(Nadinekyut)
AYAW pa rin maniwala ni Adley na siya ang ama ng dinadala ni Dalia kahit matagal-tagal na ang babae sa kanila. Pero wala siyang magagawa. Kailangan niya ang DNA test ng bata para mapatunayang hindi siya ang ama ng sanggol. Sa kasawiang palad, kailangan pa niyang maghintay ng matagal bago malaman kung sa kanya nga ang bata. Ayaw ni Dalia na ipa-DNA test ang bata hangga’t hindi naipapanganak.
Pabagsak siyang naupo sa couch nila. Pagod siya sa trabaho at nag-OT siya kaya ginabi siya. Mula nang tumira si Dalia sa kanila ay parang ayaw na niya umuwi doon. Pero ayaw naman niyang iwan ang kanyang ina. Batid niyang magtatampo ito kung hindi na siya doon uuwi. Kaya mas nais na niyang magpakakuba sa trabaho o tumanga sa opisina at magpalipas ng oras kaysa umuwi sa bahay.
Nahilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Mahirap pakisamahan si Dalia dahil napaka-moody nito. Noon pa man ay spoiled brat na ito. Konting maling salita o kilos ay nag-iinarte na agad ito. Ang kanyang ina, alam niyang ayaw dito. Hindi nito pinapansin si Dalia kahit minsan ay mukhang eager ang huli na makakwentuhan ang kanyang ina.
Napabuntong-hininga siya. Umakyat siya sa silid niya upang matulog na. Hindi sila sa iisang silid magkasama. Hindi din niya sinasabi dito na gusto niyang pakasalan ito. Nasabi na niya dito na kahit manganak ito ay hindi niya magagawang pakasalan ito dahil hindi niya ito mahal. Malakas ang loob niya magsalita ng ganoon dahil alam niyang mahal siya nito at kahit sabihin niya iyon ay hindi ito aalis sa buhay niya. Hindi ito hihiwalay sa kanya ano man ang gawin niya.
Napag-usapan na rin nila na hindi nito maaaring idawit ang pangalan niya tungkol sa pagbubuntis nito hangga’t walang patunay na anak niya iyon. Iyon ang kondisyon niya dahil ayaw nito magpa-DNA test hangga’t hindi ito nanganganak. Hindi rin maaaring malaman ng kahit sino na nasa bahay niya ito. Hindi niya gustong magulo ang buhay niya dahil dito. Hindi pa rin naman siya sigurado kung siya ang ama ng dinadala nito. At kung feelings lang ang pagbabasehan, malabong-malabo.
“DADDY, sure po bakayo? Kasi baka pumalpak ako. Ilang taon na ako dito sa farm,” kinakabahang wika ni Aien sa kanyang ama.
Kasalukuyan silang nasa private office ng kanyang ama sa kumpanyang binubuo, pinalago, pinaghirapan at minahal nito. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang couch na kaharap ang center table. Sa kabilang panig ng center table ay isa pang couch na katulad ng inuupuan nila. Sa magkabilang dulo niyon ay may single-seater sofa. Isang mini-sala sa gitna ng opisina na mismong ina nila ang nag-desighn at namili ng furnitures.
Ang Shane’s Heart Corp ay isang jewelry company. Bukod sa marami itong chains of jewelry stores, it also creates, desighns and distributes jewelries hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo. Obviously, madly inlove na ang daddy niya sa mommy niya noong itinayo nito ang kumpanya. Mahilig ang kanilang ina sa mga magagandang jewelries. Hindi ito mahilig magsuot, mahilig lang ito mangolekta at tumingin ng naggagandahang alahas. Hindi din nito maintindihan ang sarili nito kung bakit gustong-gusto nitong tumitingin pero ayaw naman magsuot ng mga jewelries.
Napakalaking bagay para sa kanilang ama ang kumpanya. Iyon ang bumuhay, nagpaaral at nagbigay ng pangangailan nilang magkakapatid bago pa man mapunta ang hacienda sa kanilang ina. Iyon ang bagay na magpapatunay ng pagmamahal ng kanilang ama para sa kanilang mga anak nito at siyempre pa, sa asawa nito. Dugo at pawis ang binuhos ng kanyang ama mapalago at mapatatag lang ang kumpanya.
