SHARE THIS STORY

| More

All I Need by Erin - Chapter 8

(Blue)

Halos malaglag ang mga panga ng Magnificent boys ng lumabas sa section Topaz room si Ikay kasama si Erin. Nangunot ang noo ni Will ng pagmasdan ang dalagita. Naka tube ito ng itim na bumaba lang ng konti, makikita na ang dibdib nito. Naka miniskirt na orange at naka high heels sandals na itim. Hindi niya gusto ang nakikita niyang suot nito. May manipis itong make-up at pinakulot ang buhok nito. Nagdikit ang kilay niya sa suot nitong danggle earrings. Ibang-ibang Ikay ngayon ang nakikita niya.

“Erin bakit naman ganyan ang pinasuot mo kay Ikay?”

Tumaas ang kilay ni Erin. “At bakit? Maganda naman ah?” sagot nito at sinuklay ang buhok ni Ikay na kanina pa namimilipit sa hiya.

“Pangit ba Kuya Will?” nahihiyang tanong ni Ikay. Namumula ang mga pisngi nito at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

“Don’t mind Will, Ikay. You look great.” nakangiting sabat ni Reed. Ngiting-ngiti ito. “Guys, sinong mag-aakala na dalaga na ang ating bunso? Look at her now.” lumapit ito sa kaniya. “Dalagang-dalaga ka na. Tiyak ko bukas din maraming aaligid-aligid sa’yo pagtapos ng pageant na ito.”

“Papayagan ba natin mangyari iyon, Reed?”sabi ni Arciaga. “Kapag nangyari iyon, dadaan muna sila sa atin.” ang yabang ng ngiti nito, hinawi pa ang buhok sabay kindat kay Ikay.

“Hay, papa Arciaga, ang cute mo talaga!” kinikilig na sabi ni jonathan.

“Tumigil ka diyan sampalin kita diyan eh.” asar na sagot ni Jackelyn.

Natawa si Ikay. Mukhang may nangyaring kakaiba ngayon sa lesbian ng barkada. Mukhang nagiging babae na ito ngayon. Napapansin niyang kanina pa pasulyap-sulyap ito kay Jonathan. Sulyap na may gusto na ito sa nag-iisang bakla sa barkada. Siya kaya, kailan kaya siya susulyapan ni Marc ng ganoon? Nagbuntong hininga siya. Stupid! Kung anu-ano ang iniisip mo.

“O siya, Girls, tara na. Magsisimula na ang talent portion.” sabi na lang niya. Ayaw niyang maging traidor na kaibigan. Lumakad na siya papunta sa may covered court kung saan gaganapin ang talent portion na panonoorin ng halos lahat ng estudyante, guests at ng mga judges.

Nakasunod sa kaniya ang iba pa. Palabas na rin sana si Will ng tawagin ni Reed. Lumingon siya dito.

“Do you have a minute, William?” tanong ni Reed. Seryoso ang mukha nito.Ganito lamang ito kapag tungkol sa barkada at Gabriella ang involve. “Limang minuto pa naman bago magsimula ang program. May gusto lang akong itanong sa’yo.”

“Sure.” seryoso rin na sagot ni Will. Alam na rin niya ang gustong ipakipagusap nito.

“Doon tayo sa likod ng room mag-usap.” pagkasabi ay nauna na itong naglakad palabas ng room.

Nakasalubong ng magbestfriend ang kanilang worst nightmare habang papunta sa likod ng stage. Nakangiti ito sa kanila. “Beware, nakangiti siya ngayon.” natatawang bulong ni Erin. Napahagikgik siya.

“Hi blue!” nakangiti nitong bati ng makalapit na ito sa kanila.

