(Louise)
“Sigurado ka ba sa gagawin mo Louise?” nag-aalangang tanong ng bestfriend nyang si Yna.
“Yes. Very sure.” She nodded. “Why? Is there anything wrong?” confident nyang tanong dito.
“Yes there is. Hija dito po sa atin hindi ganun kalawak o ka-liberated ang isip ng mga tao, ano ka ba?” litanya nito sa kanya na may pabigwas bigwas pa ng kamay.
Alam naman nya iyon, pero wala syang pakialam, alam din naman niyang concern lang ang kaibigan sa kahihinatnan ng gagawin nya. But that doesn’t make her stop to do so.
“Well, sa St. Gabriel po okey lang, so – it means there’s really nothing wrong with it” tukoy nya sa pribadong paaralang pinapasukan sa syudad na ipinilit pa rin ang gusto.
“Sus ko po! Sa St. Gabriel po okey, dito po hindi” pagdiriin sa kanya ni Yna.
“What’s wrong?” tanong ulit nya na na-meywang. Alam nyang naiirita na ang kaibigan sa katigasan ng ulo nya.
“What’s wrong?” nakakunot ang noong ginaya nito ang pame-meywang nya.
“Okay ka lang? Giving a letter to a guy and telling him that you really like him? Is like just a normal thing to do? At may picture pa?!” napapantastikuhang patuloy nito.
“Okay it isn’t. So what?” di pa rin paawat nyang depensa.
“Siguro naman hindi malalaman ng buong Pilipinas na gusto ko sya.” ani pa nya.
“Hay… ewan ko sayo!” her friend said helplessly. “You know where you stand Louise, remember that your family is well-known here – ”
“Yna, I know. Just give the letter okay?” putol nya sa litanya ng kaibigan. Ayaw na nyang marinig pa ang iba pa nitong sasabihin sa kanya dahil isa lang naman ang tinutumbok nito, hindi ito sang-ayon sa gagawin nya.
“Okay, I rest my case, but don’t you blame me if – ‘
“I won’t, and I promise” agap ulit nyang itinaas pa ang kanang kamay.
Nag – aaggaw na ang liwanag at dilim pero hindi pa rin sya tulog, maaga pa ang pasok nya bukas pero eto at pabiling – biling pa rin sya sa kama. Naroong uupo, sisilip sa bintana at hihiga. Iniisip kung anong kakahinatnan ng ng pagiging agresibo nya.
Matagal na nyang gusto si Inigo, he was what she can say – every woman in their town wanted. His thick eyebrows, his mysterious dark brown eyes, ang prominente at matangos nitong ilong and his lips? Hayy… parang ang sarap sarap halikan. His broad shoulders that’s promising comfort and security. She sighed. Hindi nya maintindihan kung bakit naman sa dami ng lalaki sa kanilang bayan na gwapo rin naman at may sinabi ang pamilya ay ito ang kanyang nagustuhan. Mayabang ito at halos iba – iba ang babaeng kasama araw – araw para sa kanya hindi sya ang ideal man nya, pero mahal nya. Mahal nya? At saan naman nanggaling yun? Gusto lang nya ito pero hindi ibig sabihin ay mahal nya na ito. Depensa nya sa sarili.
Their families we’re friends, from their grandparents down to their parents. Mula pa pagkabata ay itinutukso na sila sa isa’t isa, the usual thing that happens between family friends. And she hated it dahil feeling nya ay ma-o-obvious ang feelings nya para rito.
At the age of nine ay may lihim na syang pagtatangi dito, hanggang sa kasalukuyan na fifteen na sya ay tila lalong tumitindi ang pagka – gusto nya para sa lalaki, at ayaw nyang aminin sa sarili na apektado sya sa tuwing nakikita nya ito.
“Good afternoon tita.” Nakangiting bati ni Yna sa nagdidilig na si Mrs. Caliente.
“Good afternoon din hija, your looking for Louise I presume” anitong pansamantalang inihinto ang ginagawa.
“Opo.”
“She’s at the terrace, umakyat ka nalang” nakangiti nitong sabi.
“Thanks tita.” anito na tumungo na sa pinto.
“And please tell her to go to the resto later, kulang kasi ang tao dun ngayon.” Pahabol nito na itinuloy ang pagdilig.
