(Pangarap_ko)
Makalipas ang isang linggo ay binalikan ulit sila ni Tyler pero hindi ito pumasok pinatawag lang siya nito kay Nathaniel bagamat ayaw niya sanang labasin ito dahil baka ipagkanulo na siya ng kanyang damdamin para dito.
Sinabi niyang ayaw niyang lumabas pero kinukulit siya ng kambal at pilit siyang pinalalabas kaya kahit tutol ang loob ay wala siyang Nagawa kundi ang labasin ito dahil siguradong Hindi siya lulubayan ng mga anak.
“ Tyler ano pa bang kailangan mo?” ang sabi niya dito ng makalapit siya dito.
Ngunit Hindi siya nito sinagot basta Lang siyang hinigot at ipinasok sa sasakyan nito muntik pa siyang mabingi dahil sa lakas ng pagkakasara nito ng pinto.
“Tyler anong ibig sabihin nito saan mo ako dadalhin?” ang nagtataka niyang tanong dito ngunit Hindi siya nito sinagot at ang sobrang katahimikan nito ang tumatakot sa kanya.
“Tyler please ano ba tong ginagagawa mo nasisiraan ka na ba ng bait? This is kidnapping” ang mas malakas na niyang sabi pero hindi pa rin siya nito pinapansin.
Ilang sandali Lang ay buminto sila sa bahay bakasyunan nito na dalawang beses na niyang napupuntahan.
“Bumaba ka Ayessa” ang ma-aworidad nitong utos sa kanya.
“Ayoko Tyler ibalik mo na ako magaalala ang mga bata” ang matigas niyang tanggi
“Susunod ka ba sa akin o gusto mong pilitin pa kita ” ang sabi nito bagamat kalmado ay halatadong galit.
“Ayaw ko ibalik mo ako sa bahay ko dahil hahanapin ako ng mga bata” ang sigaw niya dito at di pa rin bumababa at lalo pang sumisksik sa gilid.
“Bababa ka ng kusa or gusto mo pang buhatin kita huh?” ang banta nito sa kanya pero di parin siya natinag kaya pagalit siya nitong hinigot sa kinauupuan niya at pinasan na parang sako ng bigas.
“Walanghiya ka Tyler nasisiraan ka na talaga ng bait ibaba mo ako” ang galit na galit niyang sabi at pinagbabayo ang likuran nito
Pero ni hindi man lang ito natinag bagkus ay diretso siya nitong ipinasok sa bahay at inihagis sa couch.
“Awwwwww” ang daing niya ng bumagsak sa couch kahit malambot ito ay nabigla pa din ang kanyang katawan kaya siya nasaktan.
“Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko Ayessa, bakit mo ako ginaganito?” ang galit nitong tanong sa kanya
“Hindi ko maintindihan ang pinagasasabi mo Tyler” ang naguguluhan niyang tanong.
“Ako ang ama ng kambal” ang galit na galit nitong sabi
“Anong pinagsasabi mo Tyler nasisiraan ka na ba ng bait sinabi ko na sayong nagkabalikan na kami ng asawa ko diba?” ang pagsisinungaling niya dahil kahit pilipitin pa ni Tyler ang kanyang leeg ay nungka siyang aamin.
“Damn you hanggang ngayon ay nagsisinungaling ka pa rin ako ang ama ng mga bata” ang galit nitong sabi sabay higot ng marahas sa kanyang braso
“How sure are you na ikaw nga ang ama ng mga ito?” bagamat nasasaktan sa pagkakahawak ni Tyler sa kanyang braso ay matigas niya pa ring sagot dito.
“This basahin mo” sabay hagis sa kanya ng papel kung saan nakasulat ang resulta ng DNA test at pati na rin ng kopya ng birth certificate ng kambal.
“How h-ow how did you get all of this?” ang namumutla niyang tanong dito at hindi na niya mapigilan ang mapaiyak wala na talaga siyang lusot mawawala na sa kanya ang kanyang mga anak anong laban niya dito mayaman ito infact ubod nang yaman at siya wala siyang maipantatapat sa kayamanan ng mga ito.
“How dare you Ayessa bakit mo nagawa sa akin ito? Binibilog mo ang ulo ko sa mga kasinungalingan mo” ang galit na galit nitong sabi sa kanya sabay bitaw sa kanyang mga braso.