Nakalabas na naman ang mga dimples nito sa pisngi. Pinagmasdan niya ito. Nakawhite halter simple dress lang ito. Walang bahid na kung anong make-up ang makinis nitong mukha. Ang buhok ay simpleng nakatali sa likod. Bagay na bagay ang damit nito sa kulay tan nitong balat. Alam na niya kung anong gagawin nito mamaya. Sasayaw ito ng waltz. Magaling ito sa mga ganoon. Iyon ang pinaka-hidden talent nito at ngayon na nakasali siya sa final five ay malamang na ganoon nga ang gawin nito. Alam niyang hindi ito magpapatalo sa kaniya. Malimit naman nitong gawin iyon. Ang makipagkumpitensiya sa kaniya kahit na hindi naman kailangan.

Hindi niya alam kung insecure ba ito sa kaniya o talagang siya lang ang nagiisip na bestfriend niya ito? Malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. bakit ito maiinsecure sa kaniya eh halos lahat ng estudyante ng National hinahangaan ito?

It’s the other way around. Siya ang naiinsecure dahil kahit hindi niya aminin ay malaki ang differences nilang dalawa. Maganda ito, kahit hindi na mag-ayos ay makikita iyon. bukod doon ay matalino pa ito. Siya? Tiningnan niya ang damit na suot. Kung hindi pa siya ayusan ay hindi siya gaganda…napangiwi siya, hindi nga niya masabi kung gumanda nga ba siya sa ayos niyang iyon.

“Hi Maryrose.” walang gana niyang bati rin dito. Ayaw niyang batiin ito sa ibinigay niyang nickname dito. Pati iyon kinalimutan na rin niya.

“You look great.” sabi nito. “Bagay pala sa’yo ang ganyang mga damit.” hindi maalis ang ngiti nito sa labi.

“Naku! pang-asar talaga.” naiiritang sabi ni Erin.

“I’m sorry, Erin sa nangyari. Nagulat lang ako dahil sa nalaman kong kayo na pala ni Marc.” baling nito sa bestfriend niya.

Nagtataka siya sa inaasal nito ngayon. Ano kayang nakain nito? na-maligno yata ito. Biglang bumait.

“Ibang klase ka rin palang magulat ano?” sarkastikong sagot ni Erin. “Halika na nga best. Mauubos ang oras mo sa pakikipag-usap sa plastic na iyan.”

“Wait blue…I just wanna say that I missed you, blue. Sana magkaayos ulit tayo at maging mag-bestfriend ulit. Namimiss ko na kasi ang mga memories nating dalawa eh.”

Nang-aasar na ngiti ang ibinigay ni Erin dito. “Ang kapal mo rin para sabihin pa iyan sa bestfriend ko.” Idiniin pa ang salitang bestfriend. ” Kung hindi dahil sa kalokohan mo, hindi magkakasakit si Ikay at hindi magagalit sa kaniya ang daddy niya. Ang kapal ng mukha mo. Sa tuwing naaalala ko ang ginawa mo kay Ikay gusto kitang balatan ng buhay.”

Inawat na niya ang bestfriend niya bago pa lumaki ang away. Mahirap na! dalawang tigre ang magbabangga.

“Tara na, Erin. baka may sumabog na bulkan dito.” hindi niya maitago ang ngiti. Natatawa siya.

Pinandilatan siya ng kaniyang bestfriend. Umingos naman sa kanila si Maryrose bago humakbang na palayo sa kanila.

“Ikaw talaga, ang taray mo.” natatawa niyang sabi sa bestfriend niya.

“Eh talaga naman makapal ang mukha niya eh. Sayang ang angel face niya kung devil naman ang ugali niya. At saka hindi na nahiyang sabihin sa’yo iyon matapos kang masangkot sa isang–”

Alam na niya ang sasabihin nito kaya minabuti na lang niyang takpan ang bibig nito. Mahirap na baka may makarinig pa sa kanila.

“Oo na. Alam ko na. Tama na. Suko na ‘ko. So pwede na po ba tayong magtuloy sa backstage miss bodyguard?”

Umingos ito.” Ewan ko sa’yo.”

Napahagikgik siya at inakay na nag bestfriend niya papunta ng backstage.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 8"

Post a Comment