(Louise)
“Maganda yata ang gising mo ngayon?” nakangiting puna sa kanya ni Alfonso, his dad. He just smiled and sat down with him at their breakfast nook.
“Where’s mama and Libya? He asked, na hindi pinansin ang napuna ng ama sa kanya.
“They left early, don’t you remember na luluwas sila ngayon patungong Maynila?” anitong ibinaba ang dyaryong binabasa at uminom ng kape.
“Oh, yah I forgot, sayang naman at hindi ko sila naabutan.” May panghihinayang nyang sabi.
“So, bakit iba yata ang gising mo ngayon?” ulit nito sa kanya. Mukhang hindi sya nito titigilan hangga’t hindi nya ito sinasagot.
“Just had a very wonderful dream.” He answered with a smile.
“Care to tell me?”
“Nah, sa’kin nalang yun pa.” he said tapping his dad’s shoulder.
“Anyway, Nathalie just called, so call her back.” Anitong tumayo na.
“Finished already?”
“Uhuh..” sang-ayon nito. “I have to be at the ranch early darating si Edmundo.” Patuloy nito na ang tinutukoy ay ang ama ni Louise. “Don’t forget to call Nathalie back.” Muling paalala nito bago tuluyang tumalilis.
Nang matapos ang ensayo nila para sa graduation march ay agad siyang tumungo kay Nathalie. Tinawagan niya ang babae agad matapos siyang makapag- almusal. Humingi ito ng tawad sa inasal nito sa date nila, kaya naman napagkasunduan nilang muling kumain sa labas matapos ang ensayo. Akala niya’y tuluyan ng magagalit sa kanya ang babae, kung tutuusin naman kasi ay siya ang may kasalanan kung bakit nagalit ito. And he’s going to make it up this time.
“So where are we going to eat this time?” Ngiting ngiting tanong ni Nathalie.
“I can’t tell you. It’s a surprise.” He smiled back and held her hand.
“Please don’t tell me na sa Country Farm nanaman ha?” anitong kumunot ang noo. Natawa sya.
“Of course not!” he said assuring her.
Sa Friedo’s nya dadalhin si Nathalie alam nyang magugustuhan nito ang lugar.
“Lou!” malakas na tawag sa kanya ni Lester isa sa mga kaklase nya. Tumatakbo itong humabol sa kanya habang patuloy naman sya sa paglakad. Nakakunot ang noong nilingon nya ito, nagtataka sa biglaang paglapit sa kanya ng lalaki na kung tutuusin ay hindi nga niya naging kaibigan.
“Pauwi ka na ba?” nakangiting tanong nito.
“Obvious ba?” mataray naman niyang pambabara dito. “Bakit?” balik tanong nya.
“Ahmm.. pwede ka bang maihatid?” alanganing tanong nito.
Lalo namang nangunot ang noo niya sa buong pagtataka. Tama ba ang narinig niya? Isa sa crush ng campus gusto siyang ihatid?
“Why?” nakataas ang kilay niyang tanong. Napakamot ito sa batok.
“I just wanted to make sure that you’re safe.”
“Wanted to –“ bago pa niya maituloy ang sasabihin ay siniko siya ni Maya na noon lamang nya napansin. Sumenyas ito sa kanya sa pamamagitan ng mga mata, atsaka bumaling ito kay Lester at ngumiti.
“Hi” bati nito. “Friend, I’m sorry hindi kita maisasabay ngayon, may pinadadaanan pa kasi si lola sa akin, I hope it’s okay, tutal ihahatid ka naman ni Lester, so I think there’ll be no problem.” Anitong kinindatan ang lalaki. Isang di sumasang – ayon na tingin ang ipinukol niya sa kaibigan, ngunit balewala itong ngumiti lang atsaka nag paalam.
“So, is it okey?” tanong muli nito.
She smiled back. Binenta na sya ng kaibigan, may magagawa pa ba sya? Ayaw naman nyang mag commute dahil siguradong mahihirapan siya to think na uwian na at dahil paniguradong punong puno ang mga jeeps at buses. Hindi rin nya dinala ang sasakyan ng dahil sa usapan nila ni Maya na magsasabay sila. Napabuntonghininga siya.
