(Blue)
Palinga-linga si Will sa loob ng canteen pero hindi niya makita si Ikay. Wala rin ito sa may oval bench kanina na tambayan ng barkada. Talagang iniwasan na siya ng dalagita. Hindi naman niya ito masisisi dahil hinalikan niya ito ng walang paalam. Gago talaga siya. Bakit kasi ipinilit niya ang gusto niya. Sana ay nakinig na lamang siya kay Reed. Hindi sana siya iniiwasan ngayon ni Ikay.
“Ano ba Will nahihilo na ko sa’yo!” reklamo ni Sipag. “Kanina ka pa palinga-linga. Sino ba tinitingnan mo? Para ka ng giraffe niyan eh.”
Isang pagkalalim-lalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha bago muling tumingin sa pintuan ng canteen. Napatayo ng biglang makita si Erin na papalapit.
“Erin si Ikay?” agad niyang tanong magbubuka palang ng bibig si Erin.
Nagtatakang tiningnan ni Erin si Will. “Eh ‘di nasa T.H.E. it’s friday today kaya general cleaning nila ngayon. Ano ka ba parang hindi mo alam.”
Nanghihina siyang napaupo ulit. Oo nga pala. sa sobrang pag-aalala niya nakalimutan niyang tuwing friday pala ang general cleaning ng section nito sa T.H.E.
“Kuya Will okay ka lang ba?” tanong iyon ni Jinks. “Kanina ka pa di mapakali eh.”
Ngumiti lang siya dito bago bumaling kay Erin. “Anong oras ba daw matatapos ang GC nila?”
“Mga Alas-dos daw.” tumingin si wrist watch bago. “two hours na lang.”
“Nag-lunch na ba iyon?” tanong ni Bossing.
“Hindi pa nga eh. sabi ko hahatiran ko siya ng–ay! nakalimutan ko!” napatapik sa noo si Erin. “Kaya pala ako pumunta dito kasi ibibili ko siya ng pagkain. Napakwento tuloy ako. Teka lang ha, bili muna ko.”
Pinigilan ni Will si Erin. “Ako na ang bibili. Maupo ka na dito. Kumain ka na rin. Ano ba gusto ni Ikay?”
Nangingiti si Erin. “Ang sweet talaga ni Kuya Will.” kinikilig nitong sagot. “Yung gusto niya ang pinabibili niya. Alam mo na naman ‘yon ‘di ba?”
Tumango siya. Lumakad sa may mga nakaserve na pagkain. Nasundan ni Erin ng tingin si Will bago tumingin sa barkada. “May problema ba si Kuya Will? Mukhang bilasa siya ngayon.”
Ang seryosong mukha ng barkada ay nauwi sa pagpipigil ng mga itong tumawa. Hindi na nakatiis si Sipag at humagalpak na ito sabay hampas pa sa mesa.
“Kahit kailan talaga Erin, bokya ang tagalog mo. Mag english ka na nga lang.” tawa ng tawa si Sipag.
“Balisa iyon Erin. Hindi bilasa. Ginawa mo naman isda si Kuya Will.” natatawa rin na sagot ni Jinky.
“Sorry.” nahihiyang ngumiti bago napakamot sa ulo.
Nakatingin si Will sa tray ng mga pagkain. Iniisip kung ano pa ba ang kulang sa mga binili niya. May chicken drum stick with two rice balls, may sotanghon soup, may corn and carrots, two muffins, icecream and mineral water. Wala na siyang maisip na favorite pa ni Ikay na pwedeng mabili sa canteen.Matapos na bayaran sa counter ay bumaling ng tingin sa barkada bago malakas na nagsalita.
“Guys punta muna ko sa T.H.E. hatid ko lang ‘to kay Ikay, babalik rin ako agad.” paalam niya sa barkada.
“Kahit ‘wag na.” natatawang ganti ni Sipag. Hindi na narinig ni Will ang sinabi ni Sipag dahil nagmamadali na itong lumabas ng canteen, bitbit ang tray ng mga pagkain para kay Ikay.
“Aba! hyper si Kuya Will. Ano bang nakain n’on?” tanong ni Jinks.
“Inlove eh.” natatawang sagot ni Sipag na ikinailing ni Bossing.
“Eka, babalik din kami ha. gutom na kami eh. balik kami after thirty minutes.” sabi ng isa sa mga classmates niya.
Napatigil si Ikay sa pagma-mop ng sahig at napatingin sa orasan na nasa itaas ng entrance door ng T.H.E. room. Alas-dose na pala. Lunch time. Kaya nagwawala na pala ang mga alaga niya sa tiyan. Gutom na rin siya. Ang tagal ni Erin. Bakit kaya wala pa ito?
Tumango siya sa mga classmates niya.
“Hindi ka pa ba magla-lunch?” tanong iyon ni Jason. Isa sa mga naging crush niya dati.