“Yes, tita.” Sagot naman ng huli bago tuluyang pumasok.
Kanina pa nya binubuklat ang librong hawak pero hindi naman nya ito maintindihan, hindi mawaglit sa isip nya ang ginawang pagtatapat kay Inigo tungkol sa nararamdaman nya para rito. Ano na kayang nangyari?
Nakita nya ang pagdating ni Yna, balak sana nya itong salubungin pero mas pinili nyang hintayin na lamang ito. Mula kasi sa terrace ay makikita ang sinumang darating, tanaw din mula doon ang garden na ipinagmamalaki ng kanyang ina na syang kinaiinggitan ng mga kumare nito. Nginitian sya ni Yna ng makita sya.
“Wow! Totoo ba yan?” tanong nito sa kanya na tinignan ang hawak nyang libro.
“Ang ano?” maang nyang tanong.
“Nagre – review ka?” tukoy nito sa librong hawak nya na umupo sa tapat nya.
“Wala ngang pumapasok sa isip ko eh, anyway, naibigay mo na ba?” na ang tinutukoy ay ang sulat na siyang ipinabigay nya rito.
“Baka naman gusto mo rin akong pag meryendahin” nakangiti nitong sabi ng makitang tapos na syang mag-meryenda, halatang umiwas na sumagot.
“Wait.” Pansamantalang iniwan ang kaibigan at pumasok sa loob.
“Manang Dening, paki-akyatan naman ho si Yna ng orange juice at brownies. Thanks.”
“So? Naibigay mo ba yung sulat?” tanong ulit nya sa kaibigan na bumalik ulit sa upuan.
“Pakainin mo naman man muna ko Lou” iwas uli nito atsaka kinuha ang librong kanina ay hawak nya at binuklat buklat iyon.
“Yna, sagutin mo ko wag ka nang umiwas kilala na kita, what happened?” desidido nyang malaman ang sagot, kinakabahan sya pag ganito ang reaksiyon ng kaibigan.
“Ahmmm… okay.” Nag aalanagan pa rin ito.
“Ahmmm… what?” kinakabang tanong nya hindi nya gusto ang tono nito lalo syang kinakabahan ganito kasi ang tono nito pag may problema.
“Ahmmm…”
“My God Yna! Don’t do this to me! What? Speak up! Lalo akong kinakabahan eh.”
Isang malalim munang buntunghininga ang pinakawalan nito at inayos ang pagkaka upo, tila ba pinaghahandaan talagang mabuti ang sasabihin.
“What should I say first bad news or good news?”
“Kaloka!” she made face. “Okay, Bad news first.” Sagot nya.
“Eh bes, di ko nga lam kung good o bad ang news ko e” lumabing sabi nito.
“Oh my! Okay just tell me, lalo mo akong pinakakaba.” Sabay takip ng isang kamay sa mukha, hindi alam ang magiging reaksiyon sa kaibigan.
“Naibigay ko na iyong letter mo and – ”
“And what?” hindi makapaghintay nyang putol.
“He already read it and he also got the picture you gave.”
“So? What?” atat nyang tanong.
“Well, he showed it not only to the whole class but to the whole campus” kabadong paliwanag nito.
“WHAT?!!!” nanlalaki ang mga matang sabi nya. “Did I hear it right? Yna?” nahatak nya ng lalayan ng blouse ng kaibigan sa kabiglaan.
“Yeah, you heard it clear” kumpirma naman nitong tinanggal ang kamay nyang nakakapit sa damit ng kaibigan.
“I told you it was a bad idea, I warned you but you did not lis –”
“Oh please! Just shut up.” Putol nya, ayaw nya ng marinig pa ang pagkakamali nya. “I didn’t know that he would do that! What will I do? Nakakahiya ‘to! What would my parents say?” hopeless niyang tinakpan ang mukha ng kanyang mga kamay. Sya namang paglabas ni Manang Dening.
“Eto nang meryenda mo Yna.” Nakangiti nito sabi kay Yna na inilapag ang tray sa mesa.
“Salamat po.”
“Sige, tutungo muna ako sa loob, tawagin nyo na lamang ako kung may kailangan kayo, hane.” anito atsaka pumasok sa loob. Tumango naman ang kaibigan bilang pag sagot.
