(Yesha)
“ANO’NG GAGAWIN ko? Kasalanan mo ‘to, Tat eh. Gagawa ka lang din ng plano, hindi pa ‘yung perpekto!” Afternoon break nila at tinext niya ang dalawa na magpunta sa puwesto niya.
“There’s no perfect crime, girl! Saka isa pa, bakit ako? Sino ba ang shunganga na nag-imbento ng pangalan diyan? Hindi mo ba naisip na kilalang tao si Mr. Dorantes?” Prenteng – prente sa pagkakaupo sa swivel chair ni Austin si Tat. Nakataas pa ang mga paa nito habang nakahiga naman sa couch si Jane at nagbabasa ng magazine.
“Oo nga. At pinsan pa ni Bettina Dorantada ang napisil mong iimbento! Gusto palang sumakay sa limo!”
Natawa si Tat nang malakas sa sinabi ni Jane. Pinaikot pa nito ang swivel chair habang inaalaska siya.
“Juice me, girl! Sosyal lang tingnan ang limo pero ang totoo, mukang karo ng patay ‘yun noh!”
“Ano ba naman kayong dalawa? Kailan ba kayo magseseryoso? Kayo ang pasimuno ng boyfriend kuno na ‘yan kaya tulungan niyo ko ngayon!”
“Wait…wait…wait…”
Napatingin siya kay Tat nang bigla itong tumayo at may dinukot na kung ano sa bulsa. Ilang sandali lang ay inilabas na nito ang sarili nitong cellphone.
“May nagtext…Sino ba ang gumawa ng kuwento? Siya rin ang tatapos nito…”
Pinukol niya ng pen holder ang kaibigan habang tawa ito nang tawa. Sa hitsura nito ay gayang – gaya nito sa pagsasalita ang isang komedyante sa telebisyon.
“Aray! Tita, masakit ‘yan ha! Natamaan ang pigsa ko…”
“Yikes, Crisanta! Kadiri ka!”
Nalipat kay Jane ang paningin niya nang umayos ito ng upo at seryosong humarap na sa kaniya. Sa dalawang kaibigan ay mas seryoso ito.
“Eure, isa lang ang paraan para mapanindigan mo ang imbento mong ‘yan! Natural, kailangan nating kausapin si Shann para…”
“Hey, hey, hey! No way! Paano nating gagawin ‘yun eh pinsan siya ni Bettina?! Tiyak na mabubuko tayo! Bukod doon, magmumukha naman tayong stupid sa gusto mong mangyari, friendster!” sa wakas ay nagseryoso rin si Tat. Na-imagine marahil nito ang hitsura habang nakikiusap kay Shann Dorantes.
“Wala na tayong magagawa! Kasama na niya si Bettina at sa mga oras na ito ay tiyak nang confirmed na niya na nagsinungaling ako. Nakakahiya talaga, grabe!” kunwa ay atungal niya. Akala pa naman niya ay smart na siya sa pagdadala ng situwasyon. May butas naman pala iyon!
“Naku, nakikita ko na kung paano ka pagtatawanan ni Sir Austin, tsk tsk, tsk…”
Akma niyang ibabato kay Tat ang paperweight na hawak pero madali itong nakapagkubli sa mesang inuupuan.
“Loka ka, Europa! Solid na solid ‘yan! Durog ang ilog ko ‘pag binato mo sa’kin ‘yan!”
Natawa siya sa hitsura nito.
“Diyan na nga kayo! Babalik na ko sa cubicle ko dahil marami pa ‘kong trabaho noh!”
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa executive table at lumakad palapit sa pinto. Sumunod naman dito si Jane.
“Trabaho? Ano ba ang trabahong sinasabi mo?”
Lumingon ito sa nagtanong na si Jane at nginitian ito nang buong kapilyahan.
“Marami…at hindi kakayanin ng powers mo…plowing, planting and harvesting! Tara na, dali!”
Napailing na lang siya habang nakamasid sa dalawang kaibigan na nagkukulitan habang papalayo.
TOTOO BA ANG nakikita niya? Sa sampung friend requests sa kaniyang Facebook profile ay dalawa doon ang nakapagbigay ng palaisipan sa kaniya. Una ay si Shaider. Paano nitong nalaman ang pangalan na gamit niya sa FB? Binaligtad na pangalan ang inilagay niya sa profile. Bukod doon ay hindi siya nag – upload ng kahit na anong litrato. Wala kasi siyang hilig sa mga ganoon. Idagdag pang ubos – oras ang paglalagay ng profile pictures.