Nahinto lang sa pagtatrabaho ang kanilang ama mula nang ipamana sa kanyang ina ang hacienda na pag-aari ng lolo niya which was a year before she graduated collage. Pinilit ito ng kanilang ina na sa hacienda tumira upang matutukan ang pagpapatakbo niyon. Gusto rin ng kanilang ina na ang mga ito ang mag-alaga sa lolo at lola nila.
Sinabi na lamang nito na ipagkakatiwala muna nito sa pinakamatalik na kaibigan nito ang kumpanya. Minungkahi ng kanyang kuya na ito na lang muna ang mamahala ng kumpanya kaysa ibang tao, pero hindi sumang-ayon ang kanilang ama. Ang sabi nito ay sandali lang na ibang tao ang mamahala niyon dahil oras na itakda na nito ang magmamana ng kumpanya ay agad na sasanayin at hahasain ang kakayahan ng tagapagmana nito at saka hahawakan ng kunsino mang iyon ang kumpanya.
“Aien, alam kong kakayanin mo iyan. Bibigyan kita ng sapat na training. Bibigyan din kita ng sapat na panahon hanggang sa kayanin mo na mag-isa ang pamamahala dito. Gagabayan kita sa lahat hangga’t sa tingin mo ay hindi mo pa kakayaning mag-isa,” marahang wika ng kanyang ama na nagpabalik sa naglalakbay ng isip niya.
Tiningnan siya nito ng masuyo. Nais niyang maiyak dahil habang tinitignan niya ang mga mata nito, hindi man siya yakap nito sa mga bisig nito ay nararamdaman niya ang pagmamahal mula sa mga titig na iyon. Nararamdaman niya ang pag-ko-comfort nito sa kanya sa pamamagitan ng pagtitig nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naisip niyang abutin ang kamay nito at panatagin ang isip sa pamamagitan ng paghugot ng lakas ng loob mula dito. The moment he noticed her reaching for his hand, he reached for hers too. It felt great holding her father’s hand. Naramdaman niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya.
“It will be fine, sweetheart. Daddy would never leave you. I promise,” mahinang wika nito.
Hindi na niya napigilan ang mapasubsob sa matipunong dibdib nito. Umiyak siya at nilabas ang hinanakit niya dito. Sa loob ng maraming taon, kahit nararamdaman niya ang pagmamahal nito ay nangulila pa rin siya sa mga yakap at maglalambing nito na ibinibigay nito sa mga kapatid niya. She may be tough but sometimes, she still needs someone who’ll protect her and assure her that no matter what happens to her, she has someone she could turn to. At ang mga magulang lamang ang gusto niya, walang iba.
“I’m sorry, sweetheart. Patawarin mo si daddy kung hindi niya naipapakita sa ‘yo ang pagmamahal niya. Ayoko kasi na matulad ka sa mga kapatid mo. May pagkairesponsable, maluho, spoiled at pabaya. Alam ko kasing kasalanan ko kung bakit sila ganoon, at ayokong maging katulad ka sa kanila. I want the best for you, sweetheart. Gusto ko lang na maging iba ka sa kanila. I’m really sorry.”
“I understand dad. Nararamdaman ko namang mahal mo ako kahit hindi mo ipinapakita eh. Minsan lang talaga, hinahanap-hanap ko rin yung paglalambing na nakikita kong ginagawa mo sa kanila.”
“I’m really sorry. Hindi ko alam na nagiging ganoon na pala ako kasama sa ‘yo. Pero totoo ang sinabi mo, mahal kita anak. I’m very proud of you. To the point na halos wala na akong bukang bibig kundi ikaw. Lahat na lang ng makakausap ko, ipagmamalaki kita. Hangga’t masisingit ko ang pangalan mo sa usapan ay isisingit ko. Dahil talagang proud ako sa ‘yo. Proud ako na naging anak kita.”