“Hinihintay ko si Erin. May dalang pagkain iyon para sa akin.” nakangiti niyang sagot. Inilapag ang mop sa sahig bago lumakad sa may table ng teacher nila at ini-off ang radio na nakapatong doon bago naupo sa isa sa mga mahabang sofa sa may gilid ng pintuan para sa mga visitors.
“Okay. But tell me kung gusto mong sumabay sa amin kapag wala pa si Erin. I’ll treat you.” malambing nitong sabi.
“Sure.” bagot niyang sagot at nagpahabol pa ng fake na ngiti. Suplado ito dati sa kaniya. Pero dahil crush nito si Maryrose ay nakipagkaibigan sa kaniya para siya ang maging tulay nito para kay Maryrose.
“Ang kapal!” nabigkas niya. “Nagugutom na talaga ako. Nasaan na ba ang pagkain ko?” reklamo niya sa sarili.
Kapag ganitong gutom siya ay ayaw niyang gumalaw at hindi niya gustong magsalita. Ngayon siya nakaramdam ng pagod kung kailan nagpapahinga siya. Nahiga siya sa sofa at ipinikit ang mga mata. Ipinatong ang isang braso sa may noo.
Gustong niyang matulog. Nahawakan niya ang bibig sa ginawang paghikab ng matigilan. Naalala niya ang ginawa ni Kuya Will kagabi. Ang ginawa nitong paghalik sa kaniya.
Naimulat niya ang mga mata at napabangon. Umiling-iling. Bakit ganito? Bakit naiisip niya iyon?
“No Ikay! Huwag kang mag-isip ng ganyan okay? Hindi ka na nahiya kay Kuya Will. Huwag mong isipin iyon. Wala iyon, okay, Ikay. Huwag mong isipin.” naiinis niyang sabi sa sarili.
Pero parang nasirang plaka na nagpaulit ulit ang eksenang iyon sa isip niya. At tukso pang nagiging slow motion iyon. Ang pagbitaw ng mga kamay nito na nakahawak sa mga braso niya at ang bigla nitong paghila sa mga kamay niya para mapalapit siya dito. Ang pagbaba ng mga labi ni Kuya Will para siya hagkan at ang pagyakap nito sa kaniya.
Mariin niyang ipinkit ang mga mata at malakas niyang naipadyak ang isang paa. Naiinis siya. Hinampas niya ang sofa at nakangusong tumayo para puntahan ang radio. Lilibangin na lang niya ang sarili sa pakikinig ng music.
Straight from the heart ang song na sumalubong sa tenga niya. Inis siyang naglipat ng radio station. Love takes time naman ang kasalukuyang tinutugtog. Inis na nailipat niya ulit sa ibang station, pero talagang nananadya yatang puro love song ang naririnig niya. Inilipat niya sa rock station pero lalo siyang nainis. Sweet child of mine naman ang tinutugtog. Favorite song pa ng lalakeng iniisip niya. Naku talaga! Naiinis niyang ini-off ang radio ng huling marinig ang that’s what love is for.
“Walang pakisama ‘tong radyo na ‘to.” galit siyang bumalik sa sofa at naupo. Simang na talaga siya. Naiinis siyang ewan. Kung anu-ano naiisip niya, siguro gutom lang siya kaya pati radyo pinatulan niya.
Tumingin siya sa orasan. twelve-thirty. Gutom na talaga siya. Nakalimutan siguro ni Erin ang pagkain niya. Pupunta na lamang siya sa canteen. May pagkain pa naman sigurong mabibili doon. Pero duda siya kung yung mga paborito niya ang naiwan sa canteen. Madalas siyang maubusan, lalo na yung sotanghon soup. Favorite niya iyon. Kaya kapag tuwing friday nakikipaghaltakan siya ng uniform ng mga estudyante para ilayo sa pila para lang mauna siyang bumili n’on.
Napatingin siya sa pintong bumukas at napatayo ng bumungad si Kuya Will. Bigla siyang nataranta. Nag-ayos ng buhok at ngumiti ng pilit.
“Kuya Will, anong ginagawa mo dito?”
Ngumiti muna ito. Pero may nahagip siyang lungkot sa mga magta nito bago nagbaba ng tingin sa tray ng pagkain at itinuro ang hawak. “Food. Sabi ni Erin hindi ka pa raw nagla-lunch kaya dinalhan na kita.”
Napatingin siya sa tray at bahagyang natawa. “Last supper ko na ba Kuya Will? ang dami niyan eh. Hindi ko ‘yan kayang ubusin.”
“Tutulungan kita. Hindi pa rin ako kumakain. Hinihintay kasi kita. Nakalimutan kong GC n’yo nga pala ngayon.”
“Okay. Let’s eat then.” nakangiti siyang tumayo sa sofa at kinuha ang tray ng pagkain. “Doon na tayo kumain Kuya Will.” itinuro ang mahabang baking table.
Malapit na niyang maubos ang kinakain pero hindi pa rin nagsasalita si Kuya Will. Nakatingin lang sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasan ang pamulahan ng mukha. Naiilang siya. Hindi naman siya tinitingnan ng ganoon ni Kuya Will at bakit parang malungkot ito ngayon?