Hindi rin niya gustong makita ng iba ang profile niya sa mga FB updates kaya naman inaasahan niyang walang makakasunod sa kaniyang kakilala doon liban kay Tat at Jane. Out of curiosity ay in-approved niya ang anim sa mga requests kasama na ang dalawa.
Ang pag – asang makikilala niya si Shaider ay agad na lumipad sa hangin. Masyado nitong pinanindigan ang disguise. Walang ibang litrato sa profile nito kundi ang mga larawan ng superhero bilang Shaider at Alexis. Paano niya ito makikilala?
Na-excite siya nang biglang lumitaw sa chat application ang pangalan ni Shaider.
“elow sweetie…”
Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Na-missed niya ang kakulitan ng kaniyang mysterious texter.
“pls dnt kol me sweetie…”
“and y is dat?”
Mabilis itong sumagot at pakiramdam niya ay katabi lang niya ito. Maraming nag popped out na chat messages pero inignora niya iyong lahat.
“d monster calls me sweetie 2 and I kinda hate it…”
“uh – uh…monster hu?”
“secret, shadier…don’t mind him…how r u?”
“feeling blue…”
“and y is dat?”
“I’m missing u…”
“lol!”
Saglit na natahimik ang kausap. She waited for his reply.
“yeah lol hahaha!”
Nagulat siya nang lumitaw sa chat box ang pangalan ni Austin. Online din ito? Kung gayon ay totoo ngang hindi ito si Shaider. Napasimangot siya. Sa likod pa naman ng isip niya ay hinahangad niyang ito nga ang lalaki.
“gud eve, my Europe…”
Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay si Shaider ang kinausap niya.
“d monster is online…”
“monster hu agen?”
“Austin Perez…my boss…”
“y monster? Is he strict?”
Nahilo na siya nang makitang punong – puno na ang kaniyang FB bottom dashboard.
“yes…a very strict boss…and I so totally hate him!” sagot niya.
“but love him at the same tym right?”
Napatili siya nang makitang namali siya nang type. Paanong nangyaring kay Austin niya nai-type ang message para kay Shaider?
“no way…” napilitan tuloy siyang sagutin ang chat nito.
“Shann told me to say hi to u…just wonderin’ if you don’t text each other…” She bit her lower lip. Ano kaya ang pinagsasabi nito sa inosenteng pinsan ni Bettina?
“wat did u tel him?”
“nothing much…I just told him I know his girlfriend…what do u expect?”
“errrr…”
“u don’t love him, do u?”
Ang inaasahan niyang pagtatawa ay hindi niya mabakas sa mga chat messages nito.
“asa ka pa…” ingos niya. Ang yabang ng lalaking ito. Kung umasta ay akala mo kung sino!
“bakit ayaw mo sakin? Kaya rin naman kitang ibili ng limo…kahit eroplano pa kung gusto mo :) ”
“hindi ko xa gusto dahil lang sa limo, excuse me!”
“so ano pala kung ganoon ang gusto mo sa kaniya?”
Natigilan siya. Hindi rin naman niya kilala ang totoong Shann Dorantes. Hindi niya nakita ang profile nito kanginang hinanap niya ito sa internet. Posible bang hindi iyon ang tunay nitong pangalan?
“u knw him and I knw u can answer ur own question.”
“mas gwapo ako sa kaniya…”
“and so?”
“mas sweet…”
“tell that to your Bettina…”
“don’t get jealous…she’s nothing compared 2 u…”
Napairap siya sa sinabi nito. Muli niyang binalikan si Shaider pero nagpaalam na pala ito at offline na.
“do u see me like a toy, Sir?” pagkuwa’y tanong niya sa kausap. Tuluyan na niyang inignora ang iba pang mensahe sa loob ng chatbox.
“if u’r a toy, u’r perhaps the most expensive toy I’d like to have.”
“but u can’t buy everytng u knw?”
“yes I knw. Just tell me anytng I need to do to have u, my Europe.”
“stop flirting wd ur sec, Mr. Perez. She’s no longer available!”
Hindi na niya hinintay ang reply nito. Nag logout na siya sa Facebook bago pa man ito makasagot.
“GOOD MORNING.”
Napatanga siya sa lalaking nakatayo sa harap ng kaniyang table. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa opisina dahil kasalukuyan niyang kinukuha ang sapatos na nasa ilalim niyon.
“Good morning…”
“Shann!” Napatingin siya kay Austin na papalapit sa kaniyang mesa. Alanganin ang ngiti nito pero mas higit siya na hindi na halos malaman ang gagawin pagkarinig pa lamang sa pangalan ng lalaking dumating. Ito pala ang Shann Dorantes na ibinibida ni Tat at Jane? Hindi naman sinabi ng mga ito na kamukha pala ni Aga Muhlach ang binata!
