(Calla)
NAGLALAKAD-LAKAD lang sila sa gilid ng baybayin. Hindi nila namalayan ang pagdaan ng oras. Magtatakip-silim na kaya nagganyak siyang umuwi na sila.
“Just a minute more,” hiling nito. “Besides, Henrik will pick us up,” ani Justin.
Namilog ang ulo niya sa narinig at napatingin sa kaharap. “We can hire a taxi. We don’t have to bother him.” mabilis na sabi niya.
“Aw, you knew him, Margarette. Nothing really bothers him.” sagot nitong ngumiti.
Nadagdagan ang kaba niya sa dibdib. She just can’t be inside that car with Justin and Henrik. It’s too much! Hindi pa man siya nakakasakay, pakiramdam niya’y nasu-suffocate na siya.
“I’m taking a taxi,” mariin niyang sabi saka tinalikuran ito ngunit mabilis siyang nahawakan ng binata.
“What’s wrong?” takang-tanong nito.
“This,” aniyang diniinan ang bawat salita. “is wrong.” Umiiling-iling siya. “If it wasn’t for Rhoda, I won’t be here Justin. Dahil hindi pa ako handang makaharap ka. Dahil natatakot akong makitang nasasaktan ka pa rin. Dahil paulit-ulit kong kinamumuhian ang sarili ko sa tuwing nakikita kong nahihirapan ka ng dahil sa akin.”
“Margarette, you don’t have to feel guilty, okay? Hindi mo kasalanan kung hindi mo na ako kayang mahalin kagaya ng dati.”
“Oh, please, Justin…” Kinagat niya ang labi para mapigil ang luha. “Just stop this. Stop being nice to me. Stop hurting yourself! Stop loving me!”
“I’m sorry, Margarette…” Lumarawan sa mata nito ang pait. And Marga felt the lash of pain she struck again in his heart. He still calls her Margarette like it was some form of endearment even when he’s hurting. Humugot ito ng malalim na hininga. “I know it’s wrong. It’s wrong for me to see you again because I’ll end up hurting myself. Then I’ll be hurting you… And then I’ll hurt myself even more. But I can’t help it…Hindi ko kayang hindi pagbigyan ang sarili kong masilayan kang muli dahil wala akong ibang ginusto kundi makapiling ka.”
Tuluyan nang nanulay ang luha sa mga pisngi niya. She hated herself even more. Pagod na siya. Kung maaari lang niyang ibalik ang lahat sa dat’y gagawin niya. Kung pwede lang hawakan niya ang sariling puso at utusan itong mahalin ang binatang nasa harapan niya ngayon ay gagawin niya. Pagod na siyang makita itong nasasaktan. Pagod na siyang magmahal sa taong hindi naman siya kayang mahalin. Pero bakit wala siyang magawa?
“Just stop loving me…” pakiusap niya.
Mapait itong ngumiti. “Believe me… I tried.”
Sinapo niya ng dalawang palad ang mukha at doon umiyak. Naramdaman niyang niyakap siya nito.
“I’m not asking you to love me now. Please stop crying. I’ve stopped wanting to love you already that moment you rejected my proposal. I don’t want to love you… but I couldn’t help myself. I love you still. ”
Itinulak niya ito palayo. “Just stop. Stop loving me…” mariing sabi niya habang patuloy ang pagpatak ng luha.
“I just can’t…” Namasa ang mga mata nito. “You’re asking for suicide, Margarette.” halos bulong na sabi nito.
Nanginig ang buong katawan niya sa narinig. “Don’t you dare say that!” she shrieked. Pinukpok niya ang dibdib nito. “Don’t you ever say that again!”
Niyakap siya nito ng mahigpit. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang higpit.
“Sshh..” alo ni Justin. Tuluyan nang nanikip ang dibdib niya sa nakikita sa dating kasintahan. Bawat luhang pumapatak sa mata nito’y tila parusa sa kanya. “I’m just saying.”
“Don’t! Don’t!” impit na hikbi nito patuloy ang pagpadyak.
“I’m not suicidal, Margarette,” malakas na sabi niya na ikinatigil ng pagpadyak nito. Ngunit patuloy ang paghikbi. Hinagod niya ang likod nito. He wanted to kiss her so bad but he knew she’d freak out if he did. “You really should,” he swallowed hard to clear his throat. “stop acting like you care. Stop hurting for me. Because as long as you do, I’d keep on falling for you.”
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.