“Okay.” Sang – ayon nalamang nya.
Kunsabagay, Lester is a very good looking man, galing ito sa kilalang pamilya sa syudad. Isang magandang pagkakataon na rin nya ito upang makilala ng husto ang lalaki.
“So, how do you find the place?” tanong nya kay Nathalie na inikot din ng mga mata ang kabuuan ng restaurant.
“It’s nice.” Tipid naman nitong sagot na animo’y pilit na ngumiti. Napansin naman agad niya iyon.
“Don’t you like it here?” tanong nya rito.
“No, I like it.” anitong ngumiti sa kanya kasabay ng pag angkla.
“If you like it here, maybe you’ll like it here better” aniyang iginiya ang babae paakyat sa second floor ng naturang restaurant.
“Wow!” tanging nasabi ng babae sa kamanghaan. Even he was really amazed by the place. Mula sa kinatatayuan nila ay hindi ka mag – aakalang makikita mo sa ang buong bayan ng San Isidro na mistulang mga maliliit na alitaptap ang mga sindi ng ilaw ng bawat kabahayan. At sa kaliwang bahagi naman nito ay matatanaw ang isang malawak na palayan, ang daan patungong syudad at ang mga ilaw ng poste. Wala sana syang balak na dalhin sa lugar na iyon si Natz dahil isa lang ang babaeng nais nyang madala roon. Si Louise, ngunit alam nyang imposible pa iyon.
Matapos ang dinner ay hinatid nya na agad ang babae, muli nyang nadaanan ang bahay nila Louise ng sya ay pabalik. Nangunot ang noo nya ng makitang bumaba ito mula sa isang sasakyan ang isang lalaki at pinagbuksan pa ng pinto si ang dalaga. “And who the hell is he?” nagsasalubong ang kilay nyang nasabi na binagalan ang pagmamaneho. Paglampas sa bahay ng babae ay inihimpil niya ang sasakyan at minasid mula sa di kalayuanang dalawa.
“Thank you for joining me for dinner.” Lester said smiling.
“No, I should be the one to thank you” aniyang pabirong hinampas ang lalaki sa braso. Tumawa naman ito.
“Pati ba naman ito pagdedebatehan natin?” he said still laughing.
“Do you wanna come in?” anyaya nya rito.
“No. Some other time nalang siguro.” Tanggi nito. “Anyway, it’s getting late.” paalala nito. He looked at her eyes and held her hand. “Honestly, I really enjoyed the evening being with you. Thank you.” anitong ngumiti.
Hindi nya alam kung anong mararamdaman, she’s very flattered and happy as well. Ikaw ba naman ay ihatid ng isa sa mga crush ng campus na hindi mo aakalaining papansinin ka, dahil kung tututusin ay hindi naman siya popular sa paaralang pinapasukan, she can’t even say she’s pretty.
“Thank you too.” Pasasalamat nya rito.
“I’ll see you tomorrow.” anito bago sumakay. She just smiled at hinintay na makaalis ang lalaki bago tuluyang pumasok sa loob.
“Is he her boyfriend?” tanong nya sa sarili ng makitang umalis na ang lalaki at pumasok na si Louise. “What am I doing? Shit!” usal nya sa sarili ng mahalata ang ginagawa nya.
Matagal na syang nakahiga ngunit hindi pa rin sya makatulog. Bumangon sya at tinungo ang couch na katabi ng bintana he just sat there and close his eyes. Muling bumalik sa balitataw nya ang nakita kanina. Louise was still wearing her uniform at ganun din ang lalaking naghatid dito, at base sa unipormeng suot nito ay sa St. Gabriel din pumapasok ang lalaki. Mukhang may sinabi ang pamilya nito dahil sa ang pinagbasehan niya ay ang dalang CR–V nito na nasa pinakabagong modelo. He sigh “What am I doing? And why am I thinking about her?” iyon at iyon lamang ang nasa isip nya hanggang sa tuluyan na syang nakatulog.
