SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 02

(Nadinekyut)



NANG mabangga si Adley sa isang magandang babae sa hotel ay naisipan agad niya mag-flirt. Lalo na nang makita niyang may pagnanasa sa kanya ang babae. Pero hindi niya tinuloy. Naisip niya na sawa na siya sa mga ganoong tipo ng babae kaya sa susunod ang hahanapin niyang girlfriend ay iyong iba naman ang personality at isa pa, sa ngayon ay nais muna niyang magpahinga. Napagod siya sa biyahe kaya ayaw muna niyang magpaistorbo.

Nakahiga na siya at malapit na makatulog nang bigla siyang mapabalikwas muli ng bangon. May naisip siya na hindi niya nagustuhan.

Shane, Shanie, Shamille, Shanon, Sharon, Shaline… Matimtim siyang nag-isip ng iba pang pangalan na nagmumula sa ‘Sh’. Shara, Sherra, Shantal… Shit!

Napailing siya at muling nahiga. Nag-alarm siya sa phone at saka pinikit ang mata. Hinayaan niyang ma-relax ang katawan niya.

Inaantok na ako. Saka ko na iisipin kung anong pangalan niya. Malalaman ko naman yun bukas pagdalaw ko sa kanya sa ospital.

Napangiti na lang siya. Naisip niyang wala nga ata talaga siyang kwentang boyfriend, ex-boyfriend, o friend ng ex niya.

UMAGA ang flight niya kaya maaga siyang nagising. Kailangan na niya bumalik ngayon sa Pilipinas dahil may panibago na naman siyang problema. Hindi sa kumpanya o sa mommy niya kundi sa isa sa mga ex niya.

For the seventeenth time, may nabuntis na naman ‘daw’ siya. Sigurado siya na kung totoo lang ang sinasabi ng mga babaeng lumalapit sa kanya at pinapaako ang anak ng mga ito ay mayamang-mayaman na siya sa anak. At mahirap na mahirap na ang bulsa niya. Puro maluluho at mga sosyalerang babae kasi ang nakakarelasyon niya. Paniguradong butas ang pitaka niya oras na maanakan niya ang mga iyon.

Kausap niya kagabi ang kanyang ina at may nagpunta umano sa bahay nila na babae at sinabing siya ang ama ng dinadala nito. Hindi na nabigla ang mommy niya dahil talaga namang napakarami nang babae ang nagpapaako sa kanya sa mga anak ng mga ito. Pero wala pang nagtagumpay sa mga iyon. Maingat siya sa pakikipagtalik at sinisiguro niyang hindi siya makakadisgrasya dahil ayaw niya ng ganoong klaseng sakit ng ulo. Takot siya sa salitang ‘pikot’ kaya hindi siya nagpapabaya pagdating sa ‘proteksyon’.

Ang sabi ng mommy niya ay ito na ang bahala at asikasuhin na lang niya ang trabahong kailangan niyang tapusin. Pero mas gusto niyang siya ang umasikaso niyon. Kahit alam na ng mommy niya ang gagawin nito dahil sanay na nga ito, hindi pa rin niya gustong isipin na matanda na siya pero mommy pa rin niya ang umaayos sa mga gusot niya. Kahit pa hindi na niya magagawa ang pinunta doon. Ni hindi pa siya tumatagal ng bente kwatro oras sa bansang iyon.

May sense of responcibility naman kasi siya. Kahit minsan lang gumana iyon ay at least, gumagana pa rin. At hindi uunlad sa mga kamay niya ang kumpanya nila kung hindi siya magaling pagdating sa negosyo. Nakapagtapos siya ng kolehiyo na magna-cumlaude. Kahit bulakbol siya sa maraming bagay ay alam naman niya kung ano ang mga dapat pahalagahan at seryosohin. Ang sabi ng marami ay perfectionist daw siyang masyado. Para sa kanya ay hindi totoo iyon. Gusto lang niya na lahat ng bagay sa paligid niya ay nasa ayos.

