(Nadinekyut)
ANG totoo ay hindi Confessions Of A Shopaholic ang gusto panoorin ni Aien. Sinabi lang niya iyon kay Adley dahil binanggit nito ang tungkol sa chick-flick movie. Ang gusto niya ay The Happening. Inis na inis siya dito dahil inaaway siya nito. Siya ang nag-suggest na manonood ng movie pero nanguna-nguna ito sa pagpili ng panonoorin nila. Tapos lalaitin pa nito ang choice of movies ni Aien at ng maraming kababaihan sa mundong ibabaw..
Kainis! Ang sarap mong balatan ng buhay, asinan, iprito sa kumukulong mantika at ipakain sa mga pating!
Sa huli ay isang comedy film na lamang ang pinanood nila. Upang mapahinto sila sa pagtatalo ay si Aiel na ang nag-decide ng panonoorin. Umawat na ang lahat ng kasama nila dahil halos magsigawan na sila. Inis na inis naman siya dahil sa nangyari. Napahiya pa siya sa harap ng maraming tao, baka isipin ng mga iyon ay war freak siya.
Nang makarating sa bilihan ng tickets ay nag-offer siya na siya ang magbabayad ng tickets at nag-offer din si Adley. Ang pag-offer nila nang sabay ay humantong na naman sa mahabang pagtatalo hanggang sa magbayad na si Rave at hilahin sila papasok sa sinehan. Pagkatapos manood ng sine ay nagdesisyon silang kumain muna bago maglibot sa mall. Nagtalo na naman sila ni Adley kung saan kakain. Pati ang pagbabayad sa kinain nila ay pinagtalunan nila.
Inis na inis siya dito. Napaka-manipulative nito. Gusto nito na ito ang laging nasusunod. Akala nito kung sino itong umasta. Ayaw na ayaw niya ng ganoon. Napaka-independent niyang tao kaya gumagawa siya ng sariling pasya. Ayaw niya ng pinangungunahan siya at minamanipula. Daddy lang niya ang nakakawaga niyon sa kanya.
Binabawi ko na ang sinabi ko noon! Hindi ako inlove! Love ko siyang chop-chopin, isako, at itapon sa payatas river!
TAMA ang hinala niya na matapang nga si Aien. Napaka-bossy nito. Nakakainis ang kayabangan nito. Marami silang lalaki lalo na at kasama pa ang boyfriend ng kapatid nito pero ang hilig nito mag-offer ng pera. Nakakainis din ang pangunguna nito. Palagi itong sigurado sa kung anong gusto nito. At kapag ginusto nito ay ine-expect agad nito na ito ang masusunod.
Ang sama ng ugali ng punggok na iyon! Ang sarap pagpira-pirasuhin ng katawan at itapon sa ilog!
Dismayadong-dismayado siya. Akala pa naman niya ay magiging magkaibigan sila nito gaya ng pagkakaibigan nila ni Aiel. Mukha pa namang mabait ito. Maganda ito at matalino pero hindi niya type ang ugali nito. Napipikon siya dito. Para tuloy lumabas siyang bastos at walang galang sa babae.
Naiinis siya dahil nagawa nitong ilabas ang isang parte ng pagkatao niya na hindi niya masta-basta pinakikita sa iba. Ang matapang at palaaway na side niya. Ganoon talaga siya pag pikon na pikon sa kaharap. Hindi niya naiiwasang magtaas ng boses. Minsan lang nangyayari iyon sa kanya dahil mahaba ang pasensya niya. Pero sa babaing ito, nawawala ang lahat ng pagtitimpi niya.
AS soon as Dalia gave birth, pina-DNA agad niya ang sanggol. Laking pagkagimbal niya nang malamang sa kanya ang batang niluwal nito. Limang beses niya pinaulit ang DNA test sa iba’t-ibang ospital pero iisa ang naging resulta. Positive. Siya ang ama ng bata.
