(Louise)
Country Farm. One of the famous restaurant in their town. Iyon ang isa sa mga business ng kanyang pamilya. It is named Country Farm dahil nasa bungad ito ng kanilang villa, napapaligiran ng mga punong kahoy na animo’y naka – landscape, napapaligiran din ito ng iba’t ibang flowering plants, there’s also a man – made waterfalls on the right side of the restaurant that makes the place cool. It is designed like a big nipa hut. Sa gabi naman ay may mga torch na nakapila sa daraan ng mga sasakyan ng guest ganun din sa entrance nito, that makes the ambiance cozy and romantic.
Kung tutuusin ay ang mommy nya ang nakaisip na itayo sa mismong bungad ng farm nila ang restaurant, tutal naman daw ay sa villa din sila kukuha ng mga meats and other supplies, sayang din naman daw, makikilala pa ang villa sa quality meats nila.
Ngayon, may isang taon pa lang nakatayo ang restaurant nila ay sumikat na ito sa maikling panahon. Dahil na rin sa masarap na luto, lalo na sa specialty nila, and of course, sa ganda ng place. Isa siya sa tumutulong na mag – manage dito sa kagustuhan na rin ng parents nya dahil someday daw ay sya na talaga ang magma – manage nito kaya habang maaga pa’y mainam ng malaman nya ang lahat.
It’s only six – thirty in the evening pero tamad na tamad na syang kumilos. Five o’clock palang kasi ay nagsisimula ng magdatingan ang mga costumer sa resto for early dinner at dahil nga sa kulang ang tao nila ngayon ay pati sya nagte – take na rin ng orders.
“Hey, why the long face?” tanong ni Maya sa kanya ng mapansing wala sya sa mood. Classmate niya ito sa St. Gabriel at isa sa mga close friends nya mula ng mag aral sya sa naturang paaralan.
“Thank God you’re here Maya, atleast may makaka – usap ako at para makapagpahinga na rin.” She said in a relief.
“Don’t tell me you’re already tired. It’s only quarter to seven.” nagtatakang taong nito sa kanya na tinignan pa ang relong pambisig.
“Let’s just say I’m not in a mood today.” She said sitting at the nearest chair beside her.
“You should smile kahit wala ka sa mood noh? You will drive away the costumers.” Sita nito sa kanya ng makitang nakasimangot pa rin. “and for sure Tita Denise will got mad pag nakitang ganyan ang itsura mo.” Patuloy nito na umupo na rin sa tabi nya, na ang tinutukoy ay ang mommy nya.
“What brought you here?” pag – iiba nya ng usapan.
“Well, I’m glad you asked. I’m going to make a reservation for Sunday night kasi darating ang brother ni mommy from Chicago on Saturday at the same time 80th birthday ni lola.” paliwanag nito.
“VIP room ba?” tanong nya.
“No. the whole resto.” Sagot naman nito. “Alam mo naman sila Tito masyadong metikuloso, gusto talaga walang ibang tao.” paliwanag nito.
“Your Tito Carlos?” nakakunot ang noong tanong nya.
“Uhuh…”
“Nakakapagtaka naman yata ang bigla nyang pagdating.” aniya.
“It’s a long story. Anyway…” putol nito na luminga linga sa paligid. “I think you should get back to work my dear.” Sabi nito nang mapansing dumarami na ang customers na pumapasok sa resto. Sinundan din nya ang tingin nito.
“Yeah, don’t tell me aalis ka na?” tanong nya ritong tumayo mula sa pagkaka – upo.
“Not when you treat me for a drink.” anitong nakangiti.
“Sure. What do you like, ice tea?”
“Mango shake nalang.” sagot naman nito.
“Okay.” anyong paalis na sya para tumungo sa may bar nang mapansin nyang pumasok si Inigo at hindi ito nang – iisa! May kasama itong babae na kulang sa tela ang suot. At naakalangkla pa sa lalaki. Napaismid sya. Nananadya pa yata of all places naman dito pa talaga. Dumeretso sya sa bar at nagpanggap na hindi nakita ang dumating.
“Pauleen, one ripe mango shake and a slice of Country Farms’ chocolate cake for Maya, charge it to me.” aniya sa isa sa mga waitress nila.
Bumalik sya ulit sa lamesa nila ng kaibigan. “How many persons ba ang darating?” tanong nya sa kaibigan na nakatingin pala sa direksiyon nila Inigo.
“Mga forty to fifty persons.” Sagot nitong di pa rin inaalis ang tingin sa dalawa.