“Im so sorry I am really sorry” ang nasabi na lang niya habang nanghihinang napaupo at napahagulgol sa mga palad
“Sorry? SORRYY??? Kaya bang takpan ng sorry mo ang mahigit tatlong taong nasayang sa amin ng aking mga anak?” ang naggagalaiti nitong sigaw sa kanya na lumuluha na rin
“ Anong klase kang tao … ako natiis mong di ko makapiling ang aking mga anak…lalo na ang mga bata natiis mo na Makita ang mga anak mo na tinutukso dahil walang ama silang kinagisnan na naiinggit dahil di nila naranasan ang pagaaruga ng isang ama at ang mas masakit pa ay ang may ipakikilala kang ibang lalaki bilang ama ng mga ito alam mo ba kung gano kasakit sa akin yun ha?ano ba ang kasalanan ko sayo at pinarurusahan mo ako ng ganito” ang dagdag pa nitong sumbat na hindi na niya kinaya
“ Bakit Tyler ikaw lang ba ang biktima ako ang mas naging biktima kesa sa ating dalawa pinalayas ako at itinakwil ng aking pamilya, kinaladkad ako palabas ng daddy ko hawak ang aking buhok ng malaman niyang buntis ako at walang ama ni hindi kasya ang pera ko pamasahe sa maynila muntik pa akong pagsamantalahan kaya nagtago ako sa jeep ng gulay ng dumating ako sa dorm ko nakuha ko lang ay ilang pirasong damit napilitan akong ibenta ang nagiisang regalong natanggap ko galing sa pamilya ko alam mo ba kung ano ang tiniis ko ng dahil buntis ako at walang ama napakabata ko pa ng mga panahon na yon at di alam ang gagawin habang pilit kong pinagaaralan ang mabuhay ay inaalagaan ko ng sabay ang kambal kaya wag mo akong sasabihan na di iniisip ang aking mga anak dahil kahit buhay ko ibibigay ko para lang mapasaya sila at ikaw alam ko na nasaktan kita ng ipakilala ko ang ibang lalaki bilang ama ng kambal pero alam mo ba kung gaano rin kasakit sa akin yun ha kahit ayaw kong gawin yon ay kailangan” ang humahagul -gol niyang sabi dito
Makalipas ang ilang sandal ay naramdaman na lang niyang lumuhod ito sa harapan niya at niyakap siya ng pagkahigpit higpit
“ Im sorry sweetheart pero wala akong alam bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa pinagbubuntis mo hindi mo sana naranasan ang lahat ng iyon at nakapiling ko sana ang mga anak natin ” ang bulong nito habang hinahalikan ang kanyang mga buhok at mahigpit siyang niyayakap na parang ipinapadama na may karamay na siya
“Tyler hindi ko magagawang sirain ang buhay mo” ang sagot niya dito habang panay pa rin ang pagiyak habang nakayuko ang mga ulo dahil hindi niya kayang makit ang galit na galit na mukha ni Tyler.
“Ayessa hindi pagsira sa buhay ko ang malamang magkakaanak na tayo, pananagutan kita ng buong puso dahil di kami pinalaking tumatalikod sa responsibilidad” ang sabi nito sa kanya at itinaas ang kanyang baba at dinampian siya ng mariin na halik sa labi parang pilit inaalis ang ano mang sakit na nararamdaman niya
“ Yun na nga ang problema hindi ko magagawang ipako ka sa isang relasyon ng dahil lang sa magkakaanak na tayo at isa pa malapit ka nang ikasal pa—” di na niya natapos pa ang sasabihin dahil bigla siyang pinatigil ni Tyler
“Anong malamit na akong ikasal?” ang naguguluhan nitong tanong
“Nang gabing may mangyari sa atin nagising ako sa tawag di ko sana sasagutin pero panay pa rin ang tawag nito kaya napilitan akong sagutin dahil himbing na himbing ang tulog mo at ayaw Kong magising ka kaya sinagot ko” ang sabi niya
“Then?” ang tanong nito na nakasalubong ang mga kilay dahil sa pagkatataka.