Mula ng makita niya ang dalaga ng gabing iyong hanggang sa natapos na ang graduation ay hindi nya na ito muling nakita. Maaga daw itong tumungo sa Manila para sa paghahanap ng dormitory ayon kay Libya iyon daw ang narining nito ng minsang magkwentuhan ang parents nila. Well, he never expect to see her again even if they were both here in Manila it’s almost been two years since he last saw her with that guy. Isa pa, he is commited right now, so why would he still think of her? Naputol ang pag – mumuni – muni nya ng mag – ring ang phone.
“Pare, just to remind you. After class ha? Sa Josephine’s.” ang tinutukoy ng kaibigan ay ang kainan na malapit sa kanilang pinapasukan. Magkikita kasi ito at ang girlfriend nito at naisipang ipakilala din sya.
“Mamaya na ba yun?” tanong nya, nakalimutan nya kasi ang tungkol dito.
“Pare, don’t tell me na may lakad kayo ni Joyce?” anitong may hinampo ang tinig.
“Well, meron sana but… don’t worry I’ll just cancel it, di naman iyon importante eh.” aniyang binalewala ang lakad.
“Baka naman indyanin mo nanaman yun ha?” paalala nito sa kanya. Hindi lang kasi isang beses nya iyong nagawa sa babae. Sa tuwing may biglaan syang date ay ito agad ang ikakansela nya.
“Don’t worry about it Hans, you know how well I can handle her.” Nagmamalaki nyang sabi dito. “I’ll see you then. Just text me okay?”
“Sige. Ingat ka baka bumuga na ng apoy yun.” Hans said laughing.
“Don’t worry.” He said laughing too. “Bye.” Atsaka binaba na ng awditibo.
Kanina pa sya nakukulitan kay Mykee isa ito sa mga naging kaibigan nya mula ng mag – aral sya dito sa Manila. Ayaw sya nitong tantanan hangga’t hindi sya pumapayag na samahan itong makipagkita sa boyfriend nito.
“Hindi ka ba makakapuntang mag – isa?” naiinis nyang sabi. “Mykee, ang dami pa nating assignments, unahin na muna natin yun bukas ka nalang makipagkita, promise sasamahan kita.”
“Sige na Lou, please….” Anitong nagsusumamo. “Hindi kita titigilan kahit abutin tayo dito ng gabi.” Dugtong pa nito na hindi bumibitaw sa kanya. Ang hindi nya maintindihan sa kaibigan ay kung bakit hindi ito lagi makalakad ng mag – isa. Hindi naman sya yaya para laging samahan ito sa lahat ng oras, ayaw na ayaw pa man din nyang nagiging chaperone. Isang malalim na buntong – hininga muna ang pinakawalan nya.
“O sige na nga. Pero sandali lang tayo.” aniyang pumayag na din.
“Thanks.”
May thirty minutes na silang naghihintay pero wala pa rin ang girlfriend ng kaibigan. Bakas na sa mukha nya ang pagkainip. Maya – maya pa’y may pumasok na pamilyar sa kanya ang mukha. Ang kasama nman nito’y palinga – linga na tila may hinahanap. Napatingin ito sa direksyon nila, nakangiti itong kumaway. Napatingin sya kay Hans at nakita rin nyang kumaway din ito.
“What took you so long?” anitong binati ang girlfrieind at hinalikan sa pisngi.
“Hindi ko kasi makumbinsi itong si Lou –“ napatingin ito sa kanya.
“Hon, si Inigo nga pala.” Pakilala nito sa kanya.
“Hi!” bati nya na panandaliang tinignan si Mykee. Atsaka bumaling ng tingin kay Louise. Titig na titig sya sa dalaga, hindi sya makapaniwalang ito nga ang nasa harapan nya ngayon. Kapuna – puna rito ang ilang pagbabago kumpara ng huli nya itong makita. “Louise Caliente?” aniyang kunwa’y ngayon lang nakilala ang dalaga.
“Magkakilala kayo?” halos magkapanabay na tanong ng kaibigan at ni Mykee.
He smiled at them and again looked at her. “It’s been almost two years since I last saw you.” aniyang dasal lang niya’y sana nakalimutan na nito ang nangyari dati.