“Ano bang tinitignan mo dyan?” aniyang sinundan ng tingin ang tinitignan din ng kaibigan.
“Those couple” anitong ininguso ang naka-upong sila Inigo . “Hindi mo ba lalapitan to take their orders?” tanong pa nito sa kanya.
“Akala ko naman kung ano na.” aniyang binalewala ang sinabi ng kaibigan.
“Oy, hindi mo ba lalapitan at kukunin man lang ang order?” untag nito sa kanya ng makitang hindi sya kumilos.
“May lalapit din dyan mamaya.” balewala pa rin nyang sabi.
“Hay naku Louise, I will not tolerate you this time sige na lapitan mo na.” anitong pinanlakihan sya ng mata. Wala syang magawa kundi ang sundin ang kaibigan. Lumapit sya sa mga ito tangan ang dalawang menu folder. Hindi pa sya nakakapagsalita ay maarteng nagreklamo na ang babae. Noon lamang nya nakilala ang babae ng malapitan, si Nathalie pala. Hindi nya ito nakilala agad dahil sa kapal ng make up nito.
“My God! Ganito ba talaga kabagal ang service nyo rito? We’ve been sitting here for hours! Nagugutom na kami!” eksaheradong sabi ng babae.
“Kung gutom ka na umorder ka na huwag ka ng tumalak pa dyan para kang walang pinag – aralan.” aniyang hindi napigilang magsuplada at inabot sa dalawa ang menu.
“At sumagot ka pa kayo na nga itong – “
“Stop it Natz, tutal naman nandito na ang menu, let’s just order and not spoil the night. Okey?” putol – awat dito ni Inigo na binasa ang nasa menu. Sinunod naman ito ni Natz.
“What do you like Natz?” tanong nito sa babae. Matamang nakatingin lang sya sa dalawa bakas sa mukha ang pagka – inip. Tumingin sya sa gawi ni Maya, nakita nya itong kinakain ang Ini – order nya para dito, nakatingin din ito sa kanya at sinsenyasan syang ngumiti. Umiling naman sya.
“Wala akong mapili Inigo, you order for me.” anito pagkatapos ng pagkatagal tagal na pagbasa sa menu.
Ang tagal na binasa ang menu kulang nalang ay I – memorize! Wala rin palang mapipili. Aniya sa sarili hindi maiiwasang tumaas ang kilay.
“Okay, we’ll have t – bones, sautéed vegetables for side dish, and what do you like for dessert?” anitong bumaling kay Natz. Tumingin ulit ang huli sa menu.
“I’ll just have vanilla ice cream.” she said smiling at Inigo.
“Vanilla ice cream then.” he smiled back. “and chocolate pie for me.” He said looking at her. She wrote everything they ordered.
“How about drinks?” she asked. Looking at Inigo.
“Oh, yeah, I forgot.” he said looking at Natz.
“Ikaw kahit ano.” Matamis ang ngiting sagot nito.
“Ice tea nalang.” anito sa kanya.
“Is that all?” tanong nya ulit.
“Yah.” Sagot ni Inigo na nginitian sya. Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Natz ang pagngiti ni Inigo sa kanya.
“What are you waiting for?” mataray nitong sita. Agad syang tumalima dahil baka hindi na niya matantiya ang babae ay masabunutan nya ito sa inis.
Matapos nyang maibigay ang order ng mga ito sa bar ay nakasimangot na dumeretso sya sa lamesa kung saan naroon si Maya.
“O, bakit nakasimangot ka pa rin dyan?” tanong nito sa kanya.“ Ang sabi ko sayo kanina ngumiti ka naman.” patuloy nito.
“E, kasi naman noh, napaka – arte nung babaeng bruha! Akala mo naman napaka – ganda! Napakatagal na binasa ang menu wala naman palang mapipili” irritable pa rin nyang sabi.
“Hindi mo mai – aalis yan sa ibang customers, ganyan talaga kailangan mo lang habaan ang pasensya mo.” Pag – i – eksplika nito sa kanya.
“Sabi mo eh.” She said finishing the topic, pero nakasimangot pa rin.
Kanina pa dumating ang order nila, nangangalahati na nga si Nathalie pero sya nama’y halos hindi nagalaw ang pagkain.
“Hindi ka ba nasasarapan?” tanong ni Natz sa kanya na napunang halos hindi nya galawin ang pagkain.
“Masarap, gutom na kasi ako kanina, dinadahan dahan ko lang baka kasi mabigla ang tiyan ko.” Pagdadahilan naman nya. “Nagselos kaya sya kaya nakasimangot? Malamang.” tanong nya sa sarili na sya rin ang sumagot.