“May naghahanap sayong babae fiancé mo raw” ang sabi niyang nakayuko dahil sa pagkakaala sa nangyari
“Fiancé? E ni wala nga akong girlfriend ng mga time na yon pano mangyayaring may fiancé ako?” ang naguguluhan nitong tanong sa kanya na lalo lang din nagpalito sa kanya
“Bakit ka niya tinatawag na fiancé kung wala kang gf ng time na yon” ang nagtataka rin niyang tanong
“Oh wait don’t tell me na” ang sabi nito naparang natitilihan sa naalala
“Don’t tell you what?” ang tanong niya na lalo lang naguguluhan sa takbo ng kanilang usapan
“It must be Arriana Tyron fiance” ang sabi nito na biglang lumiwanag ang mukha
“Arriana? Tyron? Linawin mo nga ang ibig mong sabihin Tyler”
“First Tyron is my brother to be exact twin brother and arriana is his fiancé I remember when I wake I was looking for you when Arriana came galit na galit na hinahanap si Tyron I ask her why she he is cheating at her tinanong ko kung pano niya nasabi na nagtataksil si Tyron sabi niya may babaeng sumagot sa phone when she call up kaya sumugod siya sa condo and when I told her that Tyron wasn’t there at ako ang kasama ng babaeng sinasabi niyang sumagot ay umalis na rin ito” ang mahaba nitong paliwanag sa kanya
“Omg did I miss judge you? Ang akala ko kasi ay may fiancé ka na” ang naluluha niyang sagot dito
“Is that why you left me?” ang tanong nito at ng tumango siya ay napabuntong hininga ito
“Sana kinausap mo ako or kinompronta bago ka umalis nasayang tuloy ang mahigit tatlong taon” ang sabi nito pagkatapos
“Pano kita kokomprontahin sino ba ako sa buhay mo ? Ni hindi mo nga ako gusto” ang nakayuko niyang sabi dito
“What do you mean I don’t like you? For your info I like you long before pa may mangyari sa atin dahil from the moment I laid my eyes on you ,,you already took my heart” ang sabi nito
“I what???” ang nagulat niyang tanong
“I already like you simula pa noong araw na mabunggo mo ako sa library dahil kahit naka salamin ka ng pagkakapal-kapal at nakadamit ng sobrang makaluma you still stand out sweetheart” ang malambing nitong sabi at ng akmang hahalikan siya nito ay
“Wait!! Kung talagang nagustuhan mo na ako noon why you don’t talk to me or you don’t even look at me” ang nagtatampong sabi niya
“Believe it or not im shy natotorpe ako sayo and I im trying hard not to talk to you believe me” ang sagot nito
“What ikaw natotorpe? Come on lahat ng babae sa campus nagkakandarapa mapansin mo lang tapos sa akin natotorpe ka e napakamanang ko nga, niloloko mo ata ako eh” ang di naniniwalang sabi niya
“Im telling the truth di ko alam kung bakit pero pilit kitang iniiwasan dahil baka di ko mapigil ang sarili ko at itakas na lang kita agad even that time na di ka pa nagbabago I already like you bec you look so sweet and innocent napakaamo ng mukha mo na siyang gustong gusto ko at napakalamig ng boses mo kahit nauutal ka sa tuwing kakausapin ako” ang sabi nito na ikinatawa nila at pinagkukurot niya ito at malambing naman nitong hinula ang kanyang kamay at hinalikan.
“Naiinis ako ng bigla ka na lang nagbago at the same time ay di mapigil ang sarili na mahulog sayo, naiinis ako kasi alam ko di na lang ako ang nakakita ng kagandahan mo at marami na akong makakaagaw sayo kaya nga ng Makita kita sa library na minamaniac na ng unggoy na y un ay gustong gusto kong durugin ang kanyang mga mukha” ang sabi nito na naglabasan ang mga litid nito ng dahil sa naalala
“Talaga gusto mo na ako Noon ? Alam mo bang kaya ako nagbago ay dahil sayo” ang sabi niya naman
“Really?” ang napapantastikuhan nitong tanong
“Yes really dahil mula ng first year ako at Makita kitang nagcacampaign ay nahulog na sayo ang puso ko at di na ito nakaahon pa kahit kalian” ang madamdamin niyang sagot dito
“Mahal na Mahal kita mula pa noon” ang sabi nito na nangingislap ang mga mata
“Teka kung totoo ang sinasabi mo sino yung buntis na babaeng nakita ko dito?” ang tanong niya ng bigla niyang maalala ang babaeng dahilan kung bakit siya nagdesisyong ipakilala dito ang ibang lalaki bilang tatay ng kambal.