And as expected, naging impyerno ang buhay niya nang ilabas nila ang bata sa ospital at iuwi sa bahay. Hindi naman mabigat ang loob niya sa sanggol pero mabigat na mabigat ang loob niya sa ina nito. Napakapabaya ni Dalia. Ayaw nito mag-breast feed kahit iyon ang in-advice ng doktor na pinaka masusyansya. Ayaw umano nito masira ang figure nito.
Wala itong pakialam kung hindi sila magpakasal, pero nais nito na sustentohan niya ito. Sa bahay pa rin nila ito nakatira at pero palagi itong umaalis. As soon as she recovered from giving birth, nagsimula na agad ito magbulakbol. Hindi nito inaasikaso ang kanilang anak at tanging ang kanyang ina lang ang nag-aalaga sa bata.
His dad recovered from comatose a month before Dalia gave birth. Pero hindi muna ito pinagtrabaho ng doktor. Hindi niya alam kung paano sinabi ng kanyang ina dito ang tungkol kay Allie Athens Evans—ang kanyang anak. Basta nang umuwi ito mula sa ospital ay alam na nito ang tungkol doon.
HABANG nasa opisna ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isa nilang sister companya. Ang Shane’s Heart Corporation o SHC at pag-aari ng pamilya nila Aiel na si Aien na ngayon ang humahawak. Nabalitaan niya iyon kailan lang mula kay Aiel mismo.
“Yes? How may I help you Miss Rodriguez?” tanong niya matapos ang batian.
“We need your help about some certain things Mr. Evans,” panimula nito.
Wow men! Boses pa lang, ulam na!
Sinabi nito ang lahat ng kailangan nitong ipaliwanag. Mabagal ang pag-e-explain nito, marahil ay upang maintindihan niya iyong mabuti. Pero kakaunti lang ang pumasok sa kukote niya. Dahil sa buong panahong kausap niya ito ay wala siyang ibang inisip kundi: what would she sound like when I make love to her.
Perv! Sex starve maniac ka ba? Focus men!
“Okay, okay. Miss Rodriguez, mas makakabuti siguro kung magkita na lang tayo—” Naputol ang sinasabi niya nang mabilis itong nag-react.
“Hindi ako pwede ngayon Mr. Evans. Hindi pwedeng basta-basta ka na lang makikipagkita sa akin ano mang oras mo gustuhin,” bakas ang inis sa tinig nito.
Tinuloy niya ang sasabihin. “Magkita na lang tayo pag may free time ka. Kausapin mo ang secretary ko tungkol sa sched ko.” Iyon lang at binaba na niya ang telepono.
Napapangiti siya dahil sa ugali nito. Ayaw na ayaw nito ng minamanipula. Marahil ang ama lang nito ang nakakagawa niyon dito. Ang sabi kasi ni Aiel ay masunurin ito sa ama ng mga ito. Pero siguradong hindi ito submissive sa ibang tao. May sariling desisyon at prinisipyo ito.
Somehow, he liked it. Natutuwa siyang malaman na may sariling isip ito at magagawa nitong tumayo sa sariling mga paa nito.
“SIR, ipapaalala ko lang po yung dinner meeting n‘yo with Miss Rodriguez of SHC,” anang secretary niya matapos ibigay ang mga papeles na kailangan niya pirmahan.
“Oo nga pala, ngayon ‘yon. Thanks for reminding me, Chelle,” Nginitian niya ang napaka-efficient niyang secretary.
Matapos ang lahat ng trabaho niya ay naghanda na siya sa pag-alis sa opisina. Sa isang restaurant na pinili ni Aien sila magkikita. She chose the time, place, and day. Ano pa ba ang magagawa ng secretary niya kundi um-oo na lang sa dalaga?
Nang makarating siya ay wala pa si Aien. He’s fifteen minutes early. He ordered for both of them and instructed the waiter to serve the food when his date arrived. Gusto niyang isipin na date nga iyon. Kahit alam niyang hindi naman talaga. Alam niyang maaasar si Aien pag nalaman nito na iniisip niyang date iyon.
