabi niya na di makatingin ng diretso dito
“Its ok I enjoy it” ang sabi naman nito
“Ayessa look at me” ang utos nito sa kanya at ng di niya magawang tumingin dito ay ito na ang nagtaas sa kanyang mukha
“Where’s your husband ayessa? Nasan ang father ni natasha?” ang sunod sunod nitong tanong
“I eh na- nasa ib-a-ang bansa” ang nagkautal utal niyang sagot dahil hindi naman siya sanay magsinungaling
“ Hmmm really? Or ako ang tatay nila?” ang sabi nito na di naniniwala sa sinabi niya
“ How can you say that?” ang galit niyang sabi dahil alam niyang nabubuko na siya
“ Then how can you explain the happiness on your daughter face ng makita ako? And she keep calling me daddy” ang sabi nito na pilit tinitignan ang kanyang mga mata
“ Its just bec hindi kilala ng mga anak ko ang daddy nila dahil di pa ito umuuwi mula sa ibang bansa so napagkamalan ka ni Natasha na Daddy nito” ang sabi niya na pilit iniiwas ang mga mata.
“ Really? Then how about her blood type is same as mine”
“ Its probably pure coincidence” ang sabi niya
“ Napaka pambihira namang pagkakataon non,,,how old are the twins Ayessa?” di pa rin sumusukong panggigisa nito sa kanya
“Will you just stop it Tyler bakit ba inaangkin mo ang anak ng may anak” at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito dahil alam niya pag di pa siya nakakawala sa mga hawak nito ay bibigay at aamin na siya.
“I will find the truth Ayessa and I promise you I will make you pay pag nalaman kong itinatago mo sa akin ang katotohanan.” at dali dali siya nitong iniwan
Nanglambot ng todo ang kanyang mga tuhod nang marinig niya ang banta ni Tyler hindi niya kakayanin pag nawala sa kanya ang kanyang mga anak. Lumapit siya sa kanyang anak na natutulog at niyakap ito ng mahigpit na parang sa ganong paraan ay di ito mawawala sa kanya
Lumipas ang mga araw Na di nagpakita si Tyler bagamat na mimiss niya ito ay natatakot siyang isipin na baka tinutuklas na nga nito ang nangyari at bigla na lang kunin sa kanya ang kanyang mga anak.
Si Alicia muna ang nagbabentay kay Natasha dahil kailangan niyang ipapalit ang check na ibinayad sa kanya para sa novela niya tamang tama dahil kailangan niya ng pera para mailabas na niya ang kanyang anak.
Pagkatapos niyang ipapalit ang pera ay bumili lang siya ng ubas at dali daling pumunta sa ospital ng malapit na siya sa kuwarto ng kanyang anak naririnig niya ang matinis na tawa ni Natasha kaya dali dali siyang pumasok para lang magulat dahil nandoon si Tyler kalaro ang kanyang dalawang anak.
“Hi mommy” ang masayang tawag ni Natasha sa kanya ng makita siyang nakatayo sa may pintuan kaya dahan dahan siyang lumapit sa mga ito.
“Hi mommy” ang sabi ni Nathan bago siya nito hinalikan sa pisngi
“Hello Kids, Ty-tyler” ang kinakabahang sabi niya saka siya lumapit at hinalikan si Natasha at Nathan
“Hi Ayessa” ang sabi nito at babalik na sana ulit sa pakikipaglaro sa mga bata
“Daddy bakit di mo kiss si Mommy” ang sabi ni Natasha kay Tyler na ikinalaki ng mata niya
“Gusto sana ni daddy kaso nahihiya siya eh” ang sagot naman ni Tyler sa tanong ng anak
“Mommy gusto ka daw ikiss ni Daddy” ang sabi naman ni Nathan
“Oo nga Mommy kawawa naman ang Daddy matagal ka na niyang di nakikita kaya na miss ka niya” ang sabi pa ulit ng pilyang si
Natasha
“Sige na Daddy payag na si Mommy kasi miss ka na rin niya sabi niya sa amin parati” sabi pa nito ng tumayo si Tyler ay biglang kumabog ang kanyang dibdib nagririgudon ito dahil talagang namiss niya ito sa ilang araw na di ito nagpakita.
“Well the kids want me to kiss you and so do I” ang sabi nito at bigla na lang siyang hinalikan nito dahil pilit pumapasok ang malikot nitong mga dila ay ibinuka na rin niya ang kanyang mga bibig at pinalaya ang kanyang damdamin dahil talaga namang namiss niya ang mga halik na yon
Napadilat siya ng maramdaman niya na wala na palang humahalik sa kanya at nagpapalakpakan na ang kanyang mga anak.
“Yehey ang saya saya ko talaga kuya may daddy at mommy na tayo di na tayo iingitin ng mga bata dahil may daddy na rin tayo” ang tuloy tuloy na sabi ni Natasha na muntik na magpaiyak sa kanya ng tignan niya si tyler nakita niya na nakatingin din ito sa kanya at parang may gustong sabihin.
Nang mag-hapon na iniuwi na ni Tyler si Nathan kasama si Alicia akala niya ay tutuloy na ito ng uwi pero bumalik pa rin ito bigla siyang kinabahan ng pumasok ito.
“Ayessa I need to talk to you” ang madiin nitong sabi sa kanya na punung puno ng awtoridad ang boses.
“We got nothing to talk about” ang sabi naman niya na pilit pinagtatakpan ang kabang nararamdaman.
“Really huh? I want you to tell me who’s the father of the twin” ang sabi nito ulit na mukhang galit na dahil sa patuloy niyang pagiwas sa mga tanong nito.
“ Its not you ok so please leave us alone” patuloy pa rin niyang pagsisinungaling at tinalikuran ito.
“ You really want me to do this to you don’t you……I know im the father nararamdaman ko yon at malakas ang kutob ko ” ang malakas nitong sabi sa kanya na ikinalingon niya dito.
“ NO how many times do you want me to tell you that” ang sagot niya
“ They are 3 years old and 4 months and that’s exactly the date when we make love Ayessa bakit ba ayaw mo pang aminin” ang sabi naghihirap nitong sabi sa kanya.
“ Please stop this Tyler , just stop it hindi ikaw ang ama ng mga anak ko bakit ba pinagpipilitan mo pa rin” ang umiiyak na niyang sagot dito dahil sa awang umaalipin na sa kanyang puso para dito dahil nakikita niya kung paanong naghihirap ang loob nito.
“ Oh shit hush don’t cry” sabi nito yayakapin sana siya pero tumalikod na lang ito at iniwan siyang wala pa ring patid ang pagluha.
Kinabuksan ay pinayagan nang lumabas si Natasha ng magbabayad na siya sa counter ay sinabing binayaran na raw ito ng isang Mr. Fuentabelia.
0 comments: on "A Night to Remember - Chapter 8"
Post a Comment