“Oh, I see.”
Marami pang ikini – kwento si Nathalie sa kanya pero kahit yata isa sa mga iyon ay hindi nya naintindihan. Ang tanging laman ng isip nya ay kung ano kayang magiging reaksyon at mararamdaman ni Louise sa nakita nito. Tumingin sya sa kinaroroonan ng dalaga subalit wala na ito roon. May panghihinayang syang naramdaman.
“What do you think?” tanong ni Nathalie na nagpabalik sa kanya sa realisasyon.
“Huh?” kumunot ang noo ni Natz, napuna naman nya iyon. “I think it’s a good idea.” Sagot nalamang nya kahit hindi nya alam ang tinutukoy nito. Nakita nyang lalong nangunot ang noo ni Nathalie.
“You’re not listening, are you?” she said irritably.
“I am.”
“I’m referring to Louise Inigo.” Lalo pa itong naiinis ng malamang hindi pala talaga sya nakikinig dito.
“What about her?” sya naman ang nangunot ang noo.
“Forget it. I don’t even think you know I’m with you.” She got her bag and stand up.
“Wait.” Pigil nito sa dalaga na maagap nyang hinawakan ang kamay. “I was just thinking about the problem at the ranch.” Explain nya dito.
“No. I don’t think so. My God Inigo! You’re with me and you’re still thinking about work?” anitong tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay nito.
“You don’t understand –“
“And I don’t understand you either.” She said angrily and then went out.
“Shit!” naihilamos nya ang kanyang kamay sa mukha. What was he thinking? Kung bakit kasi hindi nya maintindihan kung bakit pumasok nalang sa isip nya si Louise. He then again look at the bar. Pilit na hinanap ng mga mata ang dalaga, ngunit wala ito ro’n, tumingin sya sa lamesang kinauupuan nito kani – kanina lang, ngunit wala din doon ito pati ang babaeng kausap nito. He called the waiter and paid for the bill.
“Bakit hindi yata maipinta ang mukha mo?” kanina pa pala sya tinitignan ng ate nya.
“My date with Natz didn’t go well.” Humithit ng sigarilyo nyang sabi.
“Oh, I see.” Anitong napansin ang malatambutso nyang bibig. “will you stop that!” anitong inagaw ang sigarilyong nasa bibig nya.
“Please Libya” inis na makaawa nya rito.
“Sumusobra ka na Inigo, pumapayag sila papa na mag sigarilyo ka pero hindi ang ganitong para kang tambutso.” Sermon nito na pinatay sa ashtray ang sigarilyo. Napatingin sya sa ashtray, halos mapuno na pala iyon. Sa pagkakatanda nya ay wala pang kalaman laman iyon kanina.
“I’m sorry.” He said dryly.
“What are you really thinking? Was it really your date that spoiled or someone else?” nakapameywang nitong sabi. Matalas ang pakiramdam ni Libya his older sister, ganoon talaga ito.
“No. Just the date.” Pagtatakip nya.
“Kilala na kita, kapag malalim ang iniisip mo para kang tambutso.” She crossed her arms on her chest. “C’mon, care to tell me what is it?” untag nito sa kanya.
“Nothing okay? Don’t worry I’m fine.” Wala syang balak na sabihin dito na kaya nasira ang date nya ay dahil sa kakaisip nya kay Louise. Lalo lamang sya nitong tutuksuhin.
“Oh well, okay. I’ll be at the library in case you need me.” Ani pa nito bago tuluyang umalis. Tango na lamang ang kanyang isinagot.
Kung tutuusin any may ibang restaurant pa syang pwedeng pagdalhan kay Natz, pero ewan ba nya, nang makita nya si Louise sa terrace ng bahay nila ay ang restaurant agad ng mga ito ang naisip nyang pagdalhan kay Natz. “Ano ba naman si Louise? She’s just one of the women who likes me. That’s it!” Hindi na dapat pang pag - aksayahan ng oras para isipin.
She’s dead tired, all she wanted to do right now is to lie down and sleep, pero heto pa sya ngayon at nag – aaccount ng mga napagbentahan.
“Ma’m Louise phone po.” Si Julie ang secretary ng mommy nya.
“Okay.” Bago pa tuluyang umalis ang babae ay tinawag nya muli ito “Sabi ko naman sayo ate huwag mo na akong tawaging ma’m feeling ko tumatanda ako” she said smiling. Ayaw nya kasi ng tinatawag pa syang ma’m feeling nya kasi ay tumatanda sya sa tuwing tatawagin sya ng ma’m ng mga taong much older than her.