Maya-maya pa ay nakita niyang papasok ang dalaga. Lalaglag ang panga niya nang masilayan ang kabuuan nito. Isang pulang bestida na hindi umaabot sa tuhod ang suot niyon. Ang tela ay humahakab sa katawan nito, showing all her curves at the right places. Sleeveless iyon na may kababaan ang neckline. Pulang srappy high-heeled step-in ang suot nito sa paa.
Mas na-emphasize ng damit nito ang pagiging sexy nito. Walang panama ang models sa ganda ng hubog ng katawan nito. Ang kutis nito at lalong gumanda dahil sa kulay ng damit nito. Maputi na ito pero lalong pumuti ito dahil doon. The straps of her shoes made her feet look cuter. Walang nailpolish, manipis ang make-up at simple ang pagkakalugay ng mahabang buhok. And my! She has perfect hegs!
Nang makalapit ito sa kanya ay hindi pa rin siya natinag sa pagkakatitig dito. Nakatunghay siya dito na parang batang nakakita ng diyosa. Well, nakakakita talaga siya ng dyosa ngayon. She looks like a goddess of beauty.
“Mr. Evans. Good evening.”
Doon lang siya nagbalik sa tamang pag-iisip. Napansin niya ang pilit na ngiti nito. Marahil ay naiilang ito sa pagtitig niya.
AS soon as Aiel laid eyes on Adley, she got mesmerized. Batid niyang biglang bumagal ang lakad niya. Nakatitig ito sa kanya na puno ng paghanga. Hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. His eyes full of admiration, passion and desire. Kinilabutan siya sa nakikita niya sa mga mata nito.
Siya man ay napatitig dito. Wala talagang kasing-gwapo ito. Ano man ang isuot nito ay bagay dito. Kahit casual na attire gaya ng una niya itong nakita sa US o formal clothes gaya ng suot nito ngayon. He look dashing. So undeniably handsome.
Parang nanginginig ang katawan niya nang makalapit ito sa kanya. Walang ginawa ito kundi tumitig sa kanya. Naiilang siya at naiinis sa sarili at the same time. Hindi kasi niya mapigilang hangaan ang gandang lalaki nito. Para siyang na-hypnotize nang makita ang paghanga sa mata nito. Biglang tumaas ang self confidence niya. Bugla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na isiping bagay talaga sa kaya ang ayos niya. Kanina kasi ay pakiramdam niya, ang sagwa niyang tignan.
Nang makaupo siya ay may lumapit agad na waiter at nag-serve ng pagkain sa kanila. Masamang tingin ang pinukol niya sa binata. Nakatuon ang atensyon nito sa mga pagkaing hinahanda ng waiter kaya hindi agad siya nito napansin. Nang makita nito ang masamang tingin niya dito at luminga-linga muna ito bago ituro ang sarili.
“What? Ano na namang ginawa ko?” painosenteng tanong nito.
“Hindi mo man lang ba naisip na baka may gusto akong kainin na hindi mo alam?” Though lahat ng in-order nito ay ang mga gusto niya talagang kainin sa restaurant na iyon, hindi pa rin siya papayag na basta na lang ito magdedesisyon at gagawa ng bagay para sa kanya nang hindi man lang siya kunokonsulta. Nakakainis na para siyang pinangungunahan nito.
“Okay, sorry. Nainip kasi ako kanina kaya namili na ako ng pagkain at um-order na ako.” He really don’t look sorry at all. He look amused or something. At lalong kumulo ang dugo niya dahil doon.
“Sa susunod, huwag ka gumawa ng bagay na hindi ko naman pinagagawa kahit para sa akin at sa ikabubuti ko Mr. Evans,” inis na sikma niya dito.
“Ano ba ang kinakagalit mo? Napakaliit na bagay lang nito,” nakangiti pa rin ito at mkhang aliw na aliw sa kanya.