“Shut up!” anito sa pagitan ng hikbi. “How can you say these things to me? Nakikita mo ba ako Justin? Tao ako, hindi ako bato! How can I not care?!” Hinampas nito ang dibdib niya. “I’m asking you,” tinitigan siya nito ng matiim. “to live your life without me. To finally let me go. Because I’ve let you go a long long time ago.”
Humugot siya ng malalim na hininga saka marahas na ibinuga iyon. He already heard that from her. And it felt like the first time she said those words to him. The pain was too great he can’t almost bear it. How can he explain to her that letting her go meant dying? He used to do all impossible things for her. But this time he failed. Hindi niya kayang hindi ito mahalin. Paano ba niya maipapaliwanag dito na may mga bagay na sadyang hindi niya kayang gawin? Margarette is his life. How can he possibly live without her?
“I’ve loved you, Justin. Mahal kita pero-”
“Pero hindi sapat…” pagtatapos niya sa sinasabi nito. “This is my way of healing, Marga. Kailangan kong masaktan. Kailangan kong magising sa katotohanang hindi mo ako kayang mahalin. You don’t have to feel guilty because I chose this. I chose to get hurt. If you stop caring about how I feel, then maybe, I’ll start moving on.”
Umiiling-iling ito. “That’s unfair… Unfair…”
“All is fair in love and war,” aniyang pilit na ngumiti.
“Hypocrite!” anito sa pagitan ng ngipin. Patuloy ang pag-agos ng luha. “Ngumingiti ka pa rin kahit nasasaktan ka na. Pilit mo akong pinapatawa para makalimutan kong ako ang dahilan ng paghihirap mo. That is unfair, Justin!”
“It’s just fair. You are suffering, too… Kahit na hindi mo sabihin sa akin, nararamdaman kong may nagmamay-ari ng puso mo. At ang nararamdaman mo ang dahilan kung bakit hindi ka masaya. If I see you happy, maybe then, I can finally let you go. Ngunit sa ngayon, gusto ko pa ring patuloy na umasa. If the path towards your heart means walking through hell, I don’t mind getting burned.”
Lalong namalisbis ang luha. Tinangka niyang pahirin ang mga luha nito ngunit umiwas ito sa kanya.
“We are over, Justin. There’s no more us. Mahalaga ka pa rin sa akin pero hindi na kita mahal. Gusto mong malaman kung anong makapagpapasaya sa akin? You, living your life. Falling in love with the right one. Letting me go. You have to love somebody worth your love. Dahil kailanman hindi ako magiging karapat-dapat sa pag-ibig mo. Don’t wait for the time I’ll get tired caring for you, Justin… because you’ll end up hating me so much.”
“It’s never gonna happen…” ani Justin. Hindi mangyayaring kamuhian niya ang dalaga. He tried that already. It didn’t work. Why can’t she just let him love her?
“Kung hindi mo kayang lumayo sa akin… ako ang lalayo sa’yo,” mahinang usal nito. Hindi na siya nagulat sa narinig. Hindi na rin siya nagulat sa sakit na bumalot sa buong pagkatao niya.Tumango siya kahit puno ng pagtutol ang dibdib.
May pumaradang sasakyan na pamilyar sa kanila. Kasunod noon ang pagbusina. Kapwa sila napatingin.
“Let’s go. Our driver’s here,” aniyang pilit ngumiti. Gusto pa niyang makapiling ng matagal ang dalaga ngunit nakikita niyang pagod na itong marinig ang anumang sasabihin niya. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito. Dagli nitong pinahid ang luha at kinalma ang sarili.
Nang tumingin ito sa kanya’y nakikinita niya ang kagustuhan nitong tumakas. Kumunot ang noo niya sa ikinikilos ng dating kasintahan.
“Come on, Margarette,” anyaya niya. Napabuntong-hininga ito at napilitang sumunod sa kanya.
Pinagbuksan niya ito ng pinto. Yuko ang ulong pumasok ito sa sasakyan saka hindi na umimik. Ni hindi nito tinapunan ng tingin si Henrik. Sa backseat sila sumakay. Nagkatinginan silang magpinsan sa rearview mirror. Nakakaunawa itong tiningnan siya. Tinapik niya ito sa balikat.
“Thanks, bro.”
“Next destination?” tanong nito.
“Back to the hotel.”aniya.
Umangat ang tingin ng dalaga sa kanya.
“Rhoda’s bridal shower is tomorrow, remember? So all the girls are staying at the hotel tonight.”