“Ang kapal talaga. Feeling close, as if naman naging friends kami.” aniya sa loob loob na pilit na ngumiti rito. “Yah.” tipid nyang sagot atsaka matamis na ngumiti
“What a coincidence! You see Lou, if it were’nt for me you should’nt have met your friend.” may kaartehang sabi ni Mykee.
Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o maiinis sa muling pakikita nila ni Inigo, small world nga naman talaga, kaibigan pa ng boyfriend ni Mykee si Inigo. Palihim nya itong sinusulyap sulyapan habang sila’y kumakain, at nahuhuli nya ang panaka – nakang pagnakaw nito ng tingin sa kanya. May kung anong kilig naman syang naramdaman na hindi na malaman kung bakit.
“Lou, thank you talaga sa pagsama mo sa akin. Anyway, Hans and I are going to watch a movie. If it’s okey –“
“Don’t worry ‘bout me, kaya ko namang umuwing mag – isa” putol nya sa sasabihin ng kaibigan. “Isa pa, kailangan ko na ring umuwi marami pa akong gagawin.” pagpapaalam nya sa mga ito.
“Ihahatid na kita, kung okey lang.” singit naman ni Inigo sa usapan nila.
“Oo nga, para masiguro naming safe kang naka – uwi.” segunda naman ni Hans sa sinabi ng kaibigan nito.
Bakas naman sa mukha nya ang di pagsang – ayon. Na nahalata naman agad ni Mykee.
“Sige na Lou, total kasalanan ko rin naman kung bakit ginabi ka na.” ang akala pa man din nya ay tutulungan sya nitong humindi sa alok ni Inigo iyon pala’y isa pa ito sa mga magpapasubo sa kanya.
“Ahmm… okey.” sang – ayon nalang nya upang hindi mapahiya ang mga ito.
Malapit na sila sa dormitory, pero hindi pa rin sila nag-iimikan. Parehas na nagpapakiramdaman sa bawat isa. Ngayon lamang sya natameme ng ganito, samantalang sa ibang babae naman ay madali syang nakakapagbukas ng usapan. Pero sa pagakakataong ito, hindi nya alam kung saan magsisimula.
“Ah… Kumusta na sila Tita Denise?”aniyang walang maisip na ibang tatanungin.
“They’re doing fine.” matipid nito sagot sa kanya.
“I see. Malapit nanaman ang sem – break, kelan mo balak umuwi?” nag – aalangang tanong nya.
“I don’t know, depende.”
“Depende? Saan?” curious nyang tanong dito.
“Andito na tayo.” She said, na noon lang napansin ni Inigo na nasa tapat na pala sila ng dormitory nito.
“Can I see you again?” he hesitately asked looking at her eyes. She also looked straight at him, na animo’y binabasa nito ang nasa sa loob nya.
“Bakit?” she asked stupidly. Na noon lang na – realized ang sinabi nya.
He smiled. Naaaliw sya sa tuwing nakikita nya ang reaksyon nitong tila ba may maling sinabi.
“Bakit ka natatawa?” pagalit nitong sabi na pinipigil ang mapangiti.
“You looked cute.” Sagot naman nito na ngiting – ngiti. “Anyway, I’ll see you again, even if you don’t want to.” desidido nitong sabi, bago tuluyang umalis.
Naiwan naman syang nag – iisip sa sinabi nito. Nabobobo na yata sya, pati ang simpleng sinabi nito ay hindi nya maintindihan o sadyang ayaw nya talagang intindihin. Ah, ewan! Whatever it is, she’ll just find out when she gets there.
“How dare you! Pinag mukha mo akong tanga sa kakahintay! Sana man lang ay sinabi mo sa akin na hindi tayo matutuloy para hindi na ako naghintay!” galit na galit na salubong sa kanya ni Joyce, his very demanding girlfriend.
“I’m sorry.” ang tangi nyang nasabi dito.
“I’m sorry? Is that all you can say? Sorry?”she hissed.
“Okey then. If you don’t want my sorry wala na akong magagawa dyan.” aniyang tinalikuran ito.
“Inigo! Inigo!” galit na tawag nito sa kanya. “May karma ka rin, you’ll see!”