Kauupo pa lang niya sa seat na naka reserve sa kanya ay napatingin agad siya sa katabi niya. Isang magandang babae ang natutulog doon. Hindi makukuha nito ang atensyon niya kung hindi ito maganda. Maganda ang hubog ng katawan nito at mukhang glamurosa.

Kagabi lang ay naisip niya na sawa na siya sa mga ganoong tipo ng babae kaya sa susunod ang hahanapin niyang girlfriend ay iyong iba naman ang personality. Pero hindi niya mapigilan ang humanga sa katabi niya. Naisip niya na kung hindi magbabago ng personality ang babaeng makakarelasyon niya ay siya na lang ang magbabago ng personality. For a change, siya naman ang magkukunwaring ibang klaseng tao. Para magkaroon naman ng thrill ang buhay niya.

Ngunit bago pa siya makagawa ng move ay napasandal na sa balikat niya ang ulo nito. Nang matitigan niya ito ng mabuti ay napansin niyang may kamukha ito. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Nang mag-isip siyang maigi ay naalala niya ang babaeng nakabangga niya nang nagdaang gabi. Ang babaeng kung makatingin sa kanya ay parang gusto siyang gahasain.

Ang sabi niya sa sarili ay hahanapin niya ang hotel room nito, makikipag-flirt dito at pag naghiwalay sila ay tuluyan nang kakalimutan ito, gaya ng lagi niyang ginagawa. Pero hindi natuloy iyon dahil nga kinailangan niya umalis ngayon.

Mabuti na lang at hindi kumakalat sa society na kinabibilangan niya ang tungkol sa pagiging playboy niya. Ipinagpapasalamat din niyang napaka-private niyang tao. Dahil kung hindi ay mapupurnada agad ang plano niyang ‘personality change’. Subalit baka makahalata ito dahil sa pag-uusap nila ng nagdaang gabi. Alam niya na bakas na bakas ang pag-aalala sa tinig niya kagabi. Pero malay ba niya kung napansin iyon ng babae. Mukha ngang mas punagtuunan nito ng pansin ang pagpaplano kung paano siya gagahasain nito kaysa sa pagkakabanggan nila.

Bahagya niyang ginalaw ang balikat niya kung saan nakasandal ang ulo nito. Mahina lamang iyon, sapat lang para gisingin ito. Ayaw naman niya magmukhang bastos o masama ang ugali.

“Excuse me miss, ‘wag mo akong sandalan, pwede?” masungit na wika niya dito.

Iyon ang personality na gusto niyang makita nito. Masungit at tahimik. Medyo mysterious at boring kasama. Ewan niya, pero iyon ang unang pumasok sa isip niya.

Pero laking dismaya niya ng hindi pa rin ito tuluyang nagising. Ngumiti lang ito pero mukhang hindi pa rin nito naiintindihan ang sinasabi niya. Parang gusto na tuloy niya mawalan ng pasensya dito. Mukha siyang tanga o mas tamang sabihin na pareho silang mukhang tanga ng mga sandaling iyon.

Nangangamote ka na chong! wika ng isang bahagi ng utak niya. No! Hindi pwede! Hinding-hindi mangyayari iyan kahit kailan kay ‘Adley The Great’!

Ngunit bago pa siya makapagsalita ay bumanat na ito ng isang malupit na linya na ni sa hinagap ay hindi niya inakalang maririnig dito.

“Hey loverboy! I’m homeless right now, wanna take me home with yah?!” malandi nitong sabi. Kininditan pa siya ito at pilyong nginitian.

“Excuse me?” nalukot namang bigla ang mukha niya dahil sa narinig. ‘Di yata’t kung saan-saang parte pa ng daigdig naglalakbay ang katinuan nito. “Miss, I think you’re still half asleep. Matulog ka na lang ulit pero ‘wag mo na ako sandalan dahil nangangawit na ang balikat ko. Okay?” Sa pagkakataong iyon ay totoo na ang inis na mababakas nito sa boses niya.