“Hangga’t kaya kong gawin ang isang bagay ay ginagawa ko. Take note, mag-isa at hindi humihingi ng tulong sa iba. Naiintindihan mo ba? Ayoko ng pinangungunahan ako.”
“Hindi naman kita pinangungunahan. Ang akin lang—”
“Tigilan mo na ang pagdadahilan!” Inis na inis na talaga siya. “Napipikon na ako sa ‘yo!” Isaksak ko kaya sa ngalangala mo ‘yang plato! “Ayoko ng may nagdedesisyon para sa akin. Kaya kong magdesisyon gamit ang sarili kong utak. Alam ko kung anong gusto ko at dapat kong gawin. Ayoko ng may nakikialam sa akin. Loner ako! Gusto ko ako lang mag-isa! Kaya anti-social ako! You hear me!” Laking pasasalamat niya na kahit galit na galit siya ay napanatili niyang mababa ang tinig niya.
Nakangiti pa rin itong nang tumango at nanahimik na lang. Sinimulan nito ang pagkain at sumabay na siya. Sa steak niya ibinuhos ang lahat ng galit niya dito. Kumalma naman siya kahit kaunti dahil sa sarap ng pagkain. At tuluyang nawala ang galit niya nang manatili itong tahimik habang kumakain sila. Pinagpasalamat niya iyon dahil wala siyang masasabing maganda dito oras na hindi siya tigilan nito sa pangangatuwiran.
Baluktot naman ang katuwiran! Ang sarap ituhog sa kawayan at iihaw! Ang sarap tustahin sa apoy! Grrr… Bakit ba may mga taong pinanganak sa mundo para maging peste pagtanda!
Parang bulang naglaho ang lahat ng magagtandang ilusyon niya dito. Nawala ang attraction niya at napalitan ng pagngingitngit. Kung legal lang kumatay ng tao at nakatay na niya ito. Inis na inis siya dito. Hindi matanggap ng brain cells niya na may taong tulad nito. Pakialamero, makulit at nakakaasar!
Nang matapos silang kumain ay sinimulan na rin niyang sabihin dito ang mga dapat niyang sabihin. They discussed businedd while they ate. And after that, personal informations naman tungkol sa isa’t-isa ang pinag-usapan nila. Hindi niya malaman kung paano napunta sa personal na buhay nila ang usapan, basta namalayan na lang niya na magaan na ang usapan nila.
Nalaman niya na ang ama niting si Mr. John Alfious Evans ay kakalabas lang ng ospital nang nakaraang buwan. Ang ina nito na si Mrs. Nadia Evans ay nagretiro sa trabaho nang maaksidente ang asawa. Ayon dito, kasalukuyan pa ring nagpapahinga ang ama nito. Hindi daw pinayagan ng doktor na magtrabaho agad ang ama nito matapos ang pagka-comatose nito nang ilang buwan.
Nasabi naman niya dito ang pagtira niya sa farm Ang matagal na pamamahala niya doon bago siya papuntahin ng maynila ng kanyang ama. Ang bahay niya ay ang ama niya ang bumili. Malapit-lapit iyon sa opisina. Ang kotse niya at lahat ng meron siya ay galing sa kanyang ama. Ang ipon niya ay ayaw ipagalaw sa kanya ng kanyang ama.
Nang magtagal ang pag-uusap nila ay naging magaan ang pakiramdam niya dito. Hindi naman pala ito kasinsama ng iniisip niya. Okay naman ito kausap. Malibas sa mahilig ito manguna sa mga desisyon ay ikay naman ito maging kaibigan. Magiliw ito at maloko. Masaya itong kasama. All in all, she’ll rate him seven in scale of one to ten.
Pwede maging prospect fafa ito! Chumuchorva! Napangiti siya sa naisip.
0 comments: on "Aien's Romance - Chapter 04"
Post a Comment