SHARE THIS STORY

| More

All I Need by Erin - Chapter 10

(Blue)




“Congrats Ikay!” sabay-sabay na bati ng mga barkada niya sa kaniya. Exagge masyado ang barkada niya eh hindi naman siya ang nanalo kundi si Maryrose. Pero nag-thank you pa rin siya. Para na rin naman siya nanalo dahil sa support ng mga ito sa kaniya.

“O paano, Magnificent uwian na.” malakas na sabi ni Arciaga. Atat na itong umuwi dahil makikipagchat pa ito sa online girlfriend nito.

“Teka! may party tomorrow para kay Ikay ha. Mga seven thirty ng gabi sa house nina Sipag.” nangingiting sabi ni Erin. Kumindat sa kaniya dahil alam niyang mag-po-protesta si Sipag. Lagi nalang kasi sa place nito ginaganap ang mga occassions ng barkada. Malawak kasi ang garden nito.

“Bakit na naman sa amin?” angal na sabi ni Sipag. “Nag-I told you so” si Erin sa kaniya.

“Ang arte mo Sipag ha.” nakaangat ang kilay na sabi ni Rhoena. “Eh tingnan mong ang place mo lang ang malawak eh. huwag kang umarte-arte diyan ha.”

“Aba at ako pa ngayon ang maarte? Pinagagalitan na ko ni Ermat. Sinisira ninyo kasi ang garden niya.” reklamo nito.

Naismid si Rhoena. Paano kasi dahil dito at sa walang kwentang Ex-bf nito kaya nasira ang mga landscape ng garden. Nailing siya. Tumingin siya kay Kuya Will na tila nagpapasaklolo. Kumindat ito sa kaniya.

“Okay guys, para wala na lang gulo sa amin na ang handaan.” nakangiting sabi ni Will.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Will. Hindi kasi ito nakikisali sa mga events ng Magnificent tapos ngayon ay magdedeklara ito ng all out war sa bahay nito. Hinipo ni Jinky ang noo ni Will.

“Wala ka naman sakit Kuya Will. Anong nakain mo?” nagtataka nitong tanong.

“Tumigil nga kayo. Ayaw nyo ata, eh ‘di wag.”

Nagmake face siya dito. Hindi bagay dito ang magtampo. Tumingkayad siya para lang maakbayan ito. Ang tangkad kasi nito. Bakit ngayon lang niya napansin iyon? she ignored that at ngumiti sa mga barkada niya.

“Kina Kuya Will na tayo guys. Minsan lang maging mabait si Kuya Will. Pagbigyan na natin.” ngiting-ngiting sabi niya sabay baling ng tingin kay Kuya Will.

Nawala ang ngiti niya. Malapit na malapit kasi ang mukha nilang dalawa sa isa’t-isa. Muntik na silang mag-kiss. Hindi niya alam pero nakadama siya ng pagka-ilang sa ginagawa nitong pagtitig sa kaniya.

Nagsikuhan sina Marc at Erin. Nagkatinginan naman sina Jinky at Rhoena. Nangiti bigla si Sipag. Naiisip nito na maganda ang eksenang iyon. Si Arciaga naman ay napakamot sa ulo nito. Tumatagal kasi sila sa harapan ng gate ng school, baka hindi na ito mahintay ng OL gf nito. Naiiling na pinag-untog ni Reed ang dalawa.

“Ouch!” sigaw ni Ikay. “Bakit naman ganoon Bossing?”

Nasapo ni Will ang noo at matalim ang mga matang humarap kay Reed.

Naka-peace sign ito sa kanila. Pero nakakaloko ang ngiti. “Gumagawa kasi kayo ng sarili niyong moment eh. Paano naman kami?”

“Si Bossing talaga.” nasabi na lamang niya.

Huminga ng malalim si Kuya Will bago hinawakan ang isang kamay ni Ikay. “Erin, ako na maghahatid kay Ikay. Pahatid ka na lang kay Marc.”

Nagtaka siya. Bakit siya ihahatid nito? Napatingin siya kay Erin na tumango.

“Eh teka Erin, akala ko ba sa amin ka matutulog ngayong gabi?” natataranta niyang tanong dito. Bakit siya natataranta?