“Sige po.” Sagot namnan nito. Tinignan nya muli ito at nginusuan. Tumawa naman ang huli. “Sige.”
“Hello?”
“Louise, ang tagal mo naman yata masyado ngayon, it’s already late.” Her mother in a worried tone.
“Pauwi na ako ma, may tinatapos ko lang ito.”
“Ipapasundo na kita kay Mang Nardo.” Anito na ang tinutukoy ay ang family driver nila.
“Don’t mind ma, dala ko yung kotse, atsaka isa pa patapos na rin ako. I’ll be there, give me fifteen more minutes.” tawad pa nya.
“Okay then, but hurry up okay?”
“Ma, our house is just at the back of the resto only a minute away, don’t be so worried.” aniyang tumawa sa pagiging over protective ng mommy nya.
She’s really tired, pagdating na pagdating sa bahay ay kumain na sya agad at tumungo sa silid upang makapagpahinga. Wala pang tatlong minutong lumalapat ang katawan nya sa kama ay kumatok ang mommy nya.
“Hija? Are you still awake?” tanong nito.
Tamad namang tumayo sya mula sa pagkakahiga upang buksan ang pinto. “What is it ma?” tanong nya ng mabuksan ang pinto at pinatuloy ang ina.
“Naisip naming ng daddy mo na since that your graduation is only three weeks away, hindi ka na muna namin pagbabantayin sa resto.” Her mother said smiling.
“Thanks ma. Akala ko nakalimutan mo na.” She said hugging her mom.
“Makakalimutan ba naman namin yun?” anitong gumanti rin ng yakap. “Anyway you better rest now, maaga ka nanaman bukas” anitong bumitiw na sa kanya. “Goodnight my dear.” Hinalikan sya nito sa noo atsaka tumungo sa pinto.
“Goodnight too mom.”
“I’m sorry, I never meant to hurt you.” Nagsusumamong sabi ni Inigo.
“Aw, c’mon those lines are already been over used!” mataray naman nyang sagot na hindi nakumbinsi sa sinabi nito sa kanya.
“Okey, I have to do it Lou, because I don’t want to hurt you.” He said still begging. “I love you, that’s why.” He continues.
“That’s bullshit Inigo, you’ve already hurt me, so don’t you pretend that you did’nt want to.” Tatalikod pa lamang sya ng muli itong mag salita.
“What can I do for you to believe me?” anitong hinawakan sya sa palapulsuhan at hinatak palapit.
“Ano ba? You don’t have the right to – “ ngunit bago pa nya maituloy ang sasabihin ay bigla nalamang siya nitong siniil ng halik. Nagpumilit syang pumiglas sa pagkakahawak nito sa kanya habang ang isang kamay ay patuloy ang pagsuntok sa dibdib nito subalit sadyang malakas ito, at lalo pang idiniin nito ang mga labi sa kanya. Pakiramdam niya’y nanlambot ang kanyang mga tuhod at mga braso, dahilan upang unti unting humina ang pagsuntok nya sa dibdib nito at huminto sa pagpiglas hindi nya maintindihan kung ano ang nararamdaman. Animo’y may maliliit na kuryenteng kumikiliti sa kanyang bawat himaymay. Napapikit nalamang sya sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Ngayon lamang nya naramdaman ang ganito at hindi nya maipaliwanag kung bakit.
“Louise! Gising na, aba’y ma-le-late ka na nyan, tanghali na.” Gising sa kanya ni Manang Dening.
“Manang…” reklamo nya ritong nagtakip pa ng unan sa mukha.
“Aba’y bata ka, akala ko ba’y may praktis pa kayo? Sige na bangon na” patuloy nitong pag gising sa kanya. Umungol sya tanda ng ayaw na pagbangon. “Five more minutes manang.” Hingi nya pa ng tawad dito.
“Hay naku, O sya, pero pagkatapos ng limang minuto babalikan kita ha? Aba ako naman ang mapapagalitan ng mommy mo nyan eh” anitong pumayag at iniwan sya.
Hindi na sya nakatulog pang muli, panaginip lang pala ang lahat, ngunit pakiramdam nya’y parang totoong totoo ang nangyari. Tumayo sya at tinignan ang relong nasa side table. “Five minutes to seven! Late na ‘ko!” aniyang napasigaw na nagmamadaling tinungo ang banyo.
0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 2"
Post a Comment