SHARE THIS STORY

| More

All I Need by Erin - Chapter 18

(Blue)





“Will kanina pa kita hinahanap.”

Niyakap niya ito buhat sa likod. Nakaupo ito sa wood bench na malapit sa may Guidance office. Nakatanaw ito sa Magnificent na nagkakasayahan sa may covered court. Graduation party ng National. Ito ang huli na magkakasama ang mga senior students at ang gabi ng mga susunod na senior.

Nginitian siya nito. Kumalas siya ng yakap at Gumilid para makaupo sa tabi nito.

“Congratulations! Finally, naka-graduate ka na rin. Valedictorian pa. Naks! Yabang!” pang-aasar ni Ikay. Sabay abot ng gift para rito.

“Ano ‘to?” nagtatakang tiningnan nito ang maliit na box na hawak.

“Gift. Nakikita mo na nga, nagtatanong ka pa.” naka-irap niyang sagot.

“Alam kong gift ‘to. Sungit! Nagtatanong lang eh.” nakatago ang ngiti nito sa mga labi. Kapag-kuwan ay napabuntong hininga. “Ma-mi-miss kita.”

“Ang OA mo ngayon. Parang six months ka lang sa Japan eh.” hindi rin naman niya maitago ang lungkot sa mga mata niya. Pinag-babakasyon ito ng mga magulang nito sa Japan. Anim buwan itong maglalagi roon dahil na rin sa kailangan na nitong matutuhan ang pagmamanage ng bar and restaurant ng mga magulang nito.

“Six months. Kalahating taon na wala si Ikay sa tabi ko…” Nagkibit-balikat “…Ayos lang iyon. Marami naman haponesa d’on eh.”

“William Hipolito! Subukan mo.” Umirap pa siya ng tumawa ito ng malakas. “Kakainis ka!”

Tinitigan siya nito, bago hinila ang kamay niya at dinala sa mga labi. “Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Kung hindi na lang kaya ako umalis o kung isama na lang kaya kita?”

“Ang OA mo ha.” natatawang hinila ang kamay. “Nagiging corny ka yata ngayon, Will?”

“Bakit kasi hindi kita pwedeng tawagan?”

“Ano ka ba?! Magbabakasyon ka d’on. Mag-enjoy ka. Huwag mo ‘kong isipin at isa pa, kapag lagi mo ‘kong tatawagan, mawawala ang concentration mo. Alam mo naman..” Bago mapanuksong ngumiti. “I’m driving you crazy.”

“Erika!”

Napangiwi siya. Bigkas na bigkas nito ang pangalan niya. Tumingin siya kay Erin. “Will, hindi ako pwedeng sumama sa’yo. Kailangan kong maghanap ng trabaho. Sayang ‘yong six months. Susundan ko pa si Erin.”

Nagbuntong hininga ito. Suko na sa pangungumbinsi sa kaniyang sumama dito. “I understand.”

“Maganda na rin iyon, Will, para ma-miss naman natin ang isa’t-isa.”

“I’m worried, Ikay. Walang magbabantay sa’yo. Sa isang linggo si Erin naman ang aalis. Ayokong iwan ka ritong mag-isa.”

“I’m not a kid anymore. I can take care of myself. Hindi na ako tulad ng dati, Will. I can manage. Kaya kung ako sa’yo, umuwi kana and take a rest. Maaga pa ang byahe mo bukas.”

Sunud-sunod itong umiling. “Hindi kita susundin ngayon. Ngayon na nga lang kita makakasama, pauuwiin mo agad ako.”

Nagkibit-balikat siya. Iniyakap niya ang dalawang kamay sa baywang nito. Inakbayan naman siya bago inihilig ang ulo niya sa mga balikat nito.

Nag-iinit ang sulok ng mga mata ni Ikay. Inaamin niyang natatakot siyang wala ito sa tabi niya. Halos tatlong taon niya itong nakasama. Ngayon lang sila magkakahiwalay ng gan’ong katagal.

“After ten years Ikay, magpapakasal tayo.”

Napaunat siya ng upo at tinitigan ito. Nasa mukha nito ang kaseryosohan sa sinabi.” What? ang bilis ng andar ng utak mo ha. Kasal ka kaagad diyan. Marami pa akong gustong gawin ‘no!”

“Kaya nga ten years ang ibinibigay ko sa’yong panahon. Matupad mo iyon o hindi magpapakasal tayo.”

“Ikaw talaga.” kinurot niya ito sa braso bago humilig ulit dito.”Kaya ba ng bulsa mo? ang gusto kong kasal ‘yong parang may fiesta. Invited ang lahat.” pagbibiro niya.

“Ikaw naman ang gagastos ng lahat pati na rin ang parents ko.” pakikisakay nito.

“Gan’on? maghanap ka ng bride mo.”

“May negosyo ka naman, may bar and restaurant ang parents ko so anong problema d’on?”

“Gan’on? magpakasal ka mag-isa. Asa sa magulang.” nakasimangot niyang turan.

Natawa ito ng mahina. Hinapit siya papalapit dito. “Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Siyempre, ako ang taya. Imbitahin mo pa ang lahat ng mga taga- Trece.” nasa mga mata nito ang kaaliwan. “Eto, seryoso na. Ten years na palugit lang ang ibibigay ko sa’yo. And then magpapakasal tayo. Ang gusto ko sa bahay ka na lang.”

Lalo siyang napasimangot. “Will, twelve years akong taong bahay. Ayoko naman buong buhay ko nasa bahay lang ako. Ang gusto ko magtrabaho rin. Gusto ko hati tayo sa lahat ng gastusin. Ayokong laging nakalahad nalang ang kamay ko sa’yo sa tuwing sweldo mo.”

Napahinga ng malalim.”Okay. You’ll gonna work 4 days a week, four hours a day. That’s final. Ang gusto ko alagaan mo na lang mga anak natin.”

“Hindi naman masyadong advanced ang utak mo ano? sige, ilan ang gusto mong anak?” pakikisakay na lang niya. Hahayaan na lang niya muna itong mangarap.

“Tama na sa akin ang lima.” nakangiti ito ng pilyo. “O kung gusto mo isang team na lang.”

“Oi, Mahirap kayang manganak. Tama na ang isa.” kinurot pa niya ito sa may tiyan.

Napakamot ito sa ulo. “Kawawa naman ang anak natin, walang kalaro.”

“Hay naku Will! tumigil ka, ikaw kaya ang manganak. Tama na ang isa.”

“Ano naman ang name ng lima nating anak kung sakali.”

Umikot ang dalawang eyeball niya sa mga mata. Naiiling sa itinatakbo ng pag-uusap nila. HIndi siya sanay sa mga ganitong pag-uusap, pero nakaka-excite din palang pag-usapan ang mga bagay na ganito.

“Ang gusto ko, kapag baby boy, Rance Maxwell. Kapag baby girl, Willna or Willma. Para kasunod sa pangalan mo.”

“Junior ang gusto ko.”

“Masaya ka. Ayoko nga ng junior. Ang dami-daming pwedeng ipangalan bakit junior pa. Hay tama na nga itong pag-uusap na ‘to. Kung anu-ano na ang napaguusapan natin. Ang mabuti pa, makisaya na lang tayo sa kanila.”

Hinila na niya ito patayo. Para naman itong nagdamdam sa sinabi niya. Hindi ito kumibo nagpahila sa kaniya.

“Asus! ang Will ko, nagtatampo.” kinurot pa niya ito sa may tiyan. Hindi ito kumibo. Napabungisngis siya. Sa isip ay cute pala ito kung magtampo. “Naku! Nagtampo na talaga siya oh!”

“Let’s go.” naglakad na ito palayo sa kaniya.

“Ang OA talaga ng taong iyon.” kausap niya sa sarili. Sinundan si Will na malayo na sa kaniya. “Oi Will! Ang laki-laki mong tao, matampuhin ka! Hoy! Hintayin mo nga ako!”

“Best, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsuot?” bungad agad sa kaniya ni Erin ng makita siya sa mga nakahilerang dessert sa mahabang mesa. Kumuha ito ng paperplate at nilagyan ng vegetables salad at isang garlic bread.

“Kaya ka hindi tumataba, puro ganyan ang kinakain mo. Pagkain ng kambing iyan eh.” Kumuha siya ng paperplate at nilagyan ng buko salad ang kanya. “Hindi naman masamang kumain ng matamis ‘di ba?”

Nagkibit balikat ito. Sa tingin niya, lalong namayat ang best niya. Hindi na rin ito gaanong nagsasalita. Palagi na lang niya itong nahuhuling nakatingin kay Marc.

“Pumangit ba ako at ganyan ka na lang makatingin sa akin?” nakatawang tanong nito.

Ngumiti siya.” No. You’re beautifull inside-out.” Huminga siya ng malalim. Hindi niya gustong iparamdam sa best niya na nalulungkot siya sa pag-alis nito. “Nag-usap lang kami ni Will kaya nawala ako kanina sa circle.” sagot niya sa tanong nito kanina. “Bukas na ang alis niya. Buti pa siya makakapunta na ng Japan. Grabe! Makakapunta na siya sa anime world. Inggit ako!” lumabi pa siya at humikbi-hikbi.

“Tomorrow na pala ang flight niya.” maikli nitong sagot. Tila nawalan ng ganang ibinaba ang kinakain at kumuha ng plastic na baso sa katabi ng mga paper plate.

“Bakit hindi mo kausapin si Marc, Best. Alam kong maiintindihan ka niya. Mahal ka niya, Best.”

Tipid itong ngumiti sa kaniya.”Gusto ko Best. Hindi ko lang magawa. Sana maintidihan mo ako. Ayokong malaman niya, Best. Hayaan ko na lang na magalit siya sa akin.”

“Best, nasasaktan ka kasi. Okay lang sana kung hindi mo rin dinaramdam eh, kaya lang habang pinagmamasdan kita, gusto mong bumigay eh.”

Umiling ito. “Kaya ko ito.” pero nabasag ang boses nito sa pagkakasabi niyon.

“Halika nga rito.” Masuyo niya itong niyakap. “Best, ingat ka sa Norway ha. Palagi tayong mag-uusap ha kapag nand’on kana. Best I promise, makakasunod ako sa’yo. Gagawin ko lahat para makasunod sa’yo. I love you, Bestfriend. You’re a great person, a great friend I’ve ever had.”

Kumawala ito at nagiiyak sa harapan niya. “Ikaw talaga. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin iyan? ang tagal-tagal ko nang hinihintay na sabihin mo iyan sa akin eh.”

Hindi niya naiwasan na tumawa. “Sorry best. Hindi ko kasi feel sabihin iyon kapag hindi ko gustong sabihin. I’m not sweet and i will never be.” kumindat pa siya rito. “Pero ngayon na feel ko, sasabihin ko sa’yo ng paulit-ulit. I love you, best..i love you, best.. i love you, best-” Napasigok siya. Sunud-sunod ang paghikbi niya. “Halika nga rito. Payakap nga ulit.” nagpayakap naman ito sa kaniya. “Nalulungkot talaga ako, bestfriend.”

“Will nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” kanina pa siya hindi nito kinikibo. Diretso lang ang tingin nito sa daan. Hawak ang kamay niya. Ihahatid siya nito pauwi. Pero mahigit kalahating oras na silang naglalakad, hindi pa rin siya kinikibo. Marahan lang itong sumisipol. Sinuntok niya ang braso nito. Wala pa ring epekto rito. Ano ba gustong palabasin ng luko-lokong ‘to?

“Kung ayaw mo ‘kong kibuin, ‘di ‘wag. Sinong tinakot mo?!” nakasimangot na niyang sabi.

Tumingin lang ito sa kaniya at sumipol-sipol sa harapan niya na tila siya inaasar. Inirapan lang niya ito. Bumitaw siya dito at naglakad ng mabilis.

“Hey! I was just joking.” natatawa itong humabol sa kaniya. “Huwag kang masyadong magmadaling maglakad, baka madapa ka. Lampahin ka pa naman.” Hinawakan muli ang kamay niya.

“Heh!” Inirapan niya ito.

Ilang minuto na naman silang hindi nagkibuan. Maloloka na talaga siya sa kahawak kamay niya.

“I’m too happy, Ikay. Parang gustong kumawala ng puso ko.”

Tinunghayan niya ito at nang-aasar na sumipol-sipol sa harapan nito.

“Ikay…” nag-warning look ito sa kaniya.

“I was just joking…” muntik na siyang mapatili ng hapitin siya nito palapit. Iniyakap niya ang mga braso sa mga balikat nito at sumipol-sipol.

“I love you, Ikay.”

Niyuko nito at hinagilap ang mga labi niya. Hindi na niya naituloy ang kantang isinisipol. Sinagot niya ang mga halik ni Will. Hinapit pa siya nitong lalo, ikinulong sa mga bisig nito.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 18"

Post a Comment