“Buntis na babae?” ang nakakunot noong tanong nito
“Yes noong sabado nagaalala kasi ako sayo dahil nangako ka na mamamasyal tayo ng mga bata kaso di ka dumating kaya kinulit nila akong puntahan ka sa bahay ng dumating ako hinahanap kita kaso walang tao pero nakaparada ang sasakyan mo kaya hinanap kita nakita nga kita sa kuwarto inaalagaan ng magandang babae” ang kuwento niya dito
“Ah baka si Ate Rica ang nakita mo, Pinsan ko nagaway kasi sila ng asawa niya kaya sa dito muna tumuloy” sagot nito
“Huh pinsan mo?” nagulat siya sa nalaman
“Why don’t tell me nagselos ka na naman?” ang natutuwa nitong tanong
“ Ofcourse akala ko kasi siya ang fiance mo na nakausap ko noon sa phone at buntis na nga, kaya sinabi ko sayo ng dumalaw ka nadumating na ang tatay ng kambal at ipapakilala kita” ang nahihiya niyang sabi dito
“What? Kaya pala bigla ka na lang umiiwas sa akin at sinabi mo pang nagkabalikan na kayo at ipapakilala mo pa kamo ako kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan naglasing pa nga ako sa sobrang sama ng loob sayo” ang sabi nito sa kanya at pinisil pa ang kanyang ilong
“Im sorry Tyler I promise I will trust you na from now on” ang sabi niya dito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi
May sasabihin pa sana siya pero bigla na lang siya nitong hinalikan at naging mas malalim ito hanggang sa di na nila mapigilan ang kanilang mga sarili at kusa na nilang pinalaya ang mga pusong nagmamahal kaya doon mismo sa sala naganap ulit ang kanilang pagniniig at walang sawa nilang ninamnam ang pagmamahalan na matagal na palang nararamdaman ng bawat isa para sa isat isa na ngayon lang napalaya at napakasarap ng pakiramdam.
“I love you so much sweetheart” ang sabi ni Tyler pagkatapos nilang magniig
“I love you too Tyler” ang ulit din ni Ayessa sa sinabi ni Tyler at niyakap niya ito ng pagkahigpit higpit.
“Tell me what happen after I left that night?” ang tanong niya dito maya-maya dahil mula ng magkita sila ulit ay Hindi na niya naitanong kung ano ang nangyari sa buhay nito.
“Well let see” ang sabi nito na parang bumubwelo at nagiisip kung saan magsisimula.
“When I wake up that worning I look for you pero hindi naman kita makita then everyday I look for you and I ask around kung saan kita puwede makita kaso hindi ka naman nila maituro sa akin” ang sabi nito na parang may bumibikig sa lalamunan dahil sa pagkaalala sa nangyari.
“Im so bothered and worried at the same time kasi hindi ko alam kung ano na ang nangyari sayo kung alam mo lang kung gaano ako halos masiraan ng bait madalas pag nagiisa ako kailangan ko pang uminom para magpatulog my life is such a mess dahil mahal na mahal kita para pa nga akong sira dahil pag may nakikita akong kasing taas mo o kaya kasing kulay mo lalapitan ko ang mga yon dahil akala ko ikaw iyon pero pag humarap na sila para akong masisiraan ng bait dahil hindi pala ikaw yon” ang sabi nito na namamasa na ang mga mata.
“All that year isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho umaasa pa rin akong darating ang araw na makikita kita, ni hindi ako tumingin kahit kaninong babae believe me ang daming sumusubok na makuha ang atensiyon ko per lahat sila nabibigo dahil lagi kitang hinahanap sa kanila” ang sabi nito at hindi na niya mapigilan pa ang nararamdamang emosyon kaya pinahinto na niya ito at inilagay ang mga daliri niya sa mga bibig nito.
“Shhh I know dahil ganoon din ang naramdaman ko im just so glad you are already here sa tabi ko please never leave me dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pang mawala ka” ang madamdamin niyang sabi dito at nang alisin nito ang mga kamay niya sa daliri nito ay ipinalit naman niya ang kanyang mga labi at nagsalo sila sa napakatamis na halik.
“Hey sweetheart nag-aalala na ako sa kambal si Alicia lang ang kasama ng mga bata” ang sabi niya kay Tyler ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Ok sweetheart lets get them dito na lang tayo matulog ok?” ang sabi nito sa kanya at ng tumango siya ay dali dali silang nagbihis.
Tuwang tuwa ang kanilang kambal ng umuwi sila ng bahay para sunduin ang mga ito dahil duon sila matutulog sa rest house ni Tyler na hindi naman ganon kalayo mula sa kanilang kubo pagdating nila sa malaking bahay ay kinausap nila ang kanilang mga anak
“Natasha, Nathaniel Remember you always ask mommy Kung nasaan si daddy?” ang tanong niya sa kanyang mga anak
“Yes mommy” ang sagot naman ng mga ito
“Well your daddy is already here and he is here beside us” ang kinakabahan niyang sabi sa mga anak
“Alam namin mommy” ang sabi naman ng dalawang bata na ikinagulat nilang dalawa kaya nagtinginan sila
“Huh pano nyo nalaman” ang nagtataka niyang tanong sa mga ito dahil hindi niya natatandaang kahit minsan ay sinabi sa mga ito na si Tyler nga ang ama nila.
“Because mommy remember I told you that I saw daddy ?” ang sabi ni Natasha
“Yes baby pero how did you know its your daddy” ang tanong naman niya dito.