Mukha namang bigla itong natauhan. “I’m so sorry. I haven’t had enough sleep last night.”

She gave him a shy smile. Nag-blush ang mga pisngi nito. Ikinatuwa niya iyon, ang cute kasi nito. Mukha itong bata na hindi maintindihan kung anong gagawin matapos mapagalitan. Talagang naaaliw na siya dito. Pero hindi siya maaaring magpahalata. Kailangan niyang panindigan ang pagpapalit niya ng personality.

Sabi na nga ba niya at naglalakad-lakad pa sa kung saan ang utak nito. Pasimple siyang sumilyaap dito upang makita ang mukha nito. Ngayon ay napansin na niyang mukhang na-mesmerize ito sa charm niya. May paghanga siyang nakita sa mga mata nito kahit bahagya lang niya itong nilingon. It was very visible. Pero hindi katulad ng paghangang nakita niya sa mga mata nito ng nagdaang gabi. Iba iyon. Parang iba ang mga mata nito. Hindi niya mawari pero may iba siyang nararamdaman.

Nang magpakilala ito ay nagpakilala din naman siya. Nagulat siya nang malaman na kilala siya nito sa pangalan bilang CEO ng AEC, iilang tao lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagpalit niya sa kanyang ama. Kasalukuyang comatose ang kanyang ama at sinabi niya sa board members ng kumpanya na huwag ipapaalam sa lahat na tuluyan na siyang pumalit sa kanyang ama. Ang alam nang lahat ay nananatili pa rin siyang presidente ng kumpanya.

Kinabahan siya dahil sa ‘disguise’ na ginagawa niya. Pero as usual, hindi na naman niya ipinahalata dito ang nararamdaman niya. Pwede na siguro siyang maging best actor sa FAMAS award dahil sa galing niya umarte. Kahit naman kilala siya nito ay hindi naman pala alam nito ang tungkol sa kanya at sa reputasyon niya sa mga babae.

Ngayon ay alam na niya ang pangalan nito. Ainzley Eriel, a very beautiful name that suites a very beautiful woman. Kagabi pa niya gusto malaman ang pangalan nito. Natuwa siyang makilala ito dahil mukhang jolly ito at mabait. Kinakausap siya nito. Napansin niya na mukhang pinaglihi ito sa manok—putak ng putak. Ang daldal kasi nito. Kahit ipahalata niyang hindi siya interesado sa sinasabi nito ay tuloy-tuloy pa rin ito. Ayaw niya namang bastusin ito kaya sinasagot-sagot na lang niya ito. Pero sinisiguro pa rin niya na makikita nito na matipid siya magsalita. Tahimik na tao siya sa ngayon.

NANG makalabas siya ng airport ay sinalubong agad siya ng driver niya. Dadaan muna siya sa pad niya upang magpahinga sandali at iwan ang mga gamit niya bago siya umuwi sa bahay nila. May mga documents din siyang kailang kunin doon.

Ngunit bago pa siya makaalis ng pad niya ay tumawag na ang kaibigan niya at sinabing nasa airport ito. Kadarating lang nito mula sa California dahil dinalaw nito ang ina nito. Matalik na kaibigan ng mommy niya ang mommy nito. Ayon dito ay may ipinabibigay ang ina nito—na kasalukuyang nasa California—para sa mommy niya. Tutal ay malapit lang naman ang pad niya sa airport kaya sinabi na niya dito na hintayin na lang siya nito doon.

Nang makuha na niya ang kailangan ay nakipagkwentuhan lang siya sandali sa kaibigan. May kailangan pa rin itong asikasuhin kaya nagmamadali na ito. Siya naman ay gusto nang umuwi upang matapos na ang dapat niyang tapusin.