“Ikay okay ka lang?” natatawa nitong sagot. “Bukas pa kaya iyon.” Naglakad na ito palayo kasama si Marc.

Nagsisunuran na ang mga ito kina Erin. Alam naman ng mga itong gusto siyang solohin ni Kuya Will. Alam na ng mga ito ang planong pagtatapat ni Will kay Ikay. Kaya naman ganoon na lamang ang pang-aasar ng mga ito.

“Hindi Erin, ngayon ‘yon. Ano ka ba?!” pamimilit pa rin niya. Kumawala siya kay Kuya Will at pinababalik na kinawayan ang iba pa. “Hoy! Ano ba kayo!? Magsibalik nga kayo dito.” Teka nga! Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit ayaw niya yata magpahatid ngayon kay Kuya Will, eh dati rati siya pa ang nag-iinsist dito na ihatid siya.

“Bukas pa po iyon.” sigaw na nito. malayo-layo na kasi ito sa kaniya. “Goodnight and sweet dreams bestfriend. Balitaan mo ko ha?” nanunukso dugtong sa sinabi.

“Ano kayang nangyayari sa mga iyon?” naitanong niya sa sarili.

“Let’s go?”

Tiningnan niya ang lalaking nasa tabi niya. Wala siyang mabasang anuman sa mukha nito. “May sasabihin ka ba sa akin Kuya Will?”

“Always straight to the point.” umiwas ito ng tingin ng titigan niya. Bakit hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya? Tila kinakabahan ito. Ngayon lang niya nakitang ganoon si Kuya Will.

“So may sasabihin ka nga sa akin?” mataray na niyang tanong at nakapameywang pang naghihintay.

Naiinip na siya. Limang minuto na yata silang nagtititigan pero hindi pa rin ito kumikibo. Ang ayaw pa naman niya ay nasususpense siya eh. Umaabot hanggang leeg ang suspense niya.

“Ihahatid lang po kita.” napapabuntong hiningang sagot ni Will pero kulang nalang batukan ang sarili sa pagaka-torpe.

“Ah…okay.” dissapointed niyang sagot. Nabitin na naman siya sa ere. Alam naman niyang may gusto itong sabihin sa kaniya at bakit nahihiya pa itong magsabi.

Hinawakan nito ulit ang kamay niya at iginiya na siya sa paglalakad. Napatingin siya sa mga kamay nilang magka-holding hands. Bakit nanginginig ang kamay ni Kuya Will? Napatingala siya dito. Diretso lang ang tingin nito sa daan.

“Maglalakad lang ba tayo?” maya-maya’y tanong niya. Hindi na kasi siya makatiis sa pananahimik na iyon ni Kuya Will eh.

Tumango lang ito. Nagbuntong hininga siya. May topak na naman ito. Sige lang Ikay. Konting tiis.

“Kuya Will, bukas na ang uwi ni Cathy dito di ba? Susunduin mo ba siya sa airport?” Pinagagaan niya ang namumuong tensyon sa paligid niya. Ayaw niya kasing nakakaramdam ng ganoon eh.

Ngunit umiling lang ito. Napasimangot siya. Sige lang Ikay. Konting tiis pa.

Papasok na sila sa shortcut ng papunta sa Capitol Hills Subdivision ay hindi pa rin ito nagsasalita. Nahahawa na siya at maya-maya lang Simang na naman siya.

Bakit siya napipikon ngayon sa pagiging tahimik nito? eh ganito naman talaga ito. Kung hindi nakaangil. Saksakan ng tahimik naman. Ewan nga ba niya kung bakit nakapagtiyaga siya sa taong ‘to. Naiinis na talaga siya!

“It’s a heartache…nothing but a heartache…hits you when its too late…hits you when you’re down…” Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa pagkanta…hindi pagsigaw pala sa song ni bonnie tyler sa sobrang inis sa lalaking nakahawak sa kamay niya. Inis na inis na talaga siya.

Lalo pa niyang nilakasan dahil parang walang naririnig ang katabi niya. Wala na siyang pakialam kung nakakabulahaw na siya sa mga kapitbahay.