“Just relax, it’s not the end of the world bes, lilipas din yan you’ll see.” She said consoling her while sipping her orange juice.
“Relax?? You are telling me to relax?? Samantalang buong madlang pipol ay nakakaalam na ng kagagahan ko? Relax??” histerical nya ng sabi.
“Hey, you’re the one who put yourself in this mess” paninisi nito sa kanya habang kumukuha ng brownie.
Napabuntong hininga sya, totoo naman kasi ang sinabi nito, hindi ito nagkaroon ng pagkukulang sa kanya, sadyang matigas lang talaga ang ulo nya.
“I know.” She sighed looking at the table. “And how I hate my self now!” sisi nya sa sarili. Kung pwede lang lamunin sya ng kinauupuan nya mapawi lang ang nararamdamang kahihiyan.
“What will I do now Yna?” she asked hopelessly.
“Honestly Lou? I don’t know too. Why don’t you just make yourself busy? Mawawala din ang issue na yan.” patuloy sa pagnguya nitong payo.
“You think so?” hindi nya siguradong tanong.
“No.” prangka naman nitong sagot.
“Ano ka ba? Magpapayo ka palpak pa.” Nakanguso nyang sabi.
“Eh kasi naman, your family is well – known here. Maybe it would take years! O kaya naman gumawa ka ulit ng ibang kapalpakan para matakpan ito.” she explained na may kasama pang nang – aasar na advice.
“Sira ka talaga!” nakasimangot nyang sabi.
Malayo pa lang ay natatanaw nya na si Louise mula sa terrace ng bahay dalaga. Nginitian nya ito subalit isang matalim naman na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Kung nakakamamatay lang siguro ang tingin ay bumulagta na sya ngayon. But he still kept on smiling. Naaliw siya sa tuwing nakikita nyang naasar ito.
“Pare nalaman na nya,” si Justine, isa sa mga buddies nya na napansin ang masamang tinging ipinukol ni Louise kay Inigo.
“Malamang, because Yna is with her.” sagot naman ni Drew.
“Kayo naman kasi bro, padalos dalos eh.” sisi nya sa mga kaibigan.
“Actually, to tell you honestly bro, naiinggit kami sayo, imagine Louise Izabelle Caliente may gusto sayo?” inggit na pag – amin ni Justine.
“Ang daming nagkakagusto kay Louise bro, isa na si Justine dun.” nakangiting sabad naman ni Drew na tumingin kay Justine.
“Not a big deal bro.” balewalang sabi nya pero nangingiti ngiti.
“Not a big deal huh? pero kitang kita sa mga ngiti mo.” Justine said while pointing at him.
“Aminin mo na may gusto ka din sa kanya.” pilit na paamin ni Drew.
“Nah, ano ba kayo, syempre naman imagine dami nagkakagusto sa kanya, and of all ako ang gusto nya di ba? Kaya natutuwa lang ako” mahaba nyang paliwanag na hindi rin sigurado sa sinabi.
“Aw c’mon!” hiyaw ni Justine
“Plastic ka din pala bro.” kantiyaw sa kanya ni Drew.
“Wag na kayong maingay we’re here at Nathalie’s place already baka masira pang diskarte ko.” babala nya sa mga kaibigan.
” Oh, seryoso ba yan bro?” tanong sa kanya ni Drew.
“Ang alin?” maang nyang tanong.
“Ikaw, kay Natz?” anitong ang tinutukoy ay si Nathalie.
“Yah, for now.” Nakangiti nyang sagot habang pinipindot ang doorbell.
“Oo nga naman, kelan ba may sineryoso yan.” Sabad naman ni Justine.
“Kunsabagay maganda nga rin naman si Natz, atsaka – ” napasipol ito “sexy.” Drew said with a naughty smile on his lips.
“Loko!” he said smiling.
Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto, isang katulong ang lumabas. Lumapit ito sa gate kung saan sila naroon.
“Ay, Inigo kayo pala. Tuloy kayo.” anitong binuksan ang gate upang patuluyin sila.
“Thanks.”
“Si Natz?” He asked.
