SHARE THIS STORY

| More

All I Need by Erin - Chapter 9

(Blue)





“O Will, buti dumating ka na, ikaw na lang ang hinihintay eh.” salubong ni Marc. Ibinigay sa kaniya si Willer- ang electric guitar niya bago bumaling ng tingin sa mga ka-bandmates nito. “Magsisimula na tayo.”

Isinuot ni Will ang leather strap ni Willer sa leeg niya. Bahagya siyang ngumiti ng sumagi sa isip niya ang nag-iiyak na si Ikay dahil nabasag nito ang favorite electric guitar niya. Isang taon na pala ang lumipas magmula ng bilhin ni Ikay ang electric guitar na ito. Nakapangalan pa sa kanilang dalawa ito. Willer. William and Erika.

Ipinikit niya ang mga mata. Sumagi sa isipan ang naging pag-uusap nila ni Reed.

“Just give up, Will, if you don’t want to tell her how you feel. Masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy mo pa iyan. Kahit gaano mo ipakita sa buong mundo ang pagmamahal mo sa kaniya, hindi niya makikita iyon dahil iba ang mundo niya. Alam ko naman ang lahat. Hayaan mo na si Ikay na mahalin ang gusto niyang mahalin. Pakawalan mo na siya..besides, you still have Cathy. Why don’t you try to focus on her?”

Hindi siya sumagot. Alam niyang hindi siya magagawang mahalin ni Ikay dahil kay Marc. Pero hindi niya gustong i-give up ang konting pag-asang nasa puso na mamahalin din siya ni Ikay. Handa siyang maghintay.

“Happy Anniversary, Willer.” mahinang bulong niya sa gitara, Kinintalan ng halik bago ngumiti sa lahat ng audience ng magbukas ang red curtain ng stage. Maghihintay pa rin siya.

“Okay guys! let’s rock!” sigaw ni Marc sa mga audience.

Nagsigawan ang mga audience ng magsimula ang metallica songs na favorite ng banda.

Nagpunta si Ikay sa may drinks na nasa kaliwang side ng covered court. Nauuhaw siya. Naiinitan siya sa sobrang kaba niya. Sana matapos na ang pageant na ito at ng makauwi na siya at matanggal na niya ang make-up niya sa mukha. Nagsisimula ng mangati ang mukha niya. Hindi niya naiwasan kamutin ang kaliwang pisngi.

“Hey!” tinampal ni Erin ang kamay ng ayaw niyang tigilan ang pisngi niya.”Masisira ang make-up mo.”

“Eh nangangati na ang mukha ko eh.” inis niyang sabi. Kumuha ulit ng juice na strawberry flavor. “Gusto mo ng juice?”

“Yeah.” sagot nito. Nakatingin sa stage habang pinagmamasdan si Marc na nag-he-head bang. “He’s so cute.”

Napatingin siya rito bago tumingin sa stage.”Sino? Si Marc?” tanong niya bago umiwas ng tingin ng tingnan siya ng kaibigan.

“Hindi. Si Kuya Will ang tinutukoy ko. I think, Ikay bagay talaga kayo ni Kuya Will.”

“Ayan ka naman Erin.” naiiling na sabi niya. Alam niyang nanunukso lang ito pero hindi niya talaga maiwasang hindi maapektuhan sa mga panunukso nito. Tumingin siya kay Kuya Will. Nakatingin ito sa direksyon nila at ng makitang nakatingin siya ay pilyong ngiti ang ibinigay nito sa kaniya at nag-flying kiss pa sa kaniya. Nag-make face siya rito bago humarap kay Erin.

“What?” tanong niya. Para itong lokang ngingiti bago iiling.

“Look at him, Ikay. Open your eyes. Lahat na nagsasabi sa’yo na gustong-gusto ka ni Kuya Will. Bakit hindi mo makita iyon?”

“Eh hindi naman iyon ang nakikita ko.” naiinis siya. Kahit anong pilit niyang tingnan at kahit anong pilit niya sa sarili na magustuhan niya si Kuya Will ay hindi niya maramdaman. “Kahit anong gawin ko Erin, pagtinging-Kapatid lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala na akong maramdamang iba.”

“Isiniksik mo na kasi sa isip mo na kapatid mo lang si Kuya Will. Hello, Ikay, kahit saan tingnan hindi kayo magkapatid. hindi kayo magkadugo. pwede siya’ng mainlove sa’yo at pwede ka ring mainlove sa kaniya. ”

“Eh anong gagawin ko?”

“Just open your eyes.”

Ang sabi nito ay buksan ang mga mata niya pero naipikit niya ang mga iyon. Dahil kahit pilitin niya ang sarili, hindi niya makikita si Kuya Will dahil iba ang nasa puso niya. Iba ang nakikita niya. Hindi niya magagawa na ibaling kay Kuya Will ang nararamdaman niya. Magiging unfair siya rito at sa sarili niya.

“Erin, may sasabihin ako sa’yo.” nahihirapan na siyang ikimkim iyon sa loob niya. At gusto na rin niyang sabihin dito dahil at baka sakaling mawala kapag sinabi niya kagaya ng mga dating crush niya.

“Ikay ok ka lang ba?”

“Erin…” nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Ang hirap magsabi ng nasasaloob. Hindi siya handa sa ganito. ” I hope you will understand. Promise me, Erin, after this, ‘wag kang magagalit sa akin and we can still be friends.”

“I don’t get it. What are you trying to say?” nakangiti nitong tanong sa kaniya.

Ngiting unti-unting nawala ng marinig nito ang ipinagtapat niya.

“Erin hindi ko gusto ang nararamdaman ko para kay Marc. Dahil alam kong kayong dalawa. but please, I’m so sorry.” nagsimula na siyang humikbi sa nakikitang pagkawala ng kulay sa mukha nito.

“Please, Erin. Kausapin mo ako. Sabihin mo sa akin lahat ng gusto mong sabihin. Tatanggapin ko lahat.”

Pinahid nito ang umalpas na luha sa mga mata. Pero hindi na nito mapigil ang muling pagtutubig ng mga mata nito.” Don’t cry, Ikay. Nangako ka sa akin na hindi kana iiyak sa harapan ko ‘di ba? so don’t cry.”

“Erin…” nagpahid siya ng mga mata. “Thank you.”

“What are friends are for? Lahat kaya kong maintindihan pagdating sa’yo. Alam kong hindi mo ginusto. At salamat dahil nagtapat ka sa akin. I love you, bestfriend.”

Ngumiti siya dito. Hindi niya talaga mapigil ang sariling huwag umiyak. Mahal na mahal siya ng kaniyang bestfriend. Wala na siyang mahihiling pa rito.

“Tama na, masisira ang make up mo niyan eh.” natatawa nitong inayos ang buhok niya. ” Pero hindi pa rin ako titigil sa kasasabi sa’yo Ikay na bagay talaga kayo ni Kuya Will. At kapag nangyaring maging kayo. Magpapa-fiesta ako sa buong Trece!”

“Erin..” reklamo na niya.

“Aba anong malay mo, kayo pala talaga?” nanunukso na naman ang tinig nito at kiniliti pa siya.

Napataas sa langit ang tingin niya. “Ayan na naman po kami!”
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 9"

Post a Comment