(Pangarap_ko)
Nakalipas na ang dalawang linggo mula ng manggaling sila sa bahay bakasyunan ni Tyler pero hindi pa rin ito dumadalaw sa kanila panay na nga ang tanong sa kanya ng kambal kung nasaan na raw ang daddy nila ang sabi niya ay busy ito sa trabaho pero dadalawin din sila nito pag di na ito busy.
Tinatapos niya ang kanyang nobela na malapit na ang deadline ng may ingay na gumambala sa kanya naiinis na tumingin siya sa orasan magaalas onse na pala hindi niya namalayan “tok tok tok!” ang narinig niya kaya dali dali siyang lumabas ng kuwarto para tignan kung sino ang kumakatok
“Ayessa” ang narinig niyang tawag ni tyler ng malapit na siya sa pinto kaya dali dali niyang binuksan
“Tyler anong ginagawa mo dito gabi na” ang nagaalala niyang tanong dito dahil mukhang pagod na pagod ito at malapit ng bumagsak
“Pasensya na Ayessa name-miss ko kasi kayo ng mga bata” ang sabi nito at niyakap siya ng mahigpit
“Bakit naman gabing gabi kang pumunta dito wag mong sabihing nanggaling ka pa ng maynila?” ang sabi niya dito na iniyakap na rin ang mga braso dito dahil tutuong namiss niya rin ito ng sobra
“Masyado kasing maraming trabaho pagkagaling ko nga sa meeting umalis agad ako” ang sabi nito
“Ah ganon ba, kumain ka na?” ang sabi niya pagkatapos papasukin si Tyler sa loob ng bahay
“Oo sa daan” ang sabi nito na naupo at hinigot ang mga kamay niya paupo dito dahil nagulat sa kandungan nito siya bumagsak
“Hey ano ba” ang nasabi niya na lang
“Sorry” ang sabi nito at isinubsob ang ulo sa may balikat niya
“Hoy Tyler ano ba may problema ka ba?” ang nagaalala niyang tanong dito dahil para itong bata Na lalo pang isinubsob ang ulo sa kanyang mga balikat.
“Wala naman namiss Lang talaga kita ng sobra” ang pagod na pagod nitong sabi sa kanya.
“Ganon ba mukhang pagod na pagod ka na halika mahiga ka” ang yaya niya rito sabay tumayo para kumuha ng kumot at unan
“Teka sisilipin ko lang ang mga bata” ang sabi nito at sumunod sa kanya sa kuwarto pumasok ito sa silid ng mga bata at nakita niyang hinalikan nito ang kambal ng matapos ay ibinigay niya dito ang unan at kumot ngunit imbes kunin iyon ay hinigot siya pahiga sa kama
“Hoy Tyler sa salas ka matulog” ang sabi niya pero naramdaman na lang niyang tulog na ito
“Hay naku tinulugan na ako” ang nailing na sabi niya kaya hinayaan na lang niya ito tumayo siya at pinatay ang mga ilaw at tumabi na rito para matulog naramdaman niyang niyakap siya nito at nakatulog siya ng yakap nito.
“Ay kuya nandito ang daddy” ang matinis na sigaw na narinig nila ni Tyler kaya napabalikwas sila ng bangon
“Natasha ang ingay mo kasi nagising tuloy sila” ang paninisi ni Nathan sa kapatid
“Its ok kids come here” ang narinig niyang sabi ni tyler at naglundagan nga ang kanyang mga anak dito mukhang sabik na sabik sa ama
“Daddy where have you been na miss ka naming” ang sabi ni Natasha habang yakap nito
“Sorry baby marami kasing work si daddy kaya ngayon lang ako ulit nakabisita” ang sabi nito na sa kanya nakatingin
“Ahh kawawa ka naman pala daddy” ang sabi ni Nathan na ikinangiti ni tyler
“Hey kids where’s mommy kiss” ang sabi niya ng mukhang di siya napapansin ng kambal
“Ay oo nga pala sorry mommy” at sabay pang tumayo ang mga ito para humalik sa kanya at nakita niyang palapit na rin si tyler na mukhang hahalik din
“Hep hep,, anong ginagawa mo?” ang sabi niya dito habang inilalayo ang pisngi
“Ki-kiss din” ang parang bata nitong sabi sa at kanya
“Sabi ko kids hindi guys” ang sabi niya sabay tayo
“Ang sungit ni mommy para kikiss lang si daddy noh” ang sabi ni Tyler na ikinatawa ng kanyang mga anak kaya binato niya ito ng unan at dali daling lumabas na napapangiti.