“Nasa kwarto, teka at tatawagin ko, maupo muna kayo” Iginiya sila nito sa salas. Maya – maya lang ay lumabas na ang dalaga. She’s wearing a blue tank top and a pink short shorts, showing her long flawless legs. She smiled at them sweetly. Tumayo naman sila bilang pagbati.
“Hey, sit down, hindi ako tulad ng matatanda. Just sit down okey?” She said laughing, na ang ibig sabihin ay ang paggalang ng mga kabataan sa mga nakakatanda. She then smiled again that made her dimples show. They laughed too.
“May gagawin ka ba mamaya?” Inigo ask.
“Hmmm… wala naman.” She said still smiling.
“Bakit? Ano bang meron?” tanong nito na sinamahan na rin silang umupo.
“Yayain sana kitang mag dinner sa Country Farm.” Isa sa mga kilalang restaurant iyon sa kanila sa San Lorenzo. Steak ang specialty doon.
“Really?” She said excitedly. “Sure.” sang – ayon nito.
“Okay, so… I’ll pick you up around… seven?” he said confirming.
“Okay.”
“So, pa’no… we have to go, kasi may ipinagagawa pa sa akin si papa.” paalam niyang tumayo na.
“Oh, okay then.” ani naman nito na bakas sa mukah ang panghihinayang. Tumayo na rin at hinatid sila sa may pintuan.
“Seven.” He said smiling, reminding her.
“Yup, seven” She said confirming. “See you later.”
Malayo – layo na sila nang magsalita si Justine. “Bilib na talaga ako sayo bro, paano mo ba nagagawa ang ganun?” bakas sa mukha nito ang bilib sa kaibigan.
“Ang ano?” tanong nya. Kahit alam nya ang tinutukoy ng kaibigan.
“Alam mo na yun. Nag – mamaang maangan ka pa eh” hirit naman ni Drew.
“Bro, charms ang tawag do’n. inborn na yun dude.” He said laughing. Nagkatinginan naman ang dalawa.
“Ah… Charms!” magka – panabay nitong sabi atsaka tumawa ng malakas.
May dalawang oras palang ang nakakalipas ng makita nya si Louise. He does’nt know why he feels so excited that he might see her at their restaurant. Alam na alam nya na ang pamilya nito ang may – ari ng Country Farm na syang pagdadalhan nya kay Nathalie. At alam na alam din nyang tumutulong ito sa pag manage ng resto na syang dahilan kaya madalas ang dalaga doon. Gusto nyang lubos lubusin na makita ito ng hindi mahahalata ng ninuman dahil alam nyang magiging laman lamang sila ng tsismis at tampulan ng tukso. Nalaman nya kasi mula sa mama nya na after graduation ay sa Manila ito mag – aaral for college, doon din naman sya magpapatuloy ng collegio pero hindi nya alam kung magkikita pa sila doon sa kabila ng pagiging magkaibigan ng magulang nila ay hindi sila naging magkaibigan ni Louise o kahit man lang naka – kwentuhan kahit minsan. At base sa nakita nyang reaksyon nito kanina masama talaga ang loob nito sa nalaman. Hindi naman nya ito masisisi. Everybody was expecting that after the revelation ay mag – uusap sila o kaya’y magkakaigihan. But he does’nt think so.
Nang sabihin ni Drew kanina na may gusto si Justine kay Louise ay nagulat sya ngunit hindi sya nagpahalata. Sa tagal nya na kasing kaibigan si Justine ay ngayon lang nya nalaman kung sino ang gusto nito, kaya pala wala syang nalalamang niligawan man lang nito bukod sa crushes lang na alam nya. Alam nya namang marami talagang nagkakagusto sa dalaga, pero sa tingin nya ay hindi alam nito. Wala kasing may gusto rito na makalapit sa dalaga dahil mataray ito, tingin palang ay minsan nasisindak na ng dalaga. Hindi nya alam kung bakit sa tuwing makikita nya ito ay feeling nya kumpleto na ang araw nya. Siguro nga iba na ang nararamdaman nya para rito. Pero dahil bata pa naman sya siguro naman ay mawawala pa ang nararamdaman nya lalo na at mag – aaral na silang pareho sa Manila, marami pa siyang makikilalang iba.
0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 1"
Post a Comment