SHARE THIS STORY

| More

Sana Ngayong Pasko - Chapter 3

(Yesha)



BAKAS ANG NGITI sa labi habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng silid. Personal na kondisyon niya sa ama na walang sinuman na ookupa ng kaniyang opisina. Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang mapilitan siyang pumunta ng Japan upang pamahalaan ang construction firm ng pamilya. Maraming kliyente ang hindi na nagrenew ng contract sa kanila sa hindi nila alam na kadahilanan kaya naman minabuti ng ama na personal niyang pamahalaan ang kompanya. Kasama niya ang sampung mahuhusay na inhinyero ng Perez Empire ay tumulak sila patungo sa Tokyo at nanatili doon ng mahigit tatlong taon.

At ngayong muli na niyang naibangon ang negosyo ng pamilya mula sa tiyak na pagkalugi, panahon na marahil na sariling buhay naman ang kaniyang intindihin. Hindi na siya bumabata at nais na niyang bumuo ng sariling pamilya. Idagdag pang nalalapit na ang kasal ng kapatid na si Conrad. Nais niyang maibigay ang anumang tulong na kakailanganin nito kung sakali.

Lumapit siya sa ilang empleyadong nag – aayos ng gamit sa sulok ng silid. Natatandaan niya ang isa doon na kaibigan ni Eure – ang dati niyang sekretarya. Napangiti siya sa pagkaalala sa dalaga. Kumusta na kaya siya ngayon? Nakadama siya ng kalungkutan sa pagkaalala sa magandang dalaga.

Napalingon si Jane nang tawagin niya at sinenyasan na lumapit. Nakangiti itong huminto sa harap niya.

“You’re Jane, right?” panimula niyang bati dito.

“Yes, sir! I’m glad you still remember me.” May kislap sa mga mata ng kausap habang nagsasalita ito.

“Who wouldn’t? You’re very pretty.” Aniya na bukal nama sa loob ang sinabi. Sa tatlong magkakaibigan ay wala naman talagang itulak kabigin. Sa ganda at porma ay nagpapaligsahan ang mga ito. Mas angat lang si Eure hindi lang dahil sa taas kundi sa kulay na rin. Kapwa kayumangging kaligatan si Jane at Tat samantalang tila labanos naman ang kinis ng kutis ni Europa. Dagdag ding puntos para sa kaniya na napakahinhin nitong kumilos at hindi magaslaw na gaya ng dalawa.

“Thank you, sir.”

He smiled at her and all of a sudden felt the urge to ask where is Eure.

“By the way sir, aling swivel chair po ang gusto ninyong gamitin? May dalawang bagong dating at pareho pong…”

“Actually, you don’t need to do all these things, guys,” binalingan niya ang lahat ng naroon at abalang gumaganap sa kani – kaniyang gawain. “I can hire help or even ask for Perry’s people to fix the office…”

“Okey lang po, sir. Natuwa po kami nang malaman naming nagbalik na kayo galing Japan kaya naman boluntaryo kaming pumarito upang tumulong sa paghahakot ng gamit.”

Sasagot pa sana siya nang maramdaman ang isang malakas na hampas ng kung ano sa kaniyang kanang balikat.

“Sino ang nagbigay ng karapatan sa inyo na pakialaman ang table ko?” mataas na boses ni Europa ang bumungad sa paglingon niya. Hawak nito at iwinawasiwas ang long folder na hawak nito. Iyon marahil ang ipinanghampas nito sa balikat niya.

Hindi kaagad siya nakakibo sa tanong na iyon. Hindi dahil sa hindi niya alam kung ano ang isasagot. Siya ang mismong nagrequest sa mga kaibigan nito na personal na hakutin ang mga gamit nito pabalik sa kanilang dating opisina. Sa simula ay nakarinig siya ng pagtutol sa dalawang kaibigan nito. Si Tat nga ay ibig pang magtext kay Eure bago ang paglilipat ng gamit pero iniutos rin niyang huwag na itong i-text dahil tiyak namang parating na rin ang dalaga. Nangangamba kasi siyang magkaproblema ng plano niya.