“Thanks dad, and I love you too. For me, you’re still the best dad in the world and no one and nothing could ever change that.”
Ang totoong pinangangambahan niya ay ang kuya niya. Nakatapos din ito ng BSBA at malaki ang paghahangad nito na mapasakamay ang kumpanya. Pinagtrabaho ito ng kanilang ama sa kumpanya pero nagsimula ito sa mababang posisyon. Ang sabi ng kanilang ama, kung gusto nitong makarating sa mataas na posisyon ay dapat nito iyong paghirapan.
Ilang taon na sa kumpanya ang kuya niya pero isang beses pa lang ito na-promote. Tapos siya ngayon ay nag-te-training for company CEO. Siguradong maghihisterya ang kuya niya pag nalaman nito iyon. Nangangahulugan na pinaboran siya ng kanilang ama. Na sa kanya mapupunta ang kumpanya.
“ADLEY, kita tayo? Ipapakilala ko sa ‘yo si Calvin and Precious, nabanggit ko na siya sa ‘yo diba? Saka yung boyfriend ko, si Rave. Free kayong lahat kaya sasamantalahin ko na para ipakilala kayo sa isa’t-isa.”
Napangiti siya sa sinabi ni Aiel. Bakas na bakas ang tuwa sa tinig nito nang mabanggit ang nobyo nito. Bago pa man nito sagutin ang boyfriend nito ay naamin na niya rito ang totoong siya. Hindi na niya magawang itago iyon dahil naging sobrang close na sila. Parang magkapatid na ang turingan nila. Nakilala na nito ang kanyang ina at nagkasundo naman ang dalawa. Naging maayos ang pagtanggap ni Aiel sa ‘kalokohan’ na ginawa niya dahil masyado daw itong masayahin para magalit sa maliit na kasalanang nagawa niya.
“Okay. Saan ba tayo magkikita?”
“Sa mall.” Sinabi nito ang oras at eksaktong lugar.
Pagkababa ng telepono ay bumalik ang isip niya sa problema niya. Kabuwanan na ni Dalia at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaalam-alam kung saan hahantong ang kalokohang iyon. Hindi siya interesado sa batang dinadala nito, hindi lang dahil sa ayaw niya magpatali kundi dahil talagang wala siyang nararamdaman para sa pinagbubuntis nito.
“AIEN, bilisan mo! Nandito na si Rave!” sigaw ni Aiel mula sa sala.
“Ito na. Sandali lang.” Papunta sila ng mall dahil may ipapakilala umano ito sa kanya.
Paglabas niya ng silid ay dire-diretso siya sa sala. Pero bigla siyang napatalikod ng makita ang magkasintahan. Hindi niya malaman kung maiinis o matatawa sa mga ito. Naghahalikan habang nakakandong s Aiel kay Rave at naglalakbay ang kamay ni Rave sa hita at dibdib ng kambal niya.
“Hoy! Ano ba kayo? Naeeskandalo ako sa ginagawa nyo!” sita niya sa mga ito habang nakatalikod pa rin.
“Naman ‘to! Kaninang pinagmamadali kita ang tagal mo, ngayong gusto kong magtagal ka bigla kang dumating! Wala ka talagang magandang timing!” wika naman ni Aiel na bahagya pang natawa.
“Aba naman! Akala ko pa paghihintayin mo pa si Rave? Ano yang ginagawa nyo? Hindi siya mukhang naghihintay!”
“Inggit ka lang! Palibhasa walang humahalik sa ‘yo kundi baka, kalabaw at kabayo,” natatawang kantsaw nito sa kanya.
“Che! Wala sa bukabolaryo ko ang pumatol sa pets ‘no!” natawa na rin siya at humarap sa mga ito. “Ate least desente akong tao. Walang nakakakita sa akin pag ginagawa namin ng mga ex ko ang ganyan.”
