(Blue)
“Hay naku Ikay. Baka matunaw na si Kuya Will niyan sa ginagawa mong pagtitig sa kaniya.”
Naiiling na sabi ni Erin dahil sa nakatitig si Ikay kay Will habang marahang nag-i-strum ang huli ng gitara. Tanaw nila ito mula sa itaas ng bubungan ng bahay nila. Nag-decide sila na mag-star gazing dahil sa maraming bituin sa langit ngayon at baka matyempuhan nilang may shooting star. Mahilig kasi ang Best niyang mag-wish ng kung anu-ano kapag may shooting star. At kung minsan ang iba doon ay nagkakatotoo.
Kita talaga sa bestfriend niya ang mga nakatago sa loob nito at ngayon nga, kitang-kita niya na mahal nito ang lalaking tinatawag nitong Kuya dati. Noon pa niya napansin na iba ang pag-tingin ni Ikay kay Will. Hindi lang siguro matiyak ng bestfriend niya sa sarili dahil mas gusto talaga nito ng kapatid na lalaki.
Pinamulahan ito ng mukha na lalong nagpatingkad sa mga pisngi nitong namumula bago umiwas ng tingin kay Will.
“You are so cute, Ikay.”
Inirapan siya nito. “Ano ako puppy?” asar nitong sagot na itinatago ang pagkapula ng mukha.
“Talaga naman ah.” natatawa niyang sabi. Inirapan siya nito.
Hindi niya talaga akalain noon na si Ikay ang magiging bestfriend niya. Suplada kasi ito sa kaniya dati at palagi pa siyang inaasar. Hindi kasi gusto nito ang pagsasalita niya. Masyado daw siyang maarteng magsalita. Nangingiti siya sa mga naaalala niyang pagbabanggaan nilang dalawa. Halos maasar na siya dito dati. Pero ngayon, hindi siya nagsisisi na pinili niya itong maging bestfriend. Hindi man ito nagsasabi ng mga papuri sa kaniya at hindi man ito ganoon ka-sweet pero ramdam naman niya na importante siya sa bestfriend niya.
“Alam mo best, ngayon lang tayo nagkausap ng ganito. Iyon bang seryoso at yung tayong dalawa lang.” humiga ito sa bubungan at inunan ang dalawang kamay. Boyish talaga ito kung kumilos.
“Eh paano naman kasi tayo magkakaroon ng matinong usapan kung panay kalokohan ang nasa isip mo. Hindi ka makausap ng matino lalo na kapag wala ka sa mood, eh lagi ka pa naman wala sa mood.” natatawang sagot niya.
nag-fake ito ng tawa. “Ang hirap naman kasi magpakaseryoso eh. Baka Ma-ICU ako.”
“Nga pala, kamusta ang tindahan mo sa palengke?” May tindahan ito sa palengke ng Muntinlupa. Maliit palang ang tindahan ng simulan ni Ikay noong isang taon pero hindi na niya nakamusta iyon kung napalakihan na nito, dahil ngayon lang ulit sila nagkausap ng matagal. Abala sila sa studies, lalo na ito. Bukod sa studies nito, marami itong inaasikaso sa school. Mahilig kasi ito sa mga activities. Assistant Editor pa ito sa Gabriella Newspaper kaya naman patong-patong ang gawain nito.
“Ayos naman, ganoon pa rin. Thank God at kumikita.” sagot nitong nakatingin sa mga bituin. Nagtuturo-turo sa langit. Marahil binibilang nito ang mga bituin. Ang weird talaga ng bestfriend niya.
“Akala ko napalakihan mo na iyon?”