“Ako.” Aniya matapos ang ilang sandali ng titigan. Sa isang mabilis at disimuladong galaw ng mga mata ay nagawa niya agad na pagmasdan si Europa. Ang dati nang kariktan nito ay tila lalo pang namukadkad. Ang buhok nito ay pulidong nakaayos at nakataas. Nag – iwan lamang iyon ng ilang hibla na nagbigay ng kaakit – akit na aura sa dalaga. Gaya ng dati ay walang ibang kolorete ito sa mukha; gayunman ay hindi maikakaila ang angkin nitong alindog. Nang bumaba ang tingin niya ay hindi na niya napigilan ang pasimpleng paghugot ng malalim na hininga. Europa was so sexy in her office suit. So damned sexy to the real sense of the word!

“Sino ka para ipalipat ang mga gamit ko nang wala man lamang pasabi?”

Was she asking who is he? His lips twitched in amusement. Didn’t she recognize him?

“I’m sorry?” ang pagkamangha ay hindi niya maiwasang umahon sa dibdib.

“How dare you do this to me! Hindi komo at anak ka ng VP at apo ng presidente ng kompanya ay maghahari – harian ka na lang ng ganyan! Bakit mo pinalipat ang mga gamit ko? Natiyak mo man lang ba na gusto ko ngang bumalik sa opisina mo?” matapang pa ring tanong ni Europa habang ang hawak nitong folder ay gigil na gigil na inihahampas sa hangin. Sa likod naman nito ay madaling lumagay ang dalawa nitong kaibigan upang umawat.

“I’m sorry, Ithought…”

“I thought – I thought ka diyan!” sopla ng dalaga. Inis na inis ito at halos ay sumabog na sa matinding galit.

“Will you please try to listen, Europa?!” dumadagundong na ang boses niya nang sabihin iyon. Ang lahat ay nakamasid na lang sa kanila at nanonood sa kanilang makapigil – hiningang alitan.

“If you still remember, I told you to transfer at the regular employees work cubicle because I needed to fly to Japan. But I promised to get back and now that I’m here, I don’t see any point of you yelling at me like that as if I killed someone here!”

“You are saying those things as if they all just happened this morning, Mr. Perez! Mali pa nga yata ang pagkakatanda mo sa mga nangyari! It’s almost three years and to think that you didn’t even give me the chance to refuse your order! Basta na lang kailangan kong lumipat! Basta na lang akong itinapon sa lugar at work phase na hindi ko kilala! At ngayon, heto ka na parang kung sino na ipapahakot ang mga gamit ko at ibabalik dito?”

He was shut for a moment. Realization struck him and yes…she had a point…but not to the point of shouting at him in front of all his people!

“I understand what you are trying to say but I prefer talking these things privately, Ms. Legazpi. Now, would you mind working with ethics and good manners?” aniya habang ang mga braso ay nakahalukipkip.

Umingos ang dalaga sa sinabi niya at ngani – nganing tawirin niya ang distansiya nila upang igawad dito ang parusang nararapat.

“Ayoko ng private talk! Wala rin akong pakialam sa ethics at good manners na pinagsasasabi mo! And oh by the way, I can’t believe you have the nerve to say that!”

Nag – isang linya ang kaniyang mga mata sa nadamang inis. Labis – labis na ang ginagawang ito ni Europa. What happened to her? She’s beginning to lose her poise…but still looks sexy despite that.

“Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga babaeng hindi mapatigil sa pagsasalita?” hamon niya. Wala namang kakibo – kibo ang lahat ng nasa paligid. Nang hindi sumagot si Eure ay nagpatuloy siya.

“I kiss them…Now, if you are willing to give your ‘welcome back kiss’ earlier than I expect you to do, please suit yourself sweetie. Come near me and we’ll go kissing the whole day!” Umugong ang malakas na kantiyawan sa paligid kaya tuluyan na siyang napangiti samantalang inis na inis naman at pulang – pula ang mga pisngi ni Eure.

Mabilis itong tumalikod at kasunod ang dalawang kaibigan cum alalay ay mabibigat ang mga pang lumabas ito ng kaniyang opisina.

MALALAKI ng mga hakbang na tinahak niya ang daan patungo sa ladies room. Padarag niyang pinasok ang isa sa mga cubicles ng palikuran.