“Ilusyonada ka talaga! ‘Mga ex’ ka diyan, eh hindi ka pa nagkaka-boyfriend buong buhay mo!” Tumawa naman ang magkasintahan na aliw na aliw sa pang-aasar sa kanya. “Mas desente ako! At least lalaki ang kinakabayo ko, ikaw kalabaw.” At napakalakas ng halakhak ng bruha.
Pasakan ko kaya ito ng ulo ng kalabaw sa bunganga. “Ang sama mo! Anong klaseng kapatid ka?”
Tumawa lang ito at siya ay napangiti. Si Rave ay tawa rin ng tawa.
Nang makarating sa mall ay naghihintay na doon ang mga kasama nila na sina Precious at Calvin, ang mag-asawang kaibigan nito na lagi nitong kinukwento. Pagkatapos nila magkakila-kilala ay naghintay pa sila sa meeting place nila dahil may hindi pa daw dumarating.
At sa paghihintay nila ay may nasilayan siyang kaaya-ayang tanawin. Isang papalapit na napakagandang tanawin. Napatulala na lang siya dito kasabay ng pagkakaalala na ito ang lalaking—hindi, dyos ng kagwapuhan—na nakabangga niya sa hotel sa US.
HABANG naglalakad papalapit si Adley sa mga kakatagpuin niya ay natutok ang mata niya sa isang babaeng nakatulala sa kanya. sigurado siyang si Aien iyon. Ganoon na ganoon ang paraan ng magtitig nito sa kanya noon nang una niya itong nakita. Hindi niya maintindihan ang sarili. Parang bigla siyang natuwa nang makita niya ito. Parang kay gaan ng pakiramdam niya at nawala lahat ng problemang dinadala niya sa dibdib nang masilayan ang kagandahan nito.
“Hoy Adley! Matunaw si Aien ha!” napapiksi siya nang tapikin ni Aiel ang balikat niya.
Pinakilala siya nito sa mga kasama nito. Hinuli nitong ipakilala sa kanya ang kakambal nito. Sigurado siyang sinadya nito iyon dahil nakikita niyang may interes sila sa isa’t-isa. Halata rin kasi iyon dito.
“Saan tayo ngayon Aiel? Ililibre n‘yo ba kami ng sine?” tanong nito kila Aiel at Rave.
“Libre ka diyan! Mas mayaman ka sa akin bruha! Napakakuripot mo talaga.” Nagtawanan sila sa kantaw ni Aiel.
“Sige guys, movie tayo ngayon. Kahit ako ang taya. Showing na ang Taken,” wika niya matapos ang pag-iingay ng magkakambal.
“Teka! Ako ang nagyaya ng sine. Ako ang mamimili ng palabas,” reklamo ni Aien.
Aba, aba! Humihirit kang bata ka!
“Pero maganda yung Taken kaysa sa mga chick-flick movies. Mas masarap panoorin sa sine ang mga ganoong movie.”
“Ayoko ng ganoong movie. Gusto ko yung Confessions Of A Shopaholic.”
Ngee! Gusto mo bang ibabad kita sa kumukulong tubig? Ayoko n’on!
“Pang girly-girl naman ang mga ganoong palabas. Nakakaboring manood no’n sa sine. Mas maganda ang Taken.”
“Pero ako ang nagsabi na magsine tayo! Ako ang dapat mamili ng panonoorin!”
Demanding ka ha! Masyado kang bossy! Gusto mo ikaw ang masusunod. Pwes, hindi pwede sa akin yan! Nunca na pumayag akong pangunahan mo!
“Eh hindi naman maganda yung gusto mo panoorin!”
Mukhang inis na inis na ito. Siya man ay naaasar na. Napakamakasarili pala nito. Gustong ito ang mamili ng movie kahit ito lang ang mag-e-enjoy sa panonoorin.
Ihagis kaya kita sa kumunoy! Kulit mo ah! Ang liit-liit mo, ang tapang-tapang mo!
Hindi naman sa ungentleman siya. Feel lang niya magpaka-isip bata ngayon kaya nakikipag-away siya sa isang pang isip bata.
0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 03"
Post a Comment