Naibaba ni Will ang tingin sa sahig ng ngitian siya ni Ikay. Nakaupo siya sa sofa, malayo ng konti ang distansya mula kay Ikay kaya naman gusto niya itong abutin at yakapin. Naikiskis niya dalawang kamay bago huminga ng malalim.
“Ikay ma-”
“Kuya Will-”
Halos magkasabay nilang nabigkas iyon. Bahagyang natawa si Ikay. Tumayo naman si Will.
“Ikaw muna.” nasabi ni Ikay.
“No. Ikaw na.” sabi ni Will sa pagitan ng paghugot ng paghinga.
Ngumiti si Ikay. “‘Yong kagabi, Kuya Will. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa iyon. Alam kong ginawa mo lang iyon dahil gusto mo kong tulungan na makalimutan ko si Marc. Pero Okay na ang lahat, inamin ko kay Erin ang nararamdaman ko para kay Marc at ngayon, medyo maluwag na ang pakiramdam ko…kaya, salamat Kuya Will ha. Ikaw talaga ang superman ko.” Lumapit siya dito at niyakap niya ito ng mahigpit.
Wala sa sariling tumango si Will. Ngumiti ng pilit. Tila sasabog ang dibdib niya. Kumalas ng yakap sa dalagita. “Ikay…babalik na ko..sa canteen. Baka…” huminga siya ng malalim, pilit na inaalis ang nakadagan sa dibdib. “Baka hinihintay na ‘ko nina Reed.”
Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa si Ikay. Lumabas na siya ng T.H.E room.
“Anong nangyari d’on?” tanong ni Ikay sa sarili na naiwang nakatingin sa pintuang nilabasan ni Kuya Will.
Kanina pa pinagmamasdan ni Will si Ikay. Hindi niya gustong ialis ang paningin sa dalagita na tumatawa na parang wala ng bukas. Napaka-natural nito. Iyon marahil ang nagustuhan niya dito.
Pinanghinaan siya ng loob kanina sa pagbanggit nito ng Kuya. Sa bawat pagbigkas nito ng salitang iyon ay hinihiwa niyon ang puso niya. Ipinapaintindi niyon sa kaniya na iyon lang ang kaya nitong ibigay sa pagmamahal niya. Ipinapakita na iyon lang ang papel niya sa buhay nito. Hindi niya gustong tanggapin iyon kaya nagawa niyang hagkan ito. Naiiling siya. Gago talaga siya. Ipinipilit kasi niya ang sarili sa hindi pwede. Sa hindi siya pwedeng mahalin. Nararamdaman niya ang sakit, Sumisigid iyon hanggang sa mga buto niya.
“Kuya Will, baka malusaw na si Bunso sa kakatitig mo sa kaniya.” pa-baby talk na sabi ni Sipag.
Lumingon siya kay Sipag. “May sinasabi ka ba, Sipag?”
Naiiling na binatukan ni Reed si Will. “Para kang loko, Will. Sinabi ko naman sa’yo ‘di ba? Ang tigas kasi ng ulo mo. Hindi ka marunong makinig.”
“Ano ka ba Reed, masisisi mo ba si Will eh mahal niya si Ikay.” singit na bulong ni Sipag.
“That’s stupid. Nakakasira ng ulo ang pag-ibig na iyan.” sagot ni Reed.
“Ayun! kaya hanggang ngayon wala ka pa rin girlfriend.” nakangising sabi ni Sipag.
“Tinanggap ko na ang lahat, Reed.” mahinang sabi ni Will. Malungkot itong nakatingin kay Ikay. “Tanggap ko nang hindi niya ko mamahalin.”
“Ouch! ang sakit…” hinampas pa ni Sipag ang kaliwang dibdib.
“You still have Cathy, Will. Focus on her.” tapik pa ni Reed sa balikat niya.
“Para kang guardian devil ni Will, Reed. Dapat ikaw ang mangumbinse dito kay Will na ipaglaban niya si Ikay ikaw pa yung-”
“Tama na Sipag. Tinanggap ko na, kaya okay na.” sagot ni Will.
“Okay na ba talaga? tingin ko magkakalasingan tayo mamaya niyan eh. Ano ba gusto niyo, redhorse?”
“Gago!” natatawang binatukan ni Reed si Sipag.
“Will, Look who’s here…” masayang bungad ni Marc na nasa pintuan ng canteen at may itinuturo sa likuran nito. Napatingin ang Magnificent sa bagong dating. Isang babae ang nasa likuran ni Marc. Ngumiti ito ng makita si Will na nangunot ang noo.
“Hi William, honey!”
“Cathy…”
Agad itong tumakbo sa direksyon niya. Gulat na gulat ang Magnificent ng halikan ni Cathy si Will sa mga labi. Hindi naman namalayan ni Ikay ang pagtaas ng isang kilay niya sa tagpong iyon.
0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 11"
Post a Comment