He doesn’t care anumang sabihin sa kanya ni Joyce. He’s done playing with her, Sa ngayon ay isang babae lamang ang laman ng kanyang isip, at yun ay walang iba kung hindi si Louise. She looked much more prettier than before, lalo itong naging blooming kaya’t sigurado syang tiyak na maraming nanliligaw dito. Bigla naman syang nainis sa naisip.
Maaga pa’y nasa Josephine’s na sya, napag – alaman nya kasi na dito madalas kumain ang dalaga at ang mga kaibigan nito ayon kay Hans. Desidido syang makipaglapit sa dalaga, hindi nya alam kung anong mangyayari pero basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay makasama ito.
Maya – maya lang ay dumating na ang hinihintay nya. May kasama ito na agad naman nyang namukhaan, si Mykee. Naupo ito sa bandang harapan, napaisip tuloy syang bigla kung kakausapin ito o hindi na, pero hindi na syang maaring umurong ngayon, at hindi nya maintindihan ang kabang pumapaloob sa kanya, isang buntonghinga ang kanyang pinakawalan. Finally he stood up at lakas loob na lumapit sa dalawa.
Napansin naman agad sya ng mga ito palapit palang. “Hey, Inigo. Sino kasama mo? si Hans?” tanong nitong sumilip silip pa sa likod nya.
“He’s still in class.” Maiksi nyang sagot atsaka bumaling kay Louise.
“Hi! ahmm… can I sit with you guys?” anitong ngiting ngiti. Mataman naman syang tinignan ni Louise.
“Sure!” nakangiti namang sagot ni Mykee na umurong pa upang bigyan ito ng espasyo. “Ahmm…” nagpapalit palit ito ng tingin sa kanya at kay Louise. Nanatili namang “dedma” ang dalaga. “Matagal na pala kayong magkakilala. Saan naman kayo nag – meet?” usisa nito.
“Our families were friends.”sagot naman nya rito.
“Oh, really?” amazed nitong turan na tinignan si Louise. “She never told me ‘bout that.” She then again look at him.
“Because there’s nothing to tell.” She answered dryly. “Are we going to eat or what?” pagtataray nya.
Hanggang sa dumating ang in – order nila ay walang gustong magsalita bawat isa sa kanila ay nagpapakiramdaman. Panay ang sulyap ng kaibigan sa kanila ni Inigo. Ang huli nama’y nahuhuli nya ang lihim nitong pasulyap din sa kanya.
“Lou, Inigo, I have to go na, kasi biglang nag – text sa akin yung groupmate ko may emergency meeting kami.” Paalam nito sa kanila. Hindi nya alam kung sadyang nananadya ito o talagang pinagkakaisahan lang talaga sya ng mga ito.
“Pero – “
“Sige. I’ll see you later.” anito and then kissed her cheek. “See you around Inigo.” paalam nito atsaka nagmamadaling umalis.
“So, how are you?”
“I’m doing great. As if naman ang tagal nating hindi nagkita samantalang noong isang araw lang ay hinatid mo pa ko.” She said sarcastically.
“Alam mo bang hanggang ngayon ay napakasungit mo pa rin.” He looked at her eyes intently.
“So, why waste your time on me?” pambabara nya rito na sinalubong ang mga mata nito.
“’Cause until now you’re still very pretty and until now you look even more prettier sa tuwing nagtataray ka.” His eyes never left hers as if he was reading what she’s feeling. Nagyuko sya ng ulo, hindi nya na matagalan pa ang mga titig nito. Pakiramdam nya’y tumatagos iyon sa buong pagkatao nya. Pero kailangan nyang paglabanan ang nararamdaman, muli nyang sinariwa sa isip ang ginawa nitong kahihiyan sa kanya. Noon pinagmukha sya nitong tangang naghahabol dito, at ngayon ay ito naman ang naghahabol sa kanya. Hindi nya alam kung ano ang tunay nitong pakay sa pero isa lang ang nasisiguro nya, pinaglalaruan sya nito. And if that what he wants, he will surely get it. He started the game, well then, she’ll finish it for him.
0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 3"
Post a Comment