Naiinis siya. Hindi niya kakayaning harapin si Austin subalit mas hindi niya makakaya ang magtrabahong kasama ito. Napakabilis ng tatlong taon para sa iba subalit para sa kaniya, katumbas iyon ng kaniyang buhay. Dahil mula nang umalis si Eure ay namatay na ang isang bahagi ng pagkatao niya. Hindi niya akalaing matapos ang pagpapaasa ay basta na lamang haharap ng ganoon si Austin sa kaniya. Kahit paano ay iniisip niyang hihingi man lang ito ng kapatawaran sa lahat ng nangyari.

Mabilis ang pagbulusok ng kaniyang alaala sa nakaraan…

“Hello, sweetie…” sa pagkarinig pa lamang ng boses ng boss ay gumaan na ang pakiramdam niya. Wala silang opisyal na relasyon ng panganay na anak ng mga Perez pero higit pa roon ang nakikita ng mga empleyado sa kanilang dalawa ni Austin. Sabi nga ni Tat ay hindi na raw kailangan iyon sa isang kagaya ni Austin na ang lahat ay madaling nakukuha sa isang pitik lamang ng daliri.

Isang matipid na ngiti ang itinugon niya at muling itinuon ang sarili sa computer monitor.

“Sweetie, please cancel my appointments for the day after tomorrow. I’d like to go to the farm and of course, I need you to come with me.” Ang farm na tinutukoy nito ay ang bakahan at pataniman nito ng calamansi sa San Martin. Regular nitong pinapasyalan ang farm na iyon at ayon sa obserbasyon niya ay papaunlad ang negosyong iyon ng mga Perez.

“Sige, gagawan ko ng paraan ang nga appointments mo sa makalawa. Magpapaalam rin ako kina tatay na sasama sa farm.”

Nakangiting kumindat pa si Austin sa kaniyang naging tugon. Kinabukasan ay hindi pumasok si Austin dahil ayon dito ay nauna na itong magpunta sa San Martin. Kinailangan daw nitong mauna dahil nagkaroon ng sunog sa gitna ng pataniman kaya tinawagan na lamang siya at binilinang sumunod kinabukasan. Halos ay kalahating araw ang ginugol niya sa biyahe subalit tanging sakit lang ng kalooban ang inabot niya pagsapit sa bahay bakasyunan nito.

Doon ay hindi niya nakita si Austin. Uuwi na sana siya nang makarinig ng tinig ng isang babae sa loob ng kabahayan. Sa pagkakaalam niya ay walang ibang tao doon liban sa mag – asawang katiwala kaya labis siyang nagtakaGayun

Gayunman ay hindi na niya hinintay na makita ang pagsungaw ng kung sinumang babaeng naroon dahil sa matinding inis. Hinintay niya ang binata na dumating sa opisina kinabukasan at magpaliwanag pero walang Austin na dumating.

Laking gulat niya nang ipaaalam sa kaniya ng big boss sa pamamagitan ng isang maikling sulat na nasa Japan na ang lalaki. Nakasaad din sa sulat na may dalawang araw siya upang lisanin ang marangyang opisina at lumipat sa regular employees work cubicle. Matinding galit ang naramdaman niya para sa binata. Pinaasa siya nito sa wala at pinagmukhang tanga! At ngayon ay babalik ito na tila walang nangyari! Sinusuwerte naman yata itong masyado kung ganoon.

Ingit ng pinto ng ladies room nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan. Subalit nanlaki ang kaniyang mga mata nang mula sa pagkakaupo ay natanaw niya ang mga paang tila panlalaki. Pigil niya ang hininga nang tumapat ang mga iyon sa mismong cubicle na kinaroroonan niya.

“Please come out and let’s talk, Eure.” Si Sir Austin! Hindi siya kumibo subalit papalakas ang katok at tinig ng lalaki. Kinabahan siya. Subukan lang nitong sumungaw sa pinto ay makikita na siya nito!

“Europe…labas na diyan…we have a lot of things to discuss.”

Kailan pa nangyaring pinasok ng boss ang kaniyang empleyado sa comfort room? Ibang klase talaga ang Agustin Perez na ito! Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto!
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

3 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 3"

Anonymous said...

OKAY. MAPAGOD KA KABUBURA NG COMMENTS.

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Post a Comment