“Napasyal ka, pare?” Nag high five ang dalawa.
“Balak ko sanang yayaing lumabas ang nobya ko eh. Puwede ba?” nakangiting tanong ng panauhin.
Lumipad ang tingin niya sa lalaki. Sa isang iglap ay napagmasdan niya ang anyo nito. Bukod sa magkabilang biloy ay may guhit rin ito sa kanang cheekbone na nagbigay dito ng pilyong anyo. Sino ba ang nagsabing birth defect ang pagkakaroon ng dimples? Therefore, not all defects are bad!
Nang balikan niya ng tingin si Austin ay nabawasan ang ngiting kanina lang ay nasa mga labi nito.
“Ganoon ba? Tumawag ka muna sana, pare. May nira – rush kasi kami ni Eure.” Anito na tumingin nang makahulugan sa kaniya.
“Pare naman, saglit lang kami. Isa pa ay malapit na ang lunchbreak, I don’t mind waiting for ‘my girlfriend’ outside…”
Austin shrugged.
“Ask ‘your girlfriend’ then.”
“Sir…?” hindi niya alam ang sasagot kaya ipinasa rin niya dito ang disisyon.
“Okay. Lumakad na kayo ngayon para makabalik kayo agad. Sige, pare…” ngumiti ito at pagkuwa’y tumalikod na.
May pagdadalawang isip man ay kinuha na rin niya ang shoulder bag saka sumamang palabas kay Shann. Dapat niya rin naman talagang kausapin ang lalaki upang humingi ng paumanhin rito.
HINDI GAYA NG inaasahang limo ay isang Toyota model lang ang dala nito. Wala rin itong kasamang driver. Ilang na ilang siya sa buong durasyon ng biyahe dahil hindi rin naman ito masyadong nagsasalita. Tama nga yata si Austin na loner ang binatang milyonaryo. Mabuti na lamang at bukas ang car stereo nito kaya kahit paano ay nalibang naman siya sa daan.
Sa isang hindi kalayuang seafood restaurant siya dinala ni Shann. Umorder ito ng grilled swordfish at roasted salmon habang blackened tuna at coleslaw naman ang inorder niya.
Habang kumakain ay tahimik ito. Hinintay niya itong magsalita subalit halos matapos na sila ay wala man lang itong imik.
“Shann?” untag niya rito. Napatingin naman ito sa kaniya.
“Ops, sorry, Eure. Hindi ko kasi ugaling magsalita habang kumakain. I hope I’m not boring you.”
Well, I’m bored!
“Hindi naman, But do you mind kung pag – usapan na natin ito para naman makabalik ako nang maaga sa opisina?”
“Oh, go on. Ano ba ‘yun ?” tanong nito habang sige sa pagkain. His table manners were still intact despite his good appetite. Naalala niya si Tat. Ayaw na ayaw nito ang usaping table manners. Ayon dito ay pare – pareho lang naman ang pupuntahan ng mga kinakain ng tao. Ano kaya ang hitsura nito ‘pag nakita ang ka-date niya ngayon?
“Okay, this is it. Actually, hindi naman tayo magkakilala kaya…”
“Aren’t we? And I thought I am your boyfriend?” he grinned.
Napakagat – labi siya.
“I’m so sorry. I had to say that because of some personal reasons. Please don’t get offended but when I mentioned your name, it was just…well, I never knew you really exist…I’m sorry…”
Ngumiti ang replica ni Aga Muhlach at naglitawan ang mga biloy nito sa pisngi.
“And who’s blaming who? Wala naman ‘diba. Actually, gusto lang kita talagang ma-meet. At ngayong nakita na kita, walang problema kahit totohanin pa ang mga kuwento mo kay Austin.”
Napaungol siya sa matinding kahihiyan. Hindi naman niya inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Ang dati nang komplikado ay nagsanga pa!
“But you don’t need to do that. Willing naman akong umamin sa mga nagawa kong mali. Kakausapin ko si Sir.”
His hand motioned her to stop.
“Eure, ginawa mo ‘yun in purpose so bakit mo babawiin? Handa akong tulungan ka sa pagpapanggap mo. Masyadong nang boring ang buhay ko. Siguro nga ay tama silang lahat na kailangan ko ng konting adventure sa mundo.” He chuckled before sipping his wine. Namilog naman ang kaniyang mga mata.
“Pero, Sir…”
“Call me Shann. No girlfriend calls his boyfriend that way.” Napanganga siya pero hindi na niya nagawang tumanggi lalo pa at muli itong nagsalita.