Natampal nito ang ulo sa narinig. “I haven’t packed my things!” anito.
“I thought you planned this whole event,” sabad ni Henrik na naiiling. “Rhoda packed your things already.
Umikot ang mga mata nito. “I need to check. Baka may nakalimutan siya. I’m sure may nakalimutan siya. I need to bring my-”
“Mosquito net?” sapaw niya’t nanunuksong tinitigan ang dating kasintahan. Tumawa si Henrik.
“Seriously?” ani Henrik na napatingin kay Marga.
Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga. Kasabay noon ang pagkurot nito sa tagiliran niya. Tumawa siya. Ngunit pagak iyon. Dahil sa sandaling iyon binalot ng matinding sakit at paninibugho ang dibdib. Marga just blushed. And it wasn’t because of him. He knew it wasn’t because of him. Pakiramdam niya’y sasabog siya anumang oras.
Calm down… aniya sa sarili.
Bakit ngayon lang niya napansin? Lihim niyang pinagmasdan ang dalaga. Nakayuko ang ulo nito. Nakahawak ang isang kamay sa braso niya. Tila nangangailangan ng kakampi. He knew her for so long that he can almost read her mind. She’s guarding herself… from Henrik.
“Drop me at the hotel,” aniya. Takang napatingin sa kanya ang dalawa. “I forgot about Mom. May usapan kaming magkikita ngayon. If you could accompany Marga to her apartment. I’ll meet you at the lobby later.”
Tumango ang binatang nagmamaneho. “Tita must be mad you chose to stay at the hotel,” anito.
Kumibit-balikat siya. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkapit ng katabi sa braso niya.
“Something wrong?” tanong niya rito.
“N-Nothing.” anito saka muling yumuko.
Ilang sandali pa’y dumating na sila sa hotel. Dagli siyang umibis sa sasakyan. “I’ll see you later!” dagli siyang tumalikod at hindi na nilingon pa ang mga ito. Marahas na hinagod niya ang buhok saka sinimulang tumakbo patungo sa suite room.
Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit na hindi niya alam kung saan nanggaling. May kung anong nakaharang sa dibdib niyang kailangan niyang ilabas. He is burning in pain. Nanginginig ang mga daliri niyang binuksan ang silid saka mabilis na hinatak ang drawer sa gilid ng kama. Kaagad niyang nakita ang hinahanap. Napatitig siya ng saglit sa makintab at matulis na dulo niyon. He should use this in case of emergency. He shouldn’t…
Pumasok sa balintataw niya ang mukha ng dating kasintahan. At unti-unting nabigyan ng linaw ang lahat ng katanungan sa isipan niya. Ang pangingimi nito, ang pamimilog ng mata, ang pamumula ng pisngi, ang pagngiti at pagbunghalit ng tawa na nangyayari sa tuwing magkakasama silang tatlo ng pinsan niya. It was Henrik all along. Ang tagal niyang naging tanga! Mabilis niyang kinuha iyon at itinusok sa maliit na bote. Nang makita niyang umakyat ang likido’y itinaas niya ang manggas ng polong suot at itinusok ang karayom sa balat niya. Naramdaman niya ang pagdaloy ng likido mula sa karayom papunta sa loob ng katawan niya. Nakaramdam siya ng hapdi nang binunot niya iyon.
Ipinilig niya ang ulo. Nang hindi niya makayanan ang damdaming lumulukob sa kanya’y binuhat niya ang bedside table at ubod lakas na itinapon iyon sa salaming nakadikit sa dingding. Lumikha ng ingay ang ang pagkabasag niyon pero wala siyang pakialam. Lalong sumidhi ang galit sa dibdib niya’t lahat ng bagay na naagapan nga kamay niya’y hinahagis niya kung saan. Lahat ng nakaharang sa daraanan niya’y buong lakas niyang sinisipa. Hanggang sa maramdaman niya ang kahungkagan na kumakain sa pagkatao niya. Tila nanghihinang napasandal siya sa gilid ng kama. Unti-unting kumalma ang pakiramdam niya. Naging pantay ang bawat paghinga. Suddenly, he felt weightless. Like a spirit wandering freely…
Ipinikit niya ang mga mata. He can’t feel anything. His senses were suddenly cut-off. All feelings are gone except one– he felt deliriously happy. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Today is the happiest moment in his life.
0 comments: on "Half Crazy – Chapter 3"
Post a Comment