“Nah.” umiling ito. “Ngayon ang status ng tindahan, okay naman kung ikukumpara last year. Kumikita at sabi nga ng pinsan ko kasya sa pang-araw-araw na gastos. Pero siyempre ayoko din naman na hanggang doon na lang ang tindahan ko. Gusto ko pa rin mapalakihan iyon.” napabuntong hininga. Ibinaba ang kamay at pumikit. “Pero mahirap magpalaki ng tindahan, best. Kailangan ko ng malaking pera at hindi pa sapat ang kinikita ng tindahan ngayon para sa isang grocery store. marami rin akong kakompitensiya. Pero darating tayo diyan, best. I want to do it, slowly and wisely. Hindi ako nagmamadali. Kapag lumaki ang kita ng tindahan higit pa sa inaasahan ko, this year, baka simulan ko ng magplano ng grocery store. Maybe, maybe not.” kibit-balikat nitong sagot.
“Wow! business woman na ang dating ng best ko.”
Tumingin ito at nagmake-face sa kaniya. “Heh! marami pa kong kakainin bigas ano.”
“Kahit na ba eh. Biruin mo, may negosyo ka na agad sa edad mong iyan. Amazing!”
“Tumigil ka nga diyan.” natatawa nitong saway sa kaniya.
“Ikaw, pa-humble ka pa. Eh yung pagpapatayo ng publication, itutuloy mo pa ba iyon?”
“Oo naman. Isa iyon sa mga gusto kong gawin. Magtayo ng sarili kong publication, ikaw ang gagawin kong editor-in-chief. Dadalhin ko sa publiko ang Gabriella. Kaya lang kailangan kong mag-ipon ng pera! Kung sabagay, ST lang ang katapat n’on.” Nag-yahooo pa ito at tumawa ng malakas. “Hay Best! ang sarap mangarap!”
“Okay lang iyan. Libre naman iyon eh. Kung kaya mo naman, Why not ‘di ba?” natatawa niyang sagot. “Kamusta naman ang new story mo?”
Nagkibit-balikat ito. “Ayun, nakatambak sa bahay. Nag-iisip kasi ako kung ano ang pwede kong itawag sa apat na emperador ng hari ng Annapolis. Since galing sila sa elite group ng CIA, kailangan meron silang ganoon at dapat yung talagang nag-e-exist sa CIA ang group na iyon. Four men na magaling sa mga investigations ang mga emperador. Naku! ang hirap naman mag-isip.”
“Best, bakit hindi mo kaya i-try na magsulat ng love story. Yung happy ending ha.”
Napangiwi ito. “I’ll try.” maikli nitong sagot.
“kamusta naman yung story na pinasa mo?”
“Eh ‘di R-E-J-E-C-T!”
“Gan’on? bakit maganda naman iyon ah? iyak nga ako ng iyak d’on eh.”
nagkibit-balikat ito bilang sagot sa kaniya. Nag-inat at naupo. “Hay sa wakas! graduation na tomorrow. Masaya sana pero nalulungkot ako. Marami akong ma-mimiss sa National.”
“Yeah.”
Nasa ganoon silang pag-uusap ng may makita silang shooting star. Nanlaki ang mga mata ng best niya at tumayo sa bubungan bago nagtatatalon dahil sa nakitang shooting star. “Best, shooting star. Dali magwish tayo.” pagkasabi ay pumikit at bumulong-bulong.
Gan’on din siya. Pumikit siya at sa isip ay nag-wish na sana makasama pa niya ang bestfriend niya ng matagal.
“Best alam mo ba kung ano ang wish ko?” ani Ikay. malungkot na nakatingin sa kaniya.
Nagtubig ang mga mata nito. Napakadali talaga nitong umiyak. Kaya siguro naging teatre drama princess ito. Nahahawa tuloy siya.
“Nag-wish ako na sana, magkasama pa tayo ng matagal.” nagpahid ito nang umalpas na luha sa mga mata at nakatawang nagsayaw ng baby dance.
Ang gagawin niyang pag-iyak ay nauwi sa malakas na tawa. Para itong sinapian na bigla nalang nagsayaw.
“Ikay, parang awa mo na. Huwag ka ng sumayaw.” halos maiyak na siya sa kakatawa. Hindi na niya mapigilan ang sariling hampasin ang bubungan.