Nang makapagluto ay sabay sabay na silang kumain ng almusal ganadong Ganado na naman ang kanyang mga anak dahil noong wala si Tyler ay halos tumikim lang ang mga ito ng pagkain ngayon ay panay ang subo na parang gutom na gutom na labis niyang ikinatutuwa.
Pagkatapos magsipagkain ay lumabas ang mga ito para maglaro at naiwan sila ni tyler na nagliligpit ng kanilang pinagkainan.
“Sabi ng mga kids malungkot ka daw nang di ako bumisita” ang sabi nito sa kanya habang naghuhugas ng plato
“Hindi noh bakit naman ako malulungkot” ang namumula niyang sagot naiinis sa kambal dahil sa kadaldalan ng mga ito
“Dahil na mimiss mo raw ako” ang sabi pa nito na lalong ikinapula ng kanyang mukha
“Bakit kita mamimiss natuwa nga ako ng wala ka dahil walang makulit” ang sabi niya dito dahil binuko pala siya ng kambal
“Ganon? Kala ko pa naman totoo ang saya saya ko pa naman” ang sabi nito na biglang tumamlay ang kanina Masaya nitong boses
Hinayaan na lang niya ito at dali daling tinapos ang paglilinis ng lamesa at iniwan ito sa kusina, nagpunta siya sa kuwarto para ayusin ang pinaghigaan nila at isinunod ang kuwarto ng kambal ng labasin niya ay naguusap na ito at an g mga kambal.
Sa kanila nagpalipas ng maghapon si Tyler ng magpaalam itong aalis na ay ayaw pang pumayag ng mga bata kung hindi pa ito nangako na babalik kinabukasan para ipasyal sila ay hindi pa ito pakakawalan ng kambal.
Ngunit kinabukasan ay walang Tyler na bumalik naghintay ang kambal buong umaga at ng tanghali na ay nagsimula ng magiyakan ang mga ito dahil wala pa si Tyler pilit niyang pinapakain ngunit ayaw kumain ng mga ito hindi daw sila kakain hanggang hindi dumadating si Tyler nagaalala na rin siya dahil wala pa ito at malapit ng gumabi panay pa din ang iyak ng kambal
“Mommy puntahan mo ang daddy sa bahay niya baka may nangyari na sa daddy namin” ang sabi ni Natasha na nagpakaba sa dibdib niya
“Anak baka umuwi na ang Daddy ng maynila dahil baka tumawag ang work niya” ang paliwanag niya sa mga ito
“ Hindi mommy nangako ang daddy kaya gagawin niya baka may sakit siya” ang sabi naman ni Nathan
“ Bilis na mommy tignan mo na siya sa bahay niya please” ang pagmamakaawa ng kanyang mga anak kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ang mga ito kesa magiyakan pa ulit.
Kaya dali dali siyang nagpunta sa bahay ni Tyler nakita niyang nandoon ang sasakyan nito nagalala siya baka nga tama ang kambal baka may sakit ito kaya di nakapunta sa kanila.
Nang kakatok na sana siya ay nakita niyang bukas ang pinto kaya tumuloy na lang siya at nakita niyang bukas ang ilaw sa isang kuwarto dahil nagaalala nab aka walang nagaalaga dito ay dali dali siyang umakyat at dahan dahang binuksan ang kuwarto nito para lang masaktan sa nakita.
Nakahiga nga si Tyler at mukhang may sakit inaalagaan ng maganda babae at nakita niya kahit nakaupo ito ay malaki ang umbok ng tiyan muntik na niyang makalimutan dahil sa saya niya sa tuwing kasama ito ay di na niya naisip na may asawa na ito at ngayon ay buntis na pala.
Nagunahan sa pagpatak ang kanyang luha masakit na masakit ang loob kaya nagtatakbo siyang lumabas sa bahay ni Tyler at dali daling umuwi.
Ppagdating niya sa bahay ay nagtatakang nagtanong ang kanyang mga anak kung napano siya at nasaan ang daddy ng mga ito dahil masakit pa rin ang loob ay sinigawan niya ang mga ito at sinabing wala ang daddy ng mga ito kaya tahimik na lang na umiyak ang mga ito sa kuwarto.
Isang pasya ang kanyang nabuo kailangan na niyang tigilan ang kahibangan ng kanyang puso dahil masasaktan lang siya ng sobra lalo na ang kanyang mga anak kung lalo lang mapapalapit ang loob ng mga ito kay Tyler.