“Finish your food now, Eure. I need to bring you to your office after thirty minutes. The pilot episode of our “story” will start today.”
Naguguluhang napatango na lamang siya sa sinabi nito.
“EUROPA, HINDI KITA mapapatawad sa ginawa mo.” Seryosong mukha ni Tat ang bumungad sa kaniya pagbalik ng opisina. Napangunot naman ang noo niya sa pagtataka.
“Ano naman ang ginawa ko?”
“Saan ka nanggaling? Papaano mong naatim na lamnan ang iyong sikmura samantalang kaming mga kaibigan mo ay narito at matiyagang naghihintay sa’yo?” animo tila nasa teleserye si Tat habang kunwa ay maiiyak pa ito habang nagsasalita.
“Gaga! Naglunch lang ako!”
“Exactly! Kami ay hindi pa kumakain hanggang ngayon! Nangako kang magsasama tayo sa hirap at ginhawa, Europa! Paano mong nagawa ang lahat ng kabuktutang ito? Paano mo nagawang magtaksil?”
Binatukan niya ito nang mahina sabay turo sa lalaking nakasunod sa kaniya.
“Loka! Hindi ka na naman nasaksakan ng vet mo noh? May kasama ko kaya lunukin mo muna ang rabbies mo Crisanta!”
Natahimik naman si Tat nang makita ang lalaking kasama niya.
“Sir…este Shann, meet my friend Tat. Tat…hoy, Tat!” pumitik pa siya sa hangin nang makitang tila nakagat ng ahas ang tulalang kaibigan. Animo naestatwa ito sa pagkakatingin kay Shann.
“Ha? 092748546…”
Muli niya itong binatukan nang mahina sa ulo.
“Ano ka ba? Hindi naman niya hinihingi ang number mo. Introduction pa lang tayo.”
“G – Ganoon ba? Naku, sorry. My name is Crisanta ‘Tat’ Briones. I live in…”
“Nice to meet you, lady.” Naputol sa pagsasalita si Tat nang kamayan ito ni Shann. Ang gatla naman sa noo ng lalaki ay hindi naaalis habang nakatitig ito sa kaibigan niya. Tulala pa rin si Tat hanggang sa igiya siya ng binata patungo sa opisina ni Sir Austin.
“ONE THIRTY – FIVE to be exact…”
“Traffic kasi sa daan kaya…”
“Hindi komo kilala ko ang boyfriend mo ay aabusuhin mo na ang pagpayag kong lumabas kayo.”
“Pasensiya na. Hindi ko naman kasi inaasahang sa seafood resto pa ko dadalhin ni Shann. Akala ko’y sa malapit lang.”
“Yeah right…seafood restaurant…alam na alam niya ang gusto mo ‘diba? And I’m sure you both have a good day!”
Nabigla siya nang walang anu – ano’y basta na lamang isinara ng lalaki ang hawak nitong laptop.
“Sorry…hindi na mauulit…”
Apologetic ang tinig niya. Nalibang kasi sila ni Shann sa pagkukuwentuhan at hindi nila agad namalayan ang pagtakbo ng oras. Nang ihatid siya nito ay kapuna – puna rin ang malamig na pagtanggap ni Austin sa binata. Nahiya siya kay Shann dahil sa inasal ng amo. Tinutulungan na siya pero hayun at nasusungitan pa ito ni Austin.
“Hindi na talaga! Dahil hindi na kita papayagan sa susunod!”
“Yan eh kung magpapaalam pa ko sa’yo!”
“Europa, nagsisimula ka na naman ha! Stop talking to me that way!”
“Ikaw lang kasi eh. Nagtitiyaga ka pa sakin samantalang sinasagot – sagot naman kita. Kung pinababalik mo na ba ko sa dati kong puwesto eh di hindi na sasakit ang ulo mo.”
“You sound like a puppet. Don’t waste your time putting up the same issue, Eure!”
“Bakit ba ang sungit – sungit mo? Sana pala kasi, hindi mo na ‘ko pinayagan kung ganyang aawayin mo din ako sa kaunting oras na naatrasado ko sa pagpasok!”
“Sana nga! Kung alam ko nga lang eh talagang hindi na kita pinayagan!” Napahawak siya sa dibdib nang makitang namumula sa tinitimping galit si Austin. Nang tumayo ito at ihagis sa couch ang throw pillow nito sa swivel chair ay nabigla siya. Then he stood and went out of the office while uttering expletives that she couldn’t clearly hear.
2 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 6"
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Post a Comment