“Bakit? anong masama sa sayaw ko? Malay mo magkatotoo ang wish ko kung sasayawan ko pa ang mga stars.” gumaralgal ang boses nito sa pagpipigil na huwag umiyak.
“Ikay…”
Hindi na nito napigilan. Tumulo na ng tumulo ang mga luha nito. “Pinipilit kong maging masaya sa harapan mo, dahil nangako ako na hindi na ako iiyak, pero best nahihirapan akong tanggapin na mawawala ka sa akin. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang mamatay, Best.”
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan.” saway niya. Nagpahid ng mga luha. “May sakit ako Best. At tanggap ko na iyon. Pero kung ikaw naman yung mawawala nang dahil sa akin, ibang usapan na iyon ‘di ba?”
Nagpahid ito ng mga mata. Naglakad ito sa bukana ng bubungan. Sumilip ito sa ibaba. ‘Hindi pa pala inaalis ni Erin ang trampoline’ sa isip nito. “Bakit kasi ikaw pa eh. Ang dami naman diyan pwedeng mamatay.”
Hindi sumagot si Erin. Nakatitig lang kay Ikay na patingin-tingin sa ibaba.
“Best, gusto mo sundan kita sa Norway?” wala sa sariling sabi nito. Nakatingin lang sa ibaba, sa may trampoline.
“Anong ibig mo sabihin?”
Nailing siya sa biglang pagbabago ng mood ng Best niya. Kahit si Will ay napatingala sa kanila.
“Gusto mo bang sundan kita sa Norway?” pag-uulit na tanong nito. “Ayokong pumunta ka doon ng wala ako, ang gusto ko magkasama tayo.”
“What do you mean?”
“Oo o hindi?”
“Puro ka talaga kalokohan. Paano mo ‘ko masusundan? Kailangan mo ng pera, para masundan mo ako.”
“Madaling kitain ang pera, best. Pero iyong hindi kita makakasama hindi madaling tanggapin.” wala sa sariling sagot nito. “Oo o hindi?”
“Puro ka talaga kalokohan.” natatawa niyang sagot.
Hindi na ito nagpilit. Nakatingin lang sa baba. Tila may iniisip itong gawin.
“Best tingin mo, anong mangyayari sa akin kapag nahulog ako dito?” Lumapit pa ito ng konti sa may pinakadulo. Sa may tubo na bahagya lang nakakabit sa may yerong bubungan.
“Mababali lang naman ang mga buto mo.”
“Ganoon ba? kasi best, na-a-out balance ako eh.” Nagkakawag ang kamay nito sa ere. “Best tulungan mo ‘ko!” sigaw nito kasabay ng pagkahulog nito.
“Ikay!” halos na magkapanabay na sigaw nina Will at Erin.
Nakarinig sila ng malakas na tawa. Nagbounce si Ikay sa may trampoline at nakatawang tumayo. Galit na galit na pinuntahan ni Will si Ikay. Dali-dali naman pumasok sa loob ng kwarto nito si Erin para makababa sa bubungan.
“Ang OA mo Will, ha. Nakita mo na ngang may trampoline, sigaw, sigaw ka diyan.” natatawa niyang sabi.
“Huwag na huwag mo na ulit gagawin iyon!” galit na galit na sigaw nitong hinampas pa ang frame pads ng trampoline. Kita sa mga mata nito ang takot sa ginawa ni Ikay.
“Ang OA mo!” natatawa niyang sagot. Nilapitan si Will na bumaba-taas ang dibdib sa sobrang pag-aalala. “Huwag ka ng magalit, hindi ko na uulitin.” parang kuting na ngumiti ng malapad. Dinampian niya ng halik ang mga labi nito bago tumalon pababa ng trampoline. Nagbuntong hininga si Will at napailing.
Pagtapak ng mga paa niya sa lupa ay siyang pagbatok sa kaniya ni Erin na nakababa na mula sa bubungan. Muntik na siyang masubsob sa lupa.