Kinabukasan ng hapon ay bumisita si Tyler sa kanila pero hindi niya hinarap ito at hindi rin pinayagan ang kambal na lumabas kahit nagiiyakan ang mga ito.
Pero mapilit si Tyler at pilit nakikiusap na labasin niya pero nagbingi-bingian na lang siya ayaw niyang patuloy na magkasala may asawa na si Tyler at masasaktan lang siya ng doble doble kapag hinayaan niya pa ang sarili.
Bumalik ulit ito kinabusan pero tulad ng kahapon ay nagbingi-bingian lang siya napalo niya pa ang kambal sa kakakulit sa kanyang labasin ang daddy ng mga ito.
Kinagabihan ay narinig na lang niya ang ingay habang nakahiga siya sa kama at ng silipin niya sa bintana ay nakita niyang si Tyler
“ Ano ka ba gabing gabi na nambubulahaw ka pa rin” ang galit niyang sabi dito bagamat hindi naman niya ito nilabasan
“ Ayessa ano ba ang kasalanan ko sayo bakit ayaw mo akong kausapin at harapin” ang sabi nito na lumapit na sa bintana
“ Wag ka ng manggulo pa dito Tyler umalis ka na puwede ba” at akmang isara na niya ang bintana
“ Wag Ayessa pakiusap kausapin mo naman ako hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap” ang malakas nitong sabi sa kanya habang pinipigilan ang pasimano ng bintana kaya hindi niya ito maisara-sara.
“ Wag kang mambulahaw dito Tyler pakiusap natutulog na ang mga bata” ang madiin niyang sabi dito dahil natatakot siyang magising ang kanyang mga anak.
“ Ayessa ano ba ang kasalanan ko sayo wag mo naman akong ipagtabuyan” ang malungkot na malungkot nitong pakiusap hindi niya matagalan ang nakikita niya kaya isinara niya ang bintana pero lalo lang nag-ingay si Tyler at dahil sa takot na magising ang kanyang mga anak ay nilabasan na niya ito
“ Ano kaba sinabi ko na sayong umalis ka na diba? Bakit ba napakakulit mo” ang naiinis niyang sabi dito dahil Hindi niya matagalan ang nakikitang paghihirap sa mukha nito.
“ Ayessa salamat lumabas ka” ang sabi nito at akmang yayakapin siya ng itulak niya ito ng malakas na ikinagulat nito.
“ Ayessa” Ang mahina nitong sabi at kitang kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito.
“ Tyler lubayan mo na kami wag mo nang guluhin pa ang buhay naming magiina” ang sabi niya dito na pilit pinaglalabanan ang luhang kanina pa gustong bumagsak dahil sa nakikitang paghihirap ng loob nito.
“ Ayessa bakit? Ano ba ang nagawa ko at galit na galit ka?” ang samo nito na bahagyang nakakunoot ang mga noo habang nakatingin sa kanya.
“ Tyler hindi na tayo puwede pang magkita pakiusap wag ka nang babalik pa dito” ang sabi niya at tatalikod n asana ng hawakan nito ang kanyang mga braso kaya napaharap siya
“ Hindi ako papayag na layuan kayo Ayessa napamahal na sa akin ang mga bata at I—-” may sasabihin pa sana si Tyler pero pinutol na niya kung ano man ang gusto pa nitong sabihin
“ Tyler hindi na puwede nandito na ang asawa ko at nagkabalikan na kami ipapakilala ko na siya sa kambal kaya makakagulo ka lang sa amin” ang pagsisinungaling niya dito para layuan sila nito dahil may asawa na at magkakaanak na ito.
“ Hindi totoo yan ayessa bawiin mo ang sinabi mo” ang di makapaniwala nitong sabi at kitang kita niya ang sakit na bumalot sa buo nitong pagkatao
“Totoo Tyler kaya pakiusap layuan mo na kami ng mga anak ko” ang patuloy pa rin niyang pagsisinungaling dito bagamat gustong gusto na niyang bawiin pa ang sinabi niya rito
“Hindi mo magagawa sa akin ito Ayessa hindi ako papayag” ang sabi nito at bagsak ang mga balikat na umalis ito.
“Paalam Tyler para rin sayo ang gagawin ko ayaw kong makasira sa buhay mo dahil mahal na mahal kita” ang bulong niya ng malayo na si Tyler at hinayaan na niyang umagos ang masaganang luha na kanina pa nais bumagsak.
0 comments: on "A Night to Remember - Chapter 11"
Post a Comment