Habang nagmamaneho siya palabas ng airport ay namataan niya si Aiel na nasa isang gilid at mukhang may hinihintay. Ilang oras na rin mula ng dumating ang plane nila kaya malamang ay wala ang sundo nito. Agad na nagdesisyon siyang puntahan ito at yayain itong sumabay sa kanya. Bagay na pinagsisihan niya matapos niyang gawin.

Wrong move iyon. Mababali ang ‘role’ niya. Na-realize lang niya iyon ng makita ang pagkagulat at pagkalito sa mukha nito. Pero sumama naman ito sa kanya at pumayag pa nang yayain niyang kumain sa labas.

Matapos kumain sa resto ay niyaya pa siya mag-coffee nito. Hindi niya iyon tinanggihan. Pero talagang pinanindigan niya ang pagkukunwari niya. Hindi niya ito kinausap at halos ituring niya itong invisible. In a way, hindi siya nahihirapang gawin iyon dahil may iniisip din siya. Para kasing iba ang pakiramdam niya dito. Parang hindi ito ang nakabinggo niya nang nagdaang gabi.

Hindi niya ito matanong. Kanina pa niya gustong banggitin iyon pero hindi niya magawa. Parang alanganin kung sasabihin niya iyon. Habang tinititigan niya ito ay mukha naman talagang ito ang babaeng nakabangga niya. Pero iba talaga ang nararamdaman niya.

DALAWANG buwan ang mabilis na lumipas. Malaking problema ang kinakaharap ni Adley. Sumasakit na ang ulo niya at katawan dahil sa mga nangyayari ngayon.

Ang tanging magandang nangyayari lang ay ang pagiging malapit niya kay Aiel. Naging close sila at naging at-ease siya dito. Hindi na niya gaanong mapanindigan ang pagiging tahimik, masungit at mysterious dito. Unti-unti na lumalabas ang tunay na siya. Wala namang kaso iyon dahil mukhang iniisip lang nito na relaxed na siya dito kaya ganoon na siya.

Masayang kasama si Aiel at natutuwa siya dito. Alam niyang may ibang gusto ito, siguro lang ay hindi pa nito na-re-realize iyon. Mas maigi iyon, hindi siya mahihirapang sabihin dito na naisip niyang hindi niya pala ito mahal ‘di gaya ng sinabi niya. Masaya siyang maging kaibigan ito. Pero hanggang doon lang iyon.

Sa matagal na pinagsamahan nila ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong ma-meet ang pamilya nito. Pero alam niyang may kakambal ito na nagngangalang Aien. Nang banggitin niya ang banggan nila na nangyari sa hotel sa US ay nakumpirma niya na may basehan ang kakaibang pakiramdam niya dito at sa babaeng nakabangga. Kaya pala parang iba ang tingin niya dito kaysa sa babaeng una niyang nasilayan.

Natawa pa siya nang lihim dahil magkakambal na magkakambal talaga ang tingin niya dito. Sukat na parehong nag de-day dreaming ang dalawa nang una niyang nakilala. Parehong wala sa matinong pag-iisip na nakatunghay sa kanya.

Pero oras na maghiwalay na sila ni Aiel ay bumabalik na sa kanya ang mga problema niya. Patong-patong na ang nakabagsak sa balikat niya ngayon. Hindi niya na alam kung paano pa lulusutan ang lahat.

Wala siyang mahanap na butas na hindi niya anak ang dinadala ni Dalia. Dawang buwan na ang nakakaraan mula nang pumunta ito sa kanila at sabihing dinadala nito ang anak niya. Nang mga panahong iyon ay tatlong buwan na itong buntis. Ngayon ay sakanila ito nakatira. Hindi niya magawang pabayaan ito ng basta-basta dahil nang lumipas ang isang linggo at wala siyang maidahilan sa kanyang ina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ay inobliga siya ng kanyang ina na maging responsible sa babae at sa magiging anak nila kung saka-sakali.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 02"

Post a Comment