“Bec I saw his face mommy kaya ng magising ako at Makita ko siya I know he is our daddy kaya I told kuya about it” ang bibong sabi ni Natasha na parang ikinagulo ng isip niya puwede ba yun na makita ng anak ang mukha ng taong kahit minsan ay hindi pa nito nakikita oh well baka kalooban na yon ni Lord
“Well then I guess we don’t need this talk since you guys already know him” at sabay sabay silang nagtawanan
“Ok kids time to go to bed its getting late na di na kayo lalaki” ang sabi ni Tyler sa kanilang mga anak humalik ang mga ito sa kanila saka tumakbo paakyat ng akma siyang hahalikan ni Tyler ay biglang lumingon sa kanila ang kambal
“Daddy where’s our room?” ang tanong ni Nathan
“Just pick where ever you guys like to sleep marami naming room” ang sagot nito
“Yehey may sarili na akong room at ako pa ang mamimili” ang tuwang tuwang sigaw ni Natasha nagunahan pa sa pagtakbo paakyat ang
Mga ito.
“Kids be careful” ang sigaw niya dahil sa takot na baka mahulog ang mga ito
“Don’t worry mommy we will be fine good night” ang sigaw ng mga ito
Nang makaakyat na ang kambal ay niyaya na rin siya nito sa kanilang kuwarto at doon ninamnam ulit nila ang sarap ng kanilang pagiibigan sa buong magdamag.
Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Ayessa dahil wala si Nanay Maria kaya kinailangan niyang magluto ng Almusal para sa kanilang mag-anak.
Kaya dali-dali siyang naligo at nagtungo na sa kusina para maghanda ng almusal nagsalang muna siya ng tubig na mainit bago sinimulang tignan ang ref para humanap ng puwedeng maluto at nakita niyang merong Ham at Bacon kaya yun ang iniluto niya nagdagdag pa siya ng Itlog at dahil walang kanin ay minabuti na lang niyang mag toast ng tinapay.
Pagkatapos magluto ay dali-dali siyang umakyat sa kuwarto para gisingin ang kanyang mga anak at si Tyler pero pagpasok niya sa kanilang kuwarto ay hindi niya mahanap si Tyler at nang makarating siya sa kanilang kuwarto ay nakita niyang nakaupo si Tyler sa kama ng kambal at masuyong tinititigan ang mga ito.
“Tyler what are you doing” ang mahina niyang sabi dito ng makalapit siya.
“I am just so happy paggising ko akala ko nanaginip ako dahil hindi kita nakita sa tabi ko kaya dali-dali sana akong baba para hanapin ka dahil akala ko hindi totoo ang lahat at nakita ko ang mga bata na natutulog kaya nilapitan ko sila oh im just so glad that this is all real” ang sabi nito at ng lumingon ito sa kanya ay nakita niyang namumula ang mga mata nito dahil sa pinipigil naemosyon.
“Oh Tyler im just in the kitchen and this is all real at parati mo na kaming makikita ng mga bata pangako” ang sabi niya dito at niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa noo.
“Yeah it just too good to be true nandito na kayo nang mga bata at kasama ko na” ang sabi nito sa kanya at gumanti ng mahigpit na yakap.
“What you guys doing here” ang tanong ni Nathan na naalimpungatan sa bulungan nila ni Tyler.
“Oh nothing Baby Masaya Lang kami ni daddy dahil magkakasama na tayo” ang sabi niya dito.
“I see im happy too” ang sabi nito at kumandong na kay Tyler.
Maya-maya Lang ay nagising na rin si Natasha kaya sabay sabay na silang bumaba sa kusina para kumain ng almusal.
“I want you guys to come with me tomorrow” ang sabi ni Tyler sa kanya habang nakaupo sila sa may buhangin at pinapanood ang paglubog ng araw.
“Where are we going?” ang nagtataka niyang tanong dito.
“To manila gusto kong makilala kayo ng parents ko at kakambal” ang sabi nito na iniakbay sa kanya ang isang braso.
“Sure I would love to meet them kaso magustuhan kaya nila ako?” kinakabahan niyang tanong dito dahil natatakot siyang baka Hindi siya magustuhan ng mga magulang nito para dito.
“Im sure magugustuhan ka nila at mamahalin tulad ng pagmamahal ko” ang sabi nito sa kanya at kinabig ang kanyang pisngi at hinalikan siya parang itinataboy ang kung ano mang takot na nararamdaman niya.
“I hope so” ang sabi niya dito pagkatapos maghiwalay ng kanilang mga labi.
0 comments: on "A Night to Remember - Chapter 12"
Post a Comment