Hinayaan lang ni Will si Ikay. Alam niyang inis na ito sa kaniya. Kanina pa niya gustong batukan ang sarili sa sobrang pagka-torpe niya. Hindi niya masabi ang gustong sabihin kahit na isang daang beses na siyang nagpractice. Ano na bang gagawin niya?Galit na ginusot ang buhok.

Nakita ni Ikay na mukhang irita na si Kuya Will. “Oh ano, galit kana? gusto mo na ba kong batukan?” pang-aasar niya. May suntok ito sa kaniya kapag ginawa nito iyon. Mas asar siya dito. Nakita niyang ginulo nito ang buhok. Ang ginawa niya ay mas lalo pa niya iyong ginulo. Hindi niya tinigilan ang buhok nito. Talagang asar siya dito!

Tinabig nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan ang mga braso niya. “Stop It!” sigaw nito.

“Nagsalita ka rin.” kulang sa inis niyang sabi. Paano ay may kung anong nararamdaman siya sa kaniyang dibdib. para siyang pinaninikipan ng hininga. Ang mga galit na mga matang nakatunghay sa kaniya ay unti-unting nahalinhan ng pagsuyo.

“Kuya Will…bitiwan mo ‘ko.” kinakabahan niyang naipiglas ang mga brasong hawak nito. Hindi niya gusto ang nararamdaman. Natatakot siya…at naeexcite na hindi niya maipaliwanag. “Sasapakin kita..sabi nang bitiwan mo ‘ko!” nagwala na siya.

“I will…but after this.” bumaba ang mukha nito sa kaniya at hinagilap ang mga labi niya at hinagkan siya.

Hinahagkan siya nito? pero bakit? Si Kuya Will ba ang humahalik sa kaniya? Hindi…hindi mo siya kapatid! kumokontra ang kabila niyang isip at sinasabi nitong ienjoy niya ang halik.

Nagawa niyang ipikit ang mga mata. Sinunod niya ang kaniyang konsensya. Hinayaan niyang hagkan siya ni Kuya Will..

Hindi na napigil pa ni Will ang sarili. Nahagkan niya si Ikay. Matagal na siyang nagpipigil na gawin iyon. Ngayon ay bahala na kung anuman ang maging bunga ng ginawa niya. Hindi naman niya pinagsisisihan iyon.

Nakapikit pa rin si Ikay kahit na tapos na ang magic. Naramdaman na lang niya na yakap siya ni Will at humihingi ito ng paumanhin. bakit ito nag-sorry?

Kumawala siya rito at nagyuko ng ulo. Hindi siya makatingin ng diretso. Nahihiya siya!

“Let’s go?” hindi niya halos narinig na lumabas iyon sa bibig niya.

Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. Napatingin siya rito. May ningning ang mga mata nito. Muli siyang nagyuko ng ulo.

Nakabaling sa ibang direksyon ang ulo niya. Hindi niya gustong makita ni Kuya Will ang pamumula ng mukha niya. Hanggang ngayon kahit tapos na ang halik ay nararamdaman pa rin niya iyon sa mga labi niya. Gusto sana niyang hawakan ang mga labi pero magiging obvious naman siya rito.

Patingin-tingin si Will kay Ikay. Iniisip nitong galit sa kaniya ang dalagita dahil sa ginawa nitong paghalik ng walang paalam. Nawalan na siguro ng tiwala sa kaniya at ngayon ay iiwasan na siya nito. Napabuntong hininga siya.

“It’s a heartache…nothing but a heartache…” mahinang kanta niya na nagpabaling ng tingin kay Ikay sa direksyon niya. “hits you when its too late…hits you when you’re down…” napangiti siya ng makitang sumimangot ito.

“Nang-aasar ka ba?”

“Nagsalita ka rin.” nakangisi niyang panggagaya sa mga sinabi nito kanina at akma niyang guguluhin ang buhok nito ay nagwarning look ito na makakatikim siya ng sapak dito.

Ang ginawa niya ay binigyan na lamang niya ito ng smack sa lips bago tumakbo. Hinabol siya nito matapos tanggalin ang sandals na suot.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 10"

Post a Comment