“Aray!” Tiningnan niya ang Best niya. Tummutulo ang mga luha nito sa pisngi. “Best ang sakit naman n’on eh.” habang himas ang ulo.
“Kulang pa iyan!” sigaw nito. “Kaya hindi kita maiwan-iwan dahil kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip mo! Paano kung wala yung trampoline, paano kung sumala ang katawan mo? Hindi ka nag-iisip!” hindi ito makahinga sa sobrang takot.
“Best, sorry. Alam ko naman talaga na sa trampoline ako babagsak eh. At saka, tinantiya ko ang babagsakan ko. Hindi naman nabali ang mga buto ko. At saka tinesting ko kung gaano katibay ang trampoline mo.” Nag-fake ito ng tawa.
“Heh! Puro ka kalokohan.” galit na nagpahid ng mga mata. “Palagi mo na lang ako pinag-aalala.”
“Ano Best, Oo o hindi?” malapad ang ngiting tanong niya.
“Ano?” takang sagot nito.
“Gusto mo bang sundan kita sa Norway? Oo o hindi?”
“Pa’no mo nga ako susundan wala ka naman pera?” naiinis na ito sa kakulitan niya. “At matagal ang processing ng mga papers.”
“Ako ng bahala d’on.”
“Pa’no pag-aaral mo?”
“Basta, give me three years, Best. Pupuntahan kita sa Norway.”
Napabuga ito ng hangin. Nakatingin sa kaniya at nang makitang seryoso siya ay tumango.
“Okay. Ikaw ang bahala.”
Pumalakpak siya. “After three years, Best. Magkakasama ulit tayo. I promise!”
“I’ll wait for you.”
“Sabay tayo mag-aaral d’on ha.”
Tumango ito. “Sabay tayo mag-aaral.” sabay yakap nito sa kaniya. “Ang sarap talaga mag-mahal ng bestfriend ko!”
“Heh! sabihin mo sa akin iyan kapag nasundan na kita sa Norway.”
“Huwag mo na ulit gagawin iyon ha?” may pag-aalala sa mukha ni Will nang sabihin nito iyon. “Pinag-alala mo ako. Akala ko talaga, mahuhulog ka.”
Naglalakad na sila pauwi. Ihahatid na rin siya nito dahil gabi na rin. Kailangan na rin nilang magpahinga. Maaga ang graduation nila bukas.
“Ang OA mo. hindi ko na nga uulitin.” natatawa niyang sabi. “Ano sa tingin mo Will, masarap kaya sa Norway?”
Tinitigan siya ni Will. “What’s wrong Ikay?Are you worried?”
Bumuntong hininga siya at masuyong yumakapa kay Will. Namasa ang mga mata niya. “Isang linggo nalang, Will. Pupunta na siya ng Norway. Nalulungkot ako. Sa tingin mo makakasunod ako sa kaniya? Sa tingin mo, makakaya ko siyang sundan? Natatakot ako, Will. Sa lahat, siya ang Ayokong madissapoint sa akin. Mahal ko ang bestfriend ko. Gusto ko siyang makasama, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Kung bakit naman kasi, nagsasalita akong hindi muna nag-iisip. Paano kung hindi ko siya masundan?”
“I know you can.” may pagsuyong sumungaw sa mga mata ni Will. “Iyon naman ang gusto mo ‘di ba?”
Tumango siya. Nang sabihin sa kaniya ni Erin na sa Norway na nito ipagpaptuloy ang pag-aaral at magpapagamot ay nakaramdam siya ng takot at kaba. Ang ibig sabihin lang n’on ay hindi na niya makakasama ang bestfriend niya. Kaya gumawa siya ng desisyon. Alam niyang mahirap ang ginawa niyang desisyon, ngunit gusto niya itong makasama kaya susundan niya ang bestfriend niya sa Norway.
“Then do it. Kung iyon ang gusto mo, I’ll support you.” Hinaplos pa nito ang buhok niya. “Erin’s right. Masarap kang magmahal. Stay that way, Ikay.”
